Skip to main content

Senang Hati Music Lounge Series: Sarang He






“Nan no ege man i bo go ship o, Jhamo-a!”

Hindi pa rin mapuknat ang pagkakatitig ni Vanessa kay Jhamo habang abala ang binata sa pagtugtog. Pangatlo ng kanta ng Infinity Band. Hyper na hyper pa rin ang buong Senang Hati. At kahit nagtutunog-EMO na ang banda sa version nila ng My Heart na pinasikat ng Paramore, para kay Vanessa tila love song pa rin ang dating ng keyboard ni Jhamo.

“Stay with me. This is what I need please. Sing us a song and we’ll sing it back to you. We could sing our own but what would it be without you…” Ang violinist na si Doc Penpen na ang kumakanta ngayon.

Siniko siya ni Cryzty. “Oy ate! Nag-iibang lenggwahe ka na naman diyan. Nasa Pilipinas ka na po. May hang-over ka pa ata ng Korea ngayon. Baka akalain ng mga tao may kasama akong elyen dito.”

“Ikaw naman, na-carried away lang naman ako. Totoo naman kasi ang sinabi ko. I miss you so much, Jhamo-a!”



Mag-iisang linggo palang siyang nalalagi sa Pilipinas pagkatapos ng higit tatlong taong pagtatrabaho sa South Korea bilang tourist guide. Dahil din sa pagsusumikap niya roon at sa tulong na rin ng isang kaibigang piloto, nagawa na rin niyang magpatayo ng sariling travel and tours agency sa Laguna.

High school pa lang siya ay may huge crush na talaga siya kay Jhamo na pianista sa simbahan nila. Ngunit ni minsan ay hindi niya nagawang lapitan ang binata noon kaya nahusto na lang siya sa pagtitig mula sa malayo. Hanggang sa tadhana na rin ang nagbigay ng chance sa kanya. Mahigit isang taon na ang nakakaraan nang magbakasyon si Jhamo at mga magulang nito sa Korea at siya ang naging tourist guide ng mga ito.

Naging malapit sila sa isa’t isa na nauwi sa isang magandang relasyon. Ngunit dahil ilang linggo lang sa Korea si Jhamo, hindi nila ginawang pormal ang kanilang relasyon. Iniasa nila sa destiny ang lahat. At ngayong nagbalik na siya sa Pilipinas at nakita na niya itong muli, tuparin nila ang deal.

“Mag-aalok ka talaga ng kasal, ate? Sa tingin mo ba, maaalala ka pa niya e parang short time love affair lang iyong nangyari sa inyo sa Korea. Baka naman saktan ka lang niyan ha.”

“May deal kami, Cryzty. Tutuparin ko lang ang deal namin. Kung tanggihan niya iyon, wala na sa akin ang problema.” Bigla niyang naalala ang eksaktong sinabi ni Jhamo noon bago sila maghiwalay.

“Kung magkita ulit tayo sa Pilipinas, ibig sabihin noon ako ay para lang sa’yo at ikaw, sa akin ka lang,” sambit ni Jhamo habang hawak ang kamay niya. “Kapag nakita mo ako, lapitan mo ako. Alokin mo pa ako ng kasal kung gusto mo. Believe me,Vanessa, I will never think twice of marrying you.”

At hanggang ngayon pinanghawakan niya ang sinabi nito. Ang totoo, pinaghandaan niya talaga. Siya na mismo ang nag-asikaso sa City Hall ng mga papeles na kailangan para sa nalalapit nilang kasal. Ganon siya katiwala sa sinabi ni Jhamo.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos si Penpen sa pagkanta. “Ahm, itong next song, ipapaubaya ko muna ulit kay Ross. Para naman ito sa special girl ni Jhamo.”

Naghiyawan ang mga babae samantalang siya, parang naestatwa sa kinauupuan niya. Ako ba iyon? Natuklasan na ba niya na andito na ako?

Hinagip ni Jhamo ang mic na nasa tapat ng keyboard nito. Ito rin kasi ang nagse-second voice kay Ross kapag kinakailangan kaya naka-ready rin ang mic sa tabi nito.

“I met a special girl in Korea last year. But unfortunately, I haven’t seen her or even communicate with her for almost a year now. I would admit guys, I’m longing for her love.”

Biglang sumikdo ang puso niya. Napatitig na lang siya kay Jhamo. It was obvious that he was talking about her. He still looked debonair even with his “rakista” outfit. Ganon ata talagang pumorma ang binata kaya sanay na ang mata niya sa hitsura nitong poging adik-adik. Ang hinihintay niyang makita ay ang Jhamo na nakasuot ng puti at rumoronda sa hospital wards. Isa kasi itong Nurse sa isang pampublikong hospital at hindi pa niya ito nakikita sa ganong estado.

“Ate Van, mukhang mahal ka nga ng loko ah. Wagi! Apir!”

Hindi na niya inintindi ang sinabi ng pinsan. Ang buong atensyon niya ay nasa binatang inaalay sa kanya ang bawat salita.

“I’m still looking for her and I won’t stop until I see her again and be with her for the rest of my life.”

Nasamid siya sa pagkakainom ng iced tea. Nagpo-propose na si Jhamo kahit hindi nito alam na naririnig niya ito.

“This song is for my yobo, Vanessa. Sa rang he. Wherever you are, I know you would like this song. This is our rock version of Glory of Love.”

“ ‘Cause I am the man who will fight for your honor. I’ll be the hero that you’re dreaming of. Gonna live forever knowing together. That we did it all for the glory of love…”

Lumutang sa ere ang utak niya habang tinutugtog ng banda ang kanta. Nanatiling nakatunganga lang siya hanggang sa matapos ang kanta na para sa kanya.

Naghiyawan ang audience nang umakyat ulit sa stage si Earth at inagaw kay Ross ang mic. “Gimik time na!” baling nito sa Infinity Band na tumango-tango lang. Ngumiti ito ng matamis nang muli nitong binalingan ang audience. “May gimik kami ngayon at para ngayong gabi lang talaga dahil special night naming ngayon.” The crowd yelled again nang bigla na lang lumitaw sa kamay ng binata ang isang stemmed rose.

“Wow, magic ba iyon?” kunot-noong tanong ni Vanessa.

“Ang galing!” hirit ni Cryzty.

“Tingnan mo nga, kuya! Tama ako mangkukulam nga ang Earth na iyan!” bulalas ng pamilyar na boses mula sa likuran ni Vanessa.

Napalingon tuloy siya. Di kalayuan ay namataan niya si Mhads, ang kaibigan niyang piloto na nakilala niya sa Korea. Kasama ito ni Jhamo nang magbakasyon ang huli sa Korea noon. May kasama itong dalawang lalaki. Pero agad ding bumalik sa stage ang atensyon niya nang bumaba ng stage ang limang members ng banda at si Earth para iabot sa kahit sino ang kanilang stemmed rose.

Kinabahan siya nang makitang papalapit sa direksyon niya si Jhamo. Waah! Will you marry na?!!!
Ngumiti si Jhamo. Nadoble ang kabang nararamdaman niya. Tatayo na sana siya para salubungin ang binata nang lagpasan lang siya nito. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin at nakitang kay Mhads nito binigay ang bulaklak. Hindi siya ata nakilala ng binata. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Tatayo na lang ulit sana siya para salubingin ang binata sa pagbalik nito sa stage nang makita niyang isinama nito pabalik si Mhads.

Maang na sinundan na lang niya ng tingin ang dalawa. Si Mhads? Akala ko ba may Arjay ka, Mhads? Bakit?….Bakit?

“May girlfriend naman ata iyang future husband mong hilaw, ate,” komento ni Cryzty.
Piniling niya ang ulo. “Hindi. Magkaibigan lang sila. Tsaka, di mo ba narinig kanina? Ang sabi niya, ‘This song is for my yobo, Vanessa. Sa rang he.’ Ako iyon! ‘I love you daw’ Iyang si Mhads, kaibigan namin iyan.”

Nagkibit-balikat ang pinsan niya. “Kunsabagay, baka hindi ka lang niya nakilala. Madilim kasi dito sa pwesto natin.”

“Di bale, Cryzty, mamaya na lang ako magpo-propose sa kanya!” nangingiting sambit niya.
Hinintay na lang niya na matapos ang performance ng banda at saka niya pinuntahan si Jhamo. Natagpuan niya ito sa hallway papuntang rest rooms. Naka-light blue polo shirt na ito. At wala ng bahid ng pagiging rakista.

Nahihiyang nilapitan niya ito.

“Ahm, andito na ako. Na-miss kita. Ngapala, eto o.” Iniabot niya sa binata ang isang folder na naglalaman ng mga papeles na kailangan nila sa kasal. “Inayos ko na iyong kasal natin katulad ng agreement natin dalawa. Siguro naman, hindi na tayo matatakot na baka magka-long distance relationship tayo kasi, papakasalan mo na ako at magkakasama na tayo.”

Kunot-noo lang ang binata habang balewalang tinitingnan ang laman ng folder.

“Ano?….Magpapakasal na ba tayo?” nahihiyang sambit niya.

“Sorry,” tugon ng binata. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig nang dahan-dahan. Tiningnan siya ng binata. “Sweet girl, I will love to marry a bubbly girl like you if only I’m available. Sorry, I’m five years happily married with two kids!” Bloke ng yelo na ang pakiramdam niyang bumagsak sa ulo niya sa tinuran nito.


SA sumunod na mga araw ay ipinagbawal na niya sa kahit sinong nakakausap ang pagbanggit kay Jhamo. Ayaw na niyang marinig ang pangalan nito. Ni ayaw na rin niyang makarinig ng kahit anong may kinalaman sa lalaking minahal niya ngunit sinaktan din siya sa bandang huli. Hanggang sa isang taong may kinalaman sa damuhong iyon ang bumasag sa batas na pinatupad niya. Nasa flower shop siya ni Cryzty nang dumating ang bokalista ng Infinity at ang crush na crush niyang si Hansen Ferrer ng sikat na banda sa bansa. Thunderkizz Band.

“Ikaw pala si Vanessa, iyong tourist guide ni Jhamo sa Korea noong isang taon,” sambit sa kanya ni Ross.

Parang pinitik ang ilong niya sa narinig. “Ako nga. Paano mo nalaman iyon?” tanong niya.
Ngumiti ito. “Bukang-bibig ka palagi ni Jhamo.”

Napaismid siya sa tinuran ng binata nang makaalis ito. “Anong tingin ng lokong iyon? Mabobola pa niya ako?”

“Baka naman kasi totoo iyong sinabi ni Ross,” pakli ni Cryzty.

“Sige, kampihan mo pa siya. Por que, iyang manliligaw mong hilaw e kabanda ng lokong iyon, ipinagpalit mo na ako.”

“Ang drama mo! Lumayas ka na nga lang,” biro ni Cryzty.

Bumalik siya sa opisina niya na ilang bloke lang ang layo sa flower shop ni Cryzty. At dahil lunch break lumabas ang dalawa niyang tauhan. Mas pinili na lang niyang manatili sa opisina habang pilit inaalis sa isip ang sinabi ni Ross.

Eh ano naman kung bukang-bibig ako ng lokong ‘yon? Sinaktan pa rin niya ako! sabi niya sa isip.

Malay mo naman, nabigla lang siya kaya niya nasabi iyon? Sagot naman ng isang bahagi ng kanyang isip.

May nabibigla bang ganon?

Nakikipagdebate pa siya sa utak niya nang dumating si Mhads. May kasama itong isang lonely but boy-next-door-looking guy. Inimbitahan niya kasi si Mhads na bisitahin ang negosyong naipatayo niya sa tulong rin nito sa oras na makabalik ito ng bansa.

“Vanessa! Eto na iyong negosyo mo? Wagi! In fairness, ang ganda nitong opisina mo,” bungad sa kanya ni Mhads.

Pero sa di niya maipaliwanag na dahilan, biglang rumehistro sa isip niya nang alayan ito ng bulaklak ni Jhamo ilang linggo na ang nakakalipas. Ipiniling niya ang ulo. Kung may galit man siya kay Jhamo, hindi dapat madamay ang mga taong nasa paligid nito.

“Sus, utang na loob ko kaya ito sa ‘yo. Kung hindi mo ako tinulungan sa connections mo, hindi ko naman mapapatayo ito,” tugon niya.

“Ay! Ikain na lang natin iyan, mare! Nag-text sa akin si Ate Emie. Nagyayang mag-dinner.” Ang isa sa common friend nilang scriptwriter ang tinutukoy nito.

“Oo nga e. Teka, napaaga ata ng bakasyon natin ah!” Sumimangot si Mhads. Mukhang alam na niya ang dahilan ng napaagang bakasyon nito. “So, sinapak mo talaga ang anak ng boss mo?”

“May pagkamanyak e. Na-suspend tuloy ako. Alam mo, mare kung sinsesante na lang sana ako, matutuwa pa ako. Ngapala, nagkita na ba kayo ni Jhamo? Grabe rin ang pagmamahal sa ‘yo nang isang iyon ha. Inalayan ka niya ng kanta nung anniversary ng Senang Hati Music Lounge.”

Natigilan siya at nalungkot ang mukha. “Alam ko. Ando’n din ako. Ikaw pa nga ang inalayan niya ng bulaklak.”

“Oy, walang malisya iyon ah. Patay na patay nga iyon sa ‘yo. Teka,kung nagkita na kayo e bakit ganyan ang hitsura mo? Di ba dapat nagsasaya ka na ng bonggang-bongga ngayon? Kelan ang kasal?”

Napabuntong hininga siya. Ikinuwento niyang lahat ng nangyari noong gabing iyon.

“He rejected me and that means the end,” dugtong pa niya.

“Teka, parang may mali e. Hindi nga kami super-duper close ni Jhamo pero sa pagkakaalam ko, wala siyang asawa o anak. At saka di ba sabi mo inayos mo ang papeles para sa kasal n’yo? Paano ka makakakuha ng certificate of no marriage kung kasal siya?”

Napaisip din siya sa sinabi ni Mhads. Totoo man o hindi na may asawa’t anak ito, tinanggihan pa rin siya nito pagkatapos nitong mag-alay ng kanta at sabihin sa buong Senang Hati na mahal siya nito. Isa lang ang ibig sabihin noon. Niloloko lang siya ng tanging lalaking minahal niya.

“Bunso!” Sa wakas ay nagsalita na rin ang kasama ni Mhads. Habang nag-uusap kasi sila ay nakatingin lang ito sa mga naka-frame na posters ng mga tourist spots ng Pilipinas at Asia na nakadisplay sa receiving area ng opisina.

“Bakit kuya Dharyl?” tugon ni Mhads.

“Saan magandang magbakasyon? Cebu, Bohol, Palawan, Sulu?” tanong ni Dharyl.

“Hindi tourist friendly ang Sulu. Makikidnap ka lang ng terorista doon o kaya naman masasabugan ka ng bomba,” sabat niya.

Nginitian siya nito pero hindi umabot ang mga ngiting iyon sa malungkot nitong mga mata. “Okay lang iyon. Saan ba pwede? Any place basta iyong lugar na hindi ko maiisipang mag-emote.”
Ibinalik nito ang atensyon sa posters.

“Okay lang ba iyan?” bulong niya kay Mhads .

“Sana…. Medyo broken hearted lang kasi iyan.”

“My Yobo, Vanessa!”

Muntik na siyang mapasuot sa ilalim ng office table niya nang humahangos na pumasok sa opisina niya si Jhamo. Nakaputing uniform ito ng pang-Nurse at may dalang isang punpon na bulaklak na alam niyang sa shop ni Cryzty binili. Pamilyar na siya sa flower arrangement ng pinsan niya.

“Ay, Vanessa sige. Magkita na lang tayo mamaya.” Agad na nagpaalam si Mhads at kinaladkad si Dharyl palabas.
Nanatiling nakatayo lang siya habang titig na titig si Jhamo na naglalakad palapit sa kanya. She
felt her heart beating faster. Nakakainis isipin na mahal pa rin niya talaga ito sa kabila ng kahihiyang inabot niya rito nang tanggihan nito ang kasal na napagkasunduan na nila noon pa man.

“Vanessa, I miss you so much! Bakit hindi mo agad pinaalam sa akin na nakauwi ka na pala? Si Ross pa ang nagsabi sa akin.”

Napakunot ang noo niya. May amnesia ka bang loko ka?

Yayakapin sana siya nito nang maunang naglanding ang sampal sa pisngi nito. Natigilan ito, natigilan din siya.

“Yobo…” tanging nasambit nito sa pagkabigla.

“Yobo-hin mo iyang mukha mo. Hindi kita gustong makita kaya makakaalis ka na!”

“Bakit?” Bakas sa mukha nito ang pagtataka. “Anong nagawa ko para salubungin mo ako ng sampal sa halip na halik?” pawang nasasaktang sambit nito.

“Hindi mo alam? Matapos mo akong saktan, itatanong mo sa akin ngayon kung bakit? Pinaglalaruan mo ba ako?”

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Anong sinaktan? Maayos tayong naghiwalay sa Korea. Why are you acting so weird now?”

“Weird? Ako pa ang weird ngayon? Ewan ko sa ‘yo, James Geoffrey Kaviero. From this day on, you will never be part of my life anymore.”

Her words seemed stricken his senses. “Anong nagawa kong mali? Akala ko, mahal mo rin ako.”

“You rejected me!”

Mukhang na-shock ito. “What? Kelan?”

“Kailangan ko ba talagang idetalye sa ‘yo kung paano ako napahiya sa harap mo? Natutuwa ka bang mapahiya ako?” Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Gusto niyang yakapin ito at gusto rin niyang suntukin.

“Hindi kita maintindihan!” Tuluyan na siyang niyakap nito. “Sorry, pero hindi ko alam iyang sinasabi mo. I will never hurt you. You know that. Hindi ko iyon magagawa sa ‘yo.”

“You just did! Ando’n ako sa Senang Hati. I heard your words, your song. Nang bumaba ka ng stage nilagpasan mo ako di mo ako pinansin. Pinuntahan kita para tuparin ang deal natin. Pero sabi mo hindi mo ako pwedeng pakasalan, ‘cause you’re five years happily married with two kids.”
Natigilan ito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Marahang pinawi nito ang mga luha sa pisngi niya. “Hindi tayo nagkita sa Senang Hati. Kapatid ko ang nakita mo.”

“Sinungaling!”

“I’ll prove that to you. Dadalhin ko dito ang kapatid ko. Dalawang taon ang tanda niya sa akin pero palagi kaming napagkakamalang kambal. He’s the one married not me. You can check my records, pasundan mo pa ako kung gusto mo. Hindi ako kasal.”

“Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa ‘yo,” nasambit niya. “Nasaan ang bracelet ko?” Iniwan niya rito ang isang bracelet bilang symbol ng presence niya habang magkalayo sila.
Yumuko ito na tila nag-iisip. At sinserong tinitigan siya nang tumunghay ito. “I’m sorry, Vanessa. I lost your bracelet. Hindi ko iyon sinasadya.”

“See? Kung iyong bracelet ko nga hindi mo naingatan, puso ko pa kaya?” Lalong nadagdagan ang sakit na naramdaman niya.

Natahimik ito ng ilang minuto. Laglag ang balikat na ibinigay nito ang bulaklak sa kanya.

“Lilinisin ko ang pangalan ko sa ‘yo. Babalik ako, isasama ko ang kapatid ko. Pag-isipan mo muna lahat ng ito. Galit ka lang. Alam kong mahal mo ako.”

Naestatwa lang siya nang gawaran nito ng halik ang noo niya. “I won’t give up on you, Vanessa. Not in this lifetime.”


TILA namamalignong nagpapalit-palit ang mata ni Vanessa kay Jhamo at sa kapatid nito. Halos wala ngang pinagkaiba ang hitsura ng dalawa. Pati siya ay nagoyo dahil kung hindi sinabi ni Jhamo na mas matanda ang kuya niya, aakalain din niyang kambal ang kaharap niya o kaya’y doppelganger.

“Sorry, Vanessa,” sambit ni Joniel. “Hindi ko naman kasi naisip na sa kapatid ko pala ikaw dapat magpopropose. Akala ko kasi, isa ka lang weird na nagpa-power trip.”
Hindi siya umimik. Pakiramdam niya kasi ay napahiya na naman siya. Nagpo-propose siya sa ibang tao. Sinong hindi matutunaw sa hiya sa nangyari sa kanya?

“Naikwento sa akin ni kuya kung paano ka nagpo-propose. I never thought that you would really prepare our papers for the wedding. That was so sweet, Vanessa,” sambit naman ni Jhamo na tila nangingiti pa.

Sinubukan niyang ‘wag magpahalata na gusto na niyang tumakbo palayo sa sobrang hiya. “’Wag mong ipagsaya iyon, Jhamo dahil wala na rin iyong silbi ngayon. I won’t marry you anymore.”

“Teka, ‘wag mo naman sanang ipagtabuyan agad ang kapatid ko. Ikaw lang ang minahal ni Jhamo ng ganito katindi,” sabi ni Joniel.

Masuyong hinawakan ni Jhamo ang kamay niya. Hinayaan na lang niya ito dahil pagod na siyang umiwas pa. “Alam ko, nasaktan ka dahil do’n. Aren’t we taking another chance?” Umiling siya. “Is it the bracelet?” Hindi siya umimik. “’Wag mong iasa sa isang bracelet ang relasyon natin.”

“Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Bracelet ko nga, hindi mo naingatan, puso ko pa kaya? You have no idea, how crazy I am of preparing a wedding for a guy na hindi ko alam kung makikita ko pa. I have been sincere, loyal and faithful to you. Wala akong pakialam noon kung pagtawanan man ako at asarin nina Cryzty, Mhads at Ate Emie kasi lahat iyon ginawa ko para sa ‘yo. Bracelet na nga lang ang pinagkatiwala ko sa ‘yo. Tapos ngayon, you’re saying as if that bracelet was just a bracelet? That bracelet was me. And you just lost it, and you lose me.”

He stood up and hugged her. “I don’t want to lose you. I love you. Jo neun dang si neul sa rang habnida! Nag-aral ako ng Korean language para kung gusto mong sa Korea tumira, magkasama tayo.”
Namanhid na ang puso niya. Alam niyang kung magtatagal pa siya sa ganoong sitwasyon ay bibigay na rin ang yelong ibinalot niya sa puso niya. “Choe song hamnida, Jhamo-a! I’m sorry. I just get tired of loving you in the process.”

Iyon na ang huli nilang pag-uusap.

“Annyonghi kashipshiyo!” pamamaalam ni Vanessa sa mga turistang sinamahan niyang maglakbay sa Andong, South Korea. Balik tourist guide siya sa Korea. Mahigit isang taon na nang huli silang nagkausap ni Jhamo. Sa ngayon ay pinaghusayan na lang niya ang pagtatrabaho para hindi na muling isipin pa ang panghihinayang sa relasyon nilang hindi na natuloy.

Hindi madali ang bawat araw sa kanya. Dahil tuwing nakakausap niya ang kasintahan ni Cryzty ay hindi maiwasang mabanggit si Jhamo. Nalaman niyang lubos na na-depress ito sa kinahinatnan nila.
Nawalan na daw si Jhamo ng gana sa music at madalas na lang na pinapagod ang sarili sa pagtatrabaho sa hospital. Pinipilit niyang ipagwalang-bahala ang mga iyon. Pero sino bang niloko niya? Alam niyang kahit ano pang gawin niya, mahal pa rin niya talaga ito at nag-aalala siya.

Nung mga unang araw na nagkahiwalay sila, hindi pumalya ang binata sa panunuyo sa kanya. Madalas itong nagpapadala ng bulaklak at kung anu-anong messages na binalewala lang niya. Hindi niya gustong gawin iyon pero kinailangan niya iyon para makalimot.

Papunta na siya sa isang restaurant na nagse-serve ng traditional Korean Food para makipagkita kina Cryzty, Mhads at Emie nang mag-ring ang phone niya. Hindi nakarehistro sa contacts niya ang numero.

Sinagot niya ang tawag. “Yoboseyo?”

“Ms. Bella Vanessa Baybay, this is Dr. Penelope Tolentino- Ferrer. I am, Jhamo’s co-employee and band mate. Ottoshimnikka?” pangangamusta nito.
N
apakunot ang noo niya. Anong kailangan sa kanya ng doctor? May nangyari bang hindi maganda kay Jhamo? Kinabahan siya.

Chal chi nae yo,” tugon niya na ang ibig sabihin ay okay lang siya. “What can I do for you, Doc?”

“Didiretsahin na kita. The band is here in Andong for Thunderkizz’ Concert and a vacation. I got your number from Cryzty and I know you’re also in the place. I’m giving you the last shot, friend.”

“Ha? What do you mean?” Lalong kumunot ang noo niya.

“Mahal mo ba si Jhamo? Utang na loob, kung mahal mo siya, makipagkita ka sa amin para maging masaya na siya at maging masaya kayong dalawa.”

“Ha?”

“We will celebrate his birthday tonight. And the band wants you to be our gift for him. Girlaloo, mahal na mahal ka ng kaibigan kong iyon. Ngayon lang namin nakitang nalungkot siya ng ganon dahil sa isang babae. Wala lang siyang ginawa kundi ang mahalin ka kahit ipinakita mo ng wala na siyang aasahan pa. Alam kong mahirap para sa ‘yo ang maniwala sa sinasabi ng isang madaldal na doctor na kausap mo ngayon pero please, bumalik ka na sa kanya,” litanya nito.

Mabilisan niyang in-assess ang sarili. Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Isa lang ang sagot niya. Gusto na niyang mahalin ulit ni Jhamo.

“Titingnan ko. I’ll call you.” Mag-iisip muna siya.


INABUTAN ni Vanessa sina Cryzty, Mhads at Emie sa loob ng isang restaurant. Agad niyang ikinuwento sa mga ito ang dilemma niya.

“Ate Emie, ano’ng gagawin ko?” tanong niya.

“First question, mahal mo ba siya?” tugon ni Emie.

Di na niya kailangang pag-isipan iyon. “Oo.”

“O, ano pang ginagawa mo riyan? Sige na, sugurin mo na siya. Tama na iyang drama. Nakaka-nosebleed na kayo e.”

Tumawa lang sina Mhads at Cryzty sa sinabi ni Emie.

“Ate naman, seryosohin mo naman ako.”

“Seryoso ako, ineng! Kung mahal mo siya tapos sabi naman ni Doc Penpen, mahal ka pa rin ni Jhamo, siguro naman walang masama kung subukan ni’yo ulit. Better try than regret it.”

“At saka, pati ako napansin ko talaga iyong emote-emote ni Jhamo dahil sa ‘yo mula nang maging bokalista nila ako,” singit ni Mhads.

“And I bet, mahal ka talagang no’n, Ate,” segunda naman ni Cryzty.

“Ngapala, anong ginagawa ni’yong dalawa dito?” tanong ni Vanessa kay Cryzty at Mhads. Nagulat talaga siya nang tawagan siya ng mga ito at sabihing andon din sila sa Andong.

“Binitbit ako ni Boaz,” tugon ng pinsan niya.

“Kinaladkad ako ng mangkukulam na kapatid nito!” sambit ni Mhads sabay turo kay Emie.

“Hindi nga sabi mangkukulam si Earth. Kulit mo naman, Mhads. Trabaho ako. May shooting ang Pontez sa Hahoe Maeul Folk Village. We also need to catch up for Mask Dance Festival,” tugon nito.

Nagulat sila nang mula sa likuran nito ay lumitaw si Dharyl. Agad itong yumakap mula sa likod ni Emie na abala sa pagta-type sa laptop nito.

“Sinong maysabi sa ‘yong pwede ka ng lumabas ng kwarto mo?” tanong nito.

“Sinong maysabi sa ‘yong pwede mo akong yakapin ng ganyan? Alis!” sita ni Emie. Agad namang umalis ang binata sa pagkakayakap kay Emie at umupo sa bakanteng silya katabi nito.
Napapailing na lang siya habang nag-aaway este nagkukulitan ang dalawa. Mukhang si lonely guy, hindi na lonely ngayon at ang Ate Emie nila, naniniwala na sa true love.

“Go na, Ate Van! Matutuwa si Jhamo ‘pag nakita ka,” sambit ng pinsan niya.

Baon niya ang sinabi ng mga kaibigan nang puntahan niya ang lugar na sinabi ni Penpen sa kanya. Rehearsal studio pala iyon na mukhang mini-auditorium. Andon nga ang buong Infinity Band maliban kay Jhamo at maging ang buong Thunderkizz Band. Nagre-rehearse na ang huli on stage nang dumating siya. Sinalubong siya ng mga kabanda ni Jhamo.

“Thank you, Vanessa. Malaking tulong ito sa banda namin,” nagdadramang sambit ni Ross. “Kasi, sumasablay na talaga siya sa music mula nung magkahiwalay kayo.”

“At hindi na niya pinapagalaw ang buhok niya sa akin,” gatong pa ni Boaz.

“Ang OA n’yo!” buska ni Marie sabay baling kay Vanessa. “Pero wa jowk kapatid. Thankful kami at andito ka na. At least, magiging masaya na si Jhamo.”

“Isa ka pang OA!” hirit ni Penpen.

“Aba, sino kaya diyan ang bonggang bonggang nagplano ng lahat at mega tumawag pa kay Vanessa? Ang alam ko iyong doctor iyon e,” hirit ni Earth.

“Nag-aalala lang naman ako sa mga hinahawakang pasyente ni Jhamo. Pasalamat nga ako hindi pa siya nagkakamali sa pagbibigay ng gamot.”

Nauwi sa tawanan at asaran ang grupo. Jhamo has a bunch of good friends. Napakaswerte nito sa mga napiling kaibigan.

Maya-maya pa ay nabuo na nila ang plano para kay Jhamo. Nagulat pa siya nang malamang ang ba-back up sa pagharana niya sa binata ay ang Thunderkizz Band na pati sa Korea ay tinitilian na rin. Ang swerte niya talaga.

Curtain down ang drama ng stage. Nakatago lang siya at ang Thunderkizz sa likod. Nahihiya tuloy siya. Magkakalat na nga siya sa panghaharanang gagawin, makikita pa ng banda. Buti na lang sila-sila rin lang ang laman ng auditorium.

“Maswerte ka, Vanessa dahil asawa ni Hansen si Penpen. Kasi kung nagkataon, kailangan mo pa kaming pagsilbihan para dito,” biro ni Drexcel.

“Okay lang kung mag-PA ako sa inyo pagkatapos,” tugon ni Vanessa.

“Hindi namin kailangan ng PA ngayon e, pero kailangan namin ng tourist guide,” nakangiting sambit ni Ayame.

“Sige, aprub. Libre ang serbisyo ko sa inyo. Saan ba n’yo gustong maglibot?”

“Gusto ko sa tinapakan nina Jun Pyo, Ji Hoo, Woo Bin, Yi Jeong, at Jan Di!” hirit ni Yohann.
Napakunot-noo siya. “Boys over Flowers? Jeju Island?”

“Pasensya ka na, Vanessa. Praning lang talaga ang isang iyan,” buska ni Hansen. Nagtawanan sila hanggang sa maulingan niya ang boses ni Jhamo. Oras na ng panunuyo.

Narinig niyang binati ito ng ‘happy birthday’ ng lahat. Nanatili siya sa likod ng kurtina kasama ang banda. Kinakabahan siya. Pakiramdam niya makakalimutan niya ang lyrics ng kakantahin.

“May gift kami sa ‘yo, Jhamo. Actually, nagpunta siya rito para sa ‘yo.”

Iyon na ang cue. Nagbukas ang kurtina at ang unang taong nahagip ng kanyang mata ay walang iba kundi si Jhamo. Maang ito at nakatanga lang sa kanya. Batid niyang hindi nito inaasahan ang pagdating niya.

“Jhamo-a! Alam kong marami ka ng nasabi na winalang-bahala ko. Ngayon hayaan mo sana na ako naman ang magsalita. Nagsinungaling ako nung sinabi kong napagod na akong mahalin ka. Kasi kahit kailan hindi ko nagawang alisin ka sa puso ko.”

Piniga ang puso niya nang makitang tumulo ang luha mula sa mga mata nito. She hurt him that much. Parang ayaw na niyang ituloy ang gagawin pero alam niyang iyon lang ang paraan para maayos ang lahat.

“Jo neun dang si neul sa rang hab ni da, Jhamo-a!” Ngayon naman ang pagkakataon niya para sabihin sa harap ng maraming tao kung gaano niya ito kamahal. Then she started to sing accompanied by Thunderkizz Band in their verson of I’d still say yes.

“And even if our love could drift away, I wouldn't even think twice. If I wanted love back again. Because I'd still say yes to you again. My Darlin' for you, I do it all again. Yes, I'd still say yes to you again. Darlin' for you, I do it over and over again…”

Hindi niya inalis ang tingin kay Jhamo na nasa baba ng stage. He kept on crying but she could see it from his eyes that those tears are for happiness.

Nang hindi na ito nakatiis, umakyat ito ng stage. He took away the mic, wrapped his arms around her and lovingly kissed her.

“Promise me, Vanessa, you’ll never walk away again,” bulong nito. Bahagya itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya.

“I promise, my yobo!”

“Sa rang he,” sabay nilang sambit.

Niyakap ulit niya ito. Hindi na niya naituloy ang pagkanta. Narinig na lang niya ang boses ni Ayame na siyang nagtuloy ng love song para sa kanila.

“They say time can heal a broken heart, and true love never ends.
So why not start where we begin…. Yes, I'd still say yes to you again. Darlin' for you, I do it over and over again…”



***A story dedicated to one of my readers Bella Vanessa Baybay

PREVIOUS                                                                        NEXT STORY

Comments

Anonymous said…
naalala ko si lee shin yang. Stallion series batch 4 #45 - sonia francesca


yung mga ginamit na korean words meron din dun. HEHE

aken@skateshit.com ~fb

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…