Skip to main content

Senang Hati Music Lounge Series: Just One Kiss From You



Niyaya ni Nathan ang best friend at co-partner niya sa negosyo para pumunta sa Senang Hati. Noong nakaraang Linggo ay napadaan siya sa Music Lounge na iyon at natagpuan niya ang dalawang babaeng natipuhan niyang kuning modelo. He’s one of the people behind the famous Keithan Apparels that was known for exquisite stylish garments for men and women. Isinama niya si Keijin para hingin ang opinion nito.

“Pare, papatayin ako ni Opalyn kapag nalaman niyang ito ang business affairs na ipinagpaalam ko sa kanya. Baka isipin niya nambababae ako e kakakasal lang namin,” litanya ni Keijin.

Siniko niya ito. “Relax ka lang, dude. Sa bait mong iyan, hindi ka naman pagdududahan ng misis mo. At saka, business naman talaga ang ipinunta natin dito,” paliwanag ni Nathan. “See that two gorgeous ladies on stage?”

May dalawang babaeng myembro ang Infinity, si Marie na kasalukuyang tinitipa ang kanyang bass guitar at si Penpen na nagdagdag sa enchantment sa performance ng banda dahil sa violin nito. The band was playing their version of Far Away of Nickelback.

“Sabi ko na nga ba. Girl hunting lang ang gagawin mo dito, Nathaniel,” napapakamot sa ulong komento ni Keijin.



“No man, look at them. They’re Marie, the guitarist and Penpen, the violinist.” Binalingan niya ang stage. “I think they are perfect for our next wedding magazines and brochures. Isusuot nila ang bagong wedding gown creations mo. Ano sa tingin mo, pare?”

Mataman ding tiningnan ni Keijin ang mga ito. “Hmm…Pwede, ipapa-train na lang natin sila sa kapatid mo. Ang tanong mapapapayag mo ba ang mga iyan na magmodel sa atin?”

“Believe me, kaya ng convincing power ko iyan.” Tinapunan ulit ni Nathan ng tingin ang dalawa lalo na si Marie. “New unique faces, new looks, new images of women. Perfect! Lalo na iyang gitarista nilang iyan, very different!” And she’s so pretty in all black dress. Elegant. Chic. Lovely.
Napatitig lalo siya kay Marie. Nakasuot ito ng itim na halter type na dress at boots, soft-curled ang may kahabaang buhok at nakasabit sa balikat nito ang bass guitar. It was undeniable. The woman has a strong image, a good catch for a model.

“Ibang tama na iyan, pare!” Naiiling na sambit ni Keijin.

“Sus! Tigilan mo nga ako, Keijin. At baka topakin ako’t masabi ko sa asawa mo na nag-girl hunting lang tayo,” biro niya.

“Ang sama mo!” buska nito.


Kinabukasan, mag-isang bumalik siya sa Senang Hati para kausapin ng personal sina Penpen at Marie. Una niyang nakausap ang doctor. Agad naman pumayag si Penpen sa alok niya. Kaya ngayon, ang hinihintay naman niya ay si Marie. Nagtiyaga siyang maghintay sa hallway malapit sa pintuan ng dressing room ng performers ng bar. Maraming binata ang andoon na may bitbit na bouquet of flowers. Mukhang aakyat ng ligaw ang lahat maliban sa kanya. Marahil ay parokyano na ng bar ang mga iyon at nagtatangkang maniligaw sa dalawang hija ng Infinity Band. At dahil tapos na ang show, dumadami na ang taong nagsisiksikan sa hallway dahil doon din kasi ang daan papunta sa CR.

Lumabas na sa wakas ang Infinity Band. Kanya-kanyang abutan ng bulaklak ang mga binata kina Penpen at lalo na kay Marie na may nakasakbat na gitara sa balikat. Sinubukan niyang harangan si Marie. “Excuse me, Miss Salavrin-”

Pero dahil sa rami ng tao roon, hindi ata siya narinig nito kaya basta lang siya nilagpasan. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay hinila niya ang kamay nito dahilan para balingan siya nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na eksena. May tumulak sa kanya at may tumulak din dito kaya di sinasadyang naglapat ang mga labi nila. It was just a quick unplanned kiss on lips but seemed like everything around them vanished for a second. Alam niyang mali pero hindi niya itinanggi sa sariling nagustuhan niya ang malambot na labi nito.

Kung hindi lang siguro may tumulak ulit dito na lalong naglapit sa kanilang dalawa ay hindi siya magigising sa kahibangan. As initial reaction, he immediately wrapped his arms around Marie to protect her from being hurt hanggang sa makalayo sila sa mga tao.

“Sino ka ba? Bitawan mo nga ako!” singhal ni Marie.

“Sorry!” Agad niyang inilayo ang sarili dito bago pa siya makalmot nito. “I’m Nathaniel Cerio, owner of Keithan Apparels.” He extended his arms to shakehands with her.

Pero sa halip na tanggapin ang kamay niya. Inihampas lang nito ang mga punpon ng bulaklak sa mukha niya. “Bakit mo ginawa iyon?”

Inalis niya muna ang rose petal sa bibig niya mula sa inihampas nitong bulalak. “Ang alin? Ang yakapin ka? Sorry, I just did that to protect you from those who may hurt you in the middle of the crowd. Nagpaka-gentleman lang naman ako.”

“Hindi iyon. Iyong bago iyon! Tsaka ano ‘yang gentleman na sinasabi mo? E manyak ka naman!”

“Ah, the kiss! I’m sorry. I didn’t mean it. I mean, ah….It was an accident.” Natataranta siya sa galit na nakikita sa mga mata nito. But on the second thought mukhang mas aligaga siya sa kagandahan nito kesa sa katarayan.

“Accident your face!” Tumakbo ito palabas ng Senang Hati.

“Hey wait!” Hinabol niya ito hanggang sa parking lot. “Hindi ko naman talaga sinasadya iyon, Miss Salavrin. I’m sorry talaga. Will you give me at least five minutes to talk to you na hindi ka nagwo-
walkout?”

Huminto ito sa paglalakad sa tapat mismo ng kotse niya katabi ng isang motorbike. Nagulat siya nang humikbi ito nang bumaling sa kanya. “Dahil sa ‘yo, sira na ang lahat! Hindi dapat ikaw ang first kiss ko. At saka hindi dapat ganon iyon! Sinira mo lahat, ang choreography at cinematography ng pinapangarap kong first kiss! Sinira mo iyon.”

Huh? Ano daw iyon? “Teka, hindi ko nga sinasadya iyon e. At saka nag-sorry na ako di ba?”
“Sorry? Aanhin ko pa ang sorry mo? Hindi naman noon mababago iyong ginawa mo!”

Sa panggilalas niya ay parang baliw na nag-monolog pa ito. “Lord naman, ngayon pa kayo nagbigay ng sign palpak pa. Bakit siya? Bakit siya?” Parang batang humikbi ito.

Ako ba tinutukoy ng Sisa na ito?Anong mali sa akin? Kung hindi lang siguro ito umiiyak ay kanina pa siyang humagalpak ng tawa. Pero bakit nga ba napakalaking deal dito ang first kiss? Napangiti siya sa naiisip. Siya ang aksidenteng naging first kiss ni Marie. Kung iisipin, aba ang swerte niya. Agad niyang naalala ang malambot nitong labi.

“Anong tinatawa mo diyan? Sabi na nga ba, manyak ka!” singhal nito.

“Oy, hindi ah!”

Babalyahin pa siya nito nang kapwa sila natigilan dahil nakarinig sila ng iyak ng isang sanggol. Awtomatikong napalingon sila sa nakaparadang kotse niya. Sa pagitan ng motor at kanyang kotse ay may isang baby na nakahiga sa sahig. Agad nila itong nilapitan.

“Kotse mo ba iyan, mamang ano?” tanong ni Marie sabay turo sa kotse niya.

“Oo, kotse ko nga ito at hindi po ‘ano’ ang pangalan ko. Nathan po,” sagot niya. Binuhat niya ang sanggol dahil halatang nanlalamig na ito kaya nag-iiyak. “Motor mo ba iyan?” tanong din niya nang mapansin niyang kampanteng sumandal ito sa motor.

“Oo. Anong klase kang ama? Iniiwan mo sa labas ang anak mo.”

“Hey, hindi ko anak ‘to. Binuhat ko lang at nakakaawa na, nilalamig na ang bata. Baka anak mo ‘to ha.”

“Hoy, hindi ko anak iyan. Mukha na ba akong nanganak?”

“Well…” Ngumisi siya para asarin ito. Ang cute kasi nitong magalit.

“Aba’t-” Hindi na nito naituloy kung anoman ang sasabihin nito dahil nagligalig ang batang hawak niya. “Akin na nga ang bata. Mali kasi ang buhat mo.”

Maingat na ibinigay niya kay Marie ang nag-iiyak pa ring sanggol. “Sorry! Hindi pa kasi ako nagkakaanak kaya malay ko sa pagbubuhat ng bata.” Ginagap ng sanggol ang kamay ni Nathan kaya nanatitli siya sa tabi ni Marie. Mukha tuloy silang isang family. “Type ng baby ang kamay ko, ayaw bumitaw. Anong gagawin natin sa kanya? Mukhang sadyang iniwan iyan dito sa parking lot.”

Inihele ni Marie ang bata habang pinapatahan. “Hintay muna tayo ng ilang minuto baka magbago ang isip ng ina nito. Kawawang bata, ang kyut pa naman.”

Binalingan ulit niya ang bata. Nilaru-laro niya ang munting mga kamay nito para patahanin ito. Sa tantsa niya ay nasa apat na buwan pa lang ang bata. “Mukhang gusto niya sa ‘yo. Ikaw na lang bahala sa kanya, Marie.”

Pinandilatan siya ni Marie. “Anong ako? Ikaw itong unang bumuhat sa kanya. Tsaka mayaman ka, kitang-kita sa BMW mo. Kaya mong bumuhay ng sampung babies nang sabay-sabay. Kaya sa iyo siya.” Ibinalik nito ang bata sa kanya.

“Teka, malay ko sa pag-aalaga ng bata. Gawain ito ng babae.” Nag-iiyak ulit ang bata nang mapunta sa kanya. “Kitams, ayaw ng bata sa akin. Mas gusto niya sa iyo.” Ibinalik ulit nya ang bata kay Marie.

“Wala akong pambuhay dito. Simpleng employee lang ako. Makonsensiya ka naman.”

Konsensiya. Ngayong nabanggit nito ang tungkol doon, saka lang siya tinubuan ng konsensiya. May punto nga naman ito. Sa net worth niya bilang general manager at co-owner ng Keithan Apparels at sole owner ng Himalayan Resort sa Tagaytay, kaya nga niyang bumuhay ng sampung babies nang sabay-sabay.
Binuksan niya ang pinto ng kotse niya. “Sakay. Dadalhin natin ang bata sa pulis.”

“Paano iyong motor ko? Magmo-motor na lang ako. Susunod na lang ako sa police station.”

“Hindi pwede. Paano ako makakasigurong hindi mo ako tatakbuhan? Balikan na lang natin ang motor mo mamaya.”

Nagngingitngit na sumakay ito sa passenger seat. Nagtuloy sila sa pinakamalapit na police station.
Ipinaliwanag nila sa babaeng police na humarap sa kanila ang sitwasyon. Napamaang na lang siya sa naging opinion ng pulis.

“Mister, Misis, hindi naman solusyon sa problema ninyong mag-asawa ang ipamigay ninyo ang inyong anak. Kung may problema kayo, e pag-usapan nyo muna. Hindi ganitong ipinamimigay nyo ang anak nyo bilang solusyon. Gumawa pa kayo ng kwento. E tingnan nyo nga ang sarili nyo. Mukha bang aksidenteng napulot nyo lang ang bata?” saad ng pulis.

Nagkatinginan tuloy sila ni Marie. Nakaakbay ang kaliwa niyang braso sa balikat nito dahil halatang nilalamig na ito sa suot nitong halter dress at isang kamay naman niya ay hawak pa rin ng batang tumatawa na ngayon kumpara kaninang iyak nang iyak. Sa sobrang sweet nilang tingnan, pati siya ay hindi maniniwala sa kwentong sinabi nila sa pulis.

“Pero, nagsasabi po kami ng totoo. Hindi po namin anak ito. Napulot nga lang namin sa parking lot ng Senang Hati,” giit pa rin ni Marie.

“Alam mo, Misis, mukha namang mahal ka ng asawa mo kaya kung anuman iyang pinag-awayan ninyo e ayusin nyo na lang sa bahay ha. At maawa kayo sa bata. Gusto nyo bang lumaki ang batang iyan na walang ama at ina? Makonsensiya naman kayo. Alang-alang sa bata, Mister at Misis, umayos kayo,” hirit pa ng pulis.

“Pero—”

“Ay naku, Chief of Police ako ha at hindi love counsel kaya hala, sa ibang lugar nyo na ayusin yang problema nyo. May mga mas importanteng cases pa kami na dapat inaasikaso kesa sa inyo.”
Hindi na nakatiis si Nathan. Kinaladkad na lang niya palabas ng police station si Marie.

“Teka nga, dapat kasi tinulungan mo akong magpaliwanag sa kanila e. Hindi naman natin anak ‘to at hindi tayo mag-asawa,” singhal ni Marie.

“It’s useless. Ilang paliwanag mo na nga, hindi naman sila nakikinig. Wala na tayong choice ngayon.”

“Anong ibig mong sabihin wala na tayong choice?”

“Aampunin natin ang bata.” Desidido na siya. Tutal naman, kaya naman niyang suportahan ng pampinansiyal ang bata. At isa pa, nakokonsensiya rin siya kung iiwan din nila ang bata kung kani-kanino. Marahil ay sadyang doon sa tabi ng sasakyan nila iniwan ang bata meaning ang bata ay sa kanila ipinagkitawala ng nag-iwan.

“Natin? Tayong dalawa ang aampon? Sige nga, paano nating gagawin iyon? We’re not married, we’re not even lovers, and not even friends! Paano tayo magiging mabuting magulang sa bata?”

“So let’s be friends, let’s be lovers. Let’s get married! Kung iyon ang magagawa natin sa bata, gawin natin.”

Napamulagat ito sa sinabi niya. “Naloloko ka na ba?”

“Matitiis ba ng konsensiya mong ang batang iyan ay mapunta lang kung kani-kanino? Ayan na nga o, ang higpit ng yakap ng bata sa ‘yo. Saka na natin isipin ang ibang bagay. Ang importante ngayon maampon natin ang bata.”

Natigilan si Marie waring tinitimbang ang magiging epekto ng desisyong gagawin nila. “Okay, deal.”
Tumango siya. “Now, first thing first.” Napalingon siya sa simbahan sa di kalayuan pagkatapos ay binalingan niya si Marie. Tumango lang ito.

Alas-singko pa lang ng umaga noon nang katukin nila ang simbahan. Pero hindi sila pinahintulutan ng pari dahil wala ring birth certificate ang bata kaya hinintay nilang magbukas ang munisipyo kinaumagahan para magpa-issue ng birth certificate para sa bata. Noong araw ding iyon, pinangalanan nila ang baby girl ng Tomomi Salavrin Cerio, dala ang apelyido ni Nathan bilang ama at apelyido ni Marie bilang ina. Bininyagan din ang bata nung araw na iyon.

“Saan ka nakatira?” tanong ni Nathan kay Marie habang nagmamaneho ng kotse.

“Bakit?”

“Ihahatid ko na kayo doon ni Tomomi.”

“Sa akin ang bata? Teka, akala ko ba dalawa tayong umampon dito? Paano ako makakasigurado na hindi ka magdi-disappear?” buska nito habang pinapadede ng feeding bottle ang bata. Dumaan sila sa grocery para mamili ng basic needs ng bata at ngayon pa lang sila uuwi matapos ang napakahabang gabi.

“Come on, sa birth certificate ng bata, ako ang tatay niya. Hindi naman ako ganong kasama para abandunahin ang anak ko. Kailangan kong iwan muna kayo kasi mamimili pa ako ng ibang gamit at damit para sa kanya. Kailangan mo munang magpahinga kaya hindi ko na kayo isasama. Kung duda ka pa rin iiwan ko itong cellphone ko sa ‘yo.” Iniabot niya iyon kay Marie. “Andiyan lahat ng numbers na pwede mong tawagan para matunton ako. So now, saan ka nakatira?” Sinabi rin nito ang address nito.

Napakunot ang noo niya nang marating nila ang subdivision na tinitirhan nito. Parang pumasok sila sa horror village. Matataas at matatanda na ang mga puno roon at labinlimang minuto na siyang nagmamaneho pero wala pa siyang nakikitang bahay.

“Talaga bang dito ka nakatira sa village na ‘to? May bahay ba dito?” kunot-noong tanong niya. Ang weird!

“Oo, dito ako nakatira at oo, may bahay dito, mga tatlo pa lang kami dito.” Napahikab ito.

Napapailing na lang siya hanggang sa wakas, makakita siya ng bahay.

“Ayan. Diyan ako nakatira.”

“Finally.”

Pagdating sa bahay ay ipinasok niya muna ang ilan sa pinamili niya. Hinintay rin niya munang makatulog ang bata at si Marie bago siya umalis para mamili ng iba pang gamit na kailangan.

Inilihim ni Nathan sa lahat ang nangyari nang gabing iyon kaya nang kunot-noong sinalubong siya ng kapatid ay tinawanan lang niya ito.

“Saan ka galing? Magtatanghali na ah,” sita ni Mhads.

“Wala. At ‘wag mo akong tingnan nang ganyan, Jomadel. I had a great night last night.”

“Define “great.” May kasama kang babae ano?”

“Huh! Dalawang babae. Both loving and cute.” Pati siya ay natawa sa sinabi niya.

“Naman kuya! Mag-asawa ka na nga,” pinandilatan siya nito.

Makahulugang binalingan niya ang kapatid. “Don’t worry, bunso. I’m on my way there. Malapit na.”
Hindi niya alam kung anong nangyari pero mula nang makilala niya si Marie kagabi pumasok na sa wakas sa isip niya ang mag-asawa. Masaya siyang may ituturing na silang anak ni Marie. Ang problema lang, paano mai-in love sa kanya si Marie? Parang imposible ang infatuation na naramdaman niya pero wala siyang pakialam. Masaya siya sa lahat ng nangyari. “Ngapala, hindi ako uuwi mamaya. Doon muna ako sa bahay ng girlfriend ko. At hindi na muna ako papasok sa trabaho ng two days, may importante lang akong gagawin.”

“Girlfriend? May pumatol na sa ‘yo? And you’re thinking of marrying her? Matagal na ba kayo?”

“Puro ka tanong ah. Secret!” Iniwan na niya ang kapatid bago pa siya matanong ng kung anu-ano nito.
Right, sinabi niyang girlfriend niya si Marie kahit hindi. Libre naman ang mag-ilusyon.
Pagbalik niya sa bahay ni Marie kinahapunan ay naabutan niya itong hinehele ang bata. Dala na niya ang ilang sets ng damit pambata, crib, at kung anu-ano pang baby stuffs. Nagtagal pa nga siya sa pamimili dahil feel na feel niya ang pagiging ama. Feeling niya ay tunay niyang anak ang pinamimili niya.

“Marie, ako na muna ang bubuhat sa kanya. Mukhang pagod ka na. Teka, may trabaho ka ba ngayon?” tanong niya.

“Nag-leave ako, kelangan e.” Dahan-dahan nitong ibinigay sa kanya ang bata na naiidlip na. “Ingatan mo iyong ulo niya palagi.” Inayos nito ang pagkakabuhat niya sa bata. “Ngapala, Nathan. Iyong tungkol kagabi, sorry ha. Na-carried away lang naman ako.”

“Kasalanan ko naman iyon e. Sorry din. I don’t know why it’s so important to you but I could prove, you’ll never regret that I’m your first kiss.”

Inismiran siya nito na ikinatawa lang niya. “Pasalamat ka nga, hindi ko naisipang kulamin ka dahil naging abala ako sa bata. Men couldn’t understand how important a first kiss is for a woman. Anyway, kalimutan na natin iyon. Nakakahiya lang e. Bakit mo nga pala ako sinusundan kagabi?”

“Well, I want to offer you something last night. Gusto sana kitang maging modelo ng Keithan Apparels para sa ire-release naming wedding magazines. I even asked Doc Pen beforehand at pumayag na siya. Interesado ka?”

Nakatitig ito sa kanya habang nagsasalita siya. “Sa iyo este sa offer mo? Ano….mahal ba bayad diyan?” Tumango siya. “Sige, okay lang.”

“Babayaran ka ng maayos ng kompanya. Ah, Marie, okay lang ba na dito muna ako kahit mamayang gabi lang? Tutulungan lang kitang bantayan ang bata.”

“Okay. At planuhin na rin natin kung ano bang gagawin natin ngayon. I mean, after this, ano na mangyayari sa atin? Sa bata?”

Marahang inilagay niya ang bata sa crib. “Hindi naman unfair sa atin na inako na natin siya di ba? At least may magmamahal sa kanya.”

“Pero hindi normal couple ang naging magulang niya. Sa ngayon okay ang set up na ito, pero paano after years?”

Mataman niyang tinitigan si Marie. “Magpakasal kaya tayo?”

Natigilan ito. “Na hindi natin mahal ang isa’t isa? Na hindi tayo friends? Na hindi natin kilala ang isa’t isa?”

“Bakit ang mga arranged marriage, nagiging okay rin naman kahit hindi sila nagkakilanlan nang matagal at hindi nila mahal ang isa’t isa? We can be friends. At least, friends kesa naman wala lahat ng iyon.”

“Kung para sa bata, walang problem iyan e. Pero paano tayo? For sure we’re going to be friends but friendship will not compensate everything in family life. Pagmamahal ang kailangan doon.”

“E di pagdasal nating ma-in love tayo sa isa’t isa. Let’s make our way there. We don’t know, baka nga nakalaan talaga tayo para sa isa’t isa.”

“Ewan ko, parang ang labo pa rin. Bago mo muna natin gawin iyon, kilalanin muna natin ang isa’t isa. Malay mo, magbago ang isip mo ‘pag nalaman mo kung ano ba talaga ako.”
Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi nito.

“Ngapala, tumawag iyong Keijin sa cellphone mo kanina. Hinahanap ka niya.”

“O, anong sabi mo?”

“Iyong totoo. Namimili ka ng gamit pambata. Tinanong rin niya kung sino ako.”

“Sana sinabi mong asawa kita.” Binuntutuan pa ni Nathan ng tawa ang biro niya. Parang nakikita niyang umuusok ang tenga ng bestfriend niya ‘pag nagkataon.

“Iyon nga ang sinabi ko.”

Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan sa sinabi nito. Patay siya kay Keijin pagbalik niya ng kompanya. Hinagip niya ang kamay nito. “Hindi nga, iyon nga ang sinabi mo?” Tumango ito. Bigla siyang napapitlag. Nang sandaling nahawakan niya ang kamay ni Marie ay bigla siyang may nakitang concrete vision. Para siyang napunta sa isang simbahan at nakita niya si Marie na nakasuot ng wedding gown, naglalakad sa aisle ng simbahan habang siya naman ay hinihintay ito sa may altar. Sa gulat niya ay nabitawan niya ang kamay ni Marie. Saka lang nawala ang vision niya. Daig pa niya ang namaligno sa experience.

Maang na binalingan niya si Marie. Mukhang alam nito ang nangyari sa kanya. “What the hell was that?”

“Relax, dude. You just shared my vision,” kampanteng tugon nito.

“Shared your what?” di makapaniwalang bulalas niya.

“My vision, Mr. Cerio. I am clairvoyant.” Inabutan siya nito ng isang basong tubig. Marahil ay napapansin nitong nagmumukhang lumaklak ng suka na siya. “And more than that.”

“And what more?” Inisang lagok niya ang isang basong tubig. Iniabot niya ang baso dito. “Isang baso pa nga.”

Nagsalin muna ito ng tubig sa baso at ibinalik sa kanya ang baso bago sinagot ang tanong niya. “I’am also an illusionist.” Biglang nawala sa kanyang kamay ang baso.

“And more?” Nagulat siya nang balingan niya ang kamay ay may hawak na ulit siyang baso na may bagong saling tubig. Wow!

“A telekinetic.”

Naibuga niya ang iniinom na tubig sa pagkabigla. Buti na lang nasa tabi niya ito at hindi nasa harapan niya. Kung nagkataon, napaliguan niya ito ng wala sa oras. “Are you a modern day witch?” Naisip niyang baka may others pa itong sasabihin kaya inunahan na niya.

Tumawa ito. “No. So now, Mr. Cerio, do you still want to marry me? Think about it not once and not even twice.”


I’m proposing a marriage to someone I just met the other night. I’m offering my life to a very eccentric woman that has superb talent in music and out-of-this-world abilities. ‘Nang ko po! Di kaya namamatanda na nga ako? Kulang na lang ay ipukpok niya ang ulo sa hamba ng crib sa sobrang gulo ng isip niya. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip sa mga natuklasan niya kay Marie nang nagdaang gabi. Napanganga siya at napa-wow nang magpakita pa ito ng magic sa kanya at nang bigyan siya nito ng isang basong tubig gamit ang telekinesis.

Binalingan niya ang bata na nasa crib. Katatapos lang niyang palitan ng diaper at pakainin ang bata. Abala na ito sa paglalaro ng mga toys na binili niya.

“Tomomi, give me a sign baby. Do you want your tatay and nanay to get married?” tanong niya sa bata kahit alam niyang hindi naman sasagot ang bata. Hindi pa nga ito nagsasalita.

Natahimik siya nang titigan siya ng bata. Pawang nanglilimos ng pagmamahal ang inosenteng mga mata nito. Naantig ang puso niya. Maswerte kang bata ka at sa amin ka napunta. Hindi kami magkukulang ng pagmamahal sa iyo, itaga mo sa bato iyan, anak. The baby extended her arms to him as if asking him to carry her. Agad niyang binuhat ang bata. Tumawa ang bata nang mabuhat niya. “Anak, is that a sign?” Tumawa ulit ang bata. Nangingiting pinugpog niya ng halik ang bata.

Mag-isa lang siya sa bahay ni Marie dahil kailangan nitong pumasok sa opisina. Nalaman niyang maliban sa pagiging bassist ng Infinity Band tuwing weekends sa Senang Hati, isa rin pala itong IT specialist at videogame creator. Ang ilan pala sa mga games sa PSP niya ay ito ang gumawa lalo na ang Into the Darkness na siyang paborito niya. Iyon lang naman ang tumalo sa Final Fantasy Core Crisis sa sobrang astig. At maliban pa doon, ang pamilya nito ay may ari ng isang kakaibang sementeryo sa Tarlac, ang Rest My Heart Cemetery na una na niyang narinig sa kaibang si Keijin. Libingan ng mga bagay at emosyon daw ang cemetery na iyon.

Nag-ring ang cellphone niya at si Keijin ang caller.

“Nasaang planeta ka, Nathaniel Cerio? Alam mo bang ikaw ang hinahanap ng mga kliyente natin dito? Wala akong maibigay na dahilan sa kanila,” agad na tirada ni Keijin.

“On the record, ‘tol andito pa ako sa Manila. I’m with my future wife’s house. At wag kang mag-alala, alam ng secretary ko kung paano pakikiharapan ang mga kliyente ko.”

“Ha? Will you kindly expound your explanation? Akala ko magulo lang magkwento si Mhads pero totoong magulo ka palang kausap ngayon. What’s with you, Nathan? At bago ko makalimutan, umalis na ng bansa
ang kapatid mo. After six months na daw siya uuwi.”

Napabuntong-hininga siya. Dahan-dahan niya munang ibinalik sa crib ang bata bago kausapin ang kaibigan. “Okay. Listen, man. I’ll be getting married this coming Saturday at Himalayan Resort. Civil wedding iyon. Remember the bassist of Infinity? Siya ang pakakasalan ko. Kindly prepare a white gown and suit for us, please. And by the way, I also need a cute white dress for a four to five months old baby. That’s for our baby.”

“What?! Ano iyang sinasabi mo?”

Inabot pa ng katakut-takot na paliwanagan bago pa niya napaintindi sa kaibigan ang sitwasyon niya.
Until the wedding day came. They got married and decided to live in one home, his home. Wala naman silang problema nang mga sumunod na buwan. Naging mapag-alaga silang magulang kay Tomomi at naging mabuting magkaibigan din sila ni Marie. Masarap itong maging asawa dahil hindi nagkukulang sa pag-aasikaso sa kanya. Kaya hindi imposibleng mahulog ang loob niya dito. Nagsimula na rin nga siyang maging malambing dito.

Sinubukan nilang pag-aralan ang mahalin ang isa’t isa. Sinasanay nila ang mga sarili sa presence ng isa’t isa lalo na’t magkasama sila sa iisang silid, natutulog sa iisang kama, at higit sa lahat, legal silang mag-asawa. And so far, they enjoyed being together. Maraming bagay silang napapagkakasunduang dalawa. At marami rin silang napagkakatuwaang gawin. Isa na roon ang pagtawag sa isa’t isa ng hubby at wife para palagi nilang maalala na mag-asawa sila.


NATHAN had a hard day. Kaliwa’t kanan ang business meeting na inasikaso nila ni Keijin. Mukhang naging workaholic na ulit ang kaibigan niya kaya hayun, pati sa social gathering ay nakikipag-deal sila sa potential investors. Hating-gabi na nang makauwi siya. Hindi na siya nagulat nang pagpasok niya ng kwarto ay bukas pa ang ilaw. Marahil ay tinatapos na naman ng asawa niya ang latest nitong ginagawang videogame. Pero wala sa harap ng computer ang asawa niya. Naabutan niya ito sa CR at nagdududuwal.

“Oy, anong drama iyan, wife? Wag mong sabihing buntis ka at magwawala ako rito. Sinong ama niyan ha? Wala pang nangyayari sa atin tapos magkaka-” Natigil ang dapat sanay joke niya nang ibato nito sa kanya ang isang tuwalya, sapul sa mukha niya.

“Shut up, hubby, kung ayaw mong ikaw ang sukahan ko.”

“Ikaw naman, hindi ka na mabiro,” saad niya. Nilapitan niya ito. Sakto namang nagduduwal ulit ito.
Halos tubig na lang ang inilalabas nito. Nagsimula na siyang mag-alala. “Ano bang kinain mo? Baka may kinain kang hindi maganda.” Hinagod niya ang likod nito.

“Wala pa nga akong kinakain e.” Nasapo nito ang tiyan, napadaing ito at napangiwi sa sakit bago nagduduwal ulit. Naalarma na siya dahil namumutla na ito.

Kumuha siya ng tubig at ipinainom iyon dito. “Dadalhin na kita sa hospital, namumutla ka na. Marie!!!!-”

Bigla na lang itong nawalan ng malay na lalong nagpatakot sa kanya. Agad niyang binuhat ito at dali-daling inilabas ng kwarto.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Mhads. Marahil ay narinig nito ang ingay. Kararating lang nito mula sa ibang bansa kung saan ito nagtatrabaho bilang pilot.

“Dadalhin ko siya sa hospital. Ikaw na muna bahala sa anak ko ha.”

Matiyagang binantayan ni Nathan si Marie habang nagpapahinga ito. Salamat sa Diyos at hindi naman malala ang lagay nito. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman niya nang mawalan ito ng malay. Alalang-alala siya sa lagay nito. Buti na lang at gastroenteritis lang ang tumama rito at hindi na kinailangang i-confine. Nang makauwi sila ng bahay ay agad niya itong pinagpahinga gaya ng bilin ng doctor.

Yakap-yakap pa rin niya ito nang magising ito.

“Kamusta ng pakiramdam mo?” masuyong tanong niya. Ginawaran niya ng halik ang buhok nito.

“Okay lang, medyo nahihilo lang ako. Pahingi namang tubig.” Mukhang hinang-hina pa rin ito.

Agad niyang iniabot ang isang basong tubig dito.

“Salamat, hubby ha. At pasensiya ka na, inaalagaan mo pa tuloy ako,” sambit nito.

Niyakap niya ito. “Basta, ‘wag mo ng uulitin iyon. Tinakot mo ako ah. Kung masama ang pakiramdam mo, sabihin mo agad sa akin ha para madala agad kita sa hospital. Wag mo ng hintayin na himatayin ka.”

“Sorry.” Gumanti ito ng yakap sa kanya. “Yaan mo, tatandaan ko iyang sinabi mo. Don’t worry that much, Nathan. Naninibago ako sa ‘yo e. Bigla kang naging sweet.”

“Matagal na akong sweet, manhid ka lang,” bulong niyang sagot. Mahal na kasi kita.

“Ha?”

“Sabi ko, magpahinga ka na. Magpagaling ka.” Hinila niya ang kumot at maayos na inilatag iyon sa magkayap nilang katawan. “Sige na matulog ka na ulit.”

Parang roller coaster ride ang nangyari sa buhay niya nang makilala niya si Marie. Pero ni katiting ay wala siyang pinagsisihan dahil sa tagal ng panahon ay nagawa niyang maramdaman na espesyal na ito sa kanya. Ayaw niya itong mawala sa kanya kaya lubos na lang ang pag-aalaga niya rito.

Makalipas ang ilang araw ay bumuti na ang lagay nito na lubos naman niyang pinagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos nilang magsimba ay dumaan sila sa supermarket para mamili.

“Sabihin mo nga wife, bakit all of a sudden pumayag kang pakasalan ako six months ago?” tanong niya habang naggo-grocery sila. Buhat-buhat niya ang natutulog na si Tomomi. Day-off kasi ng yaya nito kaya isinama na nila.

“Kasi alam kong tumanggi man ako, pakakasalan mo pa rin ako. I know that,” tugon nito.
Napakunot noo siya. “Ha? Ah, clairvoyance! Ibig sabihin, iyong na-vision ko noon iyon na iyon? And what do you mean by ‘pakakasalan pa rin kita kahit tumanggi ka’?

“That time that you kissed me at Senang Hati, alam ko ng mapapangasawa kita. Kaya nga ako nag-hysteria noon. Dahil di ko inasahan na ganon kabilis ko makikilala ang mapapangasawa ko. My ability told me that the first guy who would kiss me would be my husband. And that man was you. Nakita ko rin mismo ang mukha mo sa vision ko. So wala kang kawala sa akin,” biro nito.

“Hmm…I see. May gig ka mamayang gabi?” tanong niya.

Hindi kasi nito alam na tuwing may gig ito sa music lounge ay nanonood siya. Inihahatid din niya ito nang hindi nito namamalayan. Gamit ang kotse ni Keijin ay sinusundan niya ito mula sa pag-alis nito sa bahay hanggang sa opisina o sa Senang Hati. Ayaw kasi nitong magpahatid sa kanya dahil mas sanay daw ito sa motor nito kesa sumakay sa kotse.

“Meron. Actually, pag-uwi natin, pupunta na ako doon. Darating kasi ang Thunderkizz Band. Dadagsa na naman ang tao sa Senang Hati.” Nagtuloy na ito sa counter para bayaran ang pinamili nila. “Hubby, may lower bill ka ba?”

“Yup. Buhatin mo muna itong si Tomomi.” Ibinigay niya ang natutulog na bata dito at saka niya dinukot sa bulsa ang wallet at iniabot sa cashier ang five hundred bill.

“Ay sir, ma’am, ang kyut naman po ng baby nyo,” komento ng cashier nang iabot nito ang sukli sa kanya. “At ang kyut n’yo pong dalawa. Bagay na bagay po kayo.”

“Salamat,” nangingiting tugon ni Nathan. Napapailing pa siya nang kunin niya ang plastic bags sa counter.
“No wonder, hindi tayo pinaniwalaan ng pulis noong maubos ang energy ko sa kakapaliwanag na
napulot nga lang natin si Tomomi. Mukha nga siguro tayong loving couple,” tatawa-tawang komento ni Marie habang naglalakad na sila papuntang parking lot.

Samantalang siya, may bala mag-emote. “Wife, are you happy with me? Minsan ba nagsisi kang pinakasalan mo ako? Kasi ako, masaya ako sa piling mo. Yaks! Ang cheesy ko naman.” Binuntutan na lang niya ng tawa ang sinabi niya sa pag-iwas na mahalata nito na kabado siya sa magiging sagot nito.

“Masaya ako. At wala rin akong sisi na nararamdaman kaya ‘wag ka ng paka-corny diyan. I love being with you, hubby.”

Napangiti siya. “And I love you too, wife.”

Natameme ito sa sinabi niya.

“Hindi ka nagkamali ng dinig, Marie. I just said I love you. I love you okay.” Inakbayan niya ito. “Hindi mo ba gusto ang sinabi ko? Bakit natahimik ka na diyan?”

“Nagulat lang ako. Sigurado ka ba?”

“Noong pinakasalan kita, hindi. Pero ngayon, siguradung-sigurado na ako. From now on, my whole life will only be yours. Sa inyo ni Tomomi. Iyan, ang cheesy ko na naman.”

Ngunit nanatiling tahimik si Marie hanggang sa makauwi sila. Parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Naabutan niya ang asawa na naga-apply ng make-up sa harap ng salamin sa kwarto nila. Bihis na rin ito at handa na sa gig nito mamayang gabi.

Mula sa likuran nito ay niyakap niya ito. Nagkatinginan sila mula sa repleksyon ng salamin.

“Siguro hindi mo ako mahal kaya natahimik ka nang sabihin kong mahal kita,” may halong tampong sambit niya.

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Hindi ganon iyon, Nathan. Mahal din kita. Pero nag-aalala ako sa mga susunod na araw dahil masasaktan ka dahil sa akin.”

Kumalas siya sa pagkakayakap dito at iniharap niya ito sa kanya. Mababanaag ang takot sa mga mata nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“Di ko pwedeng sabihin. Basta Nathan, I love you.”

Nararamdaman niyang may mali sa kinikilos ni Marie. Pero hindi na siya nagtanong. He just moved closer to her and kissed her. At pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit.

Tulad ng dati ay palihim na inihatid niya ang asawa gamit ang kotse ng kaibigan niya. Sa di niya mawaring dahilan ay balisa siya nang gabing iyon habang sinusundan ang asawang nakasakay sa motor nito, nakasabit pa rin sa balikat nito ang bass guitar. Papasok na ng Senang Hati ang motor ni Marie kasunod ang isa pang kotse nang may mag-overtake na van sa kotse ni Nathan. Sumalpok ang van sa pagitan ng motor ni Marie at ng kotseng kasunod noon. Nadamay si Marie sa aksidente. Tumilapon ito dahil sa impact ng banggaan.

“Marie!!!” Sa isang iglap ay nakalugmok na sa pavement ang asawa niya. Natatarantang lumabas siya ng kotse ang nilapitan niya ang asawa. Duguan na ito at wala ng malay.


“Kuya!”

Napa-angat siya mula sa pagkakatungo. Nasa waiting area siya ng hospital na pinagdalhan ng mga naaksidente. Bumigay ang nagtatapang-tapangan niyang loob nang yakapin siya ng kapatid. “She’s in coma, Mhads! Di ko man lang siya nailigtas. Ando’n lang ako. Konti lang ang layo ko sa kanya.” Umiyak na siya.

“Kuya, wala ka namang kasalanan.”

“Hindi pa akong handang mawala siya sa akin.”

Hindi talaga siya handa. Ngayon, naintindihan na niya ang sinabi ni Marie. Alam na ni Marie na maaksidente ito at hindi nito sinabi iyon sa kanya para hindi siya mag-alala. Sa huli, siya pa rin ang inintindi nito.

Lumipas ang dalawang linggo. Wala pa rin naging pagbabago sa kondisyon ni Marie. Nanatili lang si Nathan sa tabi ng asawa niya. Madalas niya itong kausapin dahil sabi ng doctor, makakabuti daw dito ang kinakausap.

Hawak-hawak niya ang kamay nito na maya’t maya niyang hinahalikan habang nagdarasal. Naging ritual na niya ang mag-rosaryo araw-araw tuwing gabi kasabay ang panalangin na bigyan pa sila ng second chance ni Marie na maging masaya.

“Dalawang linggo ka ng tulog, wife. Hindi ka pa ba napapagod? Gumising ka na, oy! Ang hirap ng hindi ko naririnig iyang mga kwento mo, iyong tawa mo. Ay, may sorpresa nga pala ako sa iyo.” Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at may ipinarinig siya ditong audio recording. Pumailanlang sa ICU ang tumatawang boses ni Tomomi habang binabanggit nito ang salitang ‘Nay’. “Pakinggan mo o.
Nagsasalita na si Tomomi at ikaw ang hinahanap niya. ‘Nay ang first word ng baby natin. Nami-miss ka na rin niya.”

Kinuha niya sa loob ng bag ang isang sketch pad. “Ito naman, tingnan mo ‘to.” Ipinakita niya ang sketch pad na may drawing ng isang wedding gown. “Tingnan mo, maganda ba? Ginawa iyan ni Keijin. Iyan ang isusuot mo sa church wedding natin. Naghihintay na rin sa ‘yo ang wedding gown na iyan. Marie, pakakasalan na kita sa simbahan kaya gumising ka na please.” Napatitig siya sa wedding gown. Alam niyang bagay na bagay iyon sa asawa niya. Pinawi niya ang luhang dumaloy sa pisngi niya. “Sige na o. Let’s get married again.”

“Okay…”

Nagulat siya nang marinig muli ang boses ni Marie. Agad niyang binalingan ito. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata.

“Marie!” Agad niya itong niyakap at hinalikan sa noo. “Thank God, gising ka na!” Dahil sa tuwa ay di niya naiwasang maiyak muli. Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan. “I love you so much, Marie. I really do.”

“I know.” Sinubukan din nitong hawakan ang pisngi niya. “Wag ka ng umiyak, Nathan. Okay na ako. And yes, I will marry you.” Niyakap siya nito. “Nagising na ako kanina pero wala ka pa kaya nakatulog ulit ako.”

Magkayakap pa rin sila nang biglang bumukas ang pinto.

“Ay, sorry! Sige ituloy nyo na iyan. Babalik na lang ako,” sambit ni Doc Penpen sabay labas ulit ng silid.
Nagkatinginan sila ni Marie at sabay na napatawa.

“’Need anything, wife?”

“Just one kiss from you, hubby. I’ll be okay with it.”

“Granted!” He leaned towards her and lovingly awarded her a kiss.


PREVIOUS                                                        NEXT STORY

Comments

Anonymous said…
hi po .. lagi po akong nag babasa ng stories sa internetserye dati .. and naaalala ko pong may story si tomomi .. ipopost nyo po ba ?
Melai said…
Hindi kasi ako ang sumulat ng story ni Tomomi. Si Roje. Eh hindi ko na siya nakakausap ngayon.

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…