Skip to main content

Waiting To Love You Part 4



Pamilyar na men scent ang agad na nasamyo ni Mhiel nang magising siya. Muntik na siya mapatalon mula sa pagkakahiga nang mapagtantong nasa tabi niya si Haime na natutulog pa rin. At hindi lang basta katabi dahil halos nakayakap na sa kanya ang braso nito dahil nakapatong ang kamay nito sa hot compress na nakapatong naman sa puson niya.

Waaaah! Anong eksena ito? Lalo pang naghuramintado ang isip niya nang malamang napalitan na rin ang damit niya. Hindi na niya suot ang cocktail dress na suot niya kagabi. Binihisan niya ako? Waaaaaah!

Napabalikwas siya ng bangon at wala siyang napala kundi pagkahilo. Mabuti na lang at naalalayan siya agad ni Haime. Nagising ito nang bigla siyang bumangon.

“Ano ka ba naman? Alam mo ng masama ang lagay mo, binigla mo pa ang sarili mo sa pagbangon.” Maingat na inihiga ulit siya nito. Tinitigan siya nito at hinaplos ang pisngi niya. “Kung may kailangan ka sabihin mo na lang at ako na ang kukuha. Sabi ni Doc Penpen, over fatigue ka daw maliban sa dysmenorrhea mo.”

“Bakit…bakit dito ka natulog?” bagkus ay tanong niya.



“Inalagaan kita.” Umiwas ito ng tingin. “Ganon talaga ‘pag mahal mo ang isang tao.”

She was shocked in his words. Oo nga’t ilang beses na itong nagpasaring at nagbirong mahal siya nito pero now… at that very moment, she felt he was dead sincere about his so-called love for her.

Bumuntong hininga ito. “I know, you will never listen to it. Kasalanan ko rin naman kung bakit sarado ang puso mo sa akin.”

Tinitigan lang niya ito. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Alam niyang mahal niya ito pero masyadong komplikado ang sitwasyon nila kaya hindi niya alam kung paano magre-react dito.

“Haime…”

Binalingan siya nito. “I’m going to transfer some of my properties to Hamiel’s name.”

“What? You don’t have to. Mabubuhay na ang anak ko ng masagana sa maiiwan kong mana sa kanya.”

“Dahil anak ko siya. He’s Hamiel D. Catacutan and he deserves to be my one and only heir.”

“’Wag tayong maglokohan, Haime. Hindi mo siya anak.”

Umiwas ulit ito ng tingin sa kanya. “Anak ko siya, Mhiel. Sperm cells ko ang ginamit sa artificial insemination mo.” Ibinigay nito ang isang envelop.

Tiningnan niyang isa-isa ang laman ng papel. Mga documents iyon na nagsasaad na naging donor ito ng sperm cells sa Malaysia. Halos konting araw lang ang pagitan noon at ng araw na nagpa-artificial insemination siya. “Coincidence. Paano ka nakasigurado?”

“I talked to your friend, si Dhey. Sinabi niya sa akin ang pangalan ng doctor na nagsagawa ng operation mo. It so happen that it was the same doctor who asked me if I could donate sperm cells to a Filipina. That doctor was also my cousin. Pero hindi ko alam na ikaw pala ang recepient noon. Pina-DNA test ko na rin si Hamiel and it went out positive. Anak ko siya.”

She was shocked…no. Kulang ang salitang shock para ilarawan ang naramdaman niya. Sa isang iglap ay nalito siya sa itinatakbo ng usapan.

“I’m sorry, Mhiel.”

“Why are you saying “sorry”? Sorry dahil ikaw ang biological father ni Hamiel? Kung alam mo bang ako ang recepient noon, papayag ka bang ipaubaya sa akin ang sperm cells mo without any attachment? Nagsisisi ka na indirectly, nabigyan kita ng anak dahil makakasira siya sa bachelor image mo?” sunud-sunod na patutsada niya dito. “Puro na lang sakit ang ibinibigay mo sa akin, Haime. Iyan ba ang sinasabi mong mahal mo ako?”

Binalingan siya nito. That was she found out Haime’s teary eyes. “Sorry if I wasn’t able to be a good father to him. I should have married you way back then to give him a more decent family. I should have dropped my ego and ran back to you the moment you walked out on me. If only I knew… maybe we’re not what we are today. I’m sorry for hurting you so much, Mhiel. I’m really, really sorry.”

Those apologies melted her heart. She hugged him. Hindi na niya kayang nasasaktan din ito. “Haime, hindi mo kailangang umiyak dahil lang sa akin. Sorry din. Naging close-minded ako para intindihin ka.”

“Noon, I thought you’re just a one of a heck stalker na kung mawawala ka ay gagaan ang buhay ko. But it didn’t come that way. Nang wala ka na para sundan ako at alamin ang whereabouts ko, saka ko naramdamang may kulang. My life had been empty the day that I lost you. During graduation, I was about to come over you and apologize pero naurungan lang ako ng dila nang makita kita. I know I hurt you badly. Hindi naman totoo ang mga sinabi ko sa’yo noon. Sinabi ko lang iyon para asarin ka. Hindi ko naman alam na makakaapekto iyon sa pananaw mo sa love at relationships.”

“Kalimutan mo na iyon. Nakalimutan ko na nga iyon e,” sambit niya.

“I can’t. Dahil iyon ang pinakamalaking kasalanan ko sa’yo. Sinaktan kita ng paulit-ulit. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi ka maniwalang mahal kita.”

“Sorry, hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin.”

Bumitaw ito at tinitigan siya. “Hindi kita pipiliting maniwala sa akin. I’ll wait. Just always remember that I’m here, waiting my chance to finally love you for real.”
She appreciated those words but she’s not ready to accept him yet. Kailangan niyang mag-isip muna ng mabuti dahil ang kahit anong maging desisyon niya ay makakaapekto sa kanyang anak…kanilang anak.

“Haime, I’m resigning,” nasambit niya. Kailangan niyang dumistansya dito.

Umiling ito at lumayo sa kanya. “No need. I’m setting you free.” Dire-diretsong lumabas ito ng kwarto niya.


“HAAAAY…” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mhiel matapos niyang basahin ang huling pahina ng business report na kailangan niyang i-review.

It has been five months since the last time she talked to Haime. Mula noon ay hindi na sila muling nag-usap o nagkita man lang kahit nasa iisang lugar lang sila. The guy kept his word of setting her free. Pero ang problema, hindi masaya si Mhiel sa nangyayaring iyon. She missed him…and kept on missing him as time passed by.

Naiinggit din siya sa anak niya. Araw-araw itong kinakausap ni Haime sa telepono at tatlong beses lang naman sa isang araw, minsan ay lumalabis pa. Samantalang siya, ni isang “hi” o “hello” ay wala man lang natatanggap mula dito. Nagtatampo na tuloy siya. Paano siya maniniwalang mahal siya ni Haime kung mukhang wala naman itong pakialam sa kanya?

Nag-ring ang phone niya. “Yes?”

Acoustic guitar ang una niyang narinig. Then she heard the voice of the man she’s been waiting for long, singing a love song to her.

“I won't talk, I won't breathe, I won't move till you finally see that you belong with me. You might think, I don't look but deep inside in the corner of my mind I'm attached to you. I'm weak it's true ‘cause I'm afraid to know the answer. Do you want me too? ‘Cause my heart keeps falling faster.

“I've waited all my life to cross this line to the only thing that’s true. So I will not hide, I'ts time to try anything to be with you. All my life I've waited, this is true….”


Hindi mapigilan ni Mhiel na mapangiti. Oh how she missed this man, the man who never fails to make her fall in love with him over and over.

“Mhiel, I love you so much and I’m dying to see you again,” sambit ni Haime sa kabilang linya habang naririnig niya ang boses nina Yohann at Ayame at ang musika ng banda na siyang nagtuloy ng kinakanta nito.

“Siraulo ka talaga. Ikaw lang naman ang umiiwas sa akin e. Andito lang naman ako, hinihintay ka,” sambit niya.

“Na-miss mo ba ako?”

“I love you, Haime,” bagkus ay tugon niya. “Tama na ang drama, puntahan mo na ako dito bago pa magbago ang isip ko.”

“Andito na ako, ikaw lang ang hinihintay ko. Pumunta ka sa party area, andito lang ako.”

Immediately she dropped the call and ran to the party area of her fast food chain. There she found her son happily eating at one side with the rest of Thunderkizz members. May ibang mundo na ang mga iyon. And Haime was in the middle of the party area holding a….wedding bouquet? He smiled and gave the bouquet to her.

“Mahal mo talaga ako?” tanong nito.

“Oo nga sabi.”

“Pakasal na tayo.”

“Sige, ngayon na,” biro niya.

“Wait!” May kung sinong kinawayan ito mula sa likod niya. Isang batang pari na nakasuot ng sutana at abito ang pumasok sa party area. “Father, okay na po. Kasalan na.”

Maang na binalingan niya si Haime. “Totoong pari iyan?”

“Oo naman. Alam mo naman ako, madali akong kausap. Pag sinabi mong ngayon, e di ngayon. Come, let’s get married, my dear.” Iginiya siya nito papunta sa isang alternative altar.

Overwhelmed man ay sumunod na lang siya. At makalipas lang ang isang misa ng kasal ay legal na silang mag-asawa. Tumayong witnesses ang Thunderkizz band at ang mga empleyado niya.

And they sealed the holy matrimony with their warm sweet kisses.

“Patikim pa lang ito, Mhiel. I’ll be marrying you again, few months from now. Mas engrande, mas matino. I’ll just want you to be mine now kaya nagtawag na ako ng pari. Baka kasi tumakbo ka pa, ayoko ng maghabol sa babaeng pakipot pa pero mahal din naman ako.”

Tinampal niya ang balikat nito. “Over ka talaga sa yabang, Haime. Ang sabihin mo, hindi mo lang talaga ma-resist ang charm ko.”

“Hmmm, mayabang ka rin ano? Bagay talaga tayo. Pa-kiss nga ulit.” He went down and kissed her lips. “I love you so much.”

“I love you, too.”



PREVIOUS

Comments

YatzSey said…
ngaun ko lang nabasa tong story nina Miel at Haime...wala ka tlgang kakupas kupas big sis...ang ganda i super luv it!
Melai said…
lil sis, hindi mo lang nahukay iyan sa Internet Serye :)
Bianki said…
wiw wala bang like button dito ?? hehe
Melai said…
haha, wala nga e. thank you so much bianki :)
kiz said…
ihhhhhhhh... ayown nmn pla. kacute ng ending :"> bungkal ulit, bka may mga hindi pa ako nababasa. haha
Melai said…
ang tagal na nito kiz. di mo pala to nabasa sa kabila? :o
Anonymous said…
Diyos ko po!!! Super sweet nmn...:-)
omorphie kun said…
2015 na. at ngayon ko lang nabasa 'to. Ang galing nyo pong writer. nakakatuwa po talaga

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…