Skip to main content

Senang Hati Music Lounge Series: Let Me Love You Part 3




NATATAWA pa rin si Penpen habang isinusuot niya ang bago niyang nameplate sa puting uniporme niya. Ilang linggong pinagdiskitahan ni Hansen ang nameplate niya. Nagrereklamo ang mister niya dahil Tolentino pa rin ang nakalagay doon. Lalo pa siyang kinastigo nito nang malamang Tolentino pa rin siya kung pumirma.

“Ang ganda-ganda ng apelyido ng lahi ko pero ayaw mo namang gamitin. Dahil ano? Nakakatamad? Oy, isa ka ng Ferrer ngayon. Ferrer, okay! ‘Pag hindi ko pa nakita ang napakaganda kong apelyido sa nameplate mo, hindi na kita kakausapin,” naalala niyang sambit ni Hansen nung isang gabi.

Kaya bago tuluyang magtampo ang asawa niya ay nagpapalit na siya ng nameplate at nagsanay na rin siyang pumirma gamit ang apelyido nito. She had a happy married life so far. Tatlong buwan na silang magkasama at kapwa na sila nakapag-adjust. Wala ng ginawa si Hansen kundi ang alagaan at asikasuhin siya. Ganon din naman siya dito. Sinulit nila ang mga oras na magkasama sila at pawang binawi nila ang dalawang taong hindi sila nagkaroon ng ugnayan. At napatunayan lang niya kung gaano siya kamahal ni Hansen. Dharyl was right, Hansen is her happiness.

Isang bagay na lang ang kulang. Hindi pa nito nilalantad sa publiko ang tungkol sa kanya. Ipinalabas kasi noon sa media na na-annul ang kasal nila upang ilayo siya sa problemang maidudulot ng press media at para ma-preserve na rin ang bachelor image nito at ng mga kabanda nito. Malinaw na naipaliwanag iyon sa kanya ni Hansen at wala naman siyang pagtutol doon. Kaya lang, minsan ay hindi niya maiwasang umasa na balang-araw ay maipagmalaki rin nito sa publiko na pamilyado na ito. At isang bagay pa pala, hindi pa siya binibigyan nito ng wedding ring. Ang suot lang niyang singsing ay isang engagement ring pa lang. Kaya hindi pa rin niya lubusang masabing mag-asawa nga sila.




Alas-syete na ng umaga. Graveyard shift siya, seven ng gabi hanggang seven ng umaga. Si Hansen naman ay may gig sa isang bar kaya bihadong umaga na rin makakauwi ito. Excited na siyang umuwi hindi lang dahil sa siguradong matutuwa ito sa nameplate niya kundi dahil may sorpresa rin siya para dito.

Nagulat siya nang nakita niya si Hansen sa lobby ng hospital. Nakaupo ito sa sofa, yakap-yakap ang pinakamamahal nitong gitara, at mukhang natutulog. Naka-cap kasi ito at naka-shades. Kilalang-kilala niya ang asawa. Bihadong natutulog nga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti.

Dahan-dahan niyang tinabihan ito. Mukhang napalalim ang tulog nito dahil hindi man lang ito naalimpungatan nang tabihan niya. Dahan-dahan niyang dinukot ang wallet nito.

“Penpen, nakaintrega na nga sa ‘yo ang suweldo ko, dudukutan mo pa ako.” Tumawa lang siya. He moved. Inalis din nito ang suot na cap at shades. Parang batang kinusot nito ang mata at ngumiti sa kanya. “Good morning! You also looked tired, baby. Uwi na tayo.”

“E bakit kasi dumaan ka pa dito? Dapat dumiretso ka na sa bahay para magpahinga,” sambit niya habang naglalakad sila palabas ng hospital.

“Nakakalungkot matulog mag-isa.”

“Ha?”

“Never mind.” Naghikab ito at binalingan siya. Napansin na nito ang nameplate niya. “’Yan ang sinasabi ko. Maging masunurin kang asawa okay. Tingnan mo o, ang ganda-gandang basahin. Dr. Penelope Ahne Tolentino-Ferrer,” proud na proud na sambit nito.

“Oo na, oo na.”

Inakbayan siya nito at kinintalan ng halik ang buhok niya. “Hmmm…Mabango ka pa rin kahit galing ka ng ospital.”

“Puyat lang iyan, Mr. Ferrer. Itulog mo na lang iyan mamaya. Mawawala rin iyang pambobola mo.”
Tumawa lang ito.



MULA nang magsama sina Hansen at Penpen, hindi na naranasan ni Hansen ang malungkot o ang mapagod sa trabaho. Basta makikita niya ang misis niya tuwing uuwi siya ay napapawi na ang lahat ng pagod niya. Kaya naman nang matapos ang gig ng Thunderkizz ay sa hospital siya tumuloy. Gusto niyang makita agad ang asawa at ayaw niyang maghintay na lang sa bahay.

Matamang nakatutok ang atensyon niya sa daan habang nagmamaneho. Tahimik rin lang si Penpen sa tabi niya.

“Hansen, pwede bang ihinto mo sandali ang kotse?” Hinawakan nito ang braso niya. Nanlalamig ang kamay nito.

Binalingan niya ito. Nakita niyang namumutla ito. Agad niyang itinabi ang kotse at nag-aalalang binalingan niya ito.

“Anong nangyayari sa ‘yo? Nahihilo ka ba?” Tumango lang ito.

Kinuha niya ang bote ng distilled water sa dashboard. Pinainom niya ito ng tubig. Ibinaba niya ang bintana ng kotse para makalanghap ito ng hangin. Hinaplos niya ang noo ito pati na rin ang mga kamay nito. Pinaypayan na rin niya ito pero hindi nawala ang pamumutla nito. Natatakot na siya.

“Idadaan na kita sa hospital. May madadaanan tayong hospital malapit na lang iyon.”

“’Wag na Hansen. Alam ko na ang sasabihin ng doctor.”

“Pen, hindi manyapa’t doctor ka, hindi mo na kailangan ng tulong ng ibang doctor.”

Binuksan nito ang pinto ng kotse. “What do you think of having a baby?” bagkus ay tugon nito.

“Kailangan bang ngayon mo pa itanong sa akin iyan? Dapat ay isinusugod na kita sa hospital. You’re not feeling well. You’re…¬-” Natigilan siya nang ma-realize niya ang dahilan ng tanong nito. Excited na binalingan niya ito. “You’re pregnant?”

Ngumiti ito. “Oo, kaya ‘wag mo na akong isugod sa hospital. Okay.”

Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ito. “Thank you, Penpen. You have no idea how important this thing to me. I love you.”

“Nahihilo ako, Hansen. Hindi ako makahinga.”

Agad na binitawan niya ito. “Naku, sorry. Excited lang.” Kahit nahihilo ay tumawa ito. Pinaypayan niya ito at masuyong hinaplos ang noo nito. Di rin nagtagal ay nagkakulay na ito. Nakahinga na rin siya ng maluwag.

“I love you, more,” sambit nito na ikinagulat niya. Mula nang magsama sila ay hindi pa niya naririnig dito na mahal siya nito. Kahit naman nararamdaman niya iyon ay hinihintay-hintay pa rin niya na sabihin nitong mahal siya nito. “Sorry kung natagalan bago ko iyon masabi sa ‘yo.”

Tinitigan niya ito at masuyong hinaplos niya ang pisngi nito. “I feel great! Hindi na ako makakatulog sa sobrang saya ko ngayon. Are you feeling better now?” Tumango ito. “Mabuti pa, umuwi na tayo. Kailangan mong magpahinga ng husto para sa baby natin.” He went back on driving. “This is quite exciting. I’m going to be a father now. Parang kahapon lang, sinabi ko ata sa national TV na I’m not yet ready to give up my bacherlorhood as well as I’m not a marrying type of guy. Pero lahat nabago na and I’m so excited.”

“Wala kang pinagsisihan diyan?”

Saglit na binalingan niya ito. “Mas magsisisi ako kung hindi ito nangyari. Ano kayang magandang pangalan ng baby? Girl kaya o boy? Saan ba magandang mamili ng gamit ng bata? Saan ba magandang magpabinyag?” Andami pa niyang itinanong pero tinawanan lang siya ni Penpen.



“HOY, okay ka lang ba? Mukha kang namatanda diyan, Hansen,” puna ni Yohann.
Nasa dressing room sila ng Mall of Asia open grounds para sa kanilang Concert for a Cause para sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

“Kanina pa nga iyang aligaga,” dagdag ni Drexcel. “Teka, kabuwanan na ni Penpen ano?”

“Oo nga e,” tugon niya.

“Aysus, kaya naman pala. ‘Wag kang mag-alala. Hihintayin ka naman siguro ng anak mo bago siya mag-hello world!” hirit ni Ayame.

Napatawa na lang tuloy siya. Pero hindi noon naibsan ang pag-aalala. Malakas talaga ang kutob niya na sa gabing iyon o sa sunod na gabi ay manganganak na ang misis niya.

“Wala ba siyang kasama sa bahay?” tanong ni Reijan. Ito ang unang concert nila na kasama itong magpe-perform. Violin ang hawak nito.

“Meron naman. Ando’n ang kapatid ko at iyong mga kaibigan niya pero ewan ko. Kinakabahan pa rin ako.”

Ilang minuto pa ay nakasalang na sila sa stage. Naging successful ang concert. Sold out ang ticket at inabot na sila ng alas-kwatro ng madaling araw bago natapos.

Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bag. Kinabog siya ng kaba nang makitang may 28 missed calls siya mula sa kapatid at may tatlong messages. Dinala namin si Pen sa hospital. We think this is it ‘tol. Manganganak na siya. Natigilan siya.

“Hansen?” untag ni Ayame sa kanya.

“Manganganak na si Penpen.”

“What?!” sabay-sabay na bulalas ng grupo.

“Ano pang tinatayo natin dito? Tara na!” Kinaladkad na siya ni Yohann.

Along the way ay tinawagan niya ang kapatid. Nasa Delivery Room na daw si Penpen at nagle-labor na. Nagkaroon pa ng traffic sa dinaanan nila dahil sa isang aksidente kaya pagdating nila sa ospital ay nakapanganak na ang asawa niya. Sa private ward na sila tumuloy.

Pagpasok ni Hansen sa silid ay naabutan niya ang tulog na si Penpen at ang mga kaibigan nitong nagbantay. Lumabas ng silid ang mga ito para bigyan silang mag-asawa ng privacy. Agad niyang nilapitan ang asawa at hinalikan niya ito sa noo, sa pisngi at sa labi. Nagising ito sa ginawa niya.

“I’m sorry hindi kita nasamahan sa panganganak mo,” guilty na sambit niya. “Nahirapan ka ba?”

“Medyo. ‘Wag kang ma-guilty. Anticipated na naman natin ito di ba? Naging okay naman ang panganganak ko. Baby girl, a cute baby girl,” mahinang sambit nito. Halatang nahirapan ito at nanghihina.

“And I owe her from you, Mommy Penpen. Take some rest. Dito lang ako babantayan kita.” Hinaplos niya ang pisngi nito.

Ngumiti ito sa kanya at pumikit. Agad itong nakatulog. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto.
Pumasok si Jhamo, isa sa kabanda ni Penpen na Nurse din sa hospital na iyon. May karga itong sanggol. Kasunod na nito ang mga kaibigan niya.

“Daddy Hansen, eto na ang baby n’yo ni Doc Pen.” Maingat na ibinigay ni Jhamo ang bata sa kanya.

“Teka.” Natakot siyang buhatin ang bata. First time niyang magkarga ng infant at kinabahan siya. Binigyan siya nito ng konting instructions para sa safety ng bata. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito.

Napangiti siya nang makita ang nakapikit na bata. Agad niyang hinalikan ito sa noo at sa pisngi. Umibot ang bata waring natutuwa sa paglalambing niya. Humikab pa ito. He felt something warm enveloped his heart. “I love you, anak.” Ngayon, totoong tatay na nga siya. Binalingan niya ang mga kaibigan. “Tatay na ako. Ang sarap ng feeling!”

Nakisilip na rin ang mga ito sa baby girl niya.

“Anak mo nga siya, walang duda,” sambit ni Reijan.

“Oo nga. Ilong ni Hansen. Hugis ng mukha ni Hansen. Labi ni Hansen.” Inisa-isa ni Ayame ang mga namana ng anak sa kanya.

“Wala ka namang itinira kay Penpen. Pati mata, sa ‘yo namana,” dagdag ni Yohann.

“Meron, ‘tol. Gender. Babae ang baby!” sambit ni Drexcel.

Maingat at marahang hinaplos ng daliri ni Ayame ang pisngi ng baby. “Ang kyut, kyut, kyut, kyut!”

Maagap na iniiwas niya ang anak dito. “Ayame, baby ‘to hindi pusa. ‘Wag mong hahawakan ang anak ko, baka mapatay mo siya,” biro niya na ikinatawa nila.

“Ang sasama n’yo talaga.” Ngumiti si Ayame at nag-day dreaming na naman. “Haay, kami kaya ng Prince Charming Hanilabs ko? Kelan kaya kami magkaka-baby?” parang hibang na litanya nito.

“Tanungin mo muna kung gusto niyang magkaanak sa ‘yo,” hirit agad ni Drexcel.

“Alukin mo muna siya ng kasal,” sambit ni Reijan.

“At iyon e kung papakasalan ka nga niya,” sabay-sabay nilang buska.

“Ewan ko sa inyo!” tugon ni Ayame. “Hansen, paglaki ng baby mo, tuturuan ko siyang mag-drums.” Ito ang drummer cum vocalist ng banda. “Magiging magaling siyang drummer katulad ko. Bongga!”

“No, ang bagay sa kanya, gitara. Magiging best bassist siya at ako ang magtuturo sa kanya,” pakli naman ni Drexcel.

“Oy hindi, dahil ang bagay sa kanya ay maging pianist at singer. Iyong parang female version ni Jim Brickman at ako ang magte-train sa kanya,” singit pa ni Yohann.

“Hmm, kung ako kaya magturo sa kanyang mag-violin o mag-beatbox?” singit ni Reijan.

“Drummer!”

“Bassist!”

“Pianist!”

“Rapper!”

Hindi na nakasingit si Hansen sa debate ng mga kabanda niya. Ganon lang talaga ang mga ito kapag may natripang pagdebatihan. Binalingan na lang niya ang asawa. Nagising na pala ito at impit na tumatawa.

“Magiging multi-talented ang anak natin niyan,” sambit nito.

“Hayaan mo na lang sila. Masaya na ang mga iyan sa ganyan.” Inihiga niya ang anak sa tabi ni Penpen. Umupo siya sa gilid ng hospital bed at niyakap niya ito. “Mahal na mahal kita, Penpen.”

“I love you, Hansen.” Napangiti siya.

Maingat na hinaplos niya ang ulo ng baby. “At siyempre, love din natin si baby Danielle Ahne Ferrer!”
Napatingin sila sa grupo.

“Police!”

“Teacher!”

“Engineer!”

“Contortionist!”

Career naman ngayon ang pinagtatalunan ng mga ito.

“Reijan! Hindi pamperya ang anak ko,” singit niya nang marinig niya ang suggested career nito.

“Sige, magician na lang!”

Tumawa si Penpen. “Nice!”


MAINGAY ang crowd habang naghe-head bang na ang lahat sa music ng Thunderkizz band. Nasa sidestage ng Araneta Coliseum si Penpen at masayang pinapanood ang Major Concert ng banda. Buhat-buhat niya ang natutulog na tatlong buwang sanggol. Ni-request talaga ni Hansen na isama silang mag-ina sa concert na iyon. Kataka-takang tila mahimbing ang tulog ng anak niya sa kabila ng ingay. Mukhang makukuha nga nito ang pagiging rakista ng ama pagtanda nito. Masayang pinapanood niya ang performance ng banda.
Masaya na siya sa katotohanang sa likod ng tagumpay ni Hansen ay nasa tabi siya nito.

Sinorpresa ng banda ang madla sa naging opening number ng concert. First time na lumabas ang Thunderkizz on stage na hindi nakapwesto sa instruments nila. Kumanta at sumayaw ang mga ito ng isang RNB song bilang opening number. I Got a Feeling ng Black Eyed Peas ang kinanta nila. Pero ang mas nakakatawa dito ay ang pagiging sala-sala ng grupo. Si Ayame, magaling kumanta pero magaslaw sumayaw. Si Yohann, magaling kumanta pero tuod namang sumayaw. Si Reijan, magaling sumayaw pero medyo sintunado. Si Drexcel, pa-shy type kumanta at sumayaw. At si Hansen niya, medyo marunong kumanta pero wala ring career sa pagsayaw.

Yet, the night was really indeed a good night. Sa halip na madismaya ang audience ay mukhang minahal pa sila lalo ng crowd. Katatapos lang kantahin ng grupo ang version ng mga ito ng Ignorance ng Paramore. Si Ayame ang naging lead vocal ng kantang iyon.

Kinuha ni Yohann ang atensyon ng audience. “Ngayon po, may little changes kaming gagawin sa next song. Hansen would take my place as lead vocal. I’ll be on lead guitar and Reijan will be on keyboard.”

Nagpalit ng pwesto ang tatlo. Inabangan niya ang sunod na mangyayari. Walang naikuwento si Hansen tungkol doon.

“We love you, Hansen!” sigaw ng mga fans nito.

Tulad ng dati ay matamis na ngiti lang ang itinugon nito sa fans. Bumaling ito kay Penpen. Nginitian niya ito.

“Tonight is my night!” sambit nito. “Itong next song na ito ay para sa dalawang taong pinakamimportante sa buhay ko ngayon.”

Natigilan si Penpen. Mukhang may sorpresa ang mister niya sa kanya.

“For a year and few months, I tried my best to be in silence whenever media dig my private life. Kasi mahal ko sila at pinoprotektahan ko sila. But I think, tonight is the best timing to let the world know about my happiness.”

Naglakad si Hansen palapit sa kanya. Sumunod ang spotlight dito. He held her towards the center stage. “I would like you to meet my lawfully wedded wife, Dr. Penelope Tolentino-Ferrer at ang akin pong panganay na anak na kasing cute ko, baby Danielle.”

For a moment she was stunt, speechless. Dumating na ang araw na hinihintay niya. Inilantad na nito sa publiko na pamilyado na ito.

The next thing she knew ay naka-focus na pala silang mag-ina sa camera at nakalantad na sa projector sa stage ang pagmumukha nila.

“I am a happy family man now.” Binalingan siya nito and mouted, “Mahal kita.” Bumaling ulit ito sa crowd sabay akbay sa kanya. “Mahal na mahal ko po siya. At walang oras na lumipas na hindi ko inalala ang mag-ina ko tuwing nagpe-perform ako sa crowd. That’s how love took me over and out.”

The crowd cheered. Napangiti siya. Binalingan siya nito. He lovingly gazed at her. “Hindi kita binigyan ng wedding ring dahil gusto kong pakasalan kita ulit. And this time, no more condition, no more agreement. Will you marry me again?”

Lalong nag-cheer ang crowd. Sinong tatangi sa simpatikong mama na ito? She nodded! He embraced her at inihatid ulit siya nito sa side stage. Kinintalan muna siya nito ng halik bago ito bumalik sa center stage.

Natawa siya nang mapansing namumula ang mukha nito. Mukhang nahiya pa itong mag-propose sa lagay na iyon.

“This is for my family. Pen, I hope you like this one and hope that you’ll love me more after this,” sambit nito nang balingan siya.

The band played their rock version of Can’t Take My Eyes off You.

She was so happy that time. Wala na talaga siyang mahihiling pa.

“You're just too good to be true. Can't take my eyes off you. You'd be like Heaven to touch. I wanna hold you so much. At long last love has arrived and I thank God I'm alive. You're just too good to be true. Can't take my eyes off you.

“We love you, Hansen!” sigaw ng crowd. Hindi ata titigil ang mga tao sa pagsuporta sa banda kahit pa magkaapo na ang mga ito.

Nakigaya na rin siya. “I love you, Hansen! WoooH!” Nakangiting bumaling ito sa kanya. Umibot ang batang karga niya. Naingayan ata sa kanya ang anak niya. Napangiti siya kay Hansen nang maramdaman niyang kumapit sa damit niya ang baby. Kaya mahinang sinabayan na lang niya ang kinakanta ng asawa.

And let me love you, baby.
Let me love you.


At pagkatapos ng concert ay sa simbahan na silang lahat tumuloy. Naihanda na pala nito ang kasal nila at sila na lang ang hinihintay.

THE END


Comments

Grabe kinikilig ako...maganda tlga ang love story. I LOVE IT...

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…