Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter One



“First victim!” Amhiela mischievously clicked her SLR camera taking some stolen shots of a total stranger…a total handsome stranger.

Who cares? Naghahanap lang naman siya ng mga gwapo na  magpapasaya sa mababaw niyang kaligayahan. Being such an adventurous girl, ready siya sa kahit anong trip, sakay lang siya ng sakay sa kahit anong bagay as long as nati-trigger ang interest niya. And that day, her day off from long week of hard work, was meant to find some spice in her life. Magbo-boy hunt siya.

Nasa loob siya ng isang restaurant na open air  at tanaw ang dagat. Dalawang linggo sila doon  sa Hacienda Canilao Beach  Resort sa Batanes para simulan ang photo shoot para sa beach wedding dresses at summer collection catalog. She worked as an in house fashion photographer ng Keithan Apparels, one of the most prestigious brands on clothing line in the country. At mula nang dumating sila doon isang linggo na ang nakakalipas, ngayon pa lang siya nabigyan ng off.

Dumaan pa sa harap niya ang binatang ninakawan niya ng pictures at nginitian pa siya. Kawawang binata, nabiktima na niya, wala pang alam. She innocently smiled too.



Then she spotted another eye-catcher. “Hmm, second victim!” She captured pictures of a chinito who passed by.

Sinilip ni Amhiela ang shots na nakuha. “Not bad. This place is full of hunkable fafa! Bongga!”

Wala na nga siyang sawa. Her work as an in-house photographer of a well prestigious fashion house allowed her to be in the environment of gods and goddesses of beauty. Puro models palagi ang kaharap niya na suot  ang mga creations ng team ng mga kaibigan niyang sina Tomomi, Belle, Camille at Maylee. At kung mga fafaness din lang, marami na siyang nakuhanang lalaki in their sexiest poses. Pero pag wala siyang magawa sa buhay, natitripan pa rin niyang mag-boy hunt.

Another victim entered. As usual, nagfiesta na naman ng stolen shots ang SLR niya.  Napakunot-noo lang siya nang makita ang picture. Áy, isa pala sa models namin. Kasawa naman, next victim please!”

On cue, her favorite victim came in. Dashing in his beach shirt and pants on, Vladimir Cerio often called as Vlad by his friends and colleagues entered the resto. Agad na napangiti si Amhiela nang mamataan ang boss niya. She has been working with him for a year already  pero matagal na rin niyang kilala ang binata.

She first met Vlad in one of her brother’s party few years ago. As she remembered, she was still in college that time. Madalas siyang kaladkarin ng celebrity brother niya sa kung saan-saang party. And since Keithan Apparels was one of the major sponsors of celebrities’ outfit, madalas na invited sa mga celebrity events and parties ang magkapatid  at magkinakapatid na tagapagmana ng joint business na yon. Ang magkapatid na sina Tomomi at Vlad kasama ang kanilang kinakapatid na sina Belle, Camille at Maylee ang namamahala ngayon sa Keithan Apparels sa tulong na rin ng mga magulang nilang nagpamana ng negosyo sa kanila.   

Sa una pa lang ay nagka-crush na siya dito. Well, sino nga naman ba ang hindi magkakagusto sa isang binatang exemplary sa music, amazingly handsome from head to toe,  and successful businessman in his young age. Para itong typical pocketbook character na nabuhay mula sa libro. Ang pinakabest na uri ng mga lalaking papangarapin ng lahat ng babae. At si Amhiela ang nasa top list ng mga babaeng nangangarap na pagtapunan nito ng atensyon. Kaya naman noong alukin siya nito ng trabaho para maging fashion photographer sa bigating company nito, sinunggaban niya agad ito este ang trabahong alok nito.

And now, habang tumatagal siya sa Keithan Apparels ay nagiging malapit siya sa binata dahil ito ang immediate boss niya.

Tulad ng ibang victim ay kinuhanan niya ito ng stolen shots. Iyon lang, di hamak na mas maraming stolen shots ang para dito. Then she happily sigh nang pinagtitingnan niya ang mga nakuhang larawan. “Bongga! Sa lahat naman ng victim ko ikaw ang pinakagusto kong mabiktima. Kaya lang allergic ka sa babae!” She sighed.

Sa halos isang taon niyang pagtatrabaho, never niyang nakita itong naging malapit sa mga babae. Civil ang trato nito sa kanilang mga babae. Friends-friends lang sila at magkakatrabaho. Ni wala siyang napansing nagpa-cute ito o nakipag-flirt kahit minsan. Wala rin itong napabalitang girlfriend o nililigawan o kahit date. At kapag binibiro niya ito,  nginingitian lang siya o kaya seryosong tinitingnan silently saying, “I don’t care!”  Wala nga ata itong interest sa babae sa ngayon. O baka naman secretive lang talaga si Sir Vlad. Gusto niyang secret lang ang pagtingin niya sa kagandahan ko! Taray ng ilusyon ‘day!

Maraming  mga babaeng co-workers ang nagsasabing sa kanya lang iba si Vlad. Kasi sa kanya lang ito nakikipag-usap ng kahit anu-ano lang na topic. Sa kanya lang ito nakakatagal ng conversation na higit sa limang minuto. Hindi ito ganon sa ibang babae. Kaya naman lalo siyang nagka-crush dito kahit na alam niya ang dahilan kung bakit ito ganon sa kanya. Magkaibigan ang kuya niya at si Vlad. Malamang na iyon lang ang dahilan.

Nagulat siya nang may lumitaw na lemonade sa mesa niya. Napaangat siya ng tingin at saka lang niya napansing nakaupo na pala sa katapat na seat si Vlad at nakangiti sa kanya.

“O Vlad, off mo rin?” tanong na lang niya. Pag wala sila sa office at wala sa oras ng trabaho ay casual lang sila sa isa’t isa.

“Palaging sabay naman ang off natin. Enjoy that lemonade, my treat. Gusto mo ba ng pancake o fruit cake?” tanong ni Vlad.

Ay ang sweet! Weee! Kilig na naman ako! “Ay kahit ano okay lang. Salamat ha.”

He ordered a slice of fruit cake and pancakes for both of them. “Okay na ba yan sayo for breakfast?”

Napatango na lang siya. “Anong meron?” 

“Anong anong meron? Nililibre naman talaga kita pag nagkakasabay tayo ah. Nothing’s new.”

“Ah sabi ko nga.” Wuuu, type kaya ako ni Vlad? Ang ganda talaga ng beauty ko. “Salamat uli.” They started eating.

“So ilang shots na naman ang nanakaw mo sa akin?”

Napaangat ng tingin si  Amhiela. “Ha?” painosente mode niyang hirit kahit huling-huli na siya.

 He smiled.  “Come on Amhiela, wag tayong maglokohan dito. Alam kong past time mong nakawan ako ng picture.”

Tumungo lang siya trying to hide the blushing of her cheeks.

“Oy, kausapin mo ako. Bakit mo ba ako kinukuhanan ng picture tapos ba-blush blush ka ng ganyan ha? Wait a minute…” Iniangat nito ang mukha niya by carefully touching her chin. “Crush mo ako?”

Pabirong tinapik niya ang balikat nito sabay ngiti. “Ikaw naman, para namang hindi mo alam yon e hindi na yon top secret, Vlad. Buking na buking na ako ng lahat ng workmates natin di ba? Tatanung-tanong ka pa.”

True indeed. Nabisto na siya ng lahat sa opisina at impossible na hindi yon nakarating kay Vlad. It was her birthday bash party at medyo nakainom siya kaya nang tinanong siya tungkol sa closeness niya with him ay wala man lang kakyeme-kyeme sinabi niyang crush niya ito. Too late na para mabawi kaya pinanindigan na lang niya…with flying colors.

Umiwas si Vlad ng tingin at napakamot sa batok.

Waaaa. Ang cute mo talaga, Vlad. Ang sarap mong i-kiss!

“Seryoso ba yan, Amhiela?”  tanong nito.

“Of course, The Corrs! I’m serious to death. Wala ka ng kawala. Take it or leave it.” She winked. 

“Well…”

“Well, what?” tanong niya.

“Thank you for admiring me, Amhiela. I appreciate it.”

Appreciate. Wala man lang like or love it. Confirmed. Hindi siya nito type maging someone more than a friend. “No problem, Vlad. Hmmm, pwede bang magtanong?”

“Sure!”

“Personal matter, okay lang?”

Tila nag-isip muna ito bago sumang-ayon. “Okay no problem.”

“Wala ka talagang girlfriend?”

Umiling ito. “May nakikita ka bang girlfriend ko? Di ba wala? Wala.”

“Nililigawan?”

“Wala rin.” Nagkibit-balikat ito.

Yes! “Hmm, pwedeng malaman kung bakit?”

He sipped his coffee first before he seriously turned to her. “Let’s say,  hindi kasama ang babae sa life plan ko.”

“Wow, boring life ang gusto mo, Vlad.  You are a man. You deserved to be happy in the arms of a woman. Sabi nila, what makes a man complete is a woman.”

“Yeah, pero wala talaga yan sa isip ko really. And wala rin naman akong makitang babae na isasama ko habambuhay sa magulo kong buhay.”

“Ako!” volunteer niya. “Sasamahan kita. Single ako, wala akong manliligaw, you know.”

Umiling ito. “Hindi ako nanliligaw.”

Taray! Ang gwapo mo talaga e ano? Hindi na kailangang manligaw.  “Pwede naman natin i-skip ang ligawan, magboyfriend na agad. Okay lang, keri ng kagandahan ko yon.”

He laughed again. “Ayoko ng girlfriend.”

“Let’s get married then.” 

Napatawa ito. Lalong tuloy siyang naguwapuhan dito. “You are funny, Amhiela.”

“Ah yeah. I’m a fan of myself too,” out of connection na hirit niya.

 Napahalkhak ito ng tawa.  “Alam mo, dapat ikaw sinasagot mo na yung mga models na nanliligaw sayo hindi iyang inuubos mo ang oras at atensyon mo na i-power trip ako, Amhiela. In that case, may mapapasaya ka pang lalaki sa mga banat mong yan.”

“Ayoko sa kanila. At saka ikaw ang gusto kong mapasaya ng buong internal organs ko.”

 Hindi nito siniseryoso ang sinasabi niya as usual. Alam rin kasi nitong mapagbiro siya talaga.  “Gusto mo pa ng pancakes? Mukhang gutom ka na naman at kung anu-ano yang sinasabi mo.”

Tumawa siya. “No, thanks  I’m already full.”
            
           “Kung ganon , matulog ka na lang. Puyat ka pa ata.”

                “Depende yan.”
       
         “Depende?”

                She teasingly smiled.  “Depende kung sasamahan mo akong matulog.”

                Tinawanan lang uli siya nito pagkatapos ay tumayo na ito. “Nakakabaliw ka talagang kausap. Enjoy and finish your meal and enjoy your day off. I’ll just be around.”

                “Sure, Ingat ka Vlad. Take care ‘coz I care!” 

                Narinig pa niyang humalakhak ito bago ito makarating sa entrance ng resto. Bago ito tuluyang lumabas ay binalingan  siya muli nito.

                “Amhiela, you look pretty today.” He winked and left the place.

                Naiwan siyang nawindang…nabangenge… na-in love.


                “ANONG kasal iyang sinasabi mo ate?” napakunot ang noo ni Vlad sa tinuran ni Tomomi nang pumasok siya sa silid nito. Kay aga-aga ay tila may tama na naman ng rugby itong kapatid niya at kung anu-ano ang sinasabi.

                “Inalok na ako ng kasal ng Donkey ko. Iyon na yon,” tila kinikilig na hirit nito.

                “Tinanggap mo naman?” Tumango ito. “Ikaw talaga ate, nababaliw ka na. Na-stranded ka lang ng ilang araw kasama ang lalaking yon, umuwi ka ditong may instant lover, tapos ngayon kasal agad?”

                “Eh ano? In love ako e.”

                “Ate, remember, hindi pa boto sina Nay at Tay sa kanya. Pa-good shot muna kamo  siya bago siya magpangisay sa kilig sa’yo.”

                His loving ate suddenly became upset and sit beside him at the side of her bed. “Ikaw, nakakainis ka, sinisira mo ang maganda kong pantasya.”

                “Reality check lang, ate.”

                “Ayaw mo rin ba sa kanya?”

                “Ate, basta mahal ka ng lalaki, totoo, at alam kong hindi ka pababayaan, okay sa akin. Okay siya sa akin ate.” Sa yummy ba naman ng jowaers mo ate, amp na amp!,  dugtong niya sa isip.

                Yes indeed, he was gay. And nobody should know that he was indeed someone who didn’t have attraction to women but to men instead. He was in high school when he first felt something strange and weird was going on to him. Mas gusto niya ang girl friends at interests nila pero guarded siyang magpahalata. Gusto rin niya ang environment ng mga lalaki pero sa ibang paraan at hindi lang basta dahil sa brotherhood lang. Define na define niyang isa siyang pusong babae…babae na na-wrong send at na-shoot sa katawan ng lalaki. Ngunit dahil dala niya ang apelyido ng ama na kilalang businessman, tinanggalan niya ang sarili ng karapatang maglantad.

                He didn’t want to be like other typical gays anyway. Wala siyang gustong baguhin sa pananamit niya na generally, manly na manly. Wala rin siyang planong shumembot habang naglalakad. Wala siyang planong magpalit anyo. He freely wanted to be a man… with a heart meant to admire a man too.

               Iyon ang tunay na dahilan kaya kahit magpa-cute nang magpa-cute si Amhiela sa kanya ay natatawa lang siya.

                “Salamat, Vlad ha. Eh ikaw, kelan ka naman magpapakilala ng babae sa amin. Hindi ka na rin bata no. Dapat nanliligaw ka na or better of, dapat nag-aasawa ka na nga.”

                “Ate, it’s out of my life plan.” Yeah, my damn press release statement.

                Nagulat siya ng harapin siya ng ate niya in her really serious look. Bibihira niyang makitang magseryoso ang ate niya kaya kinabahan siya. Alam niyang one way or another may hinala ang ate niyang beki siya.

                “Vlad, wala ba talaga sa plano o hindi mo lang type ang babae? Bro, kung… bading ka, okay lang naman yon e. Sabihin mo lang ng ayos kina Nay at Tay.”

                Napalunok siya sa sinabi ng ate niya. Aamin na ba siya o magsisikreto pa rin? “Ah…”

                “Sinong bading?”

 Nadoble ang kaba ni Vlad nang biglang lumabas ng banyo ang kanyang ina na nakatapis lang ng tuwalya, followed by his father na good thing nakashorts at shirt na.

                Nagkatinginan silang magkapatid at napangiwi. “Yuck, Nay!” korong sambit nilang magkapatid.

                “Oy, kayong mga bata kayo. Dudumi isip nyo. Naligo lang kami,” depensa ni Marie, ang kanilang loving cool mom.

                “Weh?” kontra nilang magkapatid. 

                Tumawa lang ang kanilang ama. “True, naligo lang siya, nanood lang ako.”

                “Yuck!”

                But they knew it better. May sprained ankle ang kanilang ina kaya hirap itong maglakad at tumayong mag-isa kaya naman pansamantala ay sinasamahan ito ng kanilang ama sa panliligo para may aalalay dito.

                “Yuck kayo riyan. Pag nag-asawahan na kayo, ewan ko lang kung yuck pa rin sabihin nyo,” sambit ng kanyang ina. Inalalayan ito ng kanilang ama sa may closet room at doon ay ilang minutong nagbihis ang ina niya. Pagkatapos ay lumabas na rin ang dalawa doon at sumalo sa umpukan nilang magkapatid. “Sinong bading na narinig ko kanina? Ikaw ba Vlad?”

                Kinabahan siya pero di siya nagpahalata. “Hindi ako bading, Nay! Eh kasi itong si ate, iniisip na bading ako porke’t  wala akong nililigawan at girlfriend.”

                “Tigilan mo iyan, Omi at baka magkatotoo,” sambit ng kanyang ama sabay baling sa kanya. “Anak, maraming babae diyan start choosing, manligaw ka. Kelan ka ba huling nanligaw?”

                “Nung isang taon po,” paggagawa-gawa niya ng kwento.  His parents thought he courted Limien Rose Ferrer last year and he was turned down. Pero opposite ang totoong nangyari. Inamin ni Limien sa kanya ang feelings nito nang i-insist niya ang topic tungkol doon. Napilitan siyang aminin sa kaibigan ang tunay na estado ng pagkatao niya. It was their ultimate secret. Si Limien lang ang may alam na beki siya, maliban sa sarili niya.

                “Matagal-tagal na yon. Cheer up, son,” sambit ng kanyang ama.

                “Oo nga naman anak. Why not court Amhiela?” binalingan ng kanyang ina ang asawa nito. “Bagay sila di ba, Nathan?”

                “Oo, bagay sila. May boyfriend ba siya anak?”

                Napangiwi siya pero biglang bawi din nang balingan siya ng magulang. “Wala po.”

                “Oo nga naman,  tutal naman type ka no’n, bro. Sure win!” udyok pa ng kapatid.

                “Ah… I’ll see. Ayoko namang manligaw dahil alam ko ng gusto ako ng babae. Gusto ko love ko siya kaya ko niligawan.” At love ko si Amhiela na maging sisterette no.  

                Tinapik ng kanyang ama ang balikat niya. “That’s my son. May prinsipyo, may paninindigan.” Talagang paninindigan kong mag-secret…at magsinungaling, Tay. Sorry po.

                Nagi-guilty siya.  Tuwing nagsisinungaling siya  para pagtakpan ang kanyang gender crisis ay inusig siya ng konsensya. Alam naman niyang kung sakaling umamin siya sa magulang ay matatanggap ng mga ito ang preference niya. Pero  batid din niyang  masasaktan ang magulang niya, pag nagkataon.

                His parents had been through lots of pains and emotional burdens when they admitted to them that his sister Tomomi was an adopted child. Sinubok ng tadhana ang tatag ng kanilang pamilya noon nang lumayas ang kanyang kapatid, hinanap ang sarili sa malayo habang naiwan siya na nag-iisang diwang saksi sa kalungkutan ng mga magulang. Ayaw niyang maulit pa ang mga yon. Kaya nagdesisyon siyang kahit anong mangyari, hinding-hindi malalaman ng magulang niya na isa siyang bading.

                Alanganing ngiti lang ang ibinigay niya sa magulang hanggang sa maalala niyang may gagawin pa pala siya. Tumayo na siya. “May lalakarin pa pala akong arrangements para sa paglipat natin ng resort bukas for next batch of photoshoot. Aaalis po muna ako.”  He hugged his father and kissed on his mother and sister’s cheeks.

                “Sige, mag-iingat ka hijo ha,” bilin ng kanyang ama.

                “Opo.”

                He went out of the room. Saka lang siya nakahinga ng maluwag. I definitely need to find ways to hide everything. I have to make a resolution.  At isa lang ang naiisip niyang paraan para hindi na isipin  ng kapatid niya na isa siyang darna. My gosh, manliligaw ako ng babae? Yiiiyikes!  Thinking na manunuyo siya ng babae e kinikilabutan na siya. Okay fine, kailangan kong magpakalalaki na. He was in the middle of convincing himself that he must try to be a real man from that day on when suddenly, Amhiela went out of her room few meters away from where he was walking. Dalawang villa house na may seven rooms each ang nirentahan nila sa resort na yon para sa two weeks stay ng kanyang pamilya at staff. They were like working and taking a vacation all of the same time.  At sa villa na yon, si Amhiela lang ang staff na doon nag-stay. Pamilya niya at ang magkakapatid na sina Maylee, Camille, at Belle ang naka-check in doon.

                “Uy, Vlad, good afternoon!” magiliw na bati nito sa kanya.

                “Good afternoon din.  Nakatulog ka na?” Silly question, for he immediately noticed her hair. Parang nasabunutan ng kapitbahay lang.
            
    Tila nahihiyang sinuklay ng kamay nito ang sariling buhok. “Nakalimutan ko palang magsuklay. Nagutom kasi ako bigla e. Yan tuloy, obvious na bagong gising lang ako.”  Babalik  sana ito sa loob ng room nito nang tawagin niya ito. “Yes, my fafable boss?”

                Alanganing ngumiti siya. Hindi pa niya sinisimulan ang nasa isip niya ay parang nagi-guilty na agad siya lalo na nang makita niya ang maamong mukha ni Amhiela. Come on Vlad, subukan mo lang kung talaga hindi e di itigil mo na. Tapos.  His mind was justifying what he was about to do. “Ahm, may gagawin ka ba bukas ng gabi?”

                Amhiela happily said, “Wala naman, mag-extend ba tayo ng photoshoot bago lumipat ng resort? Walang problema sa akin. Kayang-kaya ng powers ko yon.”

                “Ah no, we’re moving in to next resort tomorrow.”

                “Ah, so anong meron bukas ng gabi?”

                “Naisip ko lang… let’s have dinner tomorrow night.”

                Napamulagat ito. “Niyayaya mo akong mag-dinner? Date ba ito?”

                Alanganing ngiti uli. “Hmmm, sort of.”

                “Sure. No problem. With open arms wide open…” tila kinikilig na sambit nito.

                “Oh thanks you. I… I have to go,” pamamaalam niya dito.

                “Sige, ingat ka.”

                “You too.” He was taking his steps towards the stairs when she called his name. “Yes?”

                Nagulat siya nang  bigla na lang itong humalik sa pisngi niya. Natigilan siya.

                “Wag mong intindihin masyado yan. Thank you no harm friendly kiss lang yan. Advance thank you para bukas. Bye!” 

             Nawalan siya ng pagkakataong mag-react dahil sa isang iglap nakapasok na ito sa kwarto nito. Natitigilan pa rin si Vlad. A first kiss from a woman. Ah no! First kiss niya talaga yan regardless of gender. Dapat ay naiilang na siya o kaya naman ay napapangiwi  na ngunit iba ang naging epekto ng kiss na yon sa kanya…it made him feel good.

                Oh my God! Natotomboy ba ako? Yikes!


PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…