Skip to main content

Blue Pillow In Gelo's Arms Part 1



Paunawa:
Ang kwento ito ay alay sa isang kaibigan na minsa’y naging mabuting ama kahit sa maikling panahon lamang. This is a Father’s Day Story Tribute. May tauhan akong pinalitan ang pangalan upang protektahan ang ilang sensitibong issue na nakapaloob sa kwentong ito.




Isa-isang tinawagan ni Angelo ang kanyang mga kaibigan. Inuna niya sa listahan si Mel, ang unang ampon ng barkadahan nila. “Mel, Chicken Ati-Atihan, seven pm.”

“Ha? Anong meron?”

“Basta. Libre ko,” tugon niya.

“Seven? Pwedeng seven-thirty? May ginagawa pa ako e.”

“Mel, hindi tatakbo ang manuscript mo. Sige na seven, hintayin kita.”

“Sinong kasama?”

Nauubos na ang pasensya niya. Alam niyang pag maraming tanong ang kaibigang ito, isa lang ang ibig sabihin…tinatamad itong sumama. “Tayu-tayo lang, sige na.”



“Okay sige.”

Call cut. Sinunod niyang tawagan ang childhood friend niya. “Loui, Seven. Chicken Ati-Atihan.”

“Layo.”

“Reklamador!” buska niya sa kaibigan. Tamad ito pag galangan lang ang lakad pero di mo naman maawat kung may kinalaman sa negosyo ang pupuntahan.

Tumawa ito. Okay. I’m with Lelen.”

“Kailan mo ba iniwan iyang girlfriend mo. Package deal na iyan e. Sige, tatawagan ko pa si ampon number two.”

“Sure, bro.”

Call cut. Ang bunsong ampon naman nila ang tinawagan niya. “Cio, Chicken—damn!” Kaka-hello pa lang niya ay naputol na agad ang linya. Sa lahat pinakamahirap kontakin si Cio, may saltik na kasi ang kakarag-karag nitong 3315 na cell phone. He dialed again.

“Sorry kuya, sira na battery ng cell phone ko e, Nagda-drop ang battery pag call,” tugon agad ni Cio.

“Itapon mo na iyan, bigyan kita ng bago,” sambit niya. Hindi gaanong pinalad sa buhay itong si Cio kaya bilang isa sa tinuturing nitong kuya ay madalas niyang tulungan ito sa mga financial needs nito kahit na madalas ay natatanggihan siya.

“Ayoko nga, mahal ko ito ano.”

“Sige mahalin mo siya hangga’t buhay pa siya ha,” napapangiwing sambit niya. “Tol, alas-siete, Chicken Ati-Atihan, libre ko.”

“Manlilibre ka na naman kuya? May celebration?”

“Oo, i-celebrate natin ang miserableng buhay may asawa ko.”

Hindi happily married si Gelo. In fact, hindi niya maramdaman ang essence ng pagpapakasal niya kay Cherry. Napilitan lang kasi siyang magpakasal dahil sa paparating na baby nila. He cared about his future baby’s welfare. At dahil gusto niyang maging isang responsableng ama sa hinaharap, sinimulan niya ang bagong hamon sa buhay niya sa pagpapakasal sa ina ng magiging anak niya.

On the rocks na ang relasyon nila ni Cherry nang malaman niyang buntis ito. In fact, with formal break up na sila dahil madalas na silang nag-aaway, di nagkakaintindihan, at emotionally, nagkakasakitan kaya naman sa halip na lalong magkainitan mas minabuti ni Gelo ang makipaghiwalay ng tuluyan. Ngunit hindi pa nagtatagal ang hiwalayan nila ay mula siyang kinontak ni Cherry. Gumawa ito ng praan para makipag-meet sa kanya at saka niya nalamang dinadala nito ang panganay niyang anak.

Noong una ay di siya naniwala. Marami ng dahilan at panloloko ang nagawa ni Cherry sa kanya wag niya lamang itong hiwalayan kaya naging mahirap din sa kanya ang paniwalaan ang sinabi nito noong una. Ngunit mahirap kalaban ang konsensya. At hindi kaya ng konsensya niya ang maging bastardo ang kanyang anak dahil hindi niya iyon pinanagutan.

Humantong tuloy siya sa puntong pinakasalan niya at binigyan ng magandang buhay si Cherry. Binilhan niya ng bagong bahay, binigyan ng kotse at driver. Inalagaan niya ito bilang mabuting asawa. Ngunit habang tumatagal ay may napapansin siyang di tama sa ikinikilos nito.

Alas-siete sa Chicken Ati-Atihan. Isa sa pinakagusto niya sa kanyang mga kaibigan ang pagiging professional pagdating sa mga lakad. Saktong alas-siete nga dumating ang mga ito.

“So iyong totoo anong meron talaga, Gelotin?” tanong ni Mel. Noon pa man ay hobby na nito ang tawagin siya sa kung anu-anong pangalan associated sa totoo niyang pangalan.

“Nag-away kami,” tugon niya.

Dumating ang order nilang food at drinks. Ilang bote ng beer para sa kanila ni Cio at fruit juice para kina Loui na huminto na sa pag-inom dahil ipinagbawal ng doctor, Mel at kay Lelen.

“So what’s new? You always fight,” komento ni Loui.

“Oo nga naman, at pustahan same issue? Di kayo magkasundo dahil selfish siya?” dagdag pa ni Mel.

“Yeah. Pero palala ng palala kami. Iniwanan ko siya ng pera kaninang umaga. Sabi ko, magpa-check up siya, punta siya ng doctor kasi nagpa-schedule na ako ng check up niya. Di ko siya nasamahan dahil sa trabaho ko. So pagkauwi ko ng bahay, kinamusta ko ang check-up. I ask for medical records. Sinabi niyang di siya nagpa-check up,” litanya ni Gelo sabay inom ng beer.

“Baka masama ang pakiramdam,” sambit ni Lelen.

Napatingin si Gelo kay Lelen. She was his first love, his first serious girlfriend but suddenly, she fell in love with his closed friend. Pinalaya ni Gelo si Lelen dahil alam niyang iyon ang makakabuti sa kanilang lahat. Pero kung ikaw ang napangasawa ko… napailing ng wala sa oras si Gelo sabay iwas ng tingin at lagok ng beer.

“Oo nga naman kuya, palaging masama ang pakiramdam ng buntis,” sabat ni Cio.

“Bakit mo alam, nabuntis ka na?” patawang tanong ni Mel.

Alam ni Gelo ang purpose ni Mel. Magpapatawa ito para hindi na siya masyadong ma-depress.

“Oo,” patol ni Cio sabay hawak sa tiyan. “Kapapanganak ko lang, ate.”

Nagtawanan sila.

“No,” pakli niya. “Magaling sana kung sinabi na lang niyang masama ang pakiramdam niya pero hindi pa rin iyon valid reason. Hello, sa doctor nga ang punta niya di ba?”

“So what’s her reason?” tanong ni Loui.

“Tinatamad daw siya.”

Nagsiilingan ang mga kaibigan niya. Batid niyang iisa lang ang iniisip nilang lahat.

“I told you, my wife doesn’t care about our baby. She only cares about herself,” dagdag pa niya.

“Bakit mo kasi pinakasalan?” tanong ni Loui.

“Pare, kung ikaw ba ang nasa lagay ko, hindi mo papakasalan ang ina ng magiging anak mo? I’m not a bad guy you know it.”

“Baw!” patawang hirit ni Mel na ikinatawa naman nila. “So ang sine-celebrate natin ngayon ay ang hell life mo, tama ako Gelotion?”

“Mel, sige ilang pangalan ko pa ang kaya mong imbentuhin?”

“Teka, Gelotin, Gelotion, Gelo for sale, Marcelino, Mais con Gelo—“

“Stop, sige na ikaw na nga magaling mag-isip ng pangalan, Miss writer. Hindi na kita hahamunin, napapahiya ako.” They laughed. Masarap talagang kasama ang mga kaibigan niya. Kahit paminsa-minsan ay napapawi ang problema niya pag nakakasama niya ang mga ito.

“Thank you so much. I love you all,” patawang hirit ni Mel.

“Baw!” korong sambit nila.

“Serious mode uli, Gelo. So anong plano?”

“Wala akong magagwa sa ngayon, I can’t break up with her dahil baka ang baby namin ang pagbalingan niya. I can’t take the risk. Mapahamak na ako wag lang ang anak ko.”

“Ang hirap naman ng sitwasyon mo,” komento ni Lelen.

“File an annulment after she gave birth,” suggestion ni Loui.

“I can’t. Paano ang pangako ko sa baby ko na magkakaroon siya ng normal na pamilya?”

“Kuya, hindi ata magiging normal kahit magsama kayo ni Cherry. Hindi nyo mahal ang isa’t isa,” sambit ni Cio.

“At kahit isipin nyo ngayon na walang effect iyon sa bata, nagkakamali ka, Gelo. Ngayon palang, apektado na ang bata sa sitwasyon nyo ng nanay niyang pabaya,” dagdag pa ni Mel.

Nagkibit-balikat siya. Ano nga namang magagawa niya sa ngayon? Wala siyang habol kay Cherry. Tanging ang future baby lang niya ang iniisip niya.

“Bahala na—” His phone rang. Ang asawa niya ang tumatawag. “She’s calling.” Nakangiwing sinagot niya ang tawag. “What now? I’m with my friends.”

“Sabi mo uuwi ka ng maaga.”

Gagawin ko iyan kung mabuting asawa ka lang sana. “Gagabihin ako matulog ka na. Wag kang magpuyat masama sa baby,” walang emotion na sambit niya. Bakit kailangang siya pa ang magtanda ng lahat ng bagay tungkol sa pregnancy nito?

“Ayoko, hindi ako tutulog pag di ka umuwi.”

“Wag matigas ang ulo, Cherry.”

“Nambababae ka ano?”

He sighed. Napansin niya ang mga kaibigan. Lahat sila ay nakatingin lang sa kanya na tila nag-aabang sa sasabihin niya.

“You know this marriage is not working well, Cherry. I hope you cooperate. Alam mo ring kaya kita pinakasalanan ay dahil lamang sa bata. Wala akong pakialam kung manlalaki ka kaya kung sakaling mambabae ako, choice ko iyon. Pero hinding-hindi ko iyon gagawin. Barkada ang kasama ko. Nasa sa’yo na kung hindi ka maniniwala.”

“Mas mahal mo ang baby kesa sa akin?”

“Alam mo ang sagot diyan, Cherry.” He cut off the call. Pagkatapos ay inisang lagok niya ang natitirang beer sa bote niya.

“Getting worst huh?” comment ni Loui.

“Definitely. Kaya kayo, wag kayong mag-aasawa ng hindi nyo mahal. Learn from my experience.”

“Pa-counsel mo asawa mo, Gelo,” mungkahi ni Mel.

“Oo nga, kailangan niya iyon dahil mukhang may saltik siya at obsess sa’yo at walang pakialam sa ibang bagay maliban sa’yo at sa kanyang sarili,” dagdag ni Lelen.

He nodded. Perhaps, pwede niyang i-consider ang magpa-marriage counseling. “Okay, I’ll do it. Cheers.” Iniangat niya ang bote ng beer.

He was half-drunk when he got home. Wala namang kaso iyon dahil kahit mababa ang alcohol tolerance niya, alam naman niya kung paano kontrolin ang sarili sa pag-inom. Inabutan niayng nagwawala ang seventh month pregnant niyang asawa.

“Puro na lang ang baby na ito ang gusto mo. Kahit anong gawin ko, Gelo ayaw mo akong mahalin. Puro na lang dahil sa baby, si baby! Paano naman ako?” nang makita siya nito ay sa kanya nito ibinato ang isang vase.

“Pwede bang tumigil ka? Makakasama sa baby iyan!” sita niya dito. He went forward to her para pigilan ito sa pagwawala.

“Bakit ba, Gelo? Ginawa ko namang lahat. Binigay ko ang lahat sa’yo pero bakit ayaw mo na akong mahalin?”

“Alam mo ang sagot diyan, Cherry. Ikaw ang unang nanloko sa akin noon. Ikaw ang unang sumira sa relasyon na ito. Siguro nga kasalanan ko. Kasalanan kong paulit-ulit kang patawarin. Pero labas ang bata sa problema nating dalawa. Kaya please, calm down!”

Sinuntok siya nito sa balikat. “Dati binibigay mo sa akin lahat. Lahat-lahat, pero ngayon parang wala kang pakialam sa akin.”

“Hindi totoo iyan, Cherry.” Kung alam mo lang.

“Sabihin mong mahal mo ako, Gelo.”

Hindi siya nakakibo. Ayaw niyang magsinungaling. Alam naman nilang dalawa na hindi na kasali ang love sa relasyong iyon pero pinipilit pa rin nilang iwork out alang-alang sa bata.

“Hindi mo na talaga ako mahal ano?” She started to cry like a spoiled brat who wasn’t able to get what she wanted. Nagulat si Gelo nang bigla nitong suntukin ang tiyan nito.

“Stop it Cherry!” Maagap niya itong pinigilan bago pa mapahamak ang dinadala nito.

“Kasalanan ng batang ito kung bakit ako patuloy na nasasaktan. Dahil sa kanya, dahil sa’yo. Kung hindi ito dumating hindi tayo ganito ngayon. Hindi ka mapipilitan, hindi mo ako masasaktan.”

“Wag mong idamay ang bata! Ano ka ba? Anak mo iyang dinadala mo, hindi mo ba iyan mahal?” Bumibigat nag dibdib ni Gelo. Hanggang ngayon ay ayaw niyang tanggapin ang katotohanang siya lamang ang nagmamahal sa anak niya. Ni ang ina nito ay itinatakwil ito kahit nasa sinapupunan pa lamang.

“Ayoko sa kanya. Hindi ko siya ginustong dumating sa buhay ko. Ikaw lang ang gusto ko.” Susuntukin sana nitong muli ang tiyan nito nang pigilan niya itong muli.

Niyakap ni Gelo si Cherry. Kung kinakailangan niyang magpanggap at magsinungaling, masiguro lang na hindi mapapahamak ang anak niya, gagawin niya iyon. “Tama na Cherry. Kung mahal mo ako, ipapaubaya mo sa akin ang bata. Wag mo siyang sasaktan. Dahil kapag nawala siya sa atin, mawawala din ako sa’yo.”

“Mamahalin mo ba ako basta andito ang baby?”

Pumikit si Gelo para pagtakpan ang totoo niyang damdamin. “Oo, Cherry. We have to work out this marriage. That’s the only thing I will ask for. Get it?”

Sa wakas ay kumalma na ito. Pansamantala, alam ni Gelo na ligtas na ang anak siya sa panganib. Cherry nodded.

“So, matutulog ka na ha. Para sa baby, para sa akin.”

Inihatid niya ito sa kwarto at hinintay na makatulog bago siya pasimpleng lumabas ng kwarto at nagpalipas ng magdamag sa sala habang nakatitig sa kisame. Marami siyang iniisip, marami siyang regrets, marami siyang pinagsisihan. At the same time kailangan na niyang gumawa ng decision.

“Sigurado ka na ba, anak?” tanong ng Ama ni Cherry kay Gelo.

Kinabukasan ay inihatid ni Gelo si Cherry sa magulang nito para sa dalawang dahilan, ang makasama nito ang pamilya nito at pangalawa, para may magbantay dito at masiguro niyang hindi na muling pagtatangkaan ni Cherry ang buhay ng baby nila.

“Naiintindihan nyo naman po ako, ‘Tay di ba?”

“Oo anak. Sinabi ko na iyan noon sa’yo. Sobrang magmahal ang anak ko na umaabot sa puntong nakakagawa siya ng mga bagay na hindi tama. Anong desisyon mo anak? Mauunawaan ko kung hiwalayan mo na siya kung hindi nyo na talaga kayang ayusin ang relasyon nyo ng anak ko.”

Napabuntong-hininga siya. Sa katauuahn ni Mang Ruben ay nakatagpo siya ng pangalawang ama, inuunawa siya, pinapayuhan, sinusuportahan. Mabait ang pamilya ni Cherry. Hindi lang niya alam kung paanong umabot sa sukdulan ang ugali ni Cherry na tila hindi na niya nakikita ang dating Cherry na minahal niya noon.

“Sa kanya na po nanggaling na hindi niya ginusto ang baby namin. Pinagtangkaan pa niyang patayin. ‘Tay, kung papayag kayo, pag kapanganak niya, kukunin ko na ang baby ko. Hindi ko naman po siya ilalayo sa inyo. Sisiguraduhin ko lang pong mamahalin siya ng taong mag-aalaga sa kanya.”

“Kung iyan ang desisyon mo, igagalang ko anak.”

“Salamat po, Tay. Aaalis na po ako. Kayo na po ang bahalang magbantay sa kanya.”

Papalabas na siya ng bahay ng biyenan nang habulin siya ni Cherry. “Iiwanan mo na ba ako? Bakit mo ako binalik dito?”

He faked a smile. “No, Cherry. May trabaho lang akong aasikasuhin at hindi kita maaalagaang mabuti. Seven months na yang baby natin sa tummy mo. Hindi convenient kung mag-isa ka lang sa bahay kaya dito ka muna. Dadalaw ako araw-araw, Cherry ha.”

“Ganon ba? Sige, kiss mo ako.”

Napilitan si Gelo na halikan ito sa noo. “Take care of our baby.”

“Sure.” Hinawakan nito ang tiyan. “Baby, alagaan ka ni mommy para love na ako ng daddy mo okay?”

Gelo was hurting so much. Minsan iniisip niyang siya ang may problema sa kanila. Minsan pakiramdam niya ay napakasama na niyang tao. Ang mahalin niya ang asawa ang tanging hiling nito pero hindi niya maibigay. Lalo pa ngayon nakikita niyang hindi nito mahal ang magiging anak nila. Dobleng sakit ang dulot noon sa kanya bilang isang ama. Paano niya ito matututunang mahalin kung ito mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi niya maramdaman ang pagmamahal?

                                                                                                NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…