Skip to main content

Senang Hati Music Lounge Series: Let Me Love You Part 1



Nablangko ang utak ni Hansen habang kausap niya ang kanyang ina. Hindi niya inakalang hahantong sa ganito ang kalokohang nagawa niya dalawang taon na ang nakakalipas. Kasalukuyan siyang ginigisa ng nanay niya habang naririnig naman niya ang boses ni Penpen na kumakanta ng isang single ng Paramore at nagga-growling pa ang kapatid niyang lead guitarist ng banda. Evening party na ang ambiance ng Senang Hati Music Lounge. Pero ang pakiramdam niya ay maya-maya lang, mamamatay na siya. Nakaka-stress talaga ang magulang kahit kailan.

“Actually, hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa mo ito para paniwalain kami ng Daddy mo sa isang kasinungalingan. We thought you broke up. And even Ross doesn’t know anything about this. Kapag nalaman iyan ng kapatid mo, baka mag-aaway kayo. Hansen anak, hindi mo dapat ginagawang biro ang pagpapakasal,” sermon ng nanay niya.

“I’m sorry, Ma. That wedding was supposed to be a fake wedding. May rason po kami kung bakit namin iyon ginawa,” tugon ni Hansen. “Sasabihin ko naman po talaga nang maayos sa inyo iyong totoo.”




Ex-girlfriend niya ang kasalukuyang vocalist cum violinist ng bandang pinamumunuan ng kakambal niya. Regular performer ang Infinity Band sa Senang Hati. Two years ago, isinama niya si Penpen sa isang Asian Cruise na treat sa kanila ng talent manager ng Thunderkizz Band pagkatapos maging successful ang kauna-unahang big solo concert ng banda. Habang nasa cruise sila ay nag-break sila ni Penpen. Kinailangan niyang pumili noon, ang career para kumita ng mas malaking pera para sa pagpapagamot sa kakambal niya o ang pagmamahal niya kay Penpen. Masakit man sa kanila pareho, mas pinili nilang maghiwalay na lang. Naintindihan naman ni Penpen ang sitwasyon. Isang bagay lang ang hiniling nito noon. Isang pekeng kasal ang naganap na ginawa nilang symbol ng kanilang pagmamahal at paghihiwalay. They both believed it would be a worth sacrifice. And maybe they both hoped that someday, mamahalin ulit nila ang isa’t isa.

After the cruise, they parted ways. Penpen became one of the most recommended doctors specializing in Internal Medicine at nagpatuloy sa pagiging violinist ng Infinity Band na itinatag ng kakambal niyang si Ross. Siya naman ay naging bahagi ng pagsikat pa lalo ng Thunderkizz Band na ngayo’y kinikilala na sa music industry hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asia.
Hindi na sila masyadong nagkikita ni Penpen. But they remained friends until now. Itinuring pa rin siya nitong best friend na sinasabihan ng mga kwento nito sa buhay lalo na sa love life. Tiniis na lang niya ang sakit na naramdaman lalo na nang malaman niyang nagkaroon na ito ng boyfriend. By that time, alam niyang hinding-hindi na niya ito pwedeng balikan kung kelan pwedeng-pwede na sana nilang simulan ulit ang kanilang relasyon.

“Well, andito na ito. You’re now aware that you are legally married.” Binalingan ng ginang ang stage at sinulyapan si Penpen pagkatapos ay muling bumaling kay Hansen. “Penelope deserves to know the truth. May boyfriend siya di ba? Paano kung bigla silang magplanong magpakasal? Malaking problema ito, Hans Daniel.”

“I know, Ma. Don’t worry. Aayusin ko po ito.”
Maya-maya pa ay mag-isa na siya sa mesa at hinihintay na lang niya ang pagdating ng mga kabanda niya. Umuwi na ang nanay niya. Sadyang pumunta lang talaga ito roon para sermunan siya. Iniwan nito sa kanya ang kopya ng marriage certificate nila ni Penpen. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ikakatuwa ba niya iyon o hindi.

Nilingon niya ang stage. Mang Jose ng Parokya ni Edgar ang tinutugtog ng banda na request ng audience. Penpen was playing her electric violin na nagdagdag ng intensity ng rock music. Ngumiti ito sa kanya. He smiled back pero nabawi niya ang ngiti nang mapansin niya ang kumikinang na singsing sa kamay nito. Malapit lang ang mesa niya sa stage at kitang-kita niya iyon. That’s a diamond ring. Daig pa niya ang binuhusan ng tubig. Parang hindi niya ata napaghandaan ang posibilidad na magpakasal si Penpen sa iba. But wait, we’re legally married! At ibig sabihin nito ay magkakaproblema si Penpen sa pagpapakasal. Malaking problema nga ito. Namutla siya sa naiisip.

“Hoy, nag-CR lang kami natulala ka na diyan!” untag ni Yohann nang makabalik ang mga ito.

“Si Tita Pia? Umalis na agad?” tanong naman ni Drexcel.

Pero hindi niya inintindi ang dalawa. Lumilipad pa rin talaga ang utak niya sa problema.

“Hansen, namumutla ka na, okay ka lang ba?” Agad siyang dinaluhan ni Ayame. Doon na siya natauhan.

“Oo, okay lang ako. Inaantok lang,” pagdadahilan niya sabay ngiti. Nilingon ulit niya ang stage at wala sa sariling napabuntong-hininga.

Nilingon din ng tatlo ang stage. “Ay alam ko na kung bakit natutulala ang mama,” buska ni Yohann.

“Kumikinang-kinang o,” naiiling na gatong pa ni Drexcel na tinutukoy ang singsing na suot ni Penpen.

Hinawakan naman ni Ayame ang kamay niya. “Ikaw kasi e. Pinakawalan mo pa kasi siya. Ayan tuloy, ikakasal na pala siya sa iba.”

Masamang tingin ang ipinukol niya sa mga ito. “Ang sarap ni’yo talagang maging friends. Grabe, touched ako,” asar na tugon niya. Kung pang-aasar rin lang ang pag-uusapan e numero una na sa listahan ang mga kabanda niya.

Tumawa lang ang tatlo.

“Sus, kaya pang ilaban iyan ‘tol. Hangga’t di pa iyan nag-a-I-do, may laban pa iyan,” bawi naman agad ni Yohann.

“Pare, sabihin mo lang kung manghaharana na tayo katulad nung ginawa natin kay Rozuka ko,” sambit pa ni Drexcel.

“At siyempre, katulad din nung ginawa natin para sa Prince Charming Hanilabs ko!” hirit din ni Ayame na ikinatawa nila. Pagdating kasi talaga sa pag-ibig, pinakatimang na ata ang unica hija nilang ito.

Binato niya ito ng crumpled tissue. “Hihirit-hirit ka diyan e binasted ka lang naman ni Choi. Ay naku Ayame, palitan mo na lang iyon.”

“Oy, hindi pwede! Siya’y nakatakdang maging akin at ako ay nakalaan lamang sa kanya. Pakakasalan ko siya!” deklara ni Ayame.

“Iyon ay kung pakakasalan ka niya!” buska nilang tatlo sabay tawa.

Sumimangot si Ayame na animo’y batang inagawan ng laruan. Agad namang binawi nila ang pang-aasar dito. Niyakap nila ito. Ganoon silang magkakaibigan. Palibhasa’y high school pa lang ay magkakasama na sila, gamay na nila ang ugali ng isa’t isa. At kahit sikat na music artists na sila ngayon, nananatili pa rin silang simpleng tropa sa likod ng mga mata ng media.

Binalingan ulit niya si Penpen sa stage. Thinking of You na ang kinakanta nito. “’Cause when I’m with him I am thinking of you. Thinking of you. What you would do if you were the one who was spending the night? Oh, how wish that I was looking into your eyes.” Pinaparinggan ba siya nito?

Kabilang din si Penpen sa barkadahan nila nung high school. Naalala na naman niya ang kaninang pinoproblema. Ikakagalit bihado ng mga kaibigan niya ang ginawa niya kung sakalaing malaman ng mga ito ang pagpapakasal nila noon.



“WHAT?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Hansen. Kasalukuyang kaharap niya over lunch sa canteen ng Zeus Apollo Academy ang boyfriend ni Penpen. Isa siyang Prep Teacher sa nasabing paaralan at katatapos lang ng klase niya. Pinuntahan siya ni Dharyl dahil may kailangan daw itong linawin sa kanya.

“You heard it right, Mr. Ferrer. I will not going to marry Penpen anymore. I’ll be breaking up with her,” deklara ni Dharyl.

Nakuyom niya ang palad. Agad umusbong ang magkahalong asar at galit sa tinuran nito. Hindi siya makapaniwalang sa loob ng isang taong relasyon ng dalawa ay basta na lang nito ipinapaalam sa kanya na iiwan nito si Penpen. Ano iyon? Power trip? Lokohan lang? Kulang na lang ay undayan na niya ng suntok ito. Napigilan lang siya ng unipormeng suot niya na nagpaalala sa kanyang isa siyang respetadong guro ng mga bata.

“At bakit mo gagawin iyon sa kanya? I thought you love her. Hindi mo siya pwedeng saktan ng ganun-ganon lang. ‘Wag mo naman sanang paglaruan si Penpen. Ang sama mo,” walang gatol na sambit ni Hansen.

“’Wag mo akong husgahan dahil wala ka namang alam. I love Penpen more than my life. But I need to let her go. I may love her more than she can love me back but I can’t make her happy,” malungkot na tugon nito. “Penpen loves me, too. Palagi niya iyong sinasabi sa akin. Pero kahit kailan, hindi siya lubusang magiging masaya sa akin.”

“What the hell do you mean?” tanong niya.

“Ikaw lang ang makakapagpasaya sa kanya, Hansen.”

Natigilan siya. Hindi niya nagawang tugunin ang tinuran nito.

“Mahal niya ako, pero mas mahal ka niya. I know you’re Penpen’s first love. Sa relasyon namin ni Penpen naging masaya kami dahil iniwasan naming pag-usapan ka. Katwiran niya, past is past. Pero may mga pagkakataong nahuhuli ko siyang tinititigan ang pictures n’yo at palagi ka rin niyang inaabangan sa tv. At sa tuwing nangyayari iyon, kakaibang saya ang nakikita ko sa kanya. Hindi ko nakikita ang sayang iyon kapag ako ang kaharap niya.”

“But this isn’t right, Dharyl. Ikaw ang boyfriend niya. Fight for it. Wala na kaming relasyon at kahit kailan hindi ako nanghimasok sa inyo,” katwiran niya.

“Kung sinuman ang dapat lumaban dito, ikaw iyon.” Inilatag nito sa mesa ang isang folder.

Binuklat niya ang folder at nakita niya ang kopya ng marriage certificate nila ni Penpen. Now he’s really caught off guard. “Let me explain this one. This isn’t a marriage for romance. We got married to broke up.”

Umiling-iling lang ito. “I don’t really need to care about your justifications. Baliktarin man natin ang mundo, kasal kayong dalawa. Still, I can’t marry her.”

“Pero…”

“‘Wag na nating patagalin ang usapang ito. She’s all yours now. Masakit sa akin na hiwalayan siya, na pakawalan siya, pero sa tingin ko, hindi ako ang para sa kanya kundi ikaw. Ganon ko siya kamahal kaya sana ingatan mo siya,” sinserong sambit nito. Tumayo ito at umalis.
Hindi na niya nagawang tugunin pa ang sinabi ni Dharyl.



IT’S been six months when Dharyl just called off their wedding. Bigung-bigo pa rin ang drama ni Penpen. Napapatanong na nga siya sa sarili niya kung anong bang mali sa kanya. Hansen gave up her over his career in showbiz two years ago. Now, aside from being a Thunderkizz hottie, he’s also one of the top image models in Asia. At isa ring Prep Teacher. Ang huli niyang nabalitaan dito mula sa kakambal nitong si Ross ay ang pagkakaroon nito ng non-showbiz secret girlfriend na recently ay nakipaghiwalay din dito. Kahit ikakasal na siya dapat ay nasaktan pa rin siya nang nalaman niya iyon noon. Mahal nga niya ata talaga si Hansen.

Pagkatapos ng pagkabigo niya kay Hansen ay eto naman si Dharyl. Hiniwalayan siya nito dahil hindi daw siya nito mapapasaya.

“Hansen is your happiness. At kahit kelan, hindi ko mapapantayan ang kayang ibigay ni Hansen sa ‘yo,” naalala niyang sinabi ni Dharyl noon.

Ang gulo talaga ng mundo. Iyong taong tunay mong mahal, mahal ka nga, pero lumalayo sa ‘yo. Iyong taong natutunan mong mahalin, kung kelan mahal mo na, saka ka naman isusuko. At ikaw, kahit alam mong pare-pareho kayong nasaktan sa sitwasyon ay wala ka namang magawa.

Wala sa sariling napabuntong-hininga siya habang nakatutok ang mata sa tv sa loob ng opisina ni Earth sa Senang Hati. Mamayang gabi pa ang duty niya sa hospital kaya tumatambay muna siya sa opisina ng kaibigan. Tamang-tama, afternoon showbiz talk show ang palabas sa tv at live na i-interview-hin ang Thunderkizz Band. Matagal-tagal na ring hindi niya nakakasama ang grupo dahil inabala niya ang sarili sa trabaho para makalimutang bigo siya. Miss na niya ang grupo at siyempre lalo na si Hansen.

“Doc, lalamunin ka ng flat screen o. Pwede ka namang manood ng tv ng hindi ganyan kalapit,” sita ni Boaz, ang drummer ng Infinity Band.

“’Wag mo ngang pakialaman iyan,” sita naman ni Earth.

“Oo nga naman, kita mo ng sumisilay siya sa irog niya,” biro ni Jhamo.

“Sus, Penpen. Nagpapakahirap ka diyan e pwede mo naman titigan si Ross. Magkamukha naman sila. At least live pa,” hirit ni Marie.

Binalingan niya ang mga ito. “Magkaiba sila, Marie kahit magkamukha sila. Speaking of, nasa’n si Ross? Di ba may practice kayo? Maga-assist pa kayo sa gig ng Thunderkizz dito mamaya di ba?”

“May rehearsal ang choral group niya sa school tapos may date daw sila ni Sandra,” sabi ni Jhamo.

“Buti pa siya.”

“Nainggit ka na naman! Tara na kasing haranahin si Vanessa mo,” tugon ni Boaz.

“Paano? Nasa Korea nga daw iyon di ba?” sagot ni Jhamo.

“E ano? Tara sa Korea!” sabi ni Earth. “North ba o South?”

“Aba, mayaman ka!” buska ni Penpen.

“Talaga naman. Mayaman ako.” Tinawanan nila ang mayabang na hirit ni Earth.

Ibinalik niya ang atensyon sa tv habang nag-aalaskahan pa rin ang mga kaibigan niya. Napangiti siya nang mai-focus ng camera si Hansen. Palangiti pa rin ito at infairness, nabawasan na ang slang nito sa pananagalog dulot na rin ng pagiging half-American, half-Filipino nito.

“I have a question for you, Hansen. Last major concert n’yo, Drexcel proposed to his special girl. Few months after, Yohann reconciled with his ex. And now, Ayame, seems like to be in love, too. How about you, Hansen? Wala pa bang napapaibig ang panganay ng banda?” tanong ng babaeng tv host.

Naghiyawan ang audience. Ang ilan ay sumigaw ng “I love you, Hansen” habang tumitili. Hansen has the image of a sweet, charismatic, and superb lead guitarist of Thunderkizz Band. Madalas itong ituring na darling of the press among band members dahil sa gentleness nitong pagsagot sa mga questions ng media dito. Kaya nga hindi nakakapagtakang magkakandarapa ang mga kababaihan sa buong Asia mangitian lang nito.

Matamis na ngiti ang ibinigay ni Hansen sa mga fans. “Ahm…as of the moment I am still not yet ready to give up my bachelorhood, I guess. Medyo busy rin kaya wala masyadong time to find my destiny. And I think I’m not a marrying type of guy, unlike Drex and Yohann.”

Nakiupo na sa tabi niya ang mga kaibigan niya. Inabutan pa siya ni Jhamo ng isang basong iced tea.

“So, you want to stay single forever?” tanong ulit ng host.

Nag-angalan ang audience. Pati sila ni Marie ay umangal din.

“Well, not really. Destiny finds its way. When it comes to love, what we all need is the right person and perfect timing.”

Magaling na rin siyang sumagot sa interview. Iba na nga si Hansen. Hindi na siya ang Hansen na bulol at may twang ang Tagalog, sambit ni Penpen sa sarili sabay inom ng iced tea.

“Speaking of right person, may isang information ang nakarating sa amin. According to our source, you had an affair with a doctor few years ago at may nakarating sa amin na pinakasalan mo daw ang doctor na ito sa Asian Cruise ninyo two years ago. Totoo ba ito? Siya ba tinutukoy mong right person and perfect timing? Nasa’an na siya? Are you living together or so?”

Halos magkakasabay na naibuga nila ang iniinom na iced tea. Agad kinabahan si Penpen sa narinig. Paanong natuklasan ng media ang kasal-kasalan nila? Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili habang nakatutok pa rin ang mata sa tv.
Hindi man lang nakakitaan ng pagkabigla ang mukha ni Hansen.

“Yes, two years ago, I married my girlfriend, Penpen. But please, take her away from this issue,” walang gatol at puno ng determinadong sagot ni Hansen.

Napanganga siya sa gulat kasabay ng pagkagulat din mismo ng Thunderkizz.

Makahulugang binalingan siya ng grupo.

“Kasal kayo?” tanong ni Marie.

Tumango siya. “Oo pero hindi.”

“Ha?” korong tanong ng grupo. Napilitan tuloy siyang ikwento ang buong detalye.

“Wow nice! Kakaiba iyon Penpen. Inuman na ’to!” hirit ni Earth. Itinaas nito ang hawak na baso ng iced tea. “Kampai!”



“WHAT the hell was this, Hansen?! Ni hindi mo kami nasabihan na may ganito. And what came to your mind na kampanteng sagutin iyong tanong? You should have avoided it!” nanggigigil na buska ng talent manager nila.

Kasalukuyang ginigisa na sila ni Haime Catacutan habang nasa “hibernate place” sila sa Laguna. Doon sila nagtuloy para maiwasang kuyugin ng press.

“Nabigla rin ako sa tanong nila. Hindi na ako nakapag-isip, sorry,” tugon ni Hansen.

“Sorry? Iyon lang ang masasabi mo? Bro, I hope you know the effect of this issue,” asik ni Yohann. Halatang bad trip na ito. “Nasa contract natin na bawal pa tayong ikasal. The contract is still going. Breach of contract ang kababagsakan natin. Civil case ang katapat nito and that was the most stupid issue we will going to face!”

Hindi niya nagustuhan ang tinitimbre ng boses ni Yohann pero pinili niyang magtimpi. Kasalanan naman niya talaga.

“Do you really married this doctor?” tanong ni Haime.

Wala na siyang kawala. Kailangan na niyang harapin ang kinakatakutan niya. “Yes.” Ibinigay niya sa mga ito ang kopya ng marriage certificate nila.

Narinig niya ang kagyat na pagmumura ng mga kaibigan niya. Hanggang ngayon marahil ay iniisip nilang pinaglalaruan niya si Penpen. Iyon kasi ang akusasyon sa kanya ng mga nito nang maghiwalay sila. He didn’t bother to explain though.

“So, this is real! Bakit hindi namin alam ‘to?” tanong ni Drexcel.

“Sorry guys, I know you hate me for this. During our Asian Cruise, we decided to get married that will be a symbol of our love and break up. The wedding supposed to be a fake wedding. Pero hindi ko alam na hindi kami nagkaintindihan ng kapitan ng barko. Recently ko lang nalaman na naka-register pala sa Civil Registry ng Pasay City Hall ang kasal namin. Wala talaga kaming balak na sabihin iyon kahit kanino. It’s just between me and Penpen.”

“Alam na ba ni Penpen na legal ang kasal ni’yo? Kunsabagay, Dharyl just called off their wedding. Iyon ang kwento sa akin ni Penpen nang huli ko siyang makausap,” tanong ni Ayame. Umiling lang siya.

“Ngayon, anong plano mo?” tanong ni Drexcel.

“Hindi ko alam,” tugon niya. “Wala pa.”
Inundayan siya ng suntok ni Yohann. Dahil hindi niya inaasahan iyon, hindi niya nagawang umiwas. Pumutok agad ang labi niya. “Hayop ka! After all, wala ka man lang gagawin? Si Penpen ang pinakasalan mo! Best friend ko, kabarkada natin. I can’t believe I have a stupid friend like you. Lolokohin mo na naman siya?”

Napikon na rin siya kaya sinugod niya ito. Nakasuntok siya ng isa bago siya nagawang pigilan ni Drexcel. Basag-ulo na ang aabutin nila kung hindi lang siya hawak ni Drex at si Yohann naman ay pigil din ni Haime.

“’Wag kayong mag-away! Hindi ko kayo inalagaan ng anim na taon para lang magbangayan!” suway ni Haime.

Pero wala ni isa sa kanila ang nakinig. Pareho na silang nasa battle mode ni Yohann.

“Mahal ko siya. Wala kayong alam sa totoong namagitan sa amin. At alam ko rin na hanggang ngayon, iniisip nyo pa rin na pinaglaruan ko siya. God knows, it wasn’t my intention to play around. You don’t know how I feel so don’t just accuse me from being stupid! I am not stupid. Look at yourself, Yohann. You portrayed an image of a down to earth bandleader on camera. But nobody knows how cruel, rude, arrogant, insensitive and ruthless you are except us.”

“At ako pa ngayon ang masama?” asik ni Yohann. “’Wag mo nga akong baliktarin. You’re just proving you’re not a man, dude. We had enough. I’m kicking you out of the group!”

“Fine!” tugon ni Hansen. “I’m sick of working with you, anyway.” Pumalag siya sa pagkakapigil ni Drexcel at lumabas ng bahay.

Sumunod sa kanya si Ayame. “Hansen, please. Pag-usapan natin ‘to!”

“Go back, bunso. They need you. He just kicked me out. Better start looking for a much better lead guitarist to replace me.”

“Pero…”

Sumakay siya ng kotse. Sa gulat niya ay sumakay din si Ayame. “Ayame…’wag ng matigas ang ulo. Bumalik ka na do’n.”

“I’m going with you. Kung inalis ka nila, aalis na rin ako.”

“Hindi ito away-bata, Ayame.”

“Alam ko. Nagmahal ka lang naman e. Di ko rin alam kung bakit hindi ka maintindihan ni Yohann.” Sa lahat talaga ng kaibigan niya, si Ayame lang ang nakakaintindi agad sa kanya.

Bago siya makapagmaneho ay bumukas ang pinto ng backseat. Kakambal niya ang sumakay.

“‘Tol, hindi ko alam kung magagalit ako sa ‘yo o iintindihin kita. Alin ang gusto mo sa dalawa?” tanong ng kakambal niyang si Ross. Bihadong naitimbre na dito ng kanilang ina ang issue.

“Iyong pangalawa,” tugon niya. Alam niya, kahit anong mangyari nasa panig niya ang kapatid.

“Sige, ikwento mo ng buo at walang commercial break.”

Habang nasa biyahe ay tuloy ang kwentuhan nilang tatlo tungkol sa problema niya. Pero higit sa problema niya sa banda, mas kinakatakot niya ang magiging reaction ni Penpen. Malamang sa mga oras na iyon ay alam na nito ang issue.

“Ngapala, di ba may date ka ngayon, Ross?” tanong niya.

“Oo at kasalanan mo kung bakit naletse na itong date namin. Sisiguraduhin ko lang na hindi ka mapapatay ni Doc Penpen bago ko puntahan si Sandra.”

Isang motor ang nag-overtake sa kanila habang papasok na ang kotse sa parking lot ng Senang Hati Music Lounge. Bumusina ito. Kilala niya ang lulan ng motor dahil kabanda iyon ng kapatid niya.
Malapit na silang makapasok sa parking lot nang may overspeeding na van na sumalpok sa kotse niya. Sa tindi ng collision, hindi na niya alam ang mga sunod na nangyari. Nakita lang niyang duguan si Ayame at Ross bago siya nawalan ng malay.


PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…