Skip to main content

Blue Pillow In Gelo's Arms Part 2



ILANG araw ang lumipas. Binibisita niya paminsan-minsan ang asawa niya para dalhan ito ng mga prutas, pagkain at samahan sa pagpapa-check up. Alam niya kasing hindi niya maaasahan si Cherry pagdating sa pag-aalaga nito sa sarili.

At the same time, he was drowning himself with too much work. Iyon lang ang naging outlet niya para saglit na takasan ang problema niyang hindi matapos-tapos. So far, everything was doing well. At dahil wala ng ginagawang masama si Cherry, unti-unti ay naiisip na ni Gelo na simulan ng ayusin ang buhay nila sa pag-asang baka maaayos pa ang lahat.


Halos limang oras ang ginugol ni Gelo sa madugong close door meeting sa board of directors at investors sa joint real estate business nila ng kaibigang si Loui. Nakakapagod, physically at mentally. Nang sa wakas ay matapos ang meeting ay agad siyang bumalik sa opisina niya. Agad siyang sinalubong ng secretary niya para ibigay ang mga papers na kailangan niyang pirmahan at pag-aralan.

“May tumawag ba sa akin?” tanong ni Gelo.

“Yes, Sir. Mama n’yo po.”

Mama ko? “I see. Paki-hold uli ng calls ko. I have lots of things to do.”



Pagkapasok niya sa opisina niya ay agad niyang hinagilap ang kanyang cell phone. May 13 missed calls siya galing sa kanyang ina. May limang text messages pa. pero bago pa niya tuwirang mabasa ang laman ng mensahe ay nag-ring uli ang phone niya. His mom was calling again.

“Yes, Ma? Nasa meeting ako kanina, Ma. I’m sorry.”

“Anak, nanganak na asawa mo.”

Natigilan siya. Nasa ikapitong buwan pa lamang ang sinapupunan ni Cherry. Bakit nanganak ito agad? Anong namang ginawa ng asawa niya?

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik. Agad siyang pumunta sa hospital para asikasuhin ang asawa niya. Inabutan niya si Cherry na natutulog na sa ward nito. Nasa tabi lang nito ang isang baby’s cradle kung saan nakalagay ang kanyang munting baby.

Tila nablangko si Gelo. Ni hindi niya rin napansin agad na nasa silid ang kanyang biyenan, magulang at kapatid. Ang lahat ng atensyon niya ay nasa sanggol. Agad niyang nilapitan ang crib. Matagal niyang pinagmasdan ang bata hanggang sa may naramdaman siyang di niya maipaliwanag. Iyon siguro ang tinatawag nilang lukso ng dugo.

Finally, he was a father. Di niya maipaliwanag ang magkahalong takot at saya sa puso niya nang subukan niyang buhatin ang bata. Ang baby boy ko….

Lumapit ang kanyang ina sa kanya at tinuruan siya ng tamang pagbuhat sa bata. “Maswerte ang batang iyan. Malusog siya. Hindi mo aakalaing premature. Congratulations, anak. You’re now a father for real.”

“Salamat, mama.”

Binalingan niya ang biyenan. “Tay, bakit po siya nanganak agad? Ano pong sabi ng doctor?”

“Pumutok kasi agad ang panubigan niya kaya kahit wala pang sapat na buwan kinailangan na niyang manganak,” tugon nito.

“Nakausap na namin ang doctor, kuya. Okay na naman lahat. Healthy ang baby mo kahit kulang sa buwan at okay din ang asawa mo.”

“Gelo…”

Binalingan niya si Cherry na biglang nagising. “Dito na ako, magpahinga ka lang.”

Tears fell from her eyes. “Magbabago na ako, Gelo. Wag mo lang akong iiwan.”


SA MGA sumunod na araw ay pinanghawakan ni Gelo ang sinabi ni Cherry na magbabago na ito at hindi naman siya nabigo. Humingi ito ng tawad sa mga nagging kasalanan nito sa kanya at sa baby nila. Humingi rin siya ng tawad sa mga pagkukulang niya kay Cherry. Binuksan muli ni Gelo ang posiblilidad na mahalin si Cherry. Kailangan niyang gawin iyon upang maging masaya at maayos ang pagsasama nila.

Unti-unti naayos ang lahat. Naging magkaibigan muli silang dalawa. nagging maasikasong asawa din si Cherry sa kanya ngunit may isang bagay siyang napapansin, hindi ito madalas maasikaso sa baby nila.

Isang gabi, sinubok ng pagkakataon ang pagiging ama ni Gelo. Kasagsagan ng bagyo, walang kuryente sa kanilang lugar at dis-oras na ng gabi.

Nagising si Gelo sa iyak ng baby. “Anong problema?” tanong niya sa asawa.

“Gelo umiiyak ang bata, patahimikin mo nga iyan! Istorbo sa pagtulog.”
Agad na nag-init ang ulo niya sa litanya ng asawa. Ni hindi man lang ito bumangon para alamin ang kalagayan ng bata. Pero dahil nangako na si Gelo na uunawain niya ang asawa at pagpapasensyahan para lang walang gulo, hindi na lang niya pinatulan ang sinabi nito. Bagkus ay bumangon siya at dinaluhan ang bata.

“Leo Marcel, wag ka ng umiyak.” Binuhat niya ang bata para ihele at patahanin. Ngunti bigla siyang nagpanic nang maramdamang napakainit nito. Agad niyang sinalat ang noo ng bata. Nilalagnat ito at mukhang di na kaya nit ang lagnat dahil nagsisimula nang mag-bluish ang kamay at paa nito. Isang lingo pa lang ang baby at wala pang kahit anong bakuna kaya lalo siyang nag-alala.

“Cherry, nilalagnat ang bata. Dalhin natin sa hospital.”

“Bukas na lang.”

“Anong bukas na lang? Hindi maganda ang condition niya!” Kumuha siya ng pwedeng ibalot sa baby. Ginagalit talaga siya ng asawa niya dahil tila wala itong pakialam kung may mangyari sa baby nila.

“Kung ayaw mong sumama bahala ka!”

Nagmamadaling dinala niya ang bata sa pinakamalapit na hospital. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman niya habang sinusuri ito ng doctor. Nakahinga lang siya ng maluwag nang sabihin ng doctor na ligtas na ang kanilang anak. Hindi na rin ito pina-admit bagkus ay binigyan na lamang siya ng reseta ng mga gamot na dapat ibigay sa bata.

Papalabas na silang mag-ama sa hospital nang salubungin sila ng kanyang ina.

“Ma, ayoko na. Pagod na akong ayusin ang marriage na ito. Uuwi na ako sa inyo. Sa inyo na muna kami ni Leomar.”

Hindi sumagot ang kanyang ina bagkus ay niyakap lang siya nito.

KAHIT walang tulog ay masayang inaalagaan ni Gelo ang kanyang baby. Masigla na ang bata na pawang walang nangyari ilang araw na ang nakalipas. Nakahiga silang mag-ama sa kama habang inaaliw niya ito ng mga makukulay na laruan.

Hindi na siya bumalik kay Cherry. Pumunta ito sa bahay kung saan siya ngayon nakatira pero hindi niya ito hinarap dahil baka kung ano pang masama ang magawa niya. Hinayaan lang niya itong makita ang baby.

“Anak, si Cherry andito. Haharapin mo na ba?”

“Sige po, Ma. Papasukin nyo po.” Batid niyang hindi niya dapat takbuhan ang problema. Sapat na ang tatlong araw na tumakbo siya palayo.

Maya-maya pa’y pumasok na si Cherry. Agad itong lumapit sa bata, hinalikan ang bata sa noo at hinalikan siya sa pisngi. Ngunit kahit ang paglalambing na iyon ay hindi pumawi sa bigat ng loob na nararamdaman niya.

“Gelo, mag-usap tayo. Kelan ba kayo babalik sa bahay?”

“Depende.”

“Depende?”

“Nakadepende kung magiging mabuting ina ka kay baby o hindi. Cherry, ang totoo napapagod na ako. Ginagawa ko naman lahat para maayos ang marriage natin pero walang nangyayari. Kung ayaw mo sa anak natin ayos lang, sa akin na lang siya. Kaya ko siyang mahalin mag-isa.”

“At paano ako?”

“Bahala ka.”

“Gelo, wag mo akong iiwan. Ayoko.”

“Maghiwalay na tayo.”

“Sorry na, patawarin mo ako. Hindi na ako uulit. Please give me second chance. Kung gusto mo na alagaan ko palagi si baby sige. Aalagaan ko na siya para sa’yo.”

Nakuyom niya ang kamay sa pagtitimpi ng galit. “You know what, Cherry? You’re pathetic! Hindi mo ba talaga mahal ang batang ito? Cherry, anak mo siya! Hindi mo naiintindihan iyon? Bakit wala akong makita ni katiting na pagmamahal diyan sa puso mo para sa bata?”

“Mahal ko iyan at mahal kita. Sige na, bigyan mo na ako ng chance. Papatunayan ko sa’yo na magiging okay din tayo.”

“Ilang chance na ang binigay ko sa’yo? Lahat iyon sinira mo lang paulit-ulit.”

“Sige na, Gelo. Para sa bata.”

Natigilan si Gelo. Nag-isip siya saglit. Para sa baby niya. Para kay Baby Leomar. Para sa married life na pilit niyang sinasalba kahit nasa gilid na ng bangin. “Okay last chance.” He gave in. gagawin niya lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak kahit ang kapalit noon ay ang magdusa siya habambuhay.
Nang araw din na yon ay bumalik sila sa kanilang sarilig bahay. Pilit simulan muling ayusin ang buhay may-asawa nila. Until one day, sinubok muli si Gelo ng pagkakataon.

Gelo was playfully carrying his baby boy. Sinusubukan niya itong patulugin dahil ayaw na nitong bumitaw sa kanya. Ilang beses na itong nakatulog ngunit kapag ilalapag niya ito sa crib ay bigla itong magigising at hahabol na naman sa kanya. Hindi tuloy siya makaalis ng bahay para bumili ng baby stuffs and supplies nito. Kahit kasi Cherry ay ayaw nitong sumama. Three weeks old na ang baby niya and so far he was enjoying the strange feeling of being a full-pleged father.

“Tumulog ka na baby. Kantahan ka ni Daddy?” Though hindi ito sumagot ay nagsimula siyang mag-hum ng mga love songs para ihele ito. Maya-maya lang, the baby rested on his shoulder, sensyales na inaantok na ito. Ipinagpatuloy niya ang paghehele hanggang sa tuluyan na itong nahimbing.
Dahan-dahan niyang ibinaba ito sa crib. Inayos niya ang mga asul na unan upang hindi ito mauntog sa gilid ng crib sakaling magising ito. He then kissed his baby’s forehead.

Kinuha niya ang car keys at tinawag si Cherry na sumaglit sa kapitbahay para makipagkwentuhan.

“Cherry, bantayan mo si baby ha. Bibili lang ako ng gatas at diapers.”

“Sige.”

Umalis siya sakay ng kanyang kotse at sumaglit sa malapit na convenient store. Papalabas na siya ng convenient store nang malaglag mula sa kanyang bulsa ang car keys niya. Agad na tumambad sa kanya ang keychain na may picture nilang mag-ama. Sa di niya mawaring dahilan ay bigla siyang natakot at kinabahan.

Dali-dali niyang pinulot ang susi at nagmadaling umuwi. Lalo siyang kinabahan nang umibis siya ng sasakyan. Ang mga kapit-bahay niya ay nasa bakuran na ng bahay niya na tila may inu-usyoso sa bahay niya. patakbong pumasok siya sa loob. Lalong tumindi ang takot na nararamdaman niya nang marinig niya si Cherry na umiiyak. Lalo siyang nagmadali.

Tumigil ang mundo nang tumambad sa kanya ang kanyang baby boy, nasa sahig, nangingitim na ang balat, may bahid ng dugo sa ulo.

“Leomar!” Agad niyang dinaluhan ang bata. “Bakit nakatanga lang ikaw diyan? Wala ka talagang kwentang asawa!” Natatarantang binalutan niya ito ng lampin at itinakbo papalabas ng bahay.

“Gelo sasama ako,” habol ni Cherry pero hindi niya ito pinansin. Isinakay niya ang bata sa sasakyan at dinala sa hospital. Umaaagos ang luha sa kanyang mga mata habang nagmamadali siyang magmaneho. Sinusulyapan niya ang kanyang anak. Alam niyang hopeless act na ang isugod ito sa ospital dahil batid niyang wala na itong buhay nang buhatin niya ito kanina. Ngunit sa humihingi siya ng milagro sa langit, umaasa na baka maaring mahabol pa niya ang buhay ng anak sa kahit anong paraan.

Diyos ko, wag po muna. Hindi ko po kaya.

Ngunit sadyang may mga panalanging hindi nabibigyang katuparan.

“I’m sorry, Sir. We did our best pero masyadong mahina pa ang bata para makalaban sa ganitong klase na aksidente. I’m sorry,” sambit ng doctor na umasikaso sa anak niya sa Emergency Room ng ospital.

Saka lamang naniwala si Gelo na wala na ang kanyang anak nang ideklara ng doctor na death on arrival na ang baby niya. Namanhid ang puso ni Gelo. Sa isang iglap ay tila naglahong parang bula ang lahat ng pangarap niya para sa baby niya. Pinayagan siyang makita ang anak bago ito ilipat ng morgue.
Puno ng lumbay para sa anak at galit sa puso para sa asawa ang puso niya.

Nanginginig ang kamay niya nang hawakan niya ang malamig na bangkay ng anak. “ Anak, mahal na mahal
ka ni Daddy ha.” Hindi niya napigilan ang umiyak. Tahimik lang siyang umiiyak. “Sorry anak. Nahuli si Daddy, I’m sorry…”

Hindi naubos ang luha niya nang dumating ang mga mag-assist sa kanila para dalhin ang anak niya sa morgue.

“Excuse me, po. Dadalhin na po muna namin siya sa morgue. Doon nyo na lang po hintayin ang susundong funeraria.”

“Brad, pwede bang ako na lang bubuhat sa anak ko?”

Nagkatinginan ang dalawang tauhan ng morgue. “Sige po, Sir.”

Maingat na binuhat niya ang baby niya palabas ng emergency room.

“Gelo... ang baby natin?”

Galit ang unang umusbong kay Gelo nang marinig ang boses ni Cherry. Umiiyak ito nang lapitan siya.
“Patay na dahil sa’yo. Masaya ka na? Pinabayaan mo ang anak natin.” Ipinakita niya dito ang bata. Sa unang pagkakataon ay naaninagan niya ito ng simpatya sa sinapit ng anak nila. Pero huli na ang lahat. Huling-huli na. “Simple lang ang hiniling ko sa’yo. Ang gusto ko lang ay lagaan mo siya pero hanggang sa huli, pinabayaan mo lang siya.”

Akmang kukunin nito ang bata sa kanya pero pinagdamot niya iyon. “Ngayon mo pa naisip iyan? Ngayon mo lang naiisip na buhatin siya? Kalingain? Alagaan? Huli na, Cherry. Kahit hawakan mo ang batang ito, wala na. Hindi na niya mararamdaman ang pagmamahal na hindi mo binigay sa kanya.”

“Gelo, di ko sinasadya. Binuksan ko kasi ang crib. Hindi ko naman alam na mahuhulog siya.”

“Iniwan mo ang bata, pinabayaan mo siya. Inuna mo pa ang chismisan sa kapitbahay!”

“Oo, alam ko mali ako. Sorry. Wag mo akong hihiwalayan, Gelo.”

Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Dapat ay nagluluksa ito sa nawala nilang anak pero eto at pansarili pa rin ang intension ni Cherry. “Iyan pa din iniisip mo? Imposible ka na, Cherry. Tapos na tayo at ipapakulong kita. Wag na wag kang magkakamaling bumalik pa sa bahay natin kung ayaw mong mabulok sa kulungan.”

Hinabol-habol pa siya nito pero hindi na niya pinansin. Hanggang sa makarating sila sa morgue. Sa tulong ng kanyang kapatid ay nakakuha agad sila ng funeral services. Hanggang sa paghahatid sa funeraria ay hindi niya binitawan ang anak. Siya mismo ang nagkarga dito. Maging ang page-embalsamo sa kanyang anak ay pinanood niya. Hanggang sa ihatid ang kabaong nito sa bahay niya ay hindi niya iniwan ang anak.

Sa tulong ng mga kapitbahay na diwang saksi sa negligence ng asawa niya ay napakulong niya ito. Kung tutuusin ay kulang pa iyong kapalit ng buhay ng kanyang anak ngunit nakatulong iyon upang maibsan ang bigat sa dibdib niya. Ngunit makalipas ang dalawang araw ay iniatras niya ang kaso sa pakiusap ng kanyang biyenan. Pero nag-iwan siya ng isang mahigpit na kapalit, wag na wag niyang makikita ang mukha ng asawa sa libing ng kanyang nag-iisang anak.

His set of friends stayed on his side throughout his grieving moments. Sila ang diwang sandalan at karamay niya sa masakit na pangyayaring iyon sa buhay niya.

“Dito lang kami para sa’yo, kuya,” sambit ni Cio.

“Tama. God’s will, makaka-move on ka rin,” dagdag pa ni Mel.

“Anong plano sa asawa mo?” tanong ni Lelen.

“Annullment,” tipid na tugon niya.

“She’s guilty of negligence. The process will surely be easier than usual,” sabat ni Loui.

“Yeah, right.”

It was easy. But Gelo know deep inside that everything will be much difficult than before. Madaling kalimutan si Cherry. Ngunit ang lahat ng naidulot ni Cherry sa buhay niya ay mahirap makalimutan.

Pakiramdam ni Gelo ay hindi sumisikat ang araw kahit tirik na tirik ang init ng araw nang ilibing ang kanyang anak. Iyak lang siya ng iyak habang yakap-yakap ang asul na unan na paborito niyang iunan sa namatay na anak. His grief went up when his son’s remains were finally entirely buried. Napakadaling binawi sa kanya ang pagkakataong maging isang ama at iyon ang pinakamasakit.

Makalipas ang halos isang taon, wala pa ring nagbago sa pangungulila ni Gelo sa anak. Buhay pa din sa kanyang kotse ang alaala ng baby niya. His son’s blue pillows and stuff toys can be seen on his car. Tuwing babyahe siya sa ibang lugar ay bitbit niya ang asul na unan na iyon maging ang ilang damit at lampin ng kanyang anak. Pakiramdam ni Gelo ay nasa tabi lang niya palagi ang anak tuwing yakap niya ang asul na unan nito.

WAKAS

Comments

Rika said…
nakakaiyak naman.. hu__hu pinaiyak mo na naman ako tita melai.. pra akong sira dito..naisip ko ang baby brother ko.. haha...hindi ko ma imagine 3 weeks pang baby na..... T____________T
Naiomi said…
T__T Huhuhuh. Naiyak ako. Nakakaiyaaaaakkk!! ;( Kawawa naman si Gelo. ang sama ni cherry. ;( Nakakaiyaaakkkkk..... ;( ;( ;(
Grabe naman ito... T_T
Apple jane said…
True story po ba Ito,,nakakaawa nman C baby ang sakit kya mawalan ng anak...grabe nman ang babaeng Ito walang kwenta!!!huhuhu so sad!!

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…