Skip to main content

Senang Hati Music Lounge Series: Earth's Happy Heart






“Aku sayang kamu
Tuhan mengetahui berapa banyak aku sayang kamu
Anda adalah ilham saya
Anda adalah aspirasi saya yang paling luar biasa…”



Napakunot ang noo ni Mhads nang marinig niya ang kakaibang lenggwahe mula sa isang silid sa hallway papuntang CR. Maingay na ang kabuuan ng Senang Hati dahil nagsimula nang magtanghal ang Infinity Band. Pansamantalang iniwan niya ang kapatid at kaibigan nito para sumaglit sa CR.
Ngunit nang pabalik na siya ay nakuha ng pintong bahagyang nakaawang ang kanyang atensyon.

Madilim ang buong silid nang sumilip siya roon. Ang tanging nagbibigay liwanag dito ay ang mga kandila nakakalat sa sahig, mesa, at estante. Natagpuan niya ang binatang kanina ay nagpakilalang may-ari ng Senang Hati Music Lounge na nakaupo sa sahig sa tapat ng isang painting at napapaligiran ng rose petals at kandila. Malayung-malayo sa pagiging isang negosyante ang hitsura ni Earth sa black shirt at pants, may kahabaang buhok na may highlights, at hikaw sa tenga. Mas mukha itong rebel guy o disoriented teenager o living vampire kesa isang multi-million businessman. Nakapikit ito habang binibigkas ang tila isang orasyon.

“Saya mau dengan anda
Saya mau menjaga anda
Anda adalah yang satu ini saya melihat selama semua tahun ini…”





Napamulagat si Mhads nang makita niyang mula sa palad ni Earth ay lumitaw ang isang kandilang may sindi. Mangkukulam ang may-ari ng Senang Hati! Hindi imposible ang idea na iyon dahil maging sa Pilipinas ay laganap na noon pa man ang wicca o mas kilala bilang witchcraft.

Alam ni Mhads na dapat na siyang umalis pero nanatiling nakatayo siya sa may pinto at nakasilip sa siwang para panoorin kung paano mapo-possess ng spirits ang binata. Pero natagpuan na lang niya ang sariling napatitig sa mukha ni Earth na tila panatag na panatag habang patuloy sa pag-oorasyon. Kahit mukha itong alagad ng kulto, masarap pa rin titigan ang mukha nito.

“Saya berharap anda mengetahuinya
Saya berharap anda percaya di atasnya
Sejak saya menemukan anda saya tidak akan membuang-buang waktu
Saya akan membiarkan anda jatuh cinta dengan saya dan menjadi pengantin wanita saya.”


Sa panggilalas niya ay nadurog sa kamay nito ang kandila ngunit nanatiling may sindi ang mitsa! Maya-maya ay hinipan nito ang apoy na nasa palad nito at biglang lumitaw ang isang rosas.

Anak ng rosas! Jomadel, tumakbo ka na! utos niya sa sarili pero hindi niya iyon nagawa nang magtama ang mata nila ng binata nang lingunin siya nito. Magiliw na ngumiti lang si Earth sa kanya. Sa di mawaring dahilan naramdaman niya ang kabang biglang sumalakay sa kanyang sistema habang mataman itong nakatingin sa kanya. Napako tuloy siya sa kinatatayuan niya.

“Anong ginagawa mo dito, Miss? Authorized personnel lang ang allowed dito sa opisina ko,” kampanteng sambit ni Earth.

Naalarma siya nang tumayo ang binata at naglakad palapit sa kanya. Initial reaction, nagmadali siyang tumakbo sa takot na ialay siya nito sa mga sinasamba nitong elemento.

“Miss, miss! Sandali!” Sinubukan nitong habulin siya pero hindi siya sira-ulo para magpahuli.

Humahangos na bumalik siya sa mesa nila ng kuya niya at parang batang sumiksik sa dibdib ng Kuya Nathan niya. Nanginginig na siya sa takot. “K-kuya!” bulalas niya.

“Anong nangyari sa iyo, bunso?” nag-aalalang tanong ni Nathan.

“I-iyong may…may-ari ng… ng lounge…. Mangku… mangkukulam siya!” nauutal na sambit niya na ikinatawa lang ng Kuya niya at ng business partner nitong si Keijin.

“Jomadel, umamin ka nga sa kuya mo. Nagda-drugs ka ba? Anong mangkukulam iyang pinagsasabi mo?” kunot-noong patutsada ni Nathan.

“Palagay ko jet lag lang iyan, Mhads!” dagdag ni Keijin.

“Heh! Tatlong taon na akong piloto. Hindi na uso sa ‘kin ang jet lag at hindi ako adik! Totoo ang sinasabi ko. Nakita ko ang Earth na iyon! Nakahawak siya sa painting tapos nag-iibang lengguahe siya, parang nagka-cast ng spell!”

“Adik!” korong buska ng dalawa.

“Hindi ako nagbibiro! Napaligiran siya ng kandila tapos iyong kandila nadurog sa kamay niya pero iyong apoy naiwan tapos naging rose iyong apoy!”

“Ay naku, Mhads, gutom lang iyan. Kumain ka na lang.” Itinuro nito ang mga pagkain sa mesa.

“Pero kuya! Hindi ako nagbibiro!” asik niya.

“Oo na!”

Nakuha ng stage ang atensyon niya nang umakyat doon si Earth Mangkukulam. Habang nagsasalita ito ay bigla na lang may lumitaw na stemmed rose mula sa kamay nito. “Tingnan mo nga, kuya! Tama ako mangkukulam nga ang Earth na iyan!”

“Illusionist ang tawag sa kanya o kaya magician at hindi mangkukulam, bunso!” pakli naman ng kuya niya.

Reresbak pa sana siya nang bigla na lang sumulpot sa harap niya si Jhamo, ang kanyang college friend na keyboardist ng Infinity Band at iniabot sa kanya ang isang rose. Isinama rin siya nito on stage.

“Ano ba ito, Jhamo?” kunot-noong tanong niya. Gulung-gulo pa kasi ang isip niya.

“Di ba pangarap mong maging stage singer? Eto na chance mo.” Jhamo grabbed the mic. “Mga kapatiran ngayong gabi, I have here beside me a beautiful lady pilot from Ireland. She will sing with us.”

Parang lutang pa ang isip niya nang magpalakpakan ang mga tao. Kinausap siya ni Penpen at maya-maya ay nagkasundo sila sa kakantahin. Evanescence song na Bring Me to Life ang napili niya.

“How can you see into my eyes like open doors? Leading you down into my core where I've
become so numb. Without a soul, my spirit sleeping somewhere cold, until you find it there and lead it back home…”


Tama si Jhamo. Matagal na niyang pangarap maging singer pero bandang huli mas pinili na lang niyang maging singing pilot at part time model sa Keithan Apparels na pagmamay-ari ng kuya niya.

Tumaas ang confidence niya sa pagkanta nang pumalakpak ang audience. And suddenly she felt very happy. Singing in crowd was never been as warm as singing on Senang Hati’s stage.
Napaka-welcoming ng mga audience. Umurong lang bahagya ang kasiyahan niya nang mamataan niya si Earth sa audience na pangiti-ngiti pa habang kumakanta siya. Hindi rin niya maintindihan pero hindi niya magawang alisin sa binata ang atensyon niya gayong isang batalyong cute ang makikita sa kabuuan ng audience. Namataan pa nga niya ang kumpletong myembro ng Thunderkizz band pero hindi man lang niya pinansin. Tanging ang mangkukulam lang na iyon ang kumuha ng buong atensyon niya.

Napaatras siya nang matapos siyang kumanta at bumalik sa mesa nila ng Kuya niya. Namataan niyang kakwentuhang maigi na ng kuya niya at ni Keijin si Earth. Kuya! Bakit ka nakikipag-bonding sa mangkukulam na iyan? Magtatago na lang sana siya pero hindi siya nakatakas sa kuya niya.

Tumayo si Nathan para kalagkarin siya palapit sa mesa.

Ipinakilala siya ng kuya niya sa binata. Napangiwi lang siya nang ngitian siya nito. Hanggang sa salakayin na siya nang takot nang mataman siya nitong titigan. Muntik na siyang magwala nang biglang hawiin nito ang nakalaylay na buhok sa mukha niya at masuyong ipininid iyon sa tenga niya.

Without breaking an eye to eye contact with her, he lovingly whispered on her ears. “You are a good singer, Mhads. Sejak saya menemukan anda saya tidak akan membuang-buang waktu. Saya akan membiarkan anda jatuh cinta dengan saya dan menjadi pengantin wanita saya.”

Napamulagat siya. Inoorasyunan siya ng mangkukulam! Pero kahit anong tutol ng utak niya na umiwas ng tingin, hindi niya talaga magawa na tila nahipnotismo siya.

Again, he touched her hair ang picked something from it. He slowly pulled a rose from her hair. Iniabot nito iyon sa kanya. Wala sa sariling tinanggap niya ang bulaklak. Tunay na magic nga iyon!

“Alam mo, ang kyut mo lalo na kapag ganyang mukha kang shocked as if naintindihan mo ang sinabi ko. You’re amazing, Ms. Jomadel Navela.” Then finally, inilayo na nito ang sarili sa kanya. “Until next time, singing pilot!” Sa isang iglap ay wala na ito sa paningin niya. Ganoong kabilis ang mga pangyayari na sa sobrang bilis ay hindi man lang niya nagawang magsalita kahit isang letra.

“Hanep din sa diskarte ang isang iyon ah. Mhads okay ka lang,” tanong ng kapatid niya pero hindi siya nakaimik. “Naku naman. Kapag nanligaw iyon sa ‘yo, ipapadaan mo muna sa akin ha!”

“Uwi na tayo kuya. May jet lag ata ako.”

Isinumpa niyang iyon na ang una at huling pagkakataon na tatapak siya sa Senang Hati. Hindi na siya babalik doon dahil gusto pa niyang mabuhay ng matagal.


Pero pagkalipas ng anim na buwan ay kinain din niya ang sinabi niya dahil pagkauwi niya sa Pilipinas ay sa Senang Hati siya tumuloy para makipagkita sa ex niya. Noon ay nasapak niya si Arjay kaya nasuspend siya sa trabaho at napaaga ang bakasyon. Dalawang buwan matapos ang suspension niya sa airline na pagmamay-ari ng pamilya ni Arjay ay natuklasan niyang may ibang babae pala ito. Nambabae na ito nang hindi niya tanggapin ang kasal na inalok nito. Noong araw ding iyon, naghiwalay na sila ng landas at lumipat na rin siya ng trabaho.

Ngayon, sumunod ito sa Pilipinas para humingi ng tawad at para aminin lahat ng iba pa nitong naging kasalanan sa kanya. Bagama’t matagal na silang tapos, nasasaktan pa rin siya sa ginawa nito. Pakiramdam niya, sa loob ng isang taon nilang relasyon, siya lang ang naging totoo roon.

Rock music ang naririnig niya. Natsambahan nilang invited performer ng Music Lounge ang Thunderkizz Band kaya pakiramdam niya ay nakikinig lang siya ng album ng sikat na bandang ito. Pero hindi ang kanta o ang banda o ang lugar ang laman ng utak niya. The man she’d fallen on and off was sitting beside her, confessing everything that he had done wrong. And it broke her heart over and over.

“I’m sorry, Mhads. I know, I was wrong. Alam kong kahit anong sorry ko hindi na iyon mababago pero sana man lang mapatawad mo ako,” sambit ni Arjay.

“Bakit mo ginagawa ito? Hindi mo naman kailangang mag-sorry sa akin ng paulit-ulit,” tugon niya habang pinipigilan ang umiyak. “Tapos na tayo, case closed na noon pa. I moved on, and you must moved on, too.” Oo nga pala, nauna ka nga palang maka-move on! sarkastikong komento ng utak niya.

“I’m having a baby soon. Natatakot lang ako na baka sa anak ko bumawi ang karmang para sa akin,” nahihiyang tugon nito.

Hindi niya napigilang mapangiti. May takot rin pala ang loko sa karma. “’Wag kang mag-alala, ipagdarasal kong hindi mangyari iyang karma mo.”

“Sorry talaga, Mhads. Hindi lang tayo para sa isa’t isa.”

At sino ang para sa akin? Natagpuan na lang niya ang sariling humihikbi ilang minuto pagkaalis ni Arjay. Crowded as always ang Senang Hati ngunit pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa isang madilim na lugar. Totoo nga ata ang sinasabi nilang kapag may maganda kang career, hindi magiging maganda ang kalalabasan ng love life mo. She was known in Europe as one of the best lady pilot. Pero hindi iyon sapat para masabi niyang naging masaya siya sa buhay. Kaya pansamantala, umuwi siya ng Pilipinas, umaasang baka nasa Pilipinas ang magbibigay saya sa kanya.

Napahikbi ulit siya nang biglang may lumitaw na panyo sa harap niya.

“Bawal umiyak dito sa Senang Hati,” sambit ng isang pamilyar na boses.

Ginusto na niyang tumakbo nang mag-angat siya ng tingin. Anak ng bampira! Buhay pa pala ang mangkukulam na ito, bulalas ng isip nito.

Ngumiti ito. “Nakalimutan mo na ata ako. I’m Earth. Iyong tinakbuhan mo noon at I own this—”
“Alam ko, mangkukulam ka di ba?” Kumunot ang noo nito. Bigla siyang may naisip. “Siguro, iyong ibang language na sinabi mo sa akin, spell iyon ano? Kinulam mo ako para masira love life ko?”

“Hey, mukha lang akong mangkukulam pero hindi ko iyon magagawa sa ‘yo. Bakit ko naman gagawin iyon e noon lang naman kita nakilala?” nakangising sambit nito.

Hindi siya naniniwala sa alibi nito. Hinablot niya ang bling-bling na nakasabit sa leeg nito dahilan para mapalapit ito sa kanya.

Nahigit niya ang hininga nang ngumiti ito ng may halong malisya habang sinusulyapan nito ang labi niya. Nataranta siya kaya itinulak niya ito.

“Woman, hindi ko talaga ma-gets ang mentality n’yong mga babae. You want me that close then all of a sudden you just pushed me away. And not to mention I haven’t done anything yet aside from offering my hanky for your tears,” komento nito.

Doon lang niya napansin ang panyo. Pinahid niya ang luha gamit iyon, siningahan at ibinalik dito. “O ‘yan, satisfied? Siguro naman sapat na iyang luha at sipon ko para makulam mo pa ulit ako!”

“Hindi nga sabi ako mangkukulam, Mhads! Ayoko lang na may umiiyak dito,” sinserong sambit nito habang nakatitig lang sa kanya. Kahit hindi niya gustong maramdaman, na-touched siya sa sinabi nito. “Malas iyon sa negosyo ko.”

Nalaglag ang panga niya sa pagkadismaya. Dahil lang pala sa negosyo kaya ayaw nitong may umiiyak na tao sa Senang Hati. Akala pa man din niya ay may malasakit ito sa tulad niyang bigo. Sa inis niya ay inismiran lang niya ito.

Sa panggilalas niya ay umupo ito sa upuang binakante ni Arjay. “Matagal na kayong hiwalay ng boyfriend mo pero hindi mo pa rin matanggap na niloko ka niya kaya lahat ng galit at sama ng loob mo ay iniiyak mo na lang,” pahayag nito.

Muli niya itong binalingan. Nagtaka siya kung paano nito iyon nalaman gayong ni kuya nga niya at mga kaibigan ay hindi iyon alam. “Manghuhula ka rin ba? Paano mo nalaman iyon? Nakikinig ka ba sa usapan namin ni Arjay?”

“Hindi ko iyon hinulaan. I have a gift. I can read minds and emotions kahit hindi ko gustuhin. Napadaan lang ako nang makita kitang nag-iisa at umiiyak. Naramdaman ko ang naramdaman mo.”
Kumunot ang noo niya. May ganong klaseng tao ba talaga? Siguro nga ay mangkukulam ito at isa lamang iyon sa mga abilities nito.

“You don’t deserve a dim-witted like him. You deserve someone who could hurt the hell out of you,” he suddenly moved closer to her, “but would not even try to.”

Hindi niya napigilan ang luhang pumatak mula sa matang kanina pang nagpipigil umiyak. “Sorry,” sambit niya. Hindi siya dapat umiiyak sa harap ng estranghero.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang ito mismo ang nagpawi ng luha mula sa pisngi niya. “Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng Senang Hati?” tanong nito.

“Wala akong oras para pag-aksayahan pa iyan ng panahon. Hindi naman ako magiging masaya kung malaman ko ang ibig sabihin ng pangalan ng negosyo mo.”

Ngumiti ito. “Happy Heart.” Natigilan siya sa sinabi nito at nakinig. “Senang hati means happy heart. Sabi ng Mama ko bago siya mamatay, gawin ko ang lahat para mapasaya ang ibang taong nalulungkot. Hindi ako comedian kaya itong negosyo na lang na ito ang naisip ko. This is a place where you find your happiness. Proven by faith na iyan. Malay mo Mhads, dito mo rin makita ang magpapasaya sa ‘yo.”

Umiling siya. “Sana nga. Iyon ay kung meron pang makakapagpasaya sa akin.” Pinahid niya ang natirang luha sa gilid ng mata niya.

Tumayo na ito. “Sa susunod, kung gusto mong umiyak, huwag dito. Huwag sa kahit saang sulok ng Senang Hati. Huwag sa distansyang malapit sa akin,” sambit nito.

“Dahil masama sa negosyo mo?” sarkastikong banat niya.

Umiling ito pagkatapos ay tinitigan ulit siya. “Nahihirapan akong nakikita kang malungkot at nasasaktan at wala naman akong magawa. Dahil kapag malapit ka lang, madali kong nararamdaman ang nararamdaman mo… at…”

“At ano?”

“Sa ‘yo kasi nakasalalay ang happiness ko,” pabulong na sambit nito bago ito tuluyang umalis. Pero kahit bulong iyon, narinig niya iyon ng malinaw.

Ngayon lang niya naranasang masabihan ng ganon na para bang itinuturing siya ng Earth Mangkukulam na iyon na isang kristal na hindi pwedeng mabasag o magasgasan man lang. Nakakapagtaka iyon. Hindi naman sila close at lalong hindi naman talaga sila magkakilala ng lubos. Pangalawang beses palang nagku-krus ang landas nila kaya paanong nasabi iyon ni Earth sa kanya? Pero aminin man niya o hindi, napagaan ng mga sinabi nito ang kalooban niya. Nawala na ang pakiramdam na nag-iisa siya dahil sa sinabi nito.


“NAKS! Tingnan mo kuya Dharyl o, ang gwaping mo dito sa magazine ah. Pam-boy next door!” Panay ang banat ni Mhads ng biro sa kaibigan niyang ito pero wa epek. Nasa opisina sila ng Keithan Apparels para sa hahawakan niyang screening of models para sa wedding magazines na magpi-feature ng bagong line of wedding gowns and suits. Isa si Dharyl sa mga modelo nila. “Kuya…Nakaka-depress ka naman.”

“’Wag mo na lang akong pansinin, bunso,” malungkot na tugon nito. Malungkot pa rin ito tulad nang iwan niya ito anim na buwan na ang nakakalipas. Kaibigan ito ng Kuya niya. Napalapit na ito sa kanya lalo na nang tawagin na rin siya nitong bunso. Wala daw itong kapatid kaya tuwang-tuwa ito sa kanya.

Hindi niya masisisi kung bakit ito hindi maka-get-over sa nakaraang relasyon. Laman ngayon ng diyaryo, showbiz news, at talk shows ang tungkol sa naging secret wedding di umano ng dati nitong kasintahan at ni Hansen Ferrer, sikat na myembro ng sikat na Thunderkizz Band.

Natahimik na lang din tuloy siya hanggang sa pumasok ang messenger ng kompanya sa opisina. Inabot nito sa kanya ang isang punpon ng bulaklak.

“So, may bago ng manliligaw ang aking bunso?” tudyo ni Dharyl.

“Baka galing din lang ito kay Arjay at nagso-sorry na naman,” pakli niya. Nasobrahan ata sa guilt ang ex-boyfriend niya at palagi na lang nagbibigay ng bulalak sa kanya.

Namataan niya ang isang card sa gitna ng bulaklak kinuha niya iyon at binasa. Literal na dumulas sa kamay niya ang sulat. Galing ang bulaklak kay Earth at ang laman ng sulat ay parang spell. Hindi niya iyon naintindihan.

“Okay ka lang, Mhads?” tanong ni Dharyl.

“Ah…o-oo,” tugon niya. Huminga siya ng malalim para maalis ang pagkainis niya. Talagang pinapagtripan siya ng mangkukulam na iyon. “Sandali lang kuya Dharyl, may pupuntahan lang ako.”

Dire-diretsong pumasok siya sa Senang Hati kahit sarado pa iyon. Nagtaka pa siya dahil hindi man lang siya inawat ng guard at nakangiti pa iyon nang papasukin siya. Ang weird ng mga tao sa lugar na ito. Agad niyang namataan si Earth na tila nakaabang sa pagdating niya.

“Maupo ka muna at kumain tayo. Nagpahanda ako ng pagkain dahil alam kong darating ka,” anyaya nito.

Hindi siya kumibo. Bagkus ay inihara niya sa pagmukha nito ang crucifix. Handa siya sa armas. Dinala niya lahat ng kabanal-banalang bagay na alam niya. “Bakit mo ako pinadalhan ng bulaklak na may orasyon? Ayaw mo ba talaga akong tigilan? Bakit ba gusto mo akong kulamin ha?” Kunot-noong tiningnan lang siya nito kaya inilapit pa niya sa mukha nito ang crucifix. “Ano ha?”

Nagulat siya nang mag-sign of the cross ito sabay sambit ng, “Amen.” Pagkatapos ay binalingan siya nito. “Alam kong mangkukulam ang tingin mo sa akin pero hindi ako bampira at hindi rin ako demonyo kaya pwede mo ng alisin iyang krus. Galangin mo nga si Lord.”

Inalis nga niya ang krus pero pinalitan niya iyon ng bible.
Naiiling na binuklat lang nito ang bibliya habang hawak niya. “1 Corinthians 13:4-5. Love suffers long and is kind; love does not envy; love does not parade itself, is not puffed up; Does not behave rudely, does not seek it’s own, is not provoked, thinks no evil;” Bumuntong-hininga ito. “Mhads, Katoliko ako.”

Naiinis pa rin na inihagis niya rito ang kanyang rosary.

Nangingiting sinalo nito iyon. “Aba, meron din ata ako nito.” Bumunot ito sa bulsa at ipinakita sa kanya ang rosary nito. “Gawa sa rose petals itong sa akin, gusto mo sa iyo na lang?”

“How can you pretend that you’re normal?” asik niya.

“Well, as far as I know, I am normal.” Balewalang tugon nito.

“Normal? Normal ba iyong nakita ko sa opisina mo? Nagriritwal ka! And what does this mean?”
Inihara niya sa mukha nito ang card na may nakasulat na mahabang orasyon.”Inoorasyunan mo ako!”

“That’s a poem. I made it for the girl I will fall in love with.”

Natigilan siya. Ibig sabihin ba noon siya ang pinili nitong mahalin. The idea sinked in to her heart. Bumilis ang tibok noon. Piniling lang niya ang ulo. Malamang, niloloko lang siya nito.
“Niloloko mo ba ako?”

“Okay, you can call it a spell kung diyan ka masaya,” pagsuko nito sa argumento. “So, pwede na tayong kumain?”

“Kumain kang mag-isa, Earth Mangkukulam!” asik niya. “Makinig ka ha. Ito na ang huling beses na gugustuhin kong makita ang mukha mo okay. Cast away this spell dahil sisiguraduhin ko sa ‘yo na kapag namatay ako, ikaw lang ang mapapagbintangan.”

He sighed. “Una sa lahat, Earthilberto Khame Losin III ang pangalan ko. Indonesian ang nanay ko, Filipino ang tatay ko. Pangalawa, hindi nga sabi orasyon iyan, tula iyan. At pangatlo, hindi ko magagawang patayin ka. Mamamatay muna ako bago may makapatay sa ‘yo.”

“Hoy! Siguro nga nabola mo ako sa sinabi mo sa akin kagabi pero di ibig sabihin noon ay mapapaikot mo pa ako ngayon!” Magwo-walk out na sana siya nang muli niya itong balingan. “Kung tula ito, anong ibig sabihin? Translate mo!”

Umiwas lang ito ng tingin at bumaling sa kisame. “Sorry, hindi ko pa iyan kayang sabihin sa ‘yo.”

Naiinis na tinuluyan na niya ang pagwo-walk out. Papalabas na siya ng Senang Hati nang marinig niyang magsalita ito.
“Okay. I’ll die.”
Natigilan siya. Kunot noong binalingan niya ito. “ What?”

“I’ll die, if you won’t be able to see me at least once every twenty four hours.”

Inismiran niya ito. “Nababaliw ka na!”

“Maybe.” Nagkibit-balikat ito.


“TANUNGIN mo na lang kaya si Ate Emie tungkol sa translation niyang tula slash kulam na iyan. Liit talaga ng mundo. Akalain mo, kapatid pala ni Ate Emie iyang si Earth,” sambit ni Vanessa.

“Iyan na nga ang plano ko,” tugon ni Mhads. Pagkatapos ng nakakabaliw na pangyayari kahapon, ikinuwento niyang lahat iyon kina Cryzty at Vanessa. “Sa rami naman ng magkakainteres sa akin,
mangkukulam pa.”

“Teka, may mali e. Tinanong ko na iyan kay Boaz. Eccentric lang daw talaga iyang si Earth at iyong sister-in-law mong si Marie pero hindi naman daw pagano ang mga iyon,” sabat ni Cryzty.

“Ay naku, pati sa love life parehong wirdo pa ang nakuha namin ng kuya ko. Iniisip ko nga baka kinulam iyong kapatid ko.” Bigla na lang kasing nagpakasal ang kuya niya sa babaeng isang linggo pa lang nitong nakakasama. At sa nakikita niya mukhang in love na in love ang kapatid niya.

“Love life? So may epekto na talaga sa ‘yo iyang Earthworm na iyan?” tanong ni Vanessa.

“Siguro. Siguro nga nata-type-an ko na ang earthworm na iyon,” pag-amin niya. Sa di niya kasi maintindihang dahilan, hindi niya malimutan ang sinabi nito noong natagpuan siya nitong umiiyak sa Senang Hati. “Ang tagal naman ni Ate Emie.” Nasa Chandy’s Place sila para mag-dinner ng magkakasama at kabukod-tanging si Emie na lang ang iniintay nila.

Nag-ring ang cellphone niya at si Emie ang nakarehistrong tumatawag. Agad niyang sinagot iyon.

“Ate, andito na kaming lahat. Ikaw na lang ang kulang,” bungad niya.

“Sorry, hindi na ako makakarating. Andito ako sa hospital. May nangyaring hindi maganda kay Earth. Isinugod siya dito ng mga staff niya. Hanggang ngayon wala pa siyang malay.”

“Ha? Pupunta ako diyan.” Kabadong binalingan niya ang magpinsan. “Isinugod daw si Earth sa hospital.”

“Hala, tunay ata ang kulam!” komento ni Vanessa.

“Pupuntahan ko siya.”


BINABALOT ng takot ang puso niya habang papasok sa hospital. Natawagan na niya ulit si Emie at sinabi nito sa kanya kung saang silid naroon si Earth. Nang dumating siya sa tamang silid andon ang Infinity Band. Naabutan niya rin doon ang kuya niya na marahil kasama ni Marie nang malaman ng huli ang balita.

Matamang nakatingin lang ang lahat sa kanya.

“Wala akong kasalanan sa kanya,” nasambit niya.

Tumawa ang mga ito.

“Wala namang sumisisi sa ‘yo,” sambit ni Doc Penpen. “’Wag ka ng mag-alala sa lokong iyan.” Itinuro pa nito si Earth na wala pa ring malay. “Kumain siya ng seafoods na bawal sa kanya. Nagka-allergic reaction ang katawan niya. Nag-collapse siya kanina nang kapusin siya ng paghinga. Buti na lang naisugod agad siya dito kasi kung medyo nahuli baka na-toxicate siya. Mababa rin ang blood pressure niya dahil sa over fatigue. Okay lang iyan, pahinga lang ang katapat niyan.”

“Sus! Naburyong lang iyan sa buhay niya kaya naisipan niyang kumain ng bawal sa kanya para magka-thrill naman,” dagdag pa ni Marie. “At takutin tayo.”

Binatukan ito ng kuya niya. “Tumigil ka nga, Marie.”

“Siguro nga, ganon lang iyon kaya ‘wag kang masyadong magpaniwala sa drama niyan,” buska pa ni Ross.

“At pinabayaan n’yo siyang magtrabaho ng sobra,” sambit ni Emie. Nilapitan niya si Emie. Binalingan siya nito. “Alam mo, nung pinatayo niya ang Senang Hati, hindi na niya iyon iniwan. Nagpalagay siya ng bedroom sa opisina niya para doon na lang siya tumira. Takot mabigo ang kapatid ko, takot siyang ma-disappoint ang tao sa kanya. Pakiramdam niya babagsak ang negosyo niya, kapag iniwan niya ang Senang Hati kahit isang gabi lang.”

“Workaholic pala siya,” komento niya. At sira ulo. Alam naman niyang dahil hindi niya ito nakita sa nakaraang twenty four hours, nanganib ang buhay nito.

“Pati nga love life kinalimutan na niyan,” singit ni Jhamo habang ina-adjust nito ang swerong nakakabit sa kamay ni Earth. “Siguro hindi kapani-paniwala pero wala pang nagiging girlfriend iyan.”

“Lahat ng diskarte sa negosyo ay alam niyan pero pagdating sa babae, kulelat iyan,” hirit pa ni Boaz.

Nagtawanan ulit ang mga ito.

“Kaya maswerte ka at thankful kami dahil lumitaw ka sa buhay ni Earth,” sabat ni Marie. “At least, nasa mabuting kamay siya.”

Nagtanguan ang mga ito. Nagulat siya. Hindi niya maintindihan kung anong gustong palabasin ng mga kaibigan ng mangkukulam na ito.

Ang mga sumunod na oras ay nakipagkwentuhan siya sa mga ito habang hinihintay na magising ang binata. Nagpasya na siyang magbabantay roon. Nalaman niyang hindi naman pala talagang mangkukulam ang binata. Aminado si Marie na minsan nilang sinubukan ang maging ganon pero hindi nila itinuloy. Talaga lang daw maraming paranormal abilities si Earth.

“Mhads….” Narinig nilang bulong ni Earth. Pero wala pa rin itong malay. Napapanaginipan pa ata siya ng loko. Napangiti siya dahil doon na naging dahilan para tuksuhin ng grupo. “Mhads… ‘wag kang umalis….”

Hinawakan niya ang kamay nito.

“Hold on , baby hold on…we’ve got to go on now, this feeling so strong…” pakantang tudyo nina Ross at Jhamo.

“Mabuti pa, mauna na kami. Ikaw na bahala diyan ha,” pamaalam ni Penpen.

“Bunso, umuwi ka na lang ng maaga at kapag binola ka niyan, ‘wag kang makikinig,” pahabol ng kuya niya.

Siniko ito ni Marie. “Wag ka ngang kontrabida!”

Nagtawanan pa ulit sila.

Lumabas na ang lahat, siya na lamang ang natira. Lumabas din si Emie para bumili ng pagkain.

Biglang kumabog ang puso niya nang bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Sa maikling panahon, para ngang nahuhulog na ang loob niya rito.

Maya-maya pa ay nagising na ito. Bahagya itong ngumiti nang makita siya. “Totoo pa lang andito ka, akala ko nananaginip lang ako.”

“Bakit pinapagod mo ang sarili mo sa trabaho? Hindi mamamatay ang Senang Hati kung mawala ka ng isang araw o dalawa para magpahinga,” sambit niya.

“May ikinuwento sa ‘yo si Ate ano?” Tumango siya. “I’m afraid to fail. Pakiramdam ko walang sasalo sa akin kapag nahulog ako. Pero ngayon, alam ko naman na hindi totoo iyon. Nasanay na nga lang ako na ganon ang routine ng buhay ko.”

“Sorry, hindi ko sineryoso yung sinabi mo. Malay ko bang totoong mamamatay ka nga ‘pag hindi kita nakita,” sambit niya.

Marahang umiling ito. “Sapakin mo na lang ako.”

“Ha?”

“I lied. Hindi naman totoo na kapag hindi mo ako nakita once every twenty four hours, mamamatay ako.”

“Pero…”

“Nagkataon lang na nagkasakit ako ngayon. Sinabi ko lang iyon kasi gusto ko sana na palagi kitang nakikita sa paraang hindi obvious na hindi ako mapakali kapag wala ka sa paningin ko.”

Nalunok niya ata ang lalamunan niya sa sinabi nito. Hanggang sa napatawa na siya.

“Alam ko, nakakatawa nga iyon. Sorry ha,” sambit nito na tila hiyang-hiya.

“Wala iyon, magpahinga ka na. Babantayan kita.”

“Umuwi ka na lang, Mhads. Masyado na akong malaking abala sa ‘yo. Hindi mo naman kailangang bantayan pa ako rito. Sobrang nakaka-guilty na iyon.”

“Nakapangako na ako sa Infinity at kay Ate Emie na babantayan kita kahit ngayong gabi lang. Sabihin na nating bawi ko na lang ito sa mga nasabi mo sa akin nung isang gabi at sa mga kalokahang nasabi ko kahapon. Quits na tayo.”

Ngumiti ito. “Ngapala, gusto sana ng Infinity na maging bokalista ka ng banda. Napag-usapan namin ito nung isang araw. Hindi kasi palaging naroon si Penpen. Alam mo na, ang doctor palaging on call at sa sitwasyon ngayon ni Penpen few months from now, papatigilin na siya ng asawa niya sa pagperform. Masama sa buntis ang mapuyat at mapagod.”

“Ako ang papalit kay Doc Penpen? Ibig sabihin, magpe-perform ako kasama ng banda weekly?” interesadong tugon niya.

“Oo, iyon ay kung okay lang sa ‘yo. Nung kumanta ka kasama ang banda noon, naisip nila na ikaw na iyong matagal na nilang hinahanap. Hindi madali ang makahanap ng singer na sa isang jam lang nagbe-blend agad sa banda. But you just did. Nahuli lang kami dahil nung makapag-decide ang banda, nakabalik ka na raw sa Europe sabi ng kuya mo.”

“O sige, may hihingin lang akong kapalit,” sambit niya.

“Don’t worry, you will be paid for it,” assurance nito.

“Hindi iyon ang kapalit.”

“Ano?”

Kinuha niya sa bulsa ang card na ibinigay nito. “Ita-translate mo na ito sa akin. Pinabasa ko iyan kay Ate Emie kanina pero tumanggi siyang i-translate. Tumawa lang siya nang tumawa na parang baliw kanina. Ang sabi lang niya, Indonesian poem daw ito na corny.”

Napangiwi si Earth. Muntik na siyang tumawa na rin sa hitsura nito. Marahil kung may susuotan
ito ay nakapagtago na ito sa pinakasulok ng silid sa hiya. “Sige, pag-iipunan ko ng lakas ng loob iyan, pwede?”

“Okay.”

“Mhads…” Matamang tinitigan siya nito. “Terima kasih! That’s ‘thank you’ in Indonesian or Bahasa language.”

“Ano bang dapat isagot ko diyan?”

Ngumisi ito. “Aku sayang kamu.”

“That’s ‘you’re welcome’?”

“Hindi. That’s ‘I love you’.”

Umiwas siya ng tingin bago pa siya kiligin. “Feeling mo naman mahal kita?”

“Baka naman kako makakalusot lang ako ngayon.” Pinandilatan niya ito. “Hindi pala. So just say, Kembali.”

“Kembali.” Iyon ang tunay na ‘you’re welcome.

“Aku sayang kamu.”

Pabirong sinabunutan lang niya ang nakalaylay na bangs ng buhok nito. “Ang kulit mo!”

“That’s the first line of the poem.” Pagkasabi noon ay pumikit na ito at halatang nagtulug-tulugan para umiwas marahil sa pagpapaliwanag.

Nangingiting binasa niya ang Indonesian poem kahit isang linya pa lang ang naiintindihan niya.


JOMADEL looked dashing in a long wedding gown. Halter-type at exposed ang kalahati ng likod niya sa gown na iyon. Photo shoot day para sa bagong issue ng wedding magazine na mag-feature ng latest creations ng Keithan Apparels. As always, she’s one of the models to pose for couple of pictures.

That pictorial was really a different one. Sa unang pagkakataon ay napapayag ng superb photographer na si Chandy Manigbas na sumama sa project ang kuya niya at si Keijin together with their wives. Samantalang noon, kahit anong ialay mo sa dalawa, talagang humihindi silang magmodelo. Iba talaga ang nagagawa ng love sa negosyo.

Bigla niyang naalala si Earth. Tatlong araw din niya itong inalagaan sa hospital. Kahapon ay nakalabas na rin ito at malamang naglulungga na naman sa Senang Hati.

Maya-maya pa ay ipinatong na ang manipis na belo sa kanya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at napangiti. She really looked like a lovely bride to be. Aminado siyang mula pagkabata, pangarap na niya ang maging bride in future. Pumasok ang secretary ni Nathan sa dressing room.

“Ma’am Mhads, may bisita po kayo. Nasa labas po si Mr. Earthilberto Losin III,” sambit nito.

Napangiti siya. “Sige, pakisabi na pakihintay na lang ako.”

Matapos siyang lagyan ang accessories ng assistant fashion designer, lumabas siya ng dressing room para harapin ang bisita niya.

Natagpuan niya sa hallway si Earth na abala sa pagtingin ng mga pictures na naka-frame sa dingding ng hallway. If she’s not mistaken, he’s looking at her picture when she was seventeen. Iyon ang unang picture niya as a model.

“Oy, baka matunaw iyong picture ko diyan. Babayaran mo iyan,” biro niya.

Gulat na binalingan siya nito. Nais na niyang magbunyi nang makitang tila natulala ang loko sa kagandahan niya. May dala itong isang punpon ng peach roses. Come to think of it. Bagay sa gown niya ang bouquet na hawak nito.

“You…you’re…” Nangingiting umiling ito. “You’re really looked lovely in a wedding gown.”
Iniabot nito ang bulaklak sa kanya.

“Nambola ka pa. Thank you ha. Bakit ka nga pala andito? May pictorial kasi kami ngayon,” tugon niya habang pinipilit na huwag magtatalon sa kilig.

“Ah, para mag-thank you sa pag-aalaga mo sa akin at para ipaalala sa ‘yo na may gig mamaya. Baka kasi makalimutan mo, malalagot ka kay Ross niyan.” Si Ross ang leader ng banda.

Mamayang gabi ang unang gabi na opisyal na siyang myembro ng Infinity Band.

“Hindi ko iyon nakakalimutan. Kabado nga ako,” sabi niya.

“Mhads, hindi daw darating ang partner mo sa photoshoot,” sambit ni Chandy nang makalapit ito sa kanila.

“Ha? Bakit daw?” tanong niya. “Sayang naman ang bongga kong ayos.”

“May beke daw. Gusto mo ba ng poging groom na may beke?” tugon nito na ikinatawa lang nila ni Earth. Bigla nitong binalingan ang binata. “Sir, pwede ka bang umikot?” Kunot-noong sumunod si Earth. “Bongga! Ikaw na lang papable ang magmodel. Partner kayo ni Mhads. Infairness, mukhang bagay din kayo.”

“Ako? Hindi kaya kasuhan kayo ng simbahan sa pagkuha ng model for sacred wedding concepts na mukhang bampira?” sambit ni Earth.

“Mukha kang anghel na bampira, papable!” Iyon ang sinabi ni Chandy bago ito umalis.

Napapailing na hinawakan niya ang kamay ni Earth na tila naguguluhan pa rin. “Sige na pumayag ka na. Ilang pictures lang naman iyon.” Kinaladkad na niya ito sa dressing room.

“Oo ba, basta ide-date mo ako pagkatapos,” biro nito.

“Pag-iisipan ko iyan,” tugon niya.

Ilang minuto pa, on set na sila sa pictorial. Masaya ang photo shoot dahil saksakan ng mapagbiro si Chandy. All pictures were showing how wedding day must be ideal as ever imagined featuring couples portraying so in love with each other.

“Earth, relax ka lang. Nanlalamig kamay mo,” bulong ni Mhads nang hawakan niya ang kamay nitong nakayakap sa baywang niya. Nakayap ito mula sa likod niya.

“Paanong hindi ako kakabahan, hindi pa ako ready na yakap-yakapin ka,” tugon ni Earth. “Hindi ako prepared.”

“Conservative type kuno ha. Feeling mo naman!”

“Just kidding. Malamig lang ang aircon. Mhads, iyong mga nagiging partner mo, niyayakap-yakap ka rin ng ganito?” tanong nito nang magpalit sila ng posisyon. Nakaupo na ito habang siya naman ang nakayakap sa balikat nito. Sige lang ng pagkuha si Chandy ng picture.

“Oo at minsan mas malala pa sa yakap na iyan. Part iyan ng trabaho. Parang artista. Kapag sinabing yakapin mo kahit di mo type, kailangan mong yakapin,” paliwanag niya.
They were instructed to hug each other. Ang in-emphasize ng photographer ay ang cut ng gown niya from her back.

“I can’t imagine you so intimate like this with other guys,” pabulong na sambit nito.

“Ha?”

“Never mind.”

From that day on, they became closer and closer. Until hindi na nila namalayan na ang tingin na pala ng mga tao sa paligid nila ay mag-boyfriend sila. Inaamin ni Mhads na masaya siya sa nangyayari. She was able to cure her heartaches na hindi na nga niya namalayang lumipas na. She enjoyed Earth’s company bagama’t napapaisip pa rin siya sa pagiging mangkukulam este eccentric nito.

“This is our last song for tonight,” anunsyo ni Mhads sa audience ng Senang Hati. “This is Infinity’s version of I’m Yours by Jason Mraz.”

For the last minute the band made it sure that audience will enjoy the night.

“Well open up your mind and see like me. Open up your plans and damn you’re free. Look into your heart and you’ll find love, love love, love. Listen to the music of the moment people dance and sing. We’ll just one big familiy. It’s your God forsaken right to be loved, loved, loved, loved. So I won’t hesitate no more, no more it cannot wait, I’m sure. Ther’s no need to complicate our time is short. This is our faith I’m yours.”

She enjoyed performing on stage as well. Lalo na’t sa gitna ng crowded audience ay nakikisiksik din si Earth at pinapanood siya. Ngayon lang daw iyon nangyari sabi ng mga kaibigan nito. Madalas daw ay nasa opisina lang ito kapag may show sa Senang Hati at lalabas lamang once in a while para icheck kung may problema. Pero ngayon, buong show, nasa audience ito at nanonood. Hindi niya maiwasang isipin na siya ang dahilan kaya nagbago ito ng gawi.

Pagkatapos ng show, nanatili muna siya sa opisina nito. Mag-aala-singko na ng umaga at isang oras pa lang ang nakakalipas nang magsara ang lounge. Isa-isa na ring nagsiuwian ang mga tauhan nito pati na rin ang kasamahan niya sa banda. Hindi muna siya umuwi dahil sisingilin na niya si Earth sa utang nito.

Nakaupo sila sa sofa nang hawakan nito ang kamay niya. Pinatayo siya nito at pinaupo sa carpeted na sahig.

“Masyadong hyper ang audience kanina ano? Pagod na pagod ka na tuloy,” sambit ni Earth.

“Kaya ko pa naman,” tugon niya.

“Close your eyes, Mhads,” malambing na sambit nito.

Kinabahan siya. Sila lamang dalawa ang tao sa buong Senang Hati. Anong balak nitong gawin? Hindi siya kumibo.

Tumawa si Earth. “Hindi kita pagsasamantalahan ano. Tatanggalin ko lang ang negative energies mo.”

“Paano?” Nacurious tuloy siya.

“Pikit na!” untag nito. Sumunod lang siya. Habang nakapikit pinakiramdaman niya ang paligid. Wala naman siyang orasyon na naririnig pero unti-unti niyang naramdaman na pawang may maiinit na hanging nagmula sa kinauupuan niya pataas sa ulo niya hanggang sa maglaho iyon. Maya-maya pa’y naramdaman niyang pawang naglahong parang bula ang pagod niya. Daig pa niya ang bagong gising. Narecharge siya. “You can open your eyes now.”

Nakangiting si Earth ang nabungadan niya. “Anong ginawa mo? Paano nangyaring pakiramdam ko parang bagong gising ako? Fully charged!”

“Tinanggal ko ang negative energies mo. Iyong pagod, sakit, lungkot, takot, pwede ko iyong alisin sa isang tao. That’s one of my abilities.”

Hindi pa rin siya makapaniwala na pwede iyon. “Kung tinanggal mo iyong pagod ko, saan iyon napunta?”

“Sa akin.”

Napamulagat siya. Ibig sabihin, ang pagod nito ay nadoble dahil sa pagod niya na kinuha nito. “Wag mo ng uulitin iyon. Bakit mo ba iyon ginawa? Okay lang naman ako.”

“Mhads, lahat ng pagod, lungkot, sakit, at takot mo, magagawa kong kunin iyon parati sa ‘yo basta ‘wag ka lang mahihirapan.”

It touched her heart so much. “Earth, hindi mo na dapat gawin pa iyon ulit ha. Saka na lang ‘pag kailangan ko. Ang cool naman noon!” Naalala niya ang pakay niya. Kinuha niya sa bulsa ang card na may tula at ibinigay sa kanya. “Bayaran mo na ang serbisyo ko sa Infinity. Translate mo na ito.”

Iginiya siya nito sa sofa. Halos sabay pa silang natawa nang sabay nilang itinaas ang paa nila sa sofa. Naka-cross sitting position sila sa sofa at magkaharap.

Napakamot sa ulo si Earth nang buklatin nito ang card. “Ngayon na ba talaga? Di ba pwedeng
bukas na lang? Bubwelo lang ako.”

Umiling siya. “Hindi pwede. Ngayon na.” Excited na siyang malaman ang buong meaning ng tula nito para sa kanya.

Iniabot nito ang card sa kanya. “Basahin mo, line by line. Ita-translate ko. But mag-promise ka hindi ka tatakbo kapag nalaman mo na ang laman ng tula na iyan.”

“Promise!” Sinimulan niya ang pagbabasa. “Aku sayang kamu.”

“I love you.” Mataman lang itong nakatitig sa kanya.

“Tuhan mengetahui berapa banyak aku sayang kamu.”

“God knows, how much I love you.”

Napalunok siya. Ramdam niya ang sinseridad sa paraan ng pagkakabigkas nito ng linyang iyon. Bumibilis na ang tibok ng puso niya. “Anda adalah ilham saya. Anda adalah aspirasi saya yang paling luar biasa.”

“You are my inspiration. You are my greatest aspiration.” He grabbed her free hand and held it tight. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

“Saya mau dengan anda. Saya mau menjaga anda.”

“I want to be with you. I want to take care of you.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya habang bumibilis naman lalo ang kaba niya. Parang alam na niya ang kahahantungan ng tula.

“Anda adalah yang satu ini saya melihat selama semua tahun ini.”

“You are the one I’m looking for all these years.”

“Saya berharap anda mengetahuinya. Saya berharap anda percaya di atasnya.”

“I hope you know it. I hope you believe on it.”

“Sejak saya menemukan anda saya tidak akan membuang-buang waktu.”

He moved closer and brushed her hair and carefully laid it on her ears still not breaking his eyes away from her. “Now that I found you I will not waste time.”

“Saya akan membiarkan anda jatuh cinta dengan saya dan menjadi pengantin wanita saya.”

“I will let you fall in love with me….” Binitawan nito ang kamay niya at tila may kinuha sa buhok niya. Bigla na lang may lumabas na peach rose doon. Ibinigay nito iyon sa kanya. “And be my bride…”

Napamulagat siya.

“Seryoso ang tulang iyan, Mhads. Ginawa ko iyan noong unang gabi ng operation ng Senang Hati. The intention was asking destiny to give me a girl I would share my happiness. Kung buhay pa ang Senang Hati after five years, bibigkasin ko ang tula mismo sa gabing iyon, sadyang iaawang ang pinto para may makarinig sa akin at makatuklas sa kawirduhan ko. That girl was my destined girl. That girl was you.”

For a moment, she was speechless. Natagpuan na nga rin niya ang happiness niya sa loob ng Senang Hati. Hindi niya namalayan na tumutulo ang luha niya.

He immediately moved closer para pawiin ang luha niya. “Sabi ko, bawal umiyak dito!” sita nito na ikinatawa niya. “Hindi kita bibiglain sa pagdedesisyon, Mhads. Hihintayin ko iyong araw na handa ka na.”

“Earth…”

“Hmmm… Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita. Tara.” Akmang tatayo na ito nang pigilan niya.

“Handa na ako, nung isang araw pa! May wedding gown na akong naisuot di ba?” pabirong hirit niya. “Aku sayang kamu.”

Ngumiti ito.“’Lika nga.” He pulled her, lovingly embraced her and awarded her a sweet kiss on lips. “Saang simbahan mo gusto?”

“Kahit saan, basta ikaw ang groom ko.”




***A story dedicated to one of my readers, Jomadel Navela

PREVIOUS                                                            NEXT STORY

Comments

Anonymous said…
Haaayyyy sana maging bida rin ako sa isang story mo ms. Melai


Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…