Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Three



 Hindi mapakaling nagpaikot-ikot sa maliit na pantry ng room si Vlad. Pagkagising niya ng umaga ay na-shock ang kagandahan niya sa drama nila Amhiela. Hugging each other while sleeping! Oh my gosh! What did I do? Kaya naman ng matauhan ay agad siyang bumangon at lumabas ng silid…trying to recover everything that happened last night.

                Natigilan siya nang may maalala siya. Nasabi ko sa kanyang vaklesh akez? Nasapo niya ang noo at wala sa sariling nahigop ng bonggang-bongga ng kanyang tea.
            
    “Good morning, Vlad!”

                Sa gulat ay nadulas sa kamay niya ang tasa at bumagsak sa sahig. Buti na lang at wala na iyong laman.

                “Vlad, okay ka –”

                Iniharang ni Vlad ang braso para mapigilan si Amhiela na pulutin ang nabasag na tasa. “Dyan ka lang, ako na ang bahala dito.”

                “Okay.”


                Kumuha si Vlad ng dustpan at agad winalis ang mga bubog.

                “Okay ka lang Vlad?” tanong nito.

                Binalingan niya ito. “I hope so.”

                “Bakit naman? Masakit ba ulo mo dahil sa hangover?”

                Hindi, masakit ang ulo ko sa’yo. How can this girl act like nothing shocking happened last night? “No. Ah, we better have our breakfast.” Inilagay niya sa isang tabi ang walis at dustpan pagkatapos ay giniya niya ito sa mesa. 

                Nagkibit-balikat lang ito sa kanya at saka sumunod sa kanya. Magana at masaya ito habang kumakain habang siya ay halos hindi malasahan ang kinakain dahil preoccupied ang uta  niya. He found it weird. Bakit parang balewala lang kay Amhiela na nalamang nitong bading siya? Napakalayo ng bagay na yon sa ine-expect niyang magiging reaction ng isang babaeng nai-date ng isang bading na nagpanggap na straight.  Amhiela seemed like just fine with it. Ay nako, mauubos ang invisible false eyelashes ko sa babaeng ito.

                “Masama ba ang pakiramdam mo?”

                “Ah, hindi naman.”

                “Bakit di mo ginagalaw pagkain mo? Come on, it’s sunny happy morning. Makisaya ka sa weather, you know?” sambit nito sabay balik ng attention sa pagkain. “Cheer up!”

                “Amhiela…”  Kinabahan si Vlad at na-tense nang  balingan siya nito. Napabuntong-hininga siya, trying to feel more relax. “Ah, iyong tungkol sa nangyari kagabi…”

                “Alin don?” tila balewalang tugon nito at nagawa pa talagang ibalik muli ang atensyon sa pagkain.

                “Iyong…”

                “Iyong preference mo?”

                Natigilan si Vlad ng ilang segundo. Confirmed. Lantad na kay Amhiela ang secret niya. Sa pagka-taranta sa kung ano ang dapat gawin ay nilapitan niya ito. OA na lumuhod siya sa harap nito. “Utang na loob, Amhiela isekreto mo lang ang nalaman mo please… please! Nakasalalay do’n ang buhay ko. Nakikiusap ako.  Walang dapat makaalam na bading ako. Hindi yon dapat makarating sa mga  magulang ko at kahit kay ate.” Hinawakan niya ang kamay nito habang nakatitig siya sa nakamulagat nitong mga mata sa kanya tila nagugulat sa mala-FAMMAS na  drama niya. “Gagawin ko ang lahat, Amhiela. Lahat… lahat ng gusto mo—”

                “Teka lang, Vlad!” Kumalas ito sa pagkakahawak niya at ikinulong nito ang mainit nitong mga palad sa kanyang mukha.

Nagulat si Vlad. Her hands seemed like healing his heart, casting away his worries, and telling him to calm down. Natigilan tuloy siya at napatitig na lang dito. Juice kez! Anong gayuma meron ang babaeng ito?

“You don’t have to worry on anything. Wala akong alam.” She winked. “Mananatili iyong secret mo na confidential, top secret, off the record, fragile do not touch!”

Bahagya siyang napatawa sa hirit nito. “Salamat, Amhiela. I owe you a lot.” Niyakap niya ito.

She hugged him back. “Wala yon.” Kumalas ito sa pag kakayakap sa kanya. “Vlad, may gusto lang akong itanong and please answer me honestly, okay?”

“Sure!”

“Pero bago yon tumayo ka nga diyan at umupo ka ng ayos. Kaloka ka!”

Napapakamot sa ulong tumayo siya at umupo sa katabi nitong silya. “Ano yong tanong mo?”

“Bakit mo ako nililigawan or rather bakit ka nagplanong ligawan ako? Panakip butas ba sa preference mo dahil alam mong may mga taong naghihinala sa’yo?”

Umiling siya. “Hindi ganon, Amhiela. Gusto kita. Well aaminin ko noong una naman gusto na kita. Gustong maging bff, actually  kasi wala ako noon. And ikaw, I like your attitude. Matapang ka, marunong lumaban sa buhay at nagkakasundo tayo sa mga bagay-bagay. Pero ewan ko rin ha. Kasi pag kasama kita minsan, nakakalimutan kong bakla ako. You make me feel like a man.”

“At gaano katagal naman ang moment na yon?” natatawang tanong nito.

“Hmmm, mga five seconds siguro!” biro niya.

“Char! Hindi man lang umabot sa one minute.” Tumawa pa ito.

Tinitigan niya ito. Bakas naman sa mukha nito na hindi ito nagpapanggap na maging okay despite of the situation. Nakagaan iyon sa loob ni Vlad.   “Amhiela, gusto kong matutunan kung paano maging lalaki kaya sinabi kong gusto kitang ligawan. Pero hindi kita pipilitin. Maiintindihan ko kung humindi ka sa set up na ito kasi alam ko rin naman na may chances na masaktan ka o masaktan ako o magulo ko ang tahimik mong buhay.”

She grabbed his hands. “I’m willing to  help you out, Vlad. Hindi naman nagbago ng preference mo ang pagka-crush ko sa’yo. Mas nadagdagan pa nga. Alam mo kung bakit? Kasi you had the courage to admit to me who you really are. Katapangan yon. At ang pagiging tunay na lalaki ay hindi sa preference sinusukat. Sa paninindigan yon at sa katapangan na amining mahina rin siya minsan. I don’t care if you’re gay. Sa mata ko, ikaw ay isang tunay na lalaki.” She pinched his nose. “Kaya, cheer up dude! I can be your bff, ka-MU, ka-chever, whatever. I’ll support you sa lahat ng bagay—“

Pinutol niya ang litanya nito. He grabbed her nape and lovingly kissed her on lips. Kakaibang pakiramdam ang hatid nito kay Vlad. Yeah, you made me feel like a man, huh! It was just a quick kiss. Pero  naramdaman niyang nagrespond ito. Pagkatapos  ay nagkatitigan sila at eventually napangiti.

“Alin ba ang mas masarap? Kiss ng guy or girl?” tanong nito.

“I don’t know. Ikaw pa lang naman ang nahahalikan ko. I never kissed a guy.”

“Echozera!”

“Trulili!”

Napatawa sila ng sabay.

“Vlad, will that be too much if I ask some conditions sa set up na to?”

“No, it’s fine. Ilatag mo ang conditions. I’ll obey.”

She smiled. “I have three conditions.” He nodded. “First, bawal akong halikan uli hangga’t nanliligaw ka pa lang. Conservative ako, charot lang!” Napangiti siya. “Strict ang daddy ko. Baka biglang magpakita yon sa panaginip mo at lecture-an ka sa tamang panliligaw sa anak niya.”

“Oh, sige.”

“Second, wag na wag kang magpapahuling nambababae ka or rather wag kang mambabae at all. Sasamain ka talaga sa akin.”

“Wow, bading nga ako di ba? Tapos nagagawa mo pa talagang maisip na mambababe pa ako sa tagilid kong lagay na ito?” di makapaniwalang sambit niya.

“Oy, never underestimate the power of gays. Kung nakakalimot ka nga pag kasama mo ako, di malayong makalimot ka rin sa ibang babae. At saka, malay ko ba kung i-maximize mo yang learning to be a man na drama mo at isama mo sa listahan ng pag-aaralan mo ang maging babaero. Magaling ng sigurado. May mga bading na babaero din no!”

He smiled. “Grabe ka. Lumelevel up ng bonggang-bongga ang critical thinking mo. Naisip mo talaga yan ha. Pero wag kang mag-alala, ikaw lang ang babae ko. So what’s the third?”

“Bawal manlalaki.”

“Hello, bading nga ako pero discreet ini! Hindi ko magagawang manlalaki ano! Eh di lalo akong nalintikan. Naka-hiding inside myself nga ako, paano naman ako makakapanlalaki niyan?”

“Ba’t ang dami mong sinabi? Given the chance may balak ka ano?” Tumaas pa ang kilay nito.

“Wala.”

“Weh?”

“ Magko-concentrate ako sa’yo.”

“Echoz ka!”

“Seryoso. Mag-concentrate ako sayo.”

“Promise?”

“Swear galore! Salamat, Amhiela.”

“No problem. Ikaw pa  e ang lakas ng dating mo sa akin. Gora lang, pahabain mo ng bongga ang hair ko ha.”

They both laughed.


FULL OF energy si Amhiela hang nagtatrabaho. Sinamantala ng staff ng Keithan Apparels ang magandang pahanon para gawin ang outdoor photo shoot sa tabing tagat. Sa araw na yon ay sampung modelo ang hawak niya na kailangan mag change ng damit ng limang beses. At kada damit ay kailangang limang shots ang kunin.  Ang mga models ay halo-halong kilala at di kilalang models at mga artista.

But what makes Amhiela so much excited with the project is the appearance of Thunderkizz Band members as models. Isa ito sa mga sikat na banda na nai-manage ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Bagama’t out of showbiz na ang grupo, once in a while ay nakikita pa rin sila sa tv, hindi na para mag-perform kundi para suportahan ang kanilang mga anak na ngayon ay bumubuo na rin ng pangalan sa  music industry, ang Sheyron Band.

Fashion without limit ang tema ng special corner na tinatrabaho ni Amhiela ngayon featuring the young-looking members of Thunderkizz na kahit nasa tanders years na ay di maitatangging mga eye catcher pa din.

“Last batch for the day!” sambit ni Amhiela habang abala ang mga make up artist sa pagre-retouch ng foundation and make up ng mga ito at si Tomomi naman ay abala rin sa pag-aayos ng mga suot na damit ng mga ito.  Habang binibigyan pa ang mga ito ng final touches siya naman ay inaayos ang kanyang camera para masiguradong maganda ang magiging kuha niya lalo na ngayong wala siyang gamit na lights. Sinamantala na rin kasi niya ang natural na ganda ng sinag ng araw para sa pictorial.

 Few seconds more she was taking the last batch of photos. “Perfect! Last shot na po!” She positioned well to capture a perfect angle then clicked her camera. Then she looked over the shots she  took. “Okay na po. Thank you very much po.” 

“Amhiela, pwedeng pahiling kami?” tanong ni  Hansen Ferrer.

“Ano po?”

“Wacky shots!” korong sambit ng grupo sabay tawa.

“Sige po.” Isinakbat niyang muli ang camera at ini-adjust ang lens ng camera niya.

“Ibibigay lang naming yan sa mga anak naming mas excited pa sa amin lagi,” pahabol hirit pa ni Yohann Custodio.

“Sure no problem. Okay, wacky shots!” Ilang shots ang kinuha niya para sa request ng mga ito.  At ng matapos ang photoshoot ay sinilip niya ang mga shots. Kagya’t na nalungkot siya ng maalala niya ang kanyang ama. Ilang taon ding ama niya ang kaagabay ng Thunderkizz mula noong mga binata at dalaga pa ang mga ito. Kahit siya ay kinalakihan na rin niyang nasa paligid ang mga ito kaya napalapit na rin siya sa mga ito.

“Wag kang malungkot, Ayen,” nakangiting sambit ni Ayame Ursonejo sa kanya sabay yakap sa kanya. “Your father will always be proud of you. Ikaw ang little girl non, hija.”  Mula pagkabata ay Ayen ang ibinigay ng mga ninong at ningan niya na nick name sa kanya. But she hardly use it. Pakiramdam niya kasi ay sobrang intimate na sa kanya pag tinawag siyang Ayen kaya karamihan pa rin ay tinatawag siya sa pangalan niyang buo at wagas… Amhiela.

“Salamat po, Tita.”

Lumapit din sa kanya si Drexcel Veloria. “Ikaw talaga, cheer up baby. Kamukhang-kamukha mo pa naman ang masungit mong tatay.”

They all laughed. Yes, her father has a snob image at madalas napapagkamalang arrogant but those who knew him well will definitely disagree. 

“May boyfriend ka na ba, hija?”

“Wala pa po.” An image of Vlad popped her mind. “Pero may lumelevel up na manliligaw.”

“Oh, that’s great,” comment ni  Reijan.

“Iharap sa mga ninong yan bago sagutin ha,” hirit naman ni Hansen na ikintawa nila. Lahat sila ay minalas maging ninong niya sa binyag.    

“Oo naman po. Kilala nyo  po siya.”

“Sino ba yon nang mahusgahan na?” tanong ni Drexcel.

Tinuro niya si Vlad sa di kalayuan na kausap ang shoe designer na isa lamang sa mga  clients ng Keithan Apparels, si Sophia Chii. Pero napakunot ang noo niya nang mapansing ang lapad ng ngiti ni Vlad habang nakikipag-usap sa client. Ito namang si babae ay tila nagpapacute at may patouchy- touchy moves pa kay Vlad na talaga namang nasisiyahan. Aba, may balak talaga ata tong magviolate ng  condition. Por que ba naka-mini skirt at curl hair ang babaeng yon at ako mukhang adik na napatambay lang?

Wala sa oras na napuna tuloy ni Amhiela ang suot niya, simpleng pants at simpleng shirt lang at doll shoes. Binalingan niya uli si Sophia na sexy, hip but still classy sa maong mini-shirt nito at halter top.  Anak ng stiletto!  

Napabaling sa direction niya si Vlad ang authentic na ngiti ay napalitan ng pilit na ngiti nang irapan niya ito.  Por que alam mong gusto kita. Unfair!

“Ah, si Vlad naman pala. Approve na yan,” hirit ni Ayame na sinang-ayunan ng iba.

Marami pang naging comment ang mga ito tungkol kay Vlad pero hindi na niya naunawaan. Napako na kasi ang atensyon niya sa mga simpleng tawanan at lampungan ni Vlad at Sophia sa di kalayuan.

“Ayen… Ayen!”

Nagulat pa siya ng bahagya nangkulbitin siya ng Ninong Reijan niya.  “Po?”

“Wag masyadong selosa, hija. Baka hindi kayo magkatuluyan niyan,” tatawa-tawang hirit lang nito.

Sumimangot lang siya na ikinatawa ng mga ito. “Hindi ako selosa,” tanggi niya kahit parang ganon nga ang nararamdaman niya ngayon.

“Bahala ka na nga hija, aalis na kami!”

Isa-isa siyang humalik at yumakap sa mga yon hanggang sa umalis na ang mga ito at naiwan na lang siyang mag-isa. Nagsawa na rin siyang panoorin si Vlad kaya inayos na lang niya ang kanyang mga gamit.  Pack up muna sila dahil mataas na masyado ang sikat ng araw. Babalik sila sa shooting mamayang hapon hanggang maggabi.

Isa isa na niyang binuhat ang mga bags nang may umagaw sa kanya ng tripod. “Tulungan na kita.”  Dahil masyado siyang naka-concentrate sa pagde-deny na nagseselos siya ay hindi niya namalayang nakalapit na pala si Vlad.

Umiwas siya. “Hindi okay lang kaya ko naman.”  Then she started walking.
“Amhiela, anong problema? Galit ka ba sa akin?” tanong ni Vlad habang pinipilit pa rin nitong agawi sa kanya ang malaking bag na sakbat niya at ang tripod.

“Ha? May ikakagalit ba ako? Wala naman di ba?”

“But…” Humarang ito sa harap niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. “Why with that cold treatment?” A trace of worry was reflecting in his eyes and that particular scenario melted her jealousy.

 Umiling siya. “Wala pagod lang ako.”  

Kinuha nito mula sa kanya ang tripod at bag kung saan nakalagay ang mga lenses at camera paraphernalia niya.  Pinabayaan na lang niya ito kesa naman pag-awayan pa nila iyon. “Ihatid kita sa room mo para makapagpahinga ka agad. Actually may reservation tayo sa restobar nila dito for lunch sana pero ipapa-deliver ko na lang sa room mo ang pagkain ha. Magpahinga ka after mong mag-lunch. 5pm pa naman ang resume ng photoshoot.”

Nahiya siya. Kung hindi nga lang siya magmumukhang tunay na baliw ay nasabunutan niya ang  sarili. Ano nga bang uri ng agiw ang pumasok sa ulo niya at nag-inarte siyang bigla?  Selos ‘day! sagot ng utak niya. Napangiwi tuloy siya.

Hindi tuloy niya namalayan na nakarating na pala sila sa room niya kung hindi pa siya binalingan ni Vlad at hiningi sa kanya ang susi.  Parang robot naman na iniabot niya ang susi. Pumasok sila sa loob ng room pagkatapos ay inilapag ni Vlad ang bag sa kama at ang tripod sa mesa.

“Ipapadala ko na lang ang lunch mo ha—”

“Vlad…” ikinawit niya ang kamay sa braso nito. “Sayang ang reservation mo do’n. Tara bilis gutom na ako!” 

“Huh?”

Di na ito nakaangal nang kaladkarin niya ito.  

            
           “MAY IBA  sa’yo, Amhiela,” puna ni Vlad.

                Napatunghay tuloy si Amhiela mula sa pagkaabala sa kinakain. Hindi rin niya maintinidhan ang sarili niya dahil mula pa kaninang di niya nagustuhan ang paglampong ni Sophia Chii kay Vlad ay napuno na siya ng bad vibes. Susme! Ito ba ang selos? Ito ba? Ito ba? Nakakasira ng araw ha.
       
              “Amhiela? Are you still with me?”

                Saka lang  siya napabalik sa huwisyo. “Ah, ano iyong sinasabi mo?”
     
           “May problema ka ba?” Umiling siya. “Masama pakiramdam mo?” Umiling siya. “Pagod ka nga?” Umiling uli siya. Umakto itong tila nag-iisip pa ng dahilan kung bakit silent type siya. “May singaw ka?” Umiling siya.Then he suddenly teasingly smiled. “Nagseselos ka kay Sophia?”

                “Aray!”  Sa pagkabigla niya ay dumulas sa kanyang kamay ang steak knife na ginagamit niya sa paghiwa ng   beef steak. Tumama ang blade sa dalawang daliri niya.   Bad vibes talaga ang araw na to! Ang sakit!

                Agad siyang dinaluhan ni Vlad at inispection ang kanyang sugat.  “It’s bleeding. This should be washed by running water.  Tara.”  Inalalayan siya nitong makatayo at pagkuwa’y sinamahan siya nito sa sink malapit sa restroom. His hands where carefully holding hers while running water was drifting off her hands.
  
              Sa di mawaring dahilan pawang may kilig na dala ang eksenang iyon sa puso ni Amhiela. “S-salamat, Vlad.”

                Kumuha ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang  kamay niya na nagpakabog ng puso niya. He was really caring ever since but having some opportunity to witness his care was something rewarding. “Sorry.”

                “Wala ka namang kasalanan at saka mababaw lang na sugat to. Actually, kasalan ng katangahan ko lang ito.”  Natutuop niya ang bibig nang maalalang pinagbawal nga pala nito ang term na tanga.

                 “Kung hindi ako nagtanong ng stupid question hindi mahihiwang parang steak ang kamay mo,” giit nito. “Hindi ako nambababae, Amhiela.”

                “I know—”  Natigilan siya nang mapansing nakatitig ito sa kanya. “Bakit?”

                “Ang cute mo palang magtaray.” He winked.

                Pabirong nagtaas siya ng kilay. “Ah ganon?”

              “Oy, nagpapa-cute.”  He touched her nose.

                Nagkatinginan sila ang sabay na napatawa.

                “Are you okay now?” Tumango siya. “Let’s go back and finish our meal Amhiela.”

                “Sure.”

                “Teka, wala ka bang nickname?”

                “Meron, but only people intimate to me are allowed to call me Ayen.”  Nakabalik na sila sa mesa at nakaupo na muli.

                “So I better call you Ayen too from now on.”

                “Pag-iisipan ko yan.”

               “Too late, I already did.” He teasingly smiled.

                “Madaya!” she winced.

                Inunahan siya nitong madampot ang steak knife  at fork niya. He managed to slice the beef meat into bite size for her.  “There you go.” Inilayo na nito sa kanya ang kutsilyo pagkatapos ay binalingan siya nito at nginitian. “Eat now, Ayen.”


                “Nakakainis ka.”

                “Bakit?” napakunot ang noo nito.

                “Ang sweet mo nakakakilig, nakakainis! Sabihin mo nga, nagpo-fall ka na sa akin ano?” She winked.

                He laughed. “Gutom lang iyan, Ayen.”

                Lalo siyang napangiti kasabay ng pagkabog ng puso niya. He just knew how to perfectly pronounce her nickname in the most classy and sweetest way.  Grabe! Ang ganda ko talaga all over!  “Will you say it again?”

                “Alin? Iyong gutom lang iyan?”

                “Hindi! Iyong nickname ko.”

                “Ayen…Ayen. Ayen!”  He mischievously grinned.

                “Ay kumain na nga lang tay bago ako magkumbolsyon sa kilig!”

                He laughed. And Amhiela felt like she finally heard the best music to her heart ever.


PREVIOUS                                                                             NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…