Skip to main content

Senang Hati Music Lounge Series: Let Me Love You Part 2




HALOS lutang pa rin ang utak ni Penpen nang palabasin siya ng emergency room ni Doc Hirotomashi Yuri para siyang magbigay ng mga information sa mga taong naghihintay sa lagay nina Hansen, Ross, Ayame at Marie. Maging siya ay hindi pa rin makapaniwalang sa unang pagkakataon, nakipag-espadahan siya kay Kamatayan para maisalba ang buhay ng kanyang mga kaibigan. Parang kanina lang ay kakwentuhan pa niya si Marie bago ito umalis para makipagkita sa asawa nito. Nabanggit din sa usapan si Ross. At sina Ayame at Hansen ay nasa talkshow lang kanina. Pero sa isang iglap, andito na sila sa Emergency Room ng ospital kung saan siya nagtatrabaho.



Buti na lamang at hindi lang siya ang doctor na nasa ER nang isugod doon ang mga kaibigan niya. Masama ang loob niya nang araw na iyon dahil ang mga taong may pananagutan sa aksidente, ang dalawang lulan ng van na bumangga sa kotse ni Hansen, ay namatay sa kamay niya. At nasa kritikal na kondisyon sina Marie at Hansen.

Paglabas niya ng ER ay agad siyang nilapitan ng mga nag-aabang.

“Si Ayame ko?” tanong ni Choi.



“Okay na siya, Choi. Ligtas siya,” pagbibigay inpormasyon niya. “Pati si Ross ay ligtas na rin. Ililipat na sila sa isang private room.”

“Si Hansen?” tanong ni Yohann.

Nakagat niya ang labi para iwasang maiyak. “Hansen is critical. Kailangan siyang operahan dahil may malalim siyang sugat malapit sa lungs. He also needs a blood donor. Unfortunately, wala na kaming naka-stock na Type AB dito. Please, help us find a blood donor for him.”

“This is my fault. Kung hindi kami nagkainintan kanina, baka hindi nangyari ito,” sambit ni Yohann. “Gawin mo ang lahat, Penpen. Mahal ka niya, alam mo ba iyon?” Isang folder ang iniabot nito sa kanya.

Tumango siya.

Iniwanan muna niya ang grupo at nilapitan niya ang asawa ni Marie. Ito ang pinakamahirap na parte ng pagiging doctor. Akala niya sa loob ng dalawang taong serbisyo ay masasanay na siyang humarap sa mga nag-iiyakang pamilya ng pasyente. Pero alam niyang hindi pa rin magiging madali ang parteng iyon ng propesyon niya. Andon din at matamang nakikinig ang iba pa nilang kabanda. Hindi niya napigilan ang luhang pumatak sa pisngi niya.

“Anong nangyari kay Marie?” tanong ni Nathan.
Ginagap niya ang kamay nito. “Nathan, you need to be strong for her and for your baby. Marie is in coma state. Hindi natin alam kung kelan siya magigising o kung….”

“No! Hindi siya pwedeng mamatay, Doc Pen.”

Pinawi niya ang sarili luha. “Even if I hate the idea, we need to be ready.” Iniwan niyang nag-iiyakan ang mga kaibigan niya.

Sinunod niyang kausapin ang mga kaanak ng dalawang namatay. Pagkatapos noon ay nagkulong siya sa opisina niya. Tapos na ang trabaho niya sa ER. Ibang doctor na ang nakatalaga para dugtungan pa ang buhay ng mga kaibigan niya. Doon bumigay ang kakarampot na lakas na loob na inipon niya. Iniiyak niya lahat ng sama ng loob na naramdaman niya. Binuklat niya ang folder na ibinigay ni Yohann sa kanya.

Natigilan siya. Marriage contract nila ni Hansen ang nakalagay roon. Legal kaming kasal?! Mag-asawa kami! Paano? naguguluhang sambit niya sa sarili.

“Paging Dr. Penelope Ahne Tolentino, be in Operating Room immediately.”

Agad niyang inayos ang sarili at tumungo sa OR.



PAGMULAT ng mata ni Hansen ay agad niyang nakita sa tabi niya si Penpen. Napakurap-kurap pa siya. Inisip niyang baka nagha-hallucinate lang siya dulot ng aksidente. Bigla niyang naalala ang nangyari. Pakiramdam niya, manhid ang buong katawan niya. May benda ang kaliwang braso niya, kumikirot ang kaliwang dibdib niya hanggang balakang. At halos ata ng buong katawan niya ay bugbog ng galos at pasa.

“Si Ayame?” tanong niya sa nanghihinang boses.

Itinuro nito ang isang kama sa kaliwa niya. Nakita niyang nakahiga ang natutulog na si Ayame at ang inuunan nito ay ang dibdib ni Choi. Tulog din si Choi. Mukhang nakapag-take advantage na naman si Ayame sa kawawang binata.

“Ligtas na siya. Ikaw nga ang malala. Bugbog lang at konting galos ang nakuha ni Ayame,” sambit ni Penpen.

“Si Ross?”

Itinuro nito ang sofa sa kanan niya. Kahit nahihirapang bumaling ay ginawa niya. Gusto niyang makitang ligtas na ang kapatid niya. Nakaupo si Ross sa sofa, nakasandal at tulog. Katabi nito sina Yohann at Drexcel na magkadantay ang balikat na pareho ring tulog. Napangiti siya. Kahit nga siguro mag-away sila ng paulit-ulit, sa huli sila pa rin ang magdadamayan.

“Si Ross ang nagpakahirap humanap ng blood donor mo. At sina Yohann at Drexcel, hindi pa umuuwi ang mga iyan mula ng maaksidente kayo. Apat na araw ka ng walang malay. But isn’t it nice to know that they look after you from day one sa kabila ng naging problema n’yo?”

“Sinabi nila sa ‘yo ang pinag-awayan namin?” baling niya kay Penpen. Nakangiti lang si Penpen sa kanya kaya hindi niya naiwasang mapatitig. Kahit kailangan talaga ay hindi nawala ang pagmamahal niya dito.

Tumango ito.

“Pati iyong…”

“Ito?” Ipinakita nito sa kanya ang marriage certificate nila. “Paano nga pala ito nangyari? Sorry, nagkaproblema pa tuloy kayo dahil diyan sa kalokohan kong iyan.”

“Ako dapat ang mag-sorry. Hindi ka napakasalan ni Dharyl dahit dito.” Ikinuwento niya ang nangyari. Sinubukan niyang hawakan ang kamay nito ngunit ang pagkilos niya ay nagdulot ng pagkirot ng mga sugat niya. Napasinghap siya.

Ginagap nito ang kamay niya. “Relax ka lang Hansen. Magpahinga ka na muna sa ngayon okay.”

“Sorry, Penpen. I want you to know that I’m ready to face my responsibility. Asawa pala kita at may responsibilities ako sa ‘yo. Honestly, hindi ko alam kung ano ang dapat o tamang gawin pero kahit ano pa man iyon, handa akong panindigan.”

Ngumiti ito. “Pag-usapan natin iyan pag okay ka na. Sa ngayon, magpagaling ka muna ha. And by the way, you are not allowed to play guitar for a month or two para hindi lumala iyang braso mo ha.”

“Yohann kicked me out of the group. Hindi na talaga ako makakatugtog.”

“Sus! Echos lang iyon. Tingnan mo ‘pag nagising na ang mga iyan baka si Yohann pa ang unang yumakap sa ‘yo. Siya nga ang nagbibihis sa ‘yo e,” natatawang turan nito. “Hindi na Thunderkizz ang Thunderkizz kung mawawala ang pinaka-hot sa grupo n’yo.”

It’s his turn to smile. “Ako ba iyon? Bola na iyan, Pen.”

“Hindi naman ikaw iyon e, si Ayame.” They laughed, pagkatapos ay nagkatinginan ulit sila.

Parang dalawang taon na ang nakakalipas nang huli niyang matitigan ito. At ang nakakatawang isipin, pareho pa rin ang naramdaman niyang saya ngayong sa wakas ay natitigan na niya ito ulit.

“I miss you so much, Penpen,” wala sa sariling nasambit niya.

Natigilan ito, pagkatapos ay bahagyang ngumiti. “I miss you, too, Hansen.”

“Can you move closer? Hindi kasi ako makabangon.”

Gulat man ay lumapit din ito sa kanya.

He immediately, gave her a quick kiss on cheeks. “That’s thank you for taking good care of me and a promise of a romantic date as soon as I get well.” Ngumiti siya sabay pikit ng mata para hindi na makareklamo ito sa ginawa niya.



LUMIPAS na ang isang buwan pero matiyaga pa ring hinintay ni Penpen ang romantic date na sinabi ni Hansen. Pero ang date na iyon ay hindi na ata mangyayari. Naging abala ang binata sa kabi-kabilang shows kasama ang kabanda nito sa kabila ng doctor’s advice na ‘wag munang aabusuhin ang braso nito. Nabalitaan din niya ang kasong Breach of Contract na kinasangkutan nito dahil sa pagkakabunyag ng kasal nila. Bawal pala itong mag-asawa sa loob ng anim na taong contract nito. Huling taon na ng contract na iyon. Buti na lang at magaling ang abogado ng panig nito kaya naabswelto ang kaso. Hindi na rin siya nagawang matagpuan ng press para tanungin tungkol sa issue. Batid niyang napigilan na iyon ng talent manager ng banda.

Laking gulat niya nang makatanggap siya ng text message mula kay Hansen. Pen, are you ready to take chances? I’ll be waiting for you. Sinabi rin nito ang fastfood chain na kinaroroonan nito.

Off duty siya kaya libre ang oras niya. kailangan na rin talaga nila ang mag-usap. Pagpasok niya sa fastfood chain ay sinalubong siya ni Choi.

“Doc, nasa party area si Hansen. Doon ka na tumuloy.” Part time service crew itong si Choi sa fast food chain na iyon.

“Thanks.”

Ngunit pagpasok niya ng part area ay wala siyang nakitang tao. Puro mga red at white petals sa mga mesa ang bumungad sa kanya. May isang mesa rin roon na may naka-served na pagkain, mga pagkaing palagi nilang pinagsasaluhan ni Hansen tuwing nagde-date sila dati sa fastfood chain ding iyon. Then she heard Hansen’s voice singing.

“If I don’t need you then why am I crying on my bed? If I don’t need you then why does your name resound in my head? If you’re not for me then why does this distance name my life? If your not for me then why do I dream of you as my wife?”

Sa likod niya ito nanggaling. Agad siyang napangiti nang lumingon siya. He was holding a big pillow na may teddy bear designs. Hindi pa rin nakakalimutan ni Hansen na mas gusto niya ang unan kesa bouquet of flowers. Inabot nito iyon sa kanya. Agad niyang niyakap ang unan.

Hinawakan nito ang mga kamay niyang nakayakap sa unan. Mukha tuloy yakap nilang pareho ang unan. He continued singing an acapella version of If You’re not the One while lovingly staring in her eyes. Sa tinatakbo ng sitwasyon, mukhang makikipagbalikan na ito sa kanya. She can’t deny the feelings within her heart. Walang dudang may espasyo pa ito sa puso niya pero tila natatakot na siyang bumalik dito dahil baka iwan uli siya nito kapalit ng career. Takot na siyang mangyari ulit ang nakaraan.

“I don’t why you’re so far away. But I know that this much is true. We’ll make it through and I hope you are the one I share my life with. And I wish that you could be the one I die with. And I pray that you’re the one I built my home with.. I hope I love you all my life… I don’t wanna run away but I can’t take it. I don’t understand. If I’m not made for you then why does my heart tell me that I am? Is there any way that I can stay in your arms?”

He slowly took away the pillow in between them and then he lovingly embraced her. Kung gaano katagal ay hindi na nila namalayan.
“Penpen…” he whispered as he intently looked at her. There were lots of emotions written on his face.

Bumalik ang kabang palagi niyang nararamdaman noon tuwing yakap siya nito. And that was a great proof na hanggang ngayon hindi man lang nabawasan ang pagmamahal niya dito.
He gently touched her cheeks. “Penpen….” Then he moved closer.

Hahalikan mo na ulit ako? Yahoo! bulalas ng luka-luka niyang isipan. Napapikit tuloy siya.
She was anticipating sweet kisses when he suddenly said, “Parang hindi ata pantay ang blush-on mo? Nagmamadali ka bang pumunta rito kaya hindi mo na napansin?”

She opened her eyes in dismay. “Ha?” Lumayo siya saglit dito para silipin sa salamin ang mukha niya pero nakita niyang pantay naman ang make up niya. At saka niya narinig ang impit na tawa nito. Nang balingan niya ito ay saka ito humagalpak ng tawa. Sa inis ay nilapitan niya ito at hinampas sa balikat.

“Pinagtitripan mo na naman ako! Nakakainis ka!” singhal niya.

Tumawa lang ito. “Just like the old times. Siguro iniisip mo na naman na hahalikan kita the way I always do before.” He grinned.

Nag-init ang pisngi niya. Umiwas siya ng tingin para hindi nito mahalata ang kilig na naramdaman niya. “Kapal ng mukha mo, Hans Daniel Ferrer! Di ka naman gwapo. Mas gwapo pa si Ross sa ‘yo.”

“Magkamukha kami, hija. Paanong mas gugwapo iyon sa akin?” He grabbed her hands and held her towards the table with food. “Let’s eat first before anything else.”

“Oo nga dahil baka hindi tayo matunawan sa pag-uusapan natin,” tugon niya.

For couple of minutes they happily have their lunch while sharing bit of stories and updates about each other. Until, they’re done.

“Pen, kailangan na nating ayusin ang buhay natin. I want us to end this conversation with a decision.” Tumango lang siya. “Magtapatan tayo, Penpen. Kung ano ba ako sa ‘yo at kung ano ka sa akin. Andito na ito e, we’re legally married but we’re no longer a couple. It will only be us, being together or us, being apart.”

“Okay, gentleman first.”

Bumuntong hiningi muna ito waring pinagpractice-an na ang sasabihin at humahanap na lang ng timing for execution. “I know this may sound crazy but…I want you to know that I still feel the same way for you. Kahit two years na, still hindi nagbago ang feelings ko sa ‘yo. I still love you, Penpen.”

“You had a girlfriend. Kung mahal mo ako, ano ang naramdaman mo kay Diane?”

Halatang nagulat ito sa tanong niya. “I had Diane two weeks after I found out that you already had Dharyl for couple of months. Sabi ko noon, I won’t really give up on you unless you had someone else. Malinaw naman sa atin na kaya tayo naghiwalay noon ay hindi dahil nagkulang ako ng pagmamahal sa ‘yo kundi dahil kailangan ko ng focus sa career ko para kumita ng pera para sa kapatid ko. Umasa pa rin ako na mahihintay mo ako. Then I found out about Dharyl. I took it as a go-signal for me to look for someone who could love me too. And that was Diane. But I can’t hurt her. I can’t pretend that I don’t love you anymore. Siya na rin mismo ang nakatuklas noon kaya we broke up. She broke up with me.”

“Wala tayong pinagkaiba ng sitwasyon. I had Dharyl dahil pakiramdam ko hindi na kita maabot. Hindi na ikaw ang dating Hansen. Isa ka na sa mga tinitiliang celebrity icon. Marami na rin ang na-link sa’yo kaya siguro naisip kong hindi mo na ako babalikan. Bakit sinabi mo dating okay lang ang pagdating ni Dharyl kung ang totoo ay hindi naman pala okay sa iyo? I thought you already gave up on me kaya natutunan ko ng mahalin si Dharyl. And by the time I was already in love with him head over heels, he just declared he can’t marry me because of you.”

“I’m really sorry. Love fools! Pare-pareho lang nating sinaktan ang isa’t isa. We already had enough. We need to start over.”

“So, anong desisyon mo?” tanong niya.

He held again her hands tight. Then he lovingly gazed at her.“Mahal na mahal pa rin kita, Penpen. Mahal mo pa ba ako? Pwede pa ba nating ihabol ang second chance?”

Natigilan siya. Magulo ang estado ng puso niya ngayon. “Paano kung hindi na ako sigurado?” Kailangan talaga niyang pag-isipan ang tanong na iyon.

Bagsak ang balikat nitong iniiwas ang tingin at muling bumaling sa kanya. “Then, kailangan mong pag-isipan ito. Ang totoo, may desisyon na ako pero ang lahat ng iyon ay nakasalalay sa ‘yo. Ayaw kitang ikulong sa kasal na hindi ka magiging masaya, sa kasal na hindi ka sigurado sa nararamdaman mo sa akin, sa kasal na nangyari lang bunga ng katuwaan. I want to start anew with you. I want you to be my real wife. I want to take care of you for the rest days of my life. I want you to be the mother of my children kahit hindi ko alam kung para ba ako sa buhay may-pamilya. It’s just how I feel. Pero hindi ko ipipilit iyon sa ‘yo kung hindi mo gusto o hindi na pwede.”

She just heard the sweet words she’s been waiting for two years. Pero hindi niya alam kung ano ba talaga ang dapat maramdaman. “Salamat, Hansen.”

“It’s a make or break. Next Saturday, hihintayin kita sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala. I know you still remember the place.” Tumango siya. “Kapag sinipot mo ako, ibig sabihin lang noon ay handa ka ng maging asawa ko. Dalhin mo na ang mga gamit mo, iuuwi na kita sa bahay ko, at mula sa araw na iyon, ikaw na si Mrs. Penelope Ahne Tolentino-Ferrer. You would be my real wife.”

“Paano kung hindi ako dumating?”

“I’ll be processing our annulment. It would only means you don’t love me anymore, you don’t want me back, and it’s the end of our story,” malungkot na sambit nito.



ALAS-SAIS ng gabi ang usapan nila ni Penpen. Alas-singko y media pa lang ay nasa tagpuan na si Hansen, sa parking lot sa Zeus-Apollo Academy. Doon sila unang nagkakilala. Magkasama sila sa iisang school bus service noon at nagkakwentuhan sila nung masira ang sasakyan at kailangan nilang maghintay na makumpuni iyon.

At dahil araw ng Sabado, halos walang tao sa school. Iyong mga dance troupe, pep squad, drama club at choral group lang ang makikitang pakalat-kalat dahil Saturday ang rehearsal day ng mga organization sa school.

Lumipas ang isang oras, wala pa rin si Penpen. “Baka na-traffic lang siya,” usal niya sa sarili.
Isang oras pa ang lumipas. “Konti oras pa, darating siya,” pangungumbinsi niya sa sarili kahit pinanghihinaan na siya ng loob.

Another hour passed. Still, there’s no sign of Penpen around. At naiintindihan na niya ang ibig sabihin noon. Hindi na darating ang hinihintay niya. He started walking towards the parking lot kung saan niya iniwan ang kotse niya. Pagpasok niya ng kotse ay saka kumawala ang luhang kanina pa niyang pinipigilan. “She doesn’t love me anymore.” He felt so alone. Lahat ng kasama niya sa banda ay may successful love story na. Drexcel has Rozuka. Yohann has Quency. Ayame has Choi. And even his ex Diane has Reijan, their newest band member. Siya, wala. Napag-iwanan na siya ng grupo considering siya ang pinakamatanda sa kanila. At dahil pare-pareho ng committed ang mga kaibigan, nakikita na niya ang lungkot ng pag-iisa.

He tried to call Penpen but the phone seemed to be off. He called Ayame.

“So, naiuwi mo na ang prinsesa mo?” tanong agad ni Ayame.

He just sobbed.

“Hansen?”

“Hindi siya dumating, bunso. She doesn’t love me anymore.”

“Baka naman may emergency lang sa hospital, Hansen. Tinawagan mo ba siya? Tawagan mo muna at alamin.”

“Off ang phone niya. May kilala ka bang attorney? Kailangan ko ng ipaayos ang annulment namin.”

“Sigurado ka ba? Pero-”

“Ayame, ‘wag na nating ipilit. Nakapagdesisyon na siya.”

“Gusto mong puntahan kita? Puntahan ka namin? I’m with Drex, Yohann and Reijan.”

“’Wag na, salamat na lang. Kailangan ko ring mapag-isa muna sa ngayon. Tatawagan ko na lang kayo kapag kailangan ko ng kausap.”

Pagkatapos niyang makausap si Ayame ay malungkot na umuwi siya sa bahay niya sa Alabang. Lalo niyang naramdaman ang lungkot dahil walang tao sa bahay niya. Inayos na kasi niya ang buong bahay para kay Penpen. May naghihintay na rin sana sa kanilang romantic dinner courtesy ng kakambal niyang magaling magluto. Malungkot na niligpit niya ang hapag at inilagay na lang sa ref ang mga pagkain.

Umakyat siya sa kwarto. Iniligpit niya ang nagkalat na rose petals doon. Wala ng silbi iyon dahil wala ng romantic night na magaganap doon. Inilagay niya sa isang shoe box ang mga petals at scented candles. Binuksan niya ang dressing room niya malapit sa banyo. Isang closet ang binuksan niya. Nakalaan sana ang closet na iyon para sa mga damit ni Penpen. In fact, ipinag-shopping pa niya ito ng ilang damit. Pero pati iyon ay nawalan na rin ng saysay. Doon niya inilagay ang shoe box. Bumalik siya sa kama niya at humiga.

Tapos na ang pangangarap niya. Wala ng fairytale. Wala ng happy endings katulad ng palaging sinasabi ni Ayame, Diane, at mga kaibigan niya sa kanya. Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay may magandang katapusan. Kasama ang love story nila ni Penpen sa mga sawing love story.

Bumaba siya sa kusina at kumuha ng isang bote ng beer. Wala siyang planong maglasing dahil may gig pa ang banda kinabukasan. Gusto lamang niyang mapagaan ang loob niya. Hours passed. Alas-onse na ng gabi. Ang isang bote ay nauwi na sa tatlo. Inuunti-unti lang niya iyon para hindi siya malasing. Mahirap mag-perform sa hyper na crowd habang pinuputakti ang ulo niya ng hangover.

Nagulat pa siya nang may nag-doorbell. Dis-oras na ng gabi at wala naman siyang inaasahang bisita. Naisip niyang sina Yohann lang iyon. Nang ayaw tigilan ng kung sinuman ang doorbell ay napilitan siyang tumayo para pagbuksan iyon.

“Hi! Pwede pa ba nating ihabol?”

Napakurap-kurap siya. Namamalik-mata ata siya o baka naman may tama na ng beer o nananaginip. Kinusot niya ang mata pero ang nakangiting si Penpen pa rin ang nakita niya. “Penpen!” Niyakap niya ito ng mahigpit. Nakaaninag siya ng pag-asa sa pagdating nito.

“Ikaw, hindi mo na ako nahintay. Nagkasalisi tayo. Sabi ng manong guard kaaalis mo lang daw nung dumating ako. Sorry ha, may pasyente kasi akong hindi maiwan kanina. Hinintay ko pa iyong ka-shift ko para may magbantay sa pasyente.”

“Akala ko hindi ka na darating.” Nakita niya ang maleta nito. Masayang tinitigan niya ito. “Welcome home, my Mrs. Ferrer!”

“Well, thank you. Baka gusto mo na akong papasukin, gutom na rin po kasi ako at pagod sa trabaho at-”

Hindi na niya ito hinayaang makapaglitanya pa. He lovingly kissed her.

She laughed after those sweet kisses. “Okay na sana kaso amoy beer ka, manong! Umayos ka nga, Hansen!”

“Sorry!” Kinuha niya ang maleta nito at naiisip na niyang ituloy lahat ng napagplanuhan nang gabing iyon. “Pero hindi naman ako lasing.”

“Yeah I know.”


PREVIOUS                                                                           NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…