Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Five



Few months later. Nanatili si Amhiela sa Maynila para tulungan ang kanyang ina sa pag-aalaga sa kuya niya na unfortunately ay nagkaroon ng post-traumatic amnesia. Wala itong maalala sa kanila. At talaga sigurong ironic ang buhay dahil ang tanging naiwan sa alaala nito ay ang kanilang ama.
               
Pumasok si Amhiela sa kwarto ng kanyang kuya Hamiel bitbit ang tanghalian nito. “Kuya kain na.” Nilapag niya sa may bedside table ang food tray. Ang kuya niya ay nakaupo sa may bintana at nakatanaw lang sa kawalan sa bintana. Nakakalat sa kama ang mga photo albums at video cds na naglalaman ng samut-saring alaala ng pamilya nila, umaasa na makatutulong yon sa recovery ng memory ng kapatid.

                Pero maging siya diskumpyado sa mga bagay na yon. It’s been months, natapos na nga ang catalog at balik opisina na lahat ng staff ng Keithan Apparels pero ang kuya niya wala pa rin pagbabago. Ang naaalala lang nito ay mga vivid memories nito kasama ang kanilang ama noong bata pa ito.

                Nilapitan niya ang kapatid. “Kuya, wag ka namang ganyan, kumain ka na at iinom ka pa ng gamot.”



                “Gamot na naman? Wala namang naitutulong ang gamot na yan!” Binalingan siya ni Hamiel. “Bobo ko. Di kita maalala, di ko maalala si Mama. May fiancee ako na di ko kilala.” Malungkot na bumaling ito sa bintana. “Nasaan si Dad?  Ilang linggo na akong nakauwi pero di ko pa siya nakikita. Bakit wala siyang recent pictures sa mga albums na yan?”

                Tila pinipiga ng dahan-dahan ang puso ni Amhiela. “Kuya…”

                “Gusto ko si Dad makita, makausap! Siya lang ang kilala ko!” sigaw nito sa kanya. Madalas na ganon ang kuya niya…nagkakaroon ng mood swings. Minsan malungkot, minsan nagwawala, palaging galit at minsan walang kibo sa isang tabi. Pilit niyang inuunawa pero sa tuwing nahihirapan ang kuya niya, nahihirapan din siya.

                “Wala na si Dad, kuya!” Ilang beses nilang pilit pinapaintindindi ang bagay na yon pero tila hindi nito nauunawaan. “Ang mas mabuti kuya, kumain ka na at uminom ng gamot mo. Mamaya susunduin ka ni Ate Limien, doon ka muna sa Green Haven Farm.

                “Ang gusto ko si Dad!” galit na asik nito sa kanya. “Hindi ako sasama sa babae na yon kung hindi ko makikita si Dad!”

                “Si Dad ang gusto mo? Sige sandali lang!” tila napipikong tugon niya. Pumunta siya sa kwarto at kinuha ang SLR camera niya. Nasa camera pa rin na yon ang mga funeral pics ng yumaong ama. Bumalik siya silid ng kapatid at iniabot dito ang camera.  “Ayan sige tingnan mo. Patay na si Dad! Patay na! Kaya kahit anong pilit mo, hindi mo na siya makikita. Utang na loob, pauulit-ulit na kami sa’yo. Intindihin mo naman.”

                Nagsunod-sunod ang patak ng luha ng kapatid niya habang iniisa-isang tingnan ang funeral pics. “Patay na si Dad?  Patay na? Bakit wala akong maalala?!”  Dala ng galit nito ay naibato nito ang camera sa pader na agad ikinasira nito.

                Too late, hindi na naagapan ni Amhiela ang pangyayari. Pinulot niya ang camera at ininspeksyon pero halos mabasag na ang kabuuan ng camera kaya alam niyang imposible na yong magamit pa.  Kinain na rin siya ng galit, lungkot, frustration at sama ng loob.  That SLR camera had all the memories of her late father. At sa pagkasira nito ay kasama roon ang pagkadurog ng puso niya. Will that mean she must face the hurt feeling she was escaping for a long time?

                Nilapitan niya ang kapatid. “Bakit mo sinira ang camera ko? Alam mo ba na yan na lang ang huling regalo na nakuha ko kay Dad bago siya mamatay? Sinira mo na! Ang selfish mo kuya!” Pinaghahampas niya ito. Hindi ito lumaban at hinayaan lang na mabugbog niya. Iyak siya ng iyak habang ginagawa yon. Hanggang sa pumasok ng kwarto ang kanyang ina at inilayo siya sa kapatid.

                “Ayen, ano ba? Intindihin mo na lang ang kuya mo,” sita ng Mama Mhiel niya.

                “Ma, sinira niya ang camera ko. Tapos ganon-ganon lang? Intindihin ko na lang? Sana tayo rin iniintindi niya. Napakahirap niyang alagaan alam ba niya yon?”

                “Papalitan ko na lang ang camera mo, anak,”  her mother answered.

                “Ma, walang katumbas ang camerang ito. Kahit palitan nyo pa ng sampu. Sinira na ni kuya ang alaala ni Dad sa akin!” Kinuha niya ang camera at nagtuloy sa kwarto niya.

                Wala siyang ginawa kundi ang umiyak habang yakap-yakap ang sira na niyang camera.  “Why Dad? Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na wala ka na.” Ibinuhos niya ang oras sa pag-iyak hanggang sa makatulugan na niya yon.

                Nagising siya sa pag-iingay ng cell phone niya. Someone was calling her. She lazily picked her  phone and answered the call without bothering herself to look on the screen.

                “Ayen, I’ve been calling you several times. Why are you not answering? Pinag-alala  mo naman ako,” tanong ni Vlad.

                “Sorry, Vlad. Nakatulog ako,” malungkot na sambit niya nang mahagip ng mata niya ang sirang camera. Naiyak na naman siya.

                “Umiiyak ka ba? Anong problema?”

                “Ayoko na muna dito sa amin, pwede bang diyan muna ako sa’yo?”

                Hindi ito tumanggi. Agad siyang nag-ayos ng ilang gamit habang hinihintay si Vlad na nagpresintang susunduin siya.


                VLAD has a simple but cozy condo unit. First time ni Amhiela na makarating sa condo ng binata. Most of the time kasi doon sa bahay ng mga ito sa isang exclusive subdivision sa Antipolo Rizal siya nakakarating pag nagba-bonding sila ng kapatid nito.

                Umupo siya sa sofa at ipinatong sa  tabi niya ang traveling bag. Inilibot niya ang paningin sa bahay nito.

                “Pasensya ka na. Maliit lang ang unit ko kasi nag-iisa lang naman ako dito. Sorry hindi kita sa bahay dinala. Alam mo na, ayokong mabigyan ng magulang ko ng ibang meaning ang pag-stay mo sa akin,” sambit ni Vlad.

                “Takot kang ma-issue na nagtanan?”

                “Hindi naman sa ganon. Naisip ko lang mas malaking gulo yon.” Umupo ito sa tabi niya. “Iisa ngapala ang kwarto ko dito. You may use it.”

                “Ha? Eh paano ka?”

                “Dito sa sofa, sanay naman akong matulog sa sofa.”

                “Ako na lang sa sofa. Makikitulog lang naman ako e.”

                “No.”

                “Tabi na lang tayo.” Natutop niya ang bibig matapos sambitin yon. How come she was able to ask him sleep beside her?

                He threw her a look with knotted forehead. “Okay ka lang? Pinapatabi mo ako sa’yo sa pagtulog?”

                Napatitig lang si Amhiela dito. Makakatabi niya ito sa pagtulog. Fifty-fifty ang chance na… napailing siya.  Ang halayness ng brainwaves mo Amhiela!, sita niya sa sarili. “Ah-eh kasi naman nakakahiyang sa sofa ka matutulog. Pano kung 10 years akong makitira dito?”

                “Bibili na ako ng bagong kama pag ganon. Or, pakasal na lang tayo para tipid. At least may dahilan na para  magtabi tayo sa kama.”

                Napanganga siya sa sinabi nito. “Okay ka lang, Vlad?”

                He stared at her. “Don’t look at me like that, Ayen. You’re starting again making me feel that I’m not gay… that I’m a real man.”

                Umiwas siya ng tingin. “Eh di good!”  Tumayo siya at kinuha ang bag niya. “Iyon naman ang mission ko. Therefore, I’m still on the right track. San ba ang room mo?”

                Inagaw nito ang bag sa kanya at inihatid siya sa room nito.  “Sige dito lang ako sa labas, if you need me—”

                Hinila niya ito bago pa ito makalabas ng silid. “Ayokong mag-isa at malungkot, Vlad. Samahan mo ako.”

                Niyakap siya nito. “Sige, panalo ka na dito na ako matutulog.” Humigpit ang yakap nito sa kanya, silently telling her, she will be okay with him.

                “Salamat, Vlad.”

                Few minutes more ay naghapunan na sila, naglinis ng kusina at nahiga sa kama. Doon ikinuwento ni Amhiela lahat ng hinanakit niya sa buhay particular na sa kapatid niya at sa pagkamatay ng kanyang ama. Habang nagkukwento siya ay hindi niya napigilan ang mapaluha.

                “May sakit ang kuya mo, Ayen. Natatalo siya ng panic, fear, at disturbance of thoughts,” komento nito.  

                 “Naiintindihan ko naman kaya lang sana, hindi naman niya sinira ang camera ko. Wala na, wala na rin akong magagawa.  Di na yon maaayos kaya nade-depress ako ng bongga.”

                “Wag ka ng magalit sa kuya mo. Di rin naman matutuwa si Sir Haime kung magalit ka sa kapatid mo.”

                Binalingan niya ito. Caught in the act na nakabaling din pala ito sa side niya at tinititigan lang siya. Their faces were so close to each other. Naurungan na tuloy siya ng dila at nakalimutan na niya ang dapat sasabihin. Napatitig na lang rin siya dito.

                “Ayen…” Pinawi nito ang luha sa kanyang pisngi. “I don’t want to see you crying. Gusto kitang mapasaya.  You think I can make you happy?”

                He was sweet again, something that made Amhiela fall in love with him. Umiling siya. “No.”

                Nalungkot ito. “No?”

                 “I don’t think.” Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya. “I believe. I believe you can make me happy, Vlad.”

                For couple of seconds, they were just staring at each other. Nakikiramdam, naghahanda. Parehong humahanap ng tiempo. Vlad moved closer to her and grabbed her nape. Amhiela just closed her eyes and waited for his lips to touch hers. Few seconds more, they were sharing sweet, blistering kisses. Dama niya sa bawat halik nito ang buong pagmamahal at ang kagustuhan nitong maging masaya siya.

                Gradually, she was drowning with the passion and thrill feeling that continuously burning her senses. Handa na siyang ipaubaya dito ang sarili niya. Yumakap siya dito nang bahagya itong bumangon upang pumaibabaw sa kanya. They continued sharing gentle but sensational kisses as he started caressing every part of her skin.

                Then he suddenly stopped.  Nagkatitigan sila. She was about to question why when he claimed her lips again. “Make me a real man, Ayen,” sambit nito sa pagitan ng mga mapupusok na halik.

                “Be my happiness, Vlad,” tugon niya.

                “I’ll make you the happiest woman in the world, Ayen. Promise… I’ll promise!”  The burning sensation continued when he gently embraced her while kissing her passionately. His kisses traveled all over her face then went back to her lips until he moved down to her neck and slowly but passionately continued downward. He gently guided her to sit while their lips were still sharing love languages that only actions can express. Lumalim ang halik nito, preparing her to be ready.  Naramdaman  na lang niyang inaalis na nito ang damit niya. She did the same on him. Then he continued kissing and caressing her.

                  The feeling was new for Amhiela but she never felt scared at all. Sa piling ni Vlad, alam niyang safe siya. Hinayaan niya itong lakbayin ang kabuuan niya until they finally united and became one.  And the night ended so well… so well enough for her to believe that he might be falling in love with her too. 


                NAALIMPUNGATAN si Vlad nang may maramdaman siyang dumantay sa baywang niya. That’s when he realized that he wasn’t dreaming. Amhiela was sleeping on his side, walang suot na saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nito.

                He did it. They did it. Hindi makapaniwala si Vlad na nakaalis na siya sa sumpa na hindi niya kayang makipag-make love sa babae. The particular scene happened the other night flashed on his mind. It was clear that what they did was successfully done out of love. He moved Amhiela’s head closer to his chest and kissed her temple. Walang halong pagsisisi, walang doubt. Mula sa araw na ito, magiging mabuti siyang boyfriend sa babaeng ito na bumago sa pagkatao niya. 

                Hinaplos niya ang buhok nito habang ang isang kamay niya ay nakayakap din dito. “Good morning, Vlad.” 

                “Good morning, Ayen. Bitaw na, at magluluto ako ng breakfast natin,” he teasingly uttered.

                Pabirong hinampas nito ang dibdib niya. She looked upward to face him. “Ako na lang ang magluluto.” Bumangon na ito at itinapis ang kumot sa katawan nito habang naghahanap ng maisusuot na damit. Naiwan siya sa kamang di pa rin makapaniwalang nagawa na naman nitong ipalimot sa kanyang bading siya. “Ah, may maluwag ka bang shirt? Pwedeng pahiram? Naiwan ko pala yong favorite kong shirt ni Dad.”

                “Ah sure.”  Tumayo siya at kumuha ng shirt sa closet. Nawala sa isip niyang wala rin ngapala siyang suot na damit. Agad niyang nahagip ang nakasabit sa tuwalya sa di kalayuan nang mapansin niyang natatawang nakatingin sa kanya si Amhiela.

                “I’m sorry, Ayen.” 

                “Iyong mga nagsisisi lang ang nagso-sorry, Vlad. Nagsisisi ka ba?”

                Umiling siya. “No! Never!” Iniabot niya dito ang shirt.

                “Good. Magbihis lang ako at magluluto na ako ng breakfast.”

                “Tulungan kita?” Umiling ito. “Eh anong gagawin ko?”

                “Sunugin mo iyong mga men’s magazine sa ilalim ng kama mo,” tumatawang tugon nito habang papasok ng banyo.

                   Natigilan siya. “Nakita mo yon? Tindi mo ah!”

                Sumilip ito sa half-opened na pinto ng banyo. “Basta sunugin mo yon kung ayaw mong mawalan agad ng girlfriend.”

                He grinned. “Tayo na?”

                “Bakit ayaw mo?  After no’n wag mong sabihin ayaw mo sasamain ka sa akin.”

                “Sinong may ayaw? Gustong gusto.”

                “O siya sunugin mo na para wala na akong pagselosan.” She winked and closed the door.

                Nagbihis na rin si Vlad at pinagkukuha lahat ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang identity crisis niya. Bagama’t alam niyang hindi pa siya 100% gay free. Nakatawid na siya sa process. And with Amhiela, he knew he can make it.

                Dala lahat ng men’s magazine pati na rin ang kahon na tanging ebidensya nang pagkabading niya, nagtungo siya sa mini office sa may sala. Sa tabi ng kanyang piano ay may shredding machine.  Bawal magsunog kaya ishred na lang niya ang mga yon. Inuna niya ang mga magazine pagkatapos ay ang mga lamang ng kahon. Mga high school love letters yon nila ng naging boyfriend niya. Hindi na niya binasa ang mga yon, basta na lang niya inilagay sa shredding machine.  The last piece from the box was a picture… ang kaisa-isang picture nila ng ex-boyfriend niya.

                “Siya, iyong ex mo Vlad? Pogi ah.”

                Nagulat siya sa biglang pagsulpot nito. Nawalan tuloy siya ng oras mag-sayonara sa picture. Napilitan siyang i-shred na rin iyon.

                “Wala yon. Wag na nating pag-usapan at baka maging source pa ng away. “

                “Bakit naman?  Okay lang sa akin yon ano? Past is past. I’m your present.”  She held her hands. “Breakfast is ready. Tara!”

                Tinanggap niya ang kamay nito at hinayaan niyang hilahin siya nito hanggang sa kusina. Pinagsaluhan nila ang simple breakfast na niluto nito.

                “Salamat, Ayen ha.”

                “Sa breakfast? Okay lang yan. Nakikitira na nga ako di ba?  Dapat lang na gumawa ako sa bahay o maki-share sa gastos—”

                “Hindi yan. Salamat para sa nangyari kagabi.”  He sincerely smiled.

                Natigilan ito sa pagsubo ng tinapay.  She smiled. “Salamat din. Sana natupad ko ang command mong I make you a real man.”

                “You did. Sana  natupad ko rin ang paniniwala mong kaya kitang pasayahin.”

                “Napakasaya ko kagabi, Vlad. Kung alam mo lang.”

                He sighed for a relief. “Buti naman.”

                “Aba bakit hindi. Naka-first base, second base at home run na ako sayo! Ansaveh ng mga babae diyan? I won I won!” patawang hirit nito.

                He laughed. “Grabe naman, para namang napakataas ng value ko niyan.”

                Eksaheradong binalingan siya nito. “Hindi mo ba yon alam? Ginto ka, Vlad. Tinitilian ka ng kababaihan at sangkabaklaan. Plus the fact, having you is priceless. Proud akong ikaw ang first boyfriend ko.”

                “Proud din akong ikaw ang first and last girlfriend ko.”

                “Echoz ka. Magpreno ka sa pagpa-promise sa akin Vlad at baka lahat yan paniwaalan ko.”

                Nagkibit-balikat siya.  “Wala namang masama sa sinabi ko.”

                “Mahal mo ba ako?”

                Natigilan siya sa tanong nito. Mahal na nga ba niya ito? Pati siya ay nagtanong sa sarili niya. Hindi naman ganoon kadaling mawawala ng parang bula ang pagiging bading niya. Ano na nga ba ang nangyayari? Masyado na ba siyang nagte-take advantage?

                Amhiela held his hand. “Ulitin mo lahat ng pinangako mo sa akin kapag kaya mo ng sabihing mahal mo ako. Naiintindihan kita kung hindi mo pa kaya sa ngayon.  Wag tayong mag-rush hour 3. Maraming oras para maakit pa kita.” She winked.

                “Salamat, Ayen.  Pero sigurado ako na, ikaw lang ang nagpapasaya sa akin ngayon.”

                “Okay na ako dyan—“ Her  phone rang. “Si Ate Limien tumatawag.” He let her answered the call.   “Ate, bakit? Ha? Sigurado ka? O sige pupunta na ako dyan.” Puno ng pag-aalala ang mata ni Amhiela nang bumaling kay Vlad. “Umalis si Kuya Hamiel kina ate ng walang paalam. Well, nag-iwan lang ng note na lalayo muna siya. Saan naman kaya nagpunta si kuya?” Tumayo ito. “Kailangan kong umuwi at hanapin si kuya.”

                Tumayo na rin si Vlad. “I’ll go with you.”  


                MALUNGKOT na pumasok si Amhiela sa opisina niya sa Keithan Apparels. Kakakuha pa lang niya ng copies ng mga pictures na narecover sa memory ng camera niyang unfortunately, hindi na talaga maaayos ayon sa technician  na pinagdalhan niya ng camera.

                Kahit na-recover niya ang funeral pics ng kanyang ama at mga pictures intended sa kanyang trabaho, malungkot pa rin si Amhiela. Tuluyan na niyang hindi makakapiling ang ama kahit sa alaala man lang nito. She felt a part of her was gone again.

                Idagdag pa sa worries niya ang kapatid. It’s been three weeks since he got lost. At ang kinaaasaran pa niya her other kuya Miguel na matapos ang lahat ng gulo, ayon parang walang pakialam.

                Her cell phone rang. Her kuya Miguel was calling. “Ano na naman?”

                “I’m leaving the country. Useless na hanapin si kuya. Ayaw niyang magpakita pa. Andami ko pang trabaho sa ibang bansa. Mabuti sana kung tumutulong ka sa family business kesa kung anu-anong ginagawa mo dyan e. Ikaw na lang bahala kung gusto mo pa siyang hanapin. Pero ako, I’m done.”

                Her kuya Miguel was not supporting her endeavor as a photographer. Non-sense ang profession niya para sa kapatid. Iyon din kasi ang dahilan kung bakit solo nitong pinapatakbo ang fast food chains ng kanyang mga magulang sa ibang bansa na dapat ay kahati siya sa trabaho.  Kung nag-HRM siya o business course malamang doon ang bagsak niya. Ang siste, hindi yon ang gusto niya. Ipinagpilitan niya sa ama na gusto niyang maging photo-journalist balang araw… pinaglaban niya sa magulang hanggang sa ang mga ito na ang sumuko.

                “Bahala ka sa buhay mo, kuya!” She cut the call and cried.

                Mula ng mamatay ang kanyang ama, pakiramdam ni Amhiela, nawalan na siya ng direction sa buhay. Naging magulo na ang pamilya nila. Nawala na ang pamilyang masaya at pinagbubuklod ng kanyang ama. Nagsunod-sunod ang gulo. Awang-awa na siya sa ina na naiipit sa away nilang magkakapatid. Awang-awa na siya sa kapatid na mas piniling lumayo kesa muling makapanakit ng damdamin nila. Ayaw niyang magalit sa mundo, pero konti na lang papunta na doon ang hinanakit na nararamdaman niya.

                Her phone on the table rang. Agad niyang dinampot ang receiver ng telepono habang pinapawi ang luha at pinapakalma ang sarili.  “Visual Advertising Department, good morning,” pagsagot niya sa tawag.             

                “Ayen, punta ka dito sa office ko. We have some matters to discuss.” It was Vlad. Pag nasa opisina sila,  hindi sila nagpapahalata na may relasyon silang dalawa. Pinanatili nilang sa kanilang dalawa lang ang relasyong iyon na maging siya mismo ay hindi tuwirang matukoy. Yes, they could officially be called as couple. But he never said he loved her.  And he didn’t know she was overly in love with him.  Ang alam  lang nito, nalulukring lang siya dito.

                “Be there in few minutes.”

                Mabilis na inayos niya ang sarili at pinawi ang luha. Ayaw na niyang mag-alala si Vlad pag nakita nitong pugto na naman ang mata niya. Dala ang mga isasubmit niyang photos ay  lumabas siya ng office. Naabutan niya ang ilang mga fashion designer na nag-umpukan sa labas ng office ni Vlad. Ano na namang problema ng mga baklitang ‘to?

                Then she heard the familiar piano notes. Vlad was rehearsing inside his office. May piano kasi  sa loob ng office nito, sa  condo nito at maging sa bahay ng mga magulang nito. Hindi maipagkakailang mahilig itong tumugtog ng piano.

                Kung hindi siya nagkakamali ay isang Jim Brickman piece ang tinutugtog ni Vlad.

                “Nahuhulog, unti-unting nalalaglag ang aking puso kay Sir!” litanya ni Jamcy, isang bading na fashion designer.

                “Talagang mahuhulog ka. Ihuhulog kita sa hagdan pag di ka tumigil sa inarte mo diyan,” pabirong hirit niya na ikinatawa ng ibang nakikiusyoso rin.  

                “Si Ma’am Amhiela naman parang hinding friendship. Sa’yo  na siya. Sa’yong sa’yo na, ganda mo e, walang laban ang beauty fezlak kez sa’yo.”

                “Talaga,” hirit niya. Tinapunan siya ng tingin ng mga katrabaho nang hawakan niya ang seradura ng pinto ng opisina ni Vlad. Iniangat niya ang envelop na hawak. “Magsa-submit ako ng work, hindi akong mangre-rape ng inosente!”

                “Weh?”

                Napapailing na pumasok siya sa office. Tamang-tama namang katatapos lang ni Vlad tumugtog.

                “Bakit ang tagal mo? Nag-make up ka pa?”  biro ni Vlad.

                “Kailan mo naman ako nakitang nagmake-up?”  She’s not the type of girl na mahilig magkolorete sa mukha. Foundation at lipstick lang ang kilala niya. “Andon sa labas ang local fans mo, nakikinig sa pagtugtog mo.”

                Iginiya siya nito sa receiving area ng office at umupo sila sa sofa. “Di na nasanay ang mga yon. Ilang taon na ba akong nagre-rehearse dito sa office?”

                “Iyong mga avid fans, tulad ko, hindi  nagsasawa  sa’yo.” Iniabot niya dito ang envelop. “We had better sets of models today compared last year. Mas konti ang kinailangan ng editing at finishing touches sa mga pictures na nakuha ko.”

                Tiningan nito ang laman ng envelop. “Good. Ayen, nasa akin na ang papers mo regarding  employee stock option request mo.”

                “Ah, that one. Wala lang gusto ko lang mag-invest pero gusto ko mas malaking share  sa ino-offer nyo sa employees. I can pay naman. Half muna then other half next quarter pag nareceive ko na ang earnings per share ko sa family business namin.”

                Iniabot nito ang isang folder. Binuksan niya yon at tumambad sa kanya ang certificate of stock ownership. Mas malaking stocks kesa sa nirequest niyang bibilhin niya. “Teka, bakit mas malaking stocks? Baka di ko mabayaran—”

                “Part ng stocks ko yan, it’s yours now.”

                “What?”

                Hinila siya nito sa tabi ng piano nito. “Basta bigay ko na yan sa’yo. Wala ka ng babayaran okay. Bilang girlfriend ko, I want to share what I have to you. At isa pa, you deserve it naman being one of the most dedicated employees of Keithan. It’s a reward for you.”

                Napangiti siya. “Hindi mo naman kailangang gawin ito Vlad. I can work for it.”

                “Not anymore starting today.”

                 Napakunot ang noo niya. “Ha?”

                “You’re fired!” nakangiting sambit nito.

                Napanganga siya sa sinabi nito. “What?”

                “I recommended you when Cielo Pontez asked if I know photographers that are willing to devote time in wildlife photography. Di ba greatest dream mo yon? So I’m giving you up for you to fulfill your dreams—”

                She embraced him. “Salamat, Vlad.”

                He lovingly embraced him back. “Wala yon, basta para mapasaya ka.”

                Napangiti siya. I love you, Vlad. Sana dumating na din ang araw na masabi mo ring mahal mo ako.


PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Haffle :)) said…
wuhoooo! amhiela plus vlad = happiness! :"""""> Next na! next na please :))
kiz said…
nextttttttttttttt pleaseeeeeee :)) KILIG :">

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…