Skip to main content

Senang Hati Music Lounge Series: Eight Seconds



“Tonight is my night!” nangingiting bulalas ni Cryzty.

Feel na feel niya ang pagtutusok ng mga bulaklak sa inaayos niyang korona ng patay sa labas ng kanyang flower shop. Kilala ang Petals and Fragrance Flower Shop sa buong Laguna at madalas dinarayo pa ng mga tao dahil sa magagandang bulaklak at one-of-a-kind flower arrangements na ino-offer ng shop sa mga kliyente.

“Ano bang meron mamayang gabi maliban sa gigimik tayo?” tanong ni Vanessa na abala sa pagbubuklat ng magazine habang nakaupo sa gilid ng shop. “Uulan ba ng mga Fafa mamaya? Well, sa Senang Hati nga pala ang punta natin so posibleng umulan nga ng Fafa. At „pag nagkataon, ako ang sasalo kay Jhamo! Yeh!”


Binato niya ito ng tuyot na dahon. “Puro ka pagnanasa sa pianistang iyon e di mo naman alam kung naaalala ka niya.” Kinuha niya sa bulsa ang isang chocolate bar. Binuksan niya iyon at kinagatan. “Naalala mo pa ba Ate Van iyong sign na hiningi ko kay Lord noon?”

Inagaw nito ang chocolate bar na hawak niya. “Iyong tungkol sa destiny mo?” Kinagatan nito ang chocolate bar at ibinalik sa kanya.



“Yup!” Walong buwan na ang nakakaraan nang humingi siya ng sign kay Lord. On the eighth day of the eighth month from that day, a guy will lovingly gaze at her for about eight seconds and above at exactly eight o‟clock in the evening. “Due date na! Mamayang gabi na ang gabi ng aking mga gabi!”

“Yiih! Exciting!” Nagtatalon sila sa sobrang excitement. At nang mapagod ay tatawa-tawa lang sila. “Seryoso ka pala talaga do‟n ,Cryzty. Eh paano kung-” Hindi na nito naituloy ang gustong sabihin nang tawagin ito ni Mang Pedring, ang resident kubrador ng jueteng sa lugar nila. “Ano pong tumama?”

“Tompyang bente tres! Tumama ka ineng!”

“Talaga po?” Tumango ang matanda.

Nagtatalon ulit silang magpinsan sa tuwa. “Wow, Ate Van, ang galing!”

“Ay bongga, naku, Crizty, ililibre na lang kita. Pati pagkain sagot ko na mamayang gabi!”

“Ay gusto ko iyan, libre!”

“Apir!”

Bigla silang napabaling sa ginagawang gusali sa tapat nang marinig niya ang malutong na tawa ng isang lalaki. Agad niyang nakita ang isang binata na ilang araw na rin niyang nakikitang nagsu-supervise sa ginagawang gusali. Pansinin ang binata sa kakaibang hairstyle nito at sa itsurang mukhang rakista. May kausap ito sa cellphone habang sumasakay sa crosswind nito.

“Sino iyon? Tsaka ano bang gagawin diyan sa tapat mo?” usisa ni Vanessa.

“Iyon siguro iyong nagpapagawa. Sabi nila, salon daw tsaka massage parlor iyan.”

“Salon? Ayos iyan. Teka, alis muna ako ha. Kita tayo mamaya!”


NAGPAALAM si Cryzty kay Vanessa na sasaglit sa rest room ilang minuto pagkarating nila sa Senang Hati Music Lounge. Marami-rami na rin ang tao nang dumating sila. Kampante niyang nilakad ang hallway papuntang CR.

Nagulat si Cryzty nang may biglang lumitaw na kamay sa doorknob ng restroom na hahawakan niya sana para buksan. Sa bilis ng pangyayari hindi na niya nagawang bawiin ang kamay niyang nakapatong sa kamay ng kung sinuman. Awtomatikong binalingan niya ito. She was greeted by a guy with a stylish burgundy colored one-sided hair and expressive eyes that was full of amusement.

The guy was intensely staring at her. Ito ay wala iba kundi ang binatang nakikita niya sa tapat ng flower shop. Bigla siyang nailang sa pagkakatitig nito hanggang sa maalala niya ang sign na hiniling niya kay Lord. Pasimpleng nagbilang ang kanyang isa pang kamay sa kanyang likod.

One, two, three, four, five, six, seven… eight! Bingo!

Tapos na ang eight seconds pero nanatiling nakatitig pa rin rin sa kanya ang binata na pawang kinikilatis ang lahat ng anggulo ng mukha niya. Kaya tuloy, naging aware siya sa kabang biglang sumulpot sa sistema niya. Agad niyang binawi ang kamay sa doorknob na tila nagpabalik din sa huwisyo ng binata.

Tumingin muna ang binata sa ceiling bago bumaling sa kanya na tila naghahagilap ng sasabihin. “Ahm Miss, nagkamali ka ata ng papasukan. CR ito ng boys,” hirit nito habang nakatitig muli sa kanya.

Kunot-noong binalingan niya ang pinto at malinaw na “Women” ang nakalagay sa signage. Itinuro niya ang signage. “Ikaw ata ang naliligaw, dude. Pambabae ito unless gusto mo ring maging babae.”

Tinapunan nito ng tingin ang signage at napakamot sa ulong binalingan ulit siya. Nahihiyang ngumiti ito na nagpadagdag sa kabang nararamdaman niya. Agad niyang napansin ang taling sa lower lip nito at ang dimples na lalong nagbigay emphasis sa magandang ngiti nito. Nakagat niya ang labi nito. Mas naging attractive ito kapag nakangiti.

“Sorry. It‟s me and my defective eyes!” biro nito. “Bilang bawi, ipagbubukas na lang kita ng pinto.” Iyon nga ang ginawa nito. Ngumiti pa ito lalo na umabot sa medyo singkit nitong mga mata. Mukha itong cast ng Koreanovela. Nagtatalon na siya sa imagination niya.

“Thank you!” tanging nasambit niya nang pumasok siya sa CR. Sinulyapan ulit niya ito bago isara ang pinto. Hindi nakatakas sa kanya ang gawi nitong napapailing habang nangingiting nakatingin pa rin sa pinto.

Lord, siya na ba iyon? Ang bait N‟yo naman po. Okay lang naman po sa akin kung hindi gwapo pero super kyut naman po niya! Aylabyu Lord!

“Ay grabe, Ate Van, ang bongga talaga dito!” bulalas ni Cryzty nang makabalik siya sa mesa. Abala na sa pagsimsim ng iced tea ang pinsan niya. “Tumaya ka ulit sa jueteng ha tapos ilibre mo ulit ako „pag tumama ka!”

Pabirong binatukan siya ni Vanessa. “Bruha! Kung ikaw naman kaya ang tumaya sa jueteng para ako naman ang mailibre mo.”

“Malas kaya ako sa ganyan, tsaka-” Hindi na naituloy ni Cryzty ang sasabihin dahil nagtitili na ng bonggang-bongga ang pinsan niya.

“Waaaah! Haay, Cryzty nasa stage na ang future husband ko! Wuuu! Yeh!”

Humagalpak siya ng tawa. Napatingin tuloy siya sa stage pero hindi sa keyboardist na pinapantasya ng pinsan niya napunta ang atensyon niya kundi sa drummer. Member pala siya ng Infinity Band kaya pala mukhang rakista. Ibinalik na lang ulit niya ang atensyon sa pinsan.
“Okay alukin mo na siya ng kasal ngayon din.”

“Ay type! Dala ko iyong papeles para sa kasal namin!” Napako na ang mata ni Vanessa kay Jhamo, ang keyboardist ng Infinity. “Jhamo, bumaba ka lang at lumapit sa akin ngayong gabi, pakakasalan talaga kita!”

“Iyan ay kung kilala ka pa niya at tatanggapin niya iyang wedding proposal mo. Para ka talagang baliw!”

“Mas baliw ka naman. May pa-eight-seconds-eight-seconds ka pang nalalaman diyan. Eh paano kung bading pala ang makipagtitigan sa iyo ngayong gabi?”

“Heh! Kanya-kanyang trip lang iyan.” Di sinasadyang napabaling ulit sa drummer ng banda ang atensyon niya. Abala ito sa pagtugtog. “Tsaka, lalaki siya at hindi bading.”

“Sino?” Kunot-noong binalingan ni Vanessa ang tinitingnan niya. “Iyong drummer?” Sinipat nito ang relong pambisig at sa gulat niya e tumili ito. “Waaah! Tapos na ang alas-otso! May sign na si Lord?” Itinuro nito ang drummer. “Siya ba?”

“Oo, Ate Van. Ang bait ni Lord!”

“Ay! Ang bongga! Apir!” Nakipag-hi five ito sa kanya. “Anong pangalan niya? Nagpakilala ba siya? Anong nangyari? Kaya ka ba matagal sa CR?”

“Andami mo namang tanong. Mamaya na ako magkukwento, makinig muna tayo. Ang galing kumanta ng bokalista nila ah!” paglilihis niya sa usapan.

“I wanted, I wanted you to stay. „Cause I needed, I need to hear you say. That I love you, I have loved you all along. And I forgive you, for being away for far too long. So keep breathing. „Cause I‟m not leaving you anymore. Believe it. Hold on to me and never let me go.”

Tinapos ng bokalistang nagpakilala kanina bilang Ross ang kanilang unang kanta. Nakita nilang sinenyasan ito ng drummer. Tumango ang bokalista at saka muling hinarap ang audience.

“Itong next song, medyo pakyut ng konti.” Natawa na lang ang audience dahil pagkasabi ni Ross ng salitang „pakyut‟ ay literal na nagpakyut ito sa audience. “Pero bago iyon may sasabihin daw ang drummer namin.” Iniabot nito sa drummer ang mic. Napatutok tuloy sa stage ang atensyon niya. Sa di mawaring dahilan ay biglang naramdaman niya ang kabang naramdaman kanina ngayong nasa drummer ang atensyon ng lahat.

Tila nahihiyang tumayo ito mula sa drumset nito. “Ah..eh….May nakita ako kanina. I just can‟t take away her image from my mind. I know you know who you are. I was so preoccupied with your expressive eyes kaya pati pangalan mo nakalimutan kong alamin. And I wasn‟t able to introduce myself kanina. I‟m Gabriel Azuelo Arevalo, mabait ako promise!” Tumawa ang audience. “Iyong next song namin na pakyut, para sa „yo iyon. Kasi…I find you cute. Parang si Shrek at Princess Fiona!”

Tumawa ulit ang audience. Pero siya, natatameme siya sa naririnig. That guy, a guy that she asked from God, was know dedicating a song for her. Wala siyang pakialam kung kamukha niya si Shrek sa paningin nito. Basta para sa kanya, kinikilig pa rin siya.

Ibinalik na ni Boaz ang mic kay Ross. “O, siguro naman narinig mo iyon. Kahit most of the time puro biro lang itong si Boaz, tapat itong magmahal kaya sagutin mo na siya ha, Berting.” Umugong ang hagalpakang tawa ng audience. Pati siya ay napatawa na rin.

“Anong Berting? Umayos ka nga, Rosalina!” Pabirong ipinukpok ni Boaz ang drumsticks nito sa balikat ni Ross. Lalong umugong ang tawanan sa buong Senang Hati.

“Walang pangalan iyang kinababaliwan mo e,” buska ni Ross. “Sige, baka magalit nga si Berting at mabasted ka pa.” Nag-strum ito sa gitara nito. “For the girl who captured our dearest Boaz‟s attention, this song is for you.”

Halos magkasabay ang bagsak ng drums at lead guitar ng banda habang tinutugtog na nila ang kanilang version ng Accidentally in Love ng Counting Crows.

“So she said, "What's the problem baby?” What's the problem I don't know. Well maybe I'm in love, think about it every time. I think about it, can't stop thinking 'bout it. How much longer will it take to cure this? Just to cure it 'cause I can't ignore it if it's love. Makes me wanna turn around and face me. But I don't know nothing about love.”

Parang nakikita niya si Shrek at Princess Fiona na magka-holding hands sa imagination niya na unti-unting napapalitan ng imahe nila ng drummer na iyon. Ang sarap talagang magpantasya!

Ang buong Senang Hati ay nakiki-head bang na sa banda at nakikikanta pa na siyang ginagawa rin nila ng pinsan niya.

“Come on, come on. Jump a little higher. Come on, come on. If you feel a little lighter. Come on, come on. We were once a upon a time in love. We‟re accidentally in love… Accidentally in love….”


Siniko siya ni Vanessa. “Oy, anong nangyari sa inyo sa CR ha?”

Nginitian lang niya ang pinsan. “Secret!” At nakikanta ulit siya. “Accidentally, I‟m in love. I‟m in love. I‟m in love!”


ABALA sa pag-aayos ng gamit si Cryzty. Napansin kasi niyang marami-rami rin pala siyang gamit sa flower shop na basta na lang nakatambak sa isang tabi. Inaayos niya ang mga iyon para pag-isipan kung ididispatsa na niya ang mga iyon o iuuwi na lang niya.

Pagbuhat niya ng isang kahon ay may nalaglag na isang picture. Inilapag niya sa mesa ang kahon at pinulot ang picture. Kuha iyon sa Mt. Makulot noong sumama siya sa camping ng mga scouts.

Grade two pa lang siya noon. Siya ang pinakabata noon at naging guardian niya ang isang grade six boy scout na tinatawag niyang Kuya Asar. Palagi kasi siya nitong binibigyan noon ng bulaklak ng katuray at sinasabuyan ng amorseko habang naroon pa sila sa bundok. Kaya nakagawian na niyang Kuya Asar ang tawag dito. Hindi na rin niya maalala ang tunay nitong pangalan.

Buhat-buhat siya ni Kuya Asar sa picture na iyon. Hanggang ngayon, natatawa pa siya kapag naaalala niya na pinapaliguan pa siya nito noon. Tuwing sinasabuyan siya nito ng amorseko, hinahabol din niya ito para isaboy din dito ang amorseko na pinaghirapan niyang tanggalin isa-isa sa damit niya. At bilang pang-aasar din dito, niregaluhan niya ito ng isang kahong amorseko noong magtapos ito. Iyon na rin ang huling araw na nagkita sila.

Nasa kalagitnaan pa siya ng pagre-reminisce ng childhood memories niya nang pabalandrang bumukas ang pinto ng shop niya. Dali-daling pumasok sa loob at dumiretso sa ilalim ng counter niya ang drummer ng Infinity Band na sa pagkakatanda niya ay Boaz ang pangalan.

Natameme siya ng ilang segundo dahil hindi niya inaasahang makikita niya ulit ito. Ilang minuto pa bago siya makabawi sa pagkagulat.

Kunot-noong sinipa niya ito. “Hoy, anong ginagawa mo riyan?”

“Mamaya na ako magpapaliwanag. Basta „pag may nagtanong sa akin, itanggi mo na lang na nakita mo ako.” Mukhang may tinataguan ito.

At bilang kumpirmasyon humahangos na pumasok sa shop niya ang tatlong lalaki na nakapormang bodyguards. “Miss, may nakita ka bang lalaki na one-sided ang buhok na pumasok dito?” maangas na tanong ng isa sa mga ito.

Pasimple niyang sinilip ang binatang nakayukyok sa ilalim ng counter niya.Tila nagmamakaawang tiningnan din siya nito. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang binalingan ang mama.

“Bulag ba kayo? Mukha bang may ibang tao rito maliban sa akin? Kita n‟yo na nga o, walang tao sa shop ko kaya umalis na kayo! Malas kayo sa negosyo,” singhal niya.

Luminga-linga pa ang mga ito. “Pero dito ko siya nakitang pumasok,” anas pa ng isa.

“Tatawag na ako ng pulis „pag hindi pa kayo umalis,” banta niya.

“Sorry sa abala, Miss.”

Nang makaalis na ang tatlo ay saka niya puwersahang pinalabas ng counter ang binata. At pabalandrang isinandig niya ito sa pader.

“Hey, easy ka lang. Pwede naman akong mag-explain nang hindi mo binabalian ng buto, Miss…ano nga palang pangalan mo?” nakangiting tanong ni Boaz.

Hindi niya pinansin ang tanong nito. “Bakit ka nila hinahabol? Magnanakaw ka ba? Adik? Pumugak ka sa bilangguan? Ano? Sagot!”

Nasindak ata si Boaz sa kanya kaya natulala na lang ito.

“Ah… ano.. none of the above! Bodyguards iyon nung ex ko. Hina-hunting niya kasi ako. Pinipilit niya na pakasalan ko siya. Hindi pa ako nababaliw para magpakasal sa baliw.”

“Baliw?”

“Baliw iyon! Sabi niya buntis siya. Ako daw ang ama at kailangan ko siyang pakasalan. Ano siya? Immaculate Concepcion? Nagbubuntis ng walang seremonya? At saka limang taon na kaming walang relasyon at hindi kami nagkikita kaya imposible talaga siya!”

“Ah...” Natatawang pinakawalan niya ito. “Pinipikot ka niya, ganon?” Lumabas siya ng counter para ayusin ang mga bulaklak na naka-display.

Naiwan ito sa may counter. “It‟s either, I‟ll marry her or I‟ll die. I rather die, ano.”

Natigilan ito at agad hinagip ang picture na naiwan niyang nakapatong sa counter. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at sa picture.

“Bakit?” untag niya.

“Ikaw ba si Cryzty?” tanong nito, pagkatapos ay mataman lang siyang tinitigan. “Ikaw nga! Ikaw na pala iyan!” Sa gulat niya ay agad siyang nilapitan at niyakap nito.

Nagpumiglas siya. “Teka, teka! At paano malaman kung sino ako?”

Ibinalandra nito sa mukha niya ang nahagip na picture. “Iyang lalaking iyan, ako iyan! Ako iyong Kuya Asar mo! Iyong guardian mo sa scout camping. Iyong nagbibigay sa iyo ng bulaklak ng katuray tuwing umaga. Iyong nagsasaboy sa iyo ng amorseko. Iyong nagbibihis at nagapapali—”

Pakiramdam niya ay bigla siyang namula sa tinuturan nito. Bakit kailangang isa-isahin pa nito iyon? Agad sinapul ng kanyang kamay ang bibig nito. “Naaalala ko lahat iyan! Hindi mo na kailangang ungkatin pa iyan.”

Dahan-dahan nitong inalis ang kamay niya. “Ang bango ng kamay mo.”

Inuumang lang niya ang kamao na pawang nagbabantang susuntukin ito. Tumawa lang ito.

“Andon ka pa ba sa Senang Hati noong nagpakilala ako?”

Natigilan siya. Naalala niya ang sign na ibinigay ni Lord. Si Boaz nga pala ang destiny niya.

“Oo, Kuya Asar este Boaz.. ahm, Kuya Boaz!” natotoreteng tugon niya.

“Kuya? May „kuya‟? parang ayaw ko ata ng may „kuya‟. Boaz na lang itawag mo sa akin o kung ayaw mo naman pwedeng, honey, baby, sweetie, mahal ko, irog ko, --aray ko!”

Binato niya ito nang nahagip na paper weight. “Ano ba iyang pinagsasabi mo? Hindi pa nakakalayo ang humahabol sa iyo. Baka gusto mong isuplong kita sa kanila?”

“Lumaki ka palang masungit ano,” hirit nito.

Akmang ihahagis niya ang isang flower vase dito nang mabingi siya sa sigaw ng isang babae mula sa labas. Matinis ang timbre ng boses nito.

“Boaz , my dear! Hindi ka makakatakas sa akin. Alam kong andyan ka lang! Lumabas ka ng flower shop na iyan!”

Agad na nagtago ulit si Boaz sa ilalim ng counter. Sumugod ang babae sa loob ng flower shop niya. Bagay na bagay sa shop niya ang babae. Mukha kasi itong walking flower vase.

“Ikaw ba ang kalampungan ng Boaz ko?” bungad ng babae. “Ilabas mo siya.”

“Wala akong kilalang Boaz, Miss. At saka, hindi hanapan ng nawawalang kambing ang shop ko. Flower shop ito at hindi lost and found,” tugon niya.

“Hmmp!” Inirapan lang siya ng babae bago ito lumabas. “Ang pangit mo naman, hindi ka nga magugustuhan ng Boaz ko.”

Napapalatak na lang siya. “Feeling niya? Maganda siya? Mukha ka namang tilapia, Miss!” naiinis na tugon niya kahit alam niyang hindi na iyon maririnig nang babae dahil malayo na ito.
Napapailing na lang siya nang marinig niya ang impit na pagtawa ni Boaz mula sa ilalim ng counter. Maya-maya pa ay malutong na tawa na ang naririnig niya.

“Anong nakakatawa? Na pangit ako?” asik niya.

“Sinong may sabing pangit ka? Ipapapatay ko,” tugon nito nang makalabas ito ng counter.

“Eh di iyon ex mo!”

Lumapit ito sa kanya at sa isang iglap ay nakatitig na ito sa kanya na pawang siya lamang ang tanging babaeng makakakuha ng atensyon nito. Bumilis ang heartbeat niya.

“‟Wag kang maniwala sa kanya. Baliw iyon.” Bahagyang inayos nito ang nakalaylay na buhok niya sa mukha at masuyong isinilid ang kanyang buhok sa tenga. “You‟re beautiful ever since. Thank you, Cryzty for saving me. I owe you my life.”

“Hindi libre iyon! Babayaran mo iyon! Tingnan mo nga, na-stress iyong mga bulaklak ko.”
Sinusubukan niyang magtaray para di niya ma-entertain ang kakaibang kabang nararamdman niya.

“Mas mukhang ikaw ang na-stress at hindi ang mga bulaklak,” sambit nito. He moved closer and kissed her cheeks. Natameme na lang tuloy siya. “I hope it will make you feel better. ”At saka ito lumayo sa kanya.

Naiwan siyang nakatulala sa hangin. Bakit niya ako hinalikan? Dapat pakasalan na niya ako ngayon din!

“Cryzty…Cryzty!” Nagulat na lang siya nang lingunin niya ito. Nasa pinto na pala ito palabas.

“Bakit ka ba sumisigaw?”

Ngumiti lang ito na nagpatalon muli sa puso niya. “Magbabayad ako ng utang mamayang gabi. Hintayin mo ako dito.”

Hindi na niya ito natugon dahil mabilis na nakalabas ito ng flower shop niya.


PERO walang Boaz na sumulpot sa shop niya pagdating ng gabi at ng mga sumunod na araw. Wala siyang natanggap na tawag man lang o kakarampot na paliwanag mula rito. Parang nanaginip lang siya at ngayon nagising na siya. Hindi niya tuloy maiwasang magtampo. Naiinis na binalingan niya ang katapat na establishment. Kitang-kita niya ang gusali sa glass wall ng flower shop. May mga taong nagbababa ng gamit mula sa delivery truck. Nakumpirma niya sa usap-usapan na si Boaz nga ang may-ari ng salon pero mula rin nung huli silang nagkita, hindi na rin niya nakita ni anino nito sa katapat na gusali.

Nasaan na kaya ang lokong iyon? Baka napakasal na iyon dun sa ex niyang mukhang tilapia.

Medyo may karamihan ang kliyente niya ngayon pero ipinaubaya na lang niya sa mga tauhan ang mga ito. Wala siya sa mood mag-arrange ng bulaklak.

Nakasimangot pa rin siya nang dumating ang pinsan niya.

“Masama sa negosyo ang nakasimangot,” sita ni Vanessa.

“Masama rin sa negosyo ang naglalakwatsa iyong amo,” pakli niya. May-ari ito ng isang travel tours agency ilang bloke lang ang layo sa shop niya. Pero mas mahaba pa ang oras na itinatambay nito sa shop niya kesa makita ito sa loob ng opisina nito.


Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “O ano, nagparamdam na ba iyong destiny mo?”
Nagkibit-balikat lang siya.

“Okay lang iyon. Baka may inasikaso lang iyon. Kasi alam mo, Cryzty, may feeling ako na si Boaz na talaga ang para sa ‟yo. Napi-feel ko iyon eh.”

“Kelan ka pa naging ka-sisters ni Madam Auring?” untag niya.

Ibinato nito sa kanya ang dahon na pakalat-kalat sa counter niya. “Bruha!” Bumaling ito sa glass door. “Ito, totoo ito. May mga grasya mula sa langit na paparating.”

Napatingin din tuloy siya sa pintuan at namataan ang dalawang binata na magkamukha. Kung hindi siya nagkakamali, ang isa rito ay member ng sikat na bandang Thunderkizz na si Hansen Ferrer at ang isa naman ay ang bokalista ng Infinity na si Ross na may bitbit na kahon. Mas lumitaw ang pagiging magkamukha ng dalawa sa parehong color pink polo-barong na uniporme ng mga guro sa Zeus-Apollo Academy, isang prestigious school sa Los Baños. Tanging buhok lang ang pinagkaiba ng dalawa. Mahaba kasi ang buhok ni Ross.

Lahat ng tauhan niya pati kliyente ay natigalgal at nagtitili nang pumasok ang dalawa sa shop niya. Maging siya ay muntik na ring mapatili dahil avid fan din siya ni Hansen Ferrer.
“Ikaw si Hansen Ferrer, di ba? Pwedeng magpa-piktyur?” tanong ni Vanessa.

Nagtilian din ang mga tauhan niya nang nahihiyang tumango ang binata. Sa pangunguna ni Vanessa ay nagkanya-kanyang picture taking ang mga ito kay Hansen na nakangiti lang habang niyayakap at hinahalik-halikan na parang poon ng mga tauhan niya.

Nailing lang na nilapitan siya ni Ross.

“Sikat pala talaga ang ugok na ito. Oy, pakiingatan po ang kakambal ko. Mahal ang market price niyan,” komento ni Ross bago balingan siya. “Ikaw si Cryzty di ba?” Tumango lang siya. Iniabot nito ang kahon sa kanya. “Pinasasabi ni Boaz na sorry daw kasi hindi ka niya nasipot at di niya magawang puntahan ka. May inasikaso kasi siya na may kinalaman dun sa lukring niyang ex. Ahmm….” Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at pawang may binasa. “Eto pa pala, pumunta ka daw mamayang gabi diyan sa tapat.” Itinuro nito ang bagong salon at massage parlor. “Siya ang may-ari niyan at bukas daw blessing nila. Basta mamayang gabi, hihintayin ka daw niya diyan.”

“Ah, totoo na ba iyan? Baka kasi hindi na naman siya sumipot,” may halong tampong tugon niya.

“Ganon ba? Sandali.” Nag-dial ito sa cellphone at inilagay sa tenga nito ang aparato. “Boaz, mukhang ayaw maniwala ni Cryzty na darating ka mamayang gabi at mukhang nagtatampo. Pumunta ka na lang dito para kausapin siya. Anong hindi pwede e andyan ka lang sa tapat? Tatawid ka lang pare. Ano? Mental hospital? Anong ginagawa mo diyan? Okay sige.” He ended the call. “Sincere daw siya, sana maniwala ka na para makaalis na kami.” Nilingon nito ang kapatid. “Mag-promise ka na na pupunta ka para masagip ko na itong kapatid ko bago pa siya ma-rape ng tauhan mo.”

Doon lang niya napansin na ayaw ng bitawan ng tauhan niya si Hansen. Sinita niya ang mga ito. “Oy, bitawan n‟yo na siya. Ang hindi bibitaw kay Hansen, mawawalan ng trabaho bago mag-gabi.”

Parang binaksakan ng bombang naglayuan ang mga ito sa binata. Ang tanging nakakawit dito ay ang pinsan niya.

“Ate Vanessa, ikaw rin. Alis diyan. Lagot ka kay Jhamo.” Bumitaw na rin si Vanessa. Pero humabol pa ito ng kurot sa pisngi sa binata bago bumalik sa tabi niya. Binalingan niya si Ross. “Okay pupunta ako.”

“Sige makakarating kay Boaz.” Binalingan nito ang pinsan niya. “Ikaw pala si Vanessa, iyong tourist guide ni Jhamo sa Korea noong isang taon.”

“Ako nga. Paano mo nalaman iyon?” tanong ni Vanessa.

Ngumiti ito. “Bukang-bibig ka palagi ni Jhamo.” Iyon lang ang nasabi nito pagkatapos ay hinila na ang kapatid na nagkukutingting ng bulaklak sa isang sulok.

Pagkaalis ng magkapatid, binuksan niya ang kahon. Natatawang nailing siya nang makitang puro amorseko at bulaklak ng katuray aang laman ng kahon.

“Wow, ang sweet naman ni Boaz. Biruin mo, nag-effort pa siya manguha ng amorseko at katuray. Eh sa‟n ka ba naman makakakita ng ganyan sa EDSA di ba? In fairness, nag-effort ang lolo ha,” komento ni Vanessa.

Hinalungkat niya ang kahon at may nakita siyang papel. Binasa niya ang sulat.

Cryzty,

I know this sound crazy but I want you to know that, I like you. I‟m sorry kung hindi kita napuntahan nung isang linggo. „Wag sanang lumayo ang loob mo sa akin dahil do‟n. I really want to spend time with you. Babawi ako, promise.

Boaz


Kinagabihan, tinungo ni Cryzty ang katapat na gusali. Pagbukas niya ng pinto ay nakangiting si Boaz ang sumalubong sa kanya.

“Cryzty! I miss you.” Sa gulat niya ay niyakap siya nito. Natigalan lang siya. “Akala ko, hindi ka na darating.”

“OA mo! Bitawan mo nga ako,” asik niya.

Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. “Sandali. Just another eight seconds. One, two, three, four, five six seven…” Lumuwag ang pagkakayap nito sa kanya at ginawaran siya ng halik sa pisngi. “Eight!”

Natameme na lang siya. Hindi naman siya sira para hindi ma-gets na may gusto nga ito sa kanya kahit na masyado siyang nabibilisan sa pangyayari.

Tinapik nito ang upuan sa tapat ng mga salamin. “Umupo ka.”

“Anong gagawin mo sa akin? Gugupitan mo ako?” tanong niya.

“Gusto mo ba?”

Tumango siya.

Binuksan nito ang drawer at kumuha ng gunting. Inilaylay nito ang buhok niya at saka maingat na ginupitan. “Hindi na ako mag-intro pa Cryzty. Totoo ang sinabi ko sa sulat. Gusto kita. Ilang taon ang hinintay ko para makita ka ulit. Maniwala ka man o hindi, hinanap kita pagkatapos kong mag-college. Kaso wala ka na sa dati nyong bahay. Nasa La Union ka na raw. Nawalan na ako ng pag-asang makikita ka pa until that night na parang naglaho lahat ng tao sa paligid ko at ikaw na lang ang nakita ko. You looked so familiar to me. Kaya naisip kong hanapin ka ulit at alamin kung sino ka. Buti na lang may silbi ang logbook sa Senang Hati. Pumunta ako dito at nakumpirmang andito ka sa Laguna.”

Nagulat siya sinabi nito. Halos wala silang pinagkaiba dahil hanggang sa paglaki niya ay dala-dala pa rin niya palagi ang alaala nito bilang Kuya Asar niya noon. Bonus na lang na ito rin ang ibinigay ni Lord sa kanya. Tiningnan niya ito sa salamin. “Totoo ba talaga iyan?” hindi kasi talaga siya makapaniwala.

“I loved you since I took care of you and treat you as my little sister. Ewan ko rin, lumaki akong binuo ang wish na sana makita ulit kita. So that I will be able to take good care of you for the rest of my life.” Kumunot ang noo niya. Inihinto nito ang paggupit sa buhok niya at tinitigan na lamang siya mula sa repleksyon ng salamin. “I know, it sounds so weird but it‟s true. Hindi kita gustong biglain. All I want is a chance. Give me a chance, Cryzty and I promise you will never regret it.”

“Paano iyong ex mo? Baka manggulo pa iyon.”

“Nasa mental hospital na siya. Kinailangan kong magpanggap kanina na babalikan siya para madala siya sa hospital ng magulang niya. Hindi na siya makakagulo sa ating dalawa. So…. Are you going to trust me for this?”

Matamis na ngiti ang iginanti niya dito. “Let‟s take the chance, Boaz!”

“I love to hear that.” Masayang ibinalik nito ang atensyon sa paggupit ng buhok niya. “Now I know, magiging memorable itong unang provincial branch ng salon ko kasi nasa tapat lang kita. I maybe the best hairstylist in town but it will not make any sense kung hindi kita makakasama.”
Natameme siya kaya ngiti lang ang naiganti niya sa sinabi nito.

At iyon nga ang ginawa nila. They spent time together. Madalas na nababato niya ito ng paper weight sa kakulitan nito pero iyon din ang nami-miss niya kapag hindi niya ito kasama. Kahit wala pa silang pormal na relasyon, parang girlfriend na ang turing nito sa kanya.
Hanggang sa dumating din ang araw na hinihintay niya.

“Alam mo, tumataba ka, Cryzty,” pang-aasar ni Boaz sa kanya.

“Oy, hindi ako mataba ha. Ikaw ang mataba, rakistang butete!” balik pang-aasar ni Cryzty dito.

“Okay lang na butete ako, mahal mo naman ako. Di ba?” wala sa sariling biro nito.

“Oo nga.” Wala rin sa sariling tugon niya.

Kapwa sila natigilan sa di sinasadyang nasabi. Nagkatinginan tuloy sila. Cryzty could read a lot of emotions in his eyes. Pero isa lang ang sigurado niya sa mga sinasabi ng mata ni Boaz. Mahal siya nito.

“Would you say it again, Cryzty?” tanong nito habang nakatitig sa kanya.

“Ang alin?”

“Cryzty, mahal na mahal kita. Alam kong alam mo iyan. Mahal mo na ba ako? Make or break na ito. Kapag sinagot mo ako ngayon, papakasalan na kita.”

“Ang bilis mo naman!”

“I love you. Do you love me, too?” Hindi siya umimik. “Sagot!” untag nito.

“Naninindak ka ha. No!”

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nakagat ni Cryzty ang labi nang magtubig ang mata nito.
“Echos lang! Ito naman di mabiro. Siyempre, mahal kita! „Wag ka ng umiyak! Pumapangit ka!” bawi niya.

Hindi ito sumagot. He just grabbed her and rewarded her a quick kiss on her lips. “Subukan mo ulit akong paiyakin, papaliguan kita ng amorseko!”

Tumawa lang siya.

Niyakap lang siya nito. “Isa pa ngang eight seconds!” They stayed that way for a while hanggang sa mapilitan silang maghiwalay dahil may pumasok na customer sa flower shop niya.




***this is a story dedicated to one of my readers, Cryzty Tricinio :)


Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…