Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing - Chapter Four



 “So anong nagyari sa mission namin sa’yo?” tanong agad ni Tomomi habang naglalakad silang magkakaibigan palabas ng villa kung saan nila dinaos ang indoor photoshoot. 

               “May nakita ka ng ebidensya?” usisa ni Camille.

                “Senyales?” segunda ni Belle.

               “Sintomas?” hirit ni Maylee.

                Alanganng ngiti ang ibinigay niya sa mga ito. Masyado nga siguro siyang naging pre-occupied ng sweetness ni Vlad kaya nakalimutan niyang may ganong  usapan nga pala silang magkakaibigan. “Confirmed!” sambit niya sabay bawi ng ngiting may confidence.

                “Confirmed? Gay ang kapatid ko?”

                Pabirong sinabunutan niya si   Tomomi. “Hindi! Confirmed na mali ang hinala nyo. Wala siyang sintomas, wala siyang senyales. Nilasing ko na siya’t lahat, wala. Tinanong ko siya habang lasing siya,  wala rin akong nakuhang  info na pwedeng magpatotoo sa accusations nyo. Tunay siyang lalaki.”  She remembered everything between her and Vlad for the past few days. Nangibabaw sa kanyang alaala ang sweet quick kiss na binigay nito sa kanya at huling date nila  noong nakaraang gabi.  Tawagin na siyang baliw pero madalas talaga, hindi niya nakikita ang gay image nito. Mas mangingibabaw pa rin ang pagiging real man nito sa paningin niya. Wala sa oras na napangiti siya at nag-blushed.


                “Aruuu! Kinikilig pa ang lola. Saan umabot ang pag-reminisce ng past?” tudyo ni Belle.

                “May bed scene?” hirit ni Camille.

                Doon lang siya natauhan. “Wala. Kayo talaga ang dudumi ng isip nyo. Hindi ako easy girl, imposible  pa sa ngayon ang bed scene na yan.”

                “Sa ngayon? So pwede na sa susunod?”  nakamulagat na tanong ni Maylee.
              
  “Kaloka kayo!”

                “So if and if, pwede nga?” tanong ni Tomomi na tila hindi pa rin convinced sa pagsisinungaling niya tungkol sa preference ni Vlad.

                Natigilan siya. If and if, mangyari nga kaya? “Sa takdang panahon yan!”


               They all laughed.

                “Pero sure ka talagang hindi vaklesh ang kapatid ko?” tanong pa ulit ni Tomomi.

                “Hindi nga. In fact,  nagkaroon na kami ng second date and for sure marami pa.” Kilig na kilig na hinarap niya ang mga kaibigan. “Nagsabi siya na gusto niya akong ligawan.” Amusement covered their faces. “At…”  Sadya niyang ibinitin ang sasabihin para pilitin siya ng mga ito.

                “At?” Korong tanong ng mga ito.

                “At….” She turned and started walking again with a mischievous smile on her lips.

                “At ano nga?” koro pa ring tanong ng mga ito.

                Binalingan niya uli ang mga ito. “He gave me a sweet kiss.”

                Shock was the first reaction of her friends. Okay lang yon dahil iyon din naman ang naging reaction niya nang maganap ang kilig moment na yon.

                “OMG! Ang landey!” Korong sambit ng mga ito na ikinatawa nilang lahat.

                “Hindi no? Ang ganda ko lang! That’s it!”

                “So kayo na?” tanong ni Maylee.

                “Nope. Too early for that. We’re getting to know each other a little too well!” pakantang hirit niya.

                “Ang landey talaga!” korong komento ng mga ito.

                “Girls, hayaan nyo na ako. This is my moment, my final test! Akalain nyo, above all the girls and gays na gumapang sa lusak para lang mapansin niya in and out of Keithan Apparels, ang kagandahan ko ang nagwagi! Partida pa iyan, wala pa akong masyadong pang-aakit na ginagawa. Nagpa-cute lang ako.”

                 “Kung saan ka masaya, Amhiela doon kami,” sambit ni Camille na sinang-ayunan ng lahat.

                Tuloy pa rin ang kwentuhan nila nang mapansin nila ang ibang models at staff ng Keithan Apparels na puro kababaihan at feeling kababaihan na tila may pinagkakaguluhan. Nakigulo na rin sila. Nagulat siya at napamulagat sa natuklasan. There in the ocean were Vlad and Sophia. Sa nakikita niya ay tinuturuan ni Vlad si Sophia na mag-jetski.

                Aba, aba aba talaga ha! Mag-concentrate daw sa akin, eh ano itong kababalaghang ito? Napataas ang kilay niya. Though Vlad seemed like just being a gentleman to Sophia, hindi pa rin niya maiwasang manggigil.

                “Kailangang nakabikini talaga para matutong mag-jetski?” Naku….kaya ko rin iyan, bikini pala ang gusto mo Vlad ha. I can show you the world!”

                Napatingin sa kanya ang lahat ng usiserang katrabaho.

                “Oh eh ano? Sa akin si Vlad, whether you like it or not!” deklara niya. Malakas ang loob niya dahil alam niyang hawak niya si Vlad sa abs.                                                                                                         

                “Go girl! Sa’yong- sa’yo na Ma’am Amhiela basta pasilip kami minsan ha!” patol ng isa sa mga assistants ng department nila na  bading.

                “Sure. Dahil mabait ako, I’ll share blessings!” She turned around.

                “Oh san ka pupunta?” tanong ni Tomomi.

                She teasingly smiled as she threw them a glance.  “Just wait and see. Magbibikini lang me! Ciao!”

                Hinding-hindi siya papatalo kahit kaninong babaeng aagaw sa kanya ng atensyon ni Vlad. After all kahit sabihin pa niyang bading siya, lalaki pa rin ang tingin ng lahat sa kanya. I should build walls between women and him. Akin siya, kahit magka-tsunami pa!

                Maano pa’t anak siya ng dating model turned talent manager at kapatid siya ng isa sa mga tinitiliang hunk celebrity. She really knew that she has the guts and beauty to fight.  


                 VLAD WAS patiently guiding Sophia on how to properly ride and operate a jetski. Bilang isang businessman gamay na gamay na ni Vlad kung paano makipag-deal sa mga clients. Kasama na doon kung paano makukuha ang great deal with female clients.

                Isa lamang si Sophia Chii sa mga kliyente nililigawan niya para sa ikauunlad ng Keithan Apparels. He wanted to buy her creations and make them branded as Keithan Shoes solely.  For the past 3 years, his firm was distributing Chii’s Creations as affiliated brand of Keithan Apparels. Ang siste, ayaw ipagbili sa kanya ni Sophia ang patent ng creations nito.  Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit naroon si Sophia Chii. Kailangan niya itong makumbinse na ipagbili na sa kanya ang patent of shoe designs nito na pino-produce nila. At bahagi ng panliligaw niya ang ginagawa niya ngayon… pampering his client.

                “So paano kung masyadong maalon?”  tanong ni Sophia.

                Kasalukuyang nakasampa sila sa isang jetski. Sophia handled the control and he was riding on her back.

                “Pag maalon, sumabay ka lang sa alon but make sure you’re in control. Madali lang right?” She nodded.  “Sige, bago tayo bumalik sa sea shore, drive in. Let’s see kung may natutunan ka sa akin.” Walang malisyang yumakap siya sa baywang nito. Wala naman sigurong magpapatong ng malisya sa kanilang dalawa ng client niya unless makita siya ni Amhiela.

                Speaking of Amhiela, he was really excited on his surprise for her tonight.

                Few minutes more, matiwasay na nakarating sila ni Sophia sa pampang. “Salamat, Vlad for new learning today.” She kissed on her cheeks. 

                “No problem.”

                “Gonna be on your live show tonight. Good luck.”

                “See you then.” How about the contract? Gusto sana niyang itanong yon pero out of topic at hindi maganda ang timing.

                Paalis na ito nang bumaling uli ito sa kanya.  “About sa deal, payag na ako. But I won’t sell the patents of my previous creations. Instead, gagawa ako ng panibago for Keithan. Will that be okay?”

                He found it better. “It’s more than okay, Sophia. Thank you.”

                “Let’s have a lunch tomorrow to talk about it in detail.”

                Nakapaskil ang ngiti sa labi ni Vlad habang naglalakad siya pabalik sa resort.  May good news na naman siyang masasabi sa mga magulang. Biglang napawi ang ngiti niya nang makita niya si Amhiela sa di kalayuan. Gamit ang SLR camera nito ay nagpi-picture ito ng kung anu-ano sa parteng baybay dagat na hindi masyadong mainit. She was only wearing bikini top and a beach skirt.  Manipis lang ang skirt nito kaya kita pa rin ang bikini nito sa loob. Napakunot ang noo niya. Lalo na nang mapansin niyang marami ng lalaki ang napapalingon dito.  Hindi man celebrity na maituturing si Amhiela pero marami pa rin sa publiko ang nakakakilala sa kanya dahil kapatid at anak siya ng mga taong importante sa showbiz industry. And with her sexy curves and very alluring beauty, no man will pass by her without throwing a look.  Ano na naman ang naisip ng babaeng ito at naglaladlad ng katawan? Naisip niya si Sophia. Nakabikini ito kanina. Di kaya nakita kami ni Ayen? I’m dead.  

                Lalapitan na sana niya ito para pagsabihan nang biglang mag-ring ang phone niya. “Yes Criza?” She was his road manager. Palagi ito ang kasama niya kapag nai-invite siya sa iba’t ibang shows para tumugtog ng piano tulad ngayon. He was the guest of Sheyron Band gig at Senang Hati Music Lounge Batanes tonight.

                “Saan bang resort yan? Naliligaw ata kami.”

                He gave her the road direction while his eyes were still in focus of Amhiela. May mga lumalapit dito at nakipag-usap saglit tapos ay iiwan na ito uli. Then naglakad ito papunta sa buhanginan at naglatag ang blanket.  “Pag nakalagpas na kayo sa kantong yon makikita nyo na ang Senang Hati. Katabi lang yon ng resort.”

                “I see. Well, nakapag-rehearse ka na?”

                Alanganing napangiti siya. Nawala sa isip niyang mag-rehearse. “Ah well, of course!”  Nakita niya si Aaron Mitchell, isa sa mga import model ng Keithan Apparels, na lumapit kay Amhiela. Hindi nakatakas sa kanyang  paningin ang matamis na ngiti ni Amhiela habang nakikipag-usap ito sa binata. Hindi maintindihan ni Vlad ang naramdaman. Tila biglang nag-init na lang ang bunbunan niya sa nakikita.

                “Good…”

                Sinabi sa kanya ni Criza ang itinerary ng guesting niya… mga bagay na hindi naman niya inintindi ng ayos dahil hindi na niya nagugustuhan ang nakikita niya.  Kung hindi siya nagkakamali, Amhiela asked Arron to put sunblock lotion on her back. “What the hell she’s doing?” wala sa sariling sambit niya, kagya’t na nakalimutan na kausap pa nga pala niya sa kabilang linya si Criza.

                “Ano kamo, Vladimir?”

                Saka lang niya naalalang may kausap pa pala siya sa phone. “Ah, wala. Let’s talk later.”

                He walked towards them.  Naglalagay na ng lotion sa kamay si Aaron na tila tuwang-tuwa na makakatsansing kay Amhiela. Vlad would never allow it to happen. Especially in front of me!  

                 Ilalapat na ni Aaron ang kamay nito nang umeksena siya. “Ayen.” Kinuha niya ang lotion at saka tinapunan ng matalim na tingin si Aaron. “Ako na bahala kay Amhiela. You may go.”

                “What?” tila pissed off na tanong ni Aaron.

                Vlad looked at him with intense. Pero bago pa maging iba ang meaning ng intense sa dictionary ni Vlad ay umiwas na siya ng tingin at bumaling kay Amhiela na kunot ang noo habang nakaupo. She seemed like silently questioning what he was doing.

                “Narinig mo ang sinabi ko brad di ba? Amhiela doesn’t need you anymore.”

                “Vlad!” Pinandilatan siya ni Amhiela and he did the same. It was pretty obvious that Amhiela was just flirting… flirting while they were in the middle of agreement and courtship.

                Tumayo na rin si Aaron mula sa pagkakaupo sa blanket at hinarap siya. “Of course I heard you. But I can’t understand why you are acting like that. As far as I know Amhiela asked me to do this. Ano namang pakialam mo?”

                Nag-init lalo ang bunbunan niya sa narinig. “Eh gago ka pala e!” Binigwasan niya ito. Marahil hindi nito inaasahan ang gagawin niya kaya hindi ito nakaiwas. Sapul sa pisngi ang kamao niya.

                Gaganti sana ito sa kanya nang pumagitna na si Amhiela. “Vlad ano ba?”

                “Pare di kita inaano basta ka na lang nanununtok. Kung girlfriend mo siya, bakuran mo! Hindi iyang pag may ibang lumapit mananapak ka agad!” asik ni Aaron.

                “Sorry Aaron,” sambit ni Amhiela sabay hila sa kanya papalayo hanggang sa umabot sila sa sea shore.

                 Tinapunan niya ng masamang tingin si Amhiela.

                “Anong problema mo Vlad?”

                “Bakit ka nagso-sorry do’n e mamanyakin ka lang no’n? As if hindi mo alam ang takbo ng utak ng mga lalaki! I know his reputation. He’s one of a heck playboy!” paasik din na litanya niya.

                “Nagpapahid lang ako ng lotion!” tila napipikon na rin ito. “Sobra ka naman,  nagpalayas at nang-uupak ka agad?”

                “Eh bakit ka ba nagpapalagay ng lotion do’n?”

                “Siya ang nagmagandang loob!”

                “Damn! Napakalayo ko ba para hindi mo kontakin to do that for you? How can we make me a man if you are flirting with other guy at my back?” Habang tumatagal ay tumataas ang tono niya sa pangigigil.

                “Hello? Malay ko kung nasaan ka? Anong flirting ka dyan? Manyapa’t nagpapahid ng lotion  sa likod lumalandi na? Hindi pa pwedeng di lang abot ng kamay ko iyong likod ko at nagpatulong lang? Ang bait bait ng tao gaganunin mo lang. Ewan ko sa patilya mo!”

                “Sige ipagtanggol mo pa siya. Ewan ko rin sa’yo!”  He turned back. Mainit na masyado ang ulo niya kailangan na niyang tumigil makipag-argument at baka lalo silang magkaaway. He had to escape to cool his heads.  Naglakad siya palayo dito. 

                “O saan ka pupunta? Oy, sandali nga!” Humarang ito sa harap niya. “Ano bang problema at ganyan ka?”

                Nasapo niya ang noo at napapikit ng mariin. Ano nga bang problema ko? Hindi matukoy ni Vlad ang problema niya. Basta ang alam niya, hindi niya gustong may ibang lalaking humahawak kay Amhiela.

                Confused na binalingan niya si Amhiela. She was now teasingly smiling at him. Gone was the argumentative atmosphere. Napakunot ang noo ni Vlad. “A-anong nginingiti-ngiti mo riyan?”      

                “Hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa’yo ano?” She was still teasingly smiling na lalong nagpapagulo ng isip niya.

                “I’m not really… sure.”

                “Ako alam ko.”  Ikinawit nito ang kamay sa braso niya pagtapos ay naglakad-lakad sila sa tabing dagat.

                Pinawi noon ang init ng ulo ni Vlad. “Ano?”

                “Iyon ang  tinatawag na selos.”

                Napamulagat siya at napahinto sa paglalakad. “What? Selos? Nagseselos ako ganon?” Tumango ito. And he somehow agreed.  Natahimik tuloy siya.

                “Uy, nanahimik, totoo ‘no?” tudyo nito.

                “Of course… not!” tangi niya.

                “Sus, deny pa kasi e lumalaki na nga kanina ang butas ng iyong poging ilong kanina.” Humigpit ang pagka-angkla nito sa braso niya. “Wag ka ng magselos o magtampo Vlad. Hindi ko nakakalimutan ang mission ko. Tutulungan kitang maging ganap na macho papa.”  Iniangat nito ang SLR camera at itinutuok sa kanila. “Smile Vlad.” Ilang beses na kumuha ito ng pictures nilang dalawa sa iba’t ibang anggulo. She even took his pictures again and again.

                “Ayen…”

                “Hmm?”

                Ibinigay niya dito ang sunblock na di niya namalayang kanina pa niyang hawak. “If you need someone who will put lotion on your back, call me. If you need help, call me. Ititigil ko lahat ng ginagawa ko kung kailangan mo ako.”

                “Weh?” pabirong hirit nito na ikinaasar niya.

                Binilisan niya paglalakad. “Ewan ko sa’yo!” bugnot na tugon niya. “Ikaw na nga ang nilalambing weh lang ang isasagot mo. Doon ka na sa Aaron mo,” pabulong pang dagdag niya.

                “Uy, Vlad naman. Joke lang. Ikaw naman, nagpaghahalatang nagseselos ka talaga kanina e.” Humabol ito at umangkla na naman sa braso niya.

                Lihim na napangiti siya. They were now on the way to Amhiela’s room. Nang makarating sila sa tapat ng pinto ng silid nito ay binalingan niya ito. “Tonight, seven at Senang Hati. Don’t be late, Ayen,” sambit niya habang nakatitig siya dito. Her expressive eyes washed away the awkward feeling she called jealousy. “See you tonight.”  Then, he turned back.

                “Uy, teka anong meron?”

                He turned back and winked. “You’ll see.”


                KINAKABAHAN si Amhiela habang pumapasok sa Senang Hati. Kahit ano kasing pangungulit niya kay Vlad ay hindi niya ito napilit sabihin kung ano ang meron ngayon sa Senang Hati. All she knew, Vlad was a guest performer for Sheyron Band’s bar tour.

                The band was already performing when she entered.  The first that caught her eyes was Vlad, exemplary playing piano with the band thus setting the songs into higher level of harmony. Umupo si Amhiela sa mesa kung saan tanaw na tanaw niya ng malapitan si Vlad. Nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtipa ng tiklada ng piano nito. Until, the song ended and the vocalist of the Band, Rover took the stage to entertain people.

                “Alright. That was our third song for the night and I know, most of the girls here are already been charmed by our music, right?” umugong ang pagsang-ayon ng crowd. “Bago po kami magpatuloy ay atin munang pasalamatan ang ating guest performer tonight, Mr. Vlad Cerio.”

                The crowd cheered.

                “Wooooo!” Pati si Amhiela ay nakiki-cheer din.

                 Vlad showed of his captivating smile that made all the girls and gays go crazy. Di maikakailang marami rin ang nakakakilala kay Vlad kahit na hindi naman ganoon kasikat ang mga classical music sa ngayon. Being an eye-catcher, madaling nakakuha ng fans ito.

                “May gusto ka bang sabihin Vlad pare bago tayo mag-proceed?” tanong ni Rover.

                “Ah, first of all, thank you Sheyron Band for inviting me here to perfom with you. Thank you din sa mga fans club na dumalo.”  

                Naghiyawan ang mga tinukoy nitong fans na panay ang tili at sigaw ng, “I love you Vlad.”

                 Binalingan sila ni Vlad at nginitian. “I love you, too.”  Nagtilian lalo ang mga fans nito.

                Nagulat si Amhiela lang ibaling nito ang tingin sa kanya. “And of course, thank you sa’yo sa pagdating mo ngayong gabi.” She just playfully pouted her lips na ikinatawa nito. “Actually itong next number, ipinaubaya sa akin ng banda. Mag-change court muna kami. Sa totoo lang first time ko itong gagawin. I usually play piano most of the time but this night is something special. I wanna make it up with a special girl kaya… kakanta ako.” The crowd cheered kaya saglit na nalipat sa crowd ang attention nito. “Sa banyo ko lang talaga madalas gawin ito kaya pagpasensyahan nyo na.” Then he set back his attention to Amhiela. “This song is for you.” 

                The song started with piano notes followed by his captivating voice.

                “No one ever saw me like you do. All the things that I could add up too. I never knew just what a smile was worth but you eyes see everything without a single word. ‘Cause there’s somethin’ in the way you look at me. It’s as if my heart knows you’re the missing piece. You make me believe that there’s nothing in this world I can’t be. I never know what you see, but there’s somethin’  in the way you look at me…”  



                He was lovingly gazing at her as he utter those lovely lyrics of the song, The Way You Look at Me on her. Walang kalugaran ang dulot na kilig at saya ng pangyayaring iyon sa puso ni Amhiela. She felt like claiming her trophy. Mukhang nakukuha ko na ang puso mo, Vlad. At pati puso ko, kinukuha mo na rin. As she thought, her feelings for him is just a huge crush… infatuation. Kaya nga nang malaman niyantg bading ito ay hindi niya masyadong inintindi. Hindi naman nabago ng preference nito ang mukha at ugali nito na nagustuhan niya. But right now, even Amhiela felt like confused.  Gusto lang ba? O hindi ko nahahalatang mahal na pala kita?  That was the question roaming in her head as he sang a song from his heart.

                “If I could freeze a moment in my mind, it’ll be the second that you touch your lips to mine. I’d like to stop the clock, make time stands still. ‘Cause, baby this is just the way I always wanna feel…”

                Was it the song? Or the way he played the music and sang?  Naalala niya ang kanilang first kiss. It was so quick but nothing was able to take those seconds away from her head since then. Tuwing maaalala niya ang sweetness ni Vlad, nauuna ang alaala ng first kiss nila. Malala ka na Amhiela!, sambit niya sa sarili. Pero walang dulot na ibang pakiramdam ang pagkalala niya kundi kilig.

                From the first note up to the last, Vlad’s attention was only focused on her. Feel na feel ni Amhiela ang haba ng buhok niya.  Haaay, Vlad. Wag kang magkakamaling mag-I love you at baka maging tayo ng wala sa oras! Ngayong gabi, tinanggap na ni Amhiela, in love na siya. Umakyat na ng level ang feelings niya dito. Risky pero handa siyang sumugal sa kabila ng sitwasyon.

                Nagpatuloy ang show at na-enjoy niya ang gabing yon.  Nang matapos ay sinamahan siya ni Vlad sa mesa niya. They shared food and drinks while enjoying the free jam performances.

                Vlad moved closer to her face to whisper something. Napakaingay ng lugar kaya ang tanging paraan para magkarinigan ay magbulungan sa tenga. “You like it?” he asked.

                “I love it, Vlad! Pasok  sa banga!”

                He smiled. “Mabuti naman. Pwede doon tayo sa labas, ingay dito.”

                 He held her hand and took her to the garden near the parking lot. Malayo na sila sa maingay na crowd sa loob ng bar. Umupo sila sa bench doon.

                “Ayen, siguro tama ka nga.”

                Napakunot ang noo niya. “Saan?”

                “Sa sinabi mo kanina. Nagselos nga ata ako. Pero bakit? I used to admire that Aaron… err you know what I mean, Ayen. Pero pinangseselosan ko na siya ngayon? Mukhang gusto ko ng maniwalang mapapagbago mo nga ang takbo ng baluktot kong isip, preference at puso.”

                “Wag na wag kang magpo-propose, Vlad at baka mangisay na ako sa kilig dito. Kanina ka pang sweet. Baka di ko kayanin, magbikti na ako!” eksaheradong biro niya.

                 He laughed. “Sobra ka naman.” Inalis nito ang coat na suot at binalot iyon sa balikat niya. Napansin na siguro nitong nilalamig na siya. Nakalimutan niya kasing magdala ng blazer. “Ayen, ayaw ko ng maging bading. Masayang-masaya na ako ngayon sa desisyon kong ito. Ayoko ng balikan ang nakaraan ko. Ano pa sa tingin mo ang dapat kong gawin o baguhin sa sarili ko para matodo ko na ito…para sa’yo?”

                Binalingan niya ito at nginitian. “Vlad, wag mong gawin yan para sa akin. Gawin mo para sa sarili mo, hindi dahil ayaw mo akong masaktan, kundi dahil gusto mong maging masaya at malaya. Baguhin? Walang mag-iisip na bading ka Vlad, unless you tell it by yourself. In fact, you look more than a real macho papa in my eyes,” natatawang hirit niya na ikinatawa nito. “Pero may alam akong bagay na pwede mong gawin para masabi mo rin sa sarili mong ganap ka ng tunay na lalaki.”  Naalala ni Amhiela ang usapan nilang magkakaibigan. Oo medyo may kahalayang taglay pero may magagawa iyong malaki kay Vlad sa palagay niya.

                “Ano yon?”

                “Chuchu.”

                Natawa pa ito. “Anong chuchu? Sabihin mo ng diretso at baka iba ang isipin ko dyan.”

                “Iyong iba mong iniisip, iyon yon.” Alam niyang nage-gets siya nito.

                Natigilan ito pagkuwa’y nagkibit balikat. “Honestly, I did try before. Hindi pa ako si Vlad na kilala that time. Pumunta akong bar to catch a woman, asked her to sleep with me. Guess what? I over slept during the time that she’s taking a shower kaya walang nangyari. Na-bore akong maghintay, nakatulog lang ako at dahil siguro nakainom rin, umaga na ako nagising. Wala na ang supposed ka-one night stand ko. Iniwanan niya ako ng note, telling me that I’m a one of a heck stupid.” Tumawa ito. “Hindi na ako nag-try pagkatapos noon. Mataas ang respeto ko sa babae, Ayen. Hindi ko na gagawin yon kung hindi ko mahal ang babae.”

                “Alam mo, lalo kang gumagwapo pag nagiging honest ka sa akin. Pa-kiss nga,” biro niya.  Natigilan si Amhiela nang totohanin nito ang biro niya. He grabbed her nape and lovingly kissed her. Tulad ng una, mixed emotions ang naramdaman ni Amhiela, kilig, takot, bonggang Thank you Lord, at kaba. She could feel the sincerity and love with his fiery kisses. Natapos iyon sa ilang seconds na titigan.

                “Tulad ng sinasabi ng song na kinanta ko kanina. “Gusto kong itigil ang mundo sa mga sandaling nararamdaman kita… na akin ka lang, Ayen. I would always go back to those seconds  wherein your sweet lips touch mine.”

                “May tanong ako sa’yo. Vlad.” He nodded, impliedly telling her to continue asking. “Kung nag-mission failed ang attempt mo sa babae, eh sa lalaki?”

                “Wala. Hindi ko sinubukan yon. Duwag akong mapatunayan sa sarili kong bading ako kaya hindi ko sinubukan. Oo nagkaroon ako ng highschool boyfriend pero hindi rin nagtagal yon. Mga dalawang linggo lang tumagal kasi may mga girlfriends din siya. Mahirap ang maging bading sa sitwasyon ko kaya nga ayoko na. Hinding-hindi ko rin susdubukan yon.”

                “Ganon? So hanggang men’s magazine ka lang?” natatawa-tawang comment niya.

                He pinched her nose. “Tigilan na natin yang topic na yan. Gusto ko ng ibaon sa limot yan e. Teka, sina-suggest mo ba sa akin na, I should bring a woman into my bed?”  He teasingly smiled and winked as if inviting her to do the honor.

                Kinabahan si Amhiela. “Ah..parang ganon nga. D-di ba iyon ang basis ng mga lalaki ng manhood nila? Na-naisip ko lang ganon.”

                “So…”

                “Anong so—” Naistorbo ang pag-uusap nila ni Vlad nang mag-ring ang phone niya. Her mom was calling her.  Ilang buwan na siya sa trabaho slash escape niyang iyon at never pa siyang tinawagan ng magulang  niya. Alam kasi ng mama niya ang dahilan niya. They were just exchanging messages  from time to time, pero ngayon tumatawag ang kanyang ina, may biglang kakaibang kutob  siya sa tawag na yon. “Hello, Ma?”

                “Baby, ang kuya mo naaksidente sa drag racing. Critical siya. Uwi ka muna anak,” may halong takot  at pag-aalala ang tinig ng kanyang ina.

                Kasabay ng pagkagulat niya ay ang awtomatikong pagpatak ng luha niya. Hindi pa niya tanggap na nawalan siya ng ama at hindi  pa niya makakayang mawalan ng kapatid.

                “Ayen?”

                Hindi niya namalayang kinuha na ni Vlad sa kanya ang cell phone niya at ito na ang nakipag-usap sa kanyang ina. Nawala siya sa huwisyo, nablangko ang isipan niya. Ni hindi niya naintindihan ang mga sinasabi ni Vlad sa kanyang ina.  Kagya’t lang na bumalik siya ang huwisyo niya nang alalayan siyang tumayo ni Vlad.

           “My brother is critical? Iyon din ba ang sinabi ng mama ko sa’yo?” tanong pa niya, nagbabakasakaling namali lang siya ng rinig.  Sunod-sunod na rin ang patak ng luha niya habang naglalakad sila pabalik sa katabing resort kung saan sila naka-check in.
              
        Hinarap siya nito. Ikinulog nito ang mga palad sa pisngi niya at pinawi ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. “Magiging okay ang lahat, Ayen.  Wag kang matakot, kasama mo ako. Sasamahan kita, pabalik ng Maynila.” Niyakap siya nito ng mahigpit, lalong ipinadama sa kanya na gagawin nito ang lahat para maalis ang takot na nararamdaman niya noong mga oras na yon.

PREVIOUS                                                                            NEXT

Comments

Haffle :)) said…
Next na po! Hahahaha. Charot! I loveeeee Amhiela talaga! At si Vlady boy nagseselos! Wuuuu! At may chuchu scene? Hahaha Ahummmm! Next na! Next na! :"""""">
kimy said…
waaa....grabe ang landi ni amhiela....timeline din ba to nung kay limien????
Melai said…
oo magkatimeline sila ng FYWTM2 :)
iellagandaaaa said…
haaaanuuveeeey! nbitin acu! kla cu p nmn..mggkkroon ng...ng... ahem ahem,,,,nxt chapiii n pooow ;)
Shesh said…
HO-EM-GEE!
Sobrang bitin! As in, SUPER!
Nagiging guy na si Vlad.
Can't wait for the next chap. :D
kiz said…
wahahaha. ang haveyyy ng mga lines ni amhielaaaa!!! next chap na ako.. moreeeeeeeeee :D
Kasama ko si author
dito kami park
maingit kayo
wahaha

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…