Skip to main content

Waiting To Love You Part 3



Kung hindi lang natatakot makulong si Mhiel, at kung hindi lang ngumangawa ang anak niya dahil sa rejection na nakuha nito kay Haime at peer pressure na nakuha nito sa school, hindi naman talaga siya magpapakumbaba at magmamakaawa sa lalaking iyon. Kaso, wala siyang choice. Kailangan niyang gawin ito para sa anak niya.

Composed by her prim, proper and demure image, she went inside Pontez Building where Haime Catacutan was working. Pagpasok pa lang niya ay nilingon na siya ng mga tao roon. Hah! Ang ganda ko talaga. Nag-ayos talaga siya at nagpaganda ng husto para hindi na siya matanggihan pa ni Haime. She even wore a slight revealing dress to emphasize her goddess beauty.

Lumapit siya sa receptionist. “Miss, saan ang opisina ni Haime Catacutan?”

“May appointment po ba kayo, Ma’am?”

“Ako ang unang nagtanong di ba?”



Nagulat ata ang babae sa pagtataray niya. “Sa third floor po. Now Ma’am, may appointment po ba kayo?”

“Thank you.” Nilayasan na niya ang receptionist. Hinabol pa siya nito pero hindi na niya iyon pinansin. Tumuloy siya sa third floor at hinanap ang opisina ni Haime. Naabutan niya ang secretary nito.

“Diyan ba ang opisina ni Haime?”

“Opo, Ma’am kaso po may meeting po sila…Ma’am wait lang po!”

Dire-diretso siya sa pinto ng opisina nito at hindi na nagpapigil pa.

“So we will pursue the Concert For A Cause para sa mga cancer—Oh Mhiel. Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo rito? Sorry, I’m in the middle of meeting. Hindi kita makakausap ngayon,” sambit ni Haime nang makita siya. Andon din sa opisina ang Thunderkizz band at maging ang pamangkin niyang si Diane.

“Diane, what the hell are you doing here?”

“Nagdala lang ako ng pulot sa mga gwapings na ito! And I’m sponsoring the concert for a cause nila.” bulalas ni Diane. “Ikaw? At kelan ka ba natutong magsuot ng sexy na damit, Ate Mhiel? Mang-aakit ka ba?”

“Shut up!” Minsan na nga lang niya makita ang pamangkin niya ay ganon pa ang eksena. Ang malas naman niya.

“Well, break muna tayo, Haring Haime. Do’n lang kami sa cafeteria. Mukhang kelangan n’yo ng intimate talk ni Ate Mhiel,” makahulugang litanya ni Yohann.

Nagsimula ng mag-alisan ang mga tao roon.

“Pero nagsisimula pa lang ang meeting—hey!” Wala ng nagawa si Haime kundi ang balingan siya. Sila na lang ngayong dalawa sa opisina nito. “What do you want?”

“Iatras mo ang mga kaso mo sa akin.”

“And why?”

She moved closer to him. “I’ll do anything just drop the case. Hindi ako pwedeng makulong. Kawawa naman ang anak ko. And besides, I will ask a favor to you.” She stared at him pero mali atang hamon iyon dahil nang sandaling masilayan niya ng malapitan ang gwapo nitong mukha ay nagsirko na ang puso niya.

“A favor? Ano?”

“Be the father of my child even for one day. May family day sa school niya and he badly needs a father on that event.”

“Then call his real father.”

“He doesn’t have a father.”

“What do you mean by that? You’re a blessed immaculate?” sarkastikong banat nito.

“No.”

“He’s an adopted child then.”

“No.”

“And what?”

Napapikit siya ng mariin. “Kung sasabihin ko ba sa’yo, papayag ka sa favor na hinihingi ko?”

“Depende…” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “All right then, sige.”

“Hamiel was a baby by artificial insemination.” She moved away and sat at the visitor’s chair. Nang balingan niya si Haime ay hindi na maipaliwanag ang mukha nito. “Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng sperm cells na inilagay sa akin kasi kinuha lang iyon sa sperm bank and the doctors kept the other details confidential. Ang alam ko lang Pinoy din ang kung sino mang ama niya dahil ang request ko, sperm cell ng Pinoy ang ilalagay sa akin.”

“Saan ka nagpa-artificial insemination?”

“Penang Malaysia. Gleneagles Medical Centre.”

“Could it be…” halos pabulong na usal nito.

“What?” untag niya.

“Oh, nothing. Continue your story.”

“Wala akong mailagay na pangalan ng ama ng anak ko. Hindi ko kasi naisip agad iyon e. Kaya nung pinanganak ko siya, ikaw ang naisip kong isangkalang na ama niya.”

“And you even patterned his name from us. Question, bakit mo naisip iyon? I mean, you could always have a baby in a normal way. Have a boyfriend, marry a guy, make love and then got pregnant.”

“Don’t you think I can still trust men after you humiliate me at my face? You even asked how much I am as if you want to buy me. Ganon kababa ang tingin mo sa akin.”

“Hindi ganon ang tingin ko sa’yo,” kontra nito.

“Pero iyon ang naramdaman ko noon. So tell me, how can I trust your kind? Kelangan ko ng anak na magmamana ng yaman ko at hindi ko na kinailangan ang boyfriend o asawa. So now that you know, will you do me the favor? Kahit anong kapalit gagawin ko.”

He stood up and went infront of her. “Anything?” He moved closer when she nodded. “Kahit ito?” He immediately grabbed her nape and lovingly and passionately kissed her. Iyon na naman ang eksenang iyon. At ganon pa rin siya. She seemed like a slave hypnotized by his warm kisses. At sa lahat ng eksena, hindi niya inasahang tutugon siya sa halik na iyon. They’re both panting when their lips parted. “I want you, Mhiel.”

“Ano?” Nabingi ata siya. Sa lahat ng joke iyon ata ang hindi niya ma-take.

“Payag ako sa favor and even in excess of that pero ikaw ang kapalit. Stay with me. Live with me. Love me.”

Napamulagat siya. Again, binibili na naman siya nito. “Pero—”

“O, akala ko ba, gagawin mo ang lahat? Ito lang ang gusto ko.” He gave another quick
kiss on her lips and move away. Habang si Mhiel ay nanatiling nakatanga lang sa wala. “Alright sige na nga. Kung ayaw mo nung idea ko, Mag-road manager ka na lang sa Thunderkizz. Since magaling kang stalker, pakinabangan natin ang hidden skills mo na iyan. Mag-start ka na bukas. Okay?” He went back on his swivel chair.

Ganon na lang iyon? Matapos mo akong halikan parang wala lang? “Can I ask stupid question?”

“Go ahead.”

“Why the hell did you kiss me?”

“Because I love you.” By looking at his damn handsome face, Mhiel can see the sincerity on his eyes. Pero sinong siraulo ang maniniwala sa drama nito?

“Pwet mo, Haime. That’s so stupid.”

“Pwet mo rin!”

Tumayo na siya. She was about to leave the office when she turned back to him. Malayo na ang tingin nito sa bintana na waring may iniisip na kung ano. “Sa makalawa ang Family Day ng anak ko. Wag mo iyong dedeadmahin. Na-reject mo na siya before. Sana hindi mo na uulitin iyon.”

Bumaling ito sa kanya. “You have my word, Mhiel. And by the way, I want you to wear something like that again everytime you work here.”

Napataas ang kilay niya. Talagang inaabuso na nito ang pagkababae niya.

“You really looked sexy on that dress. Maganda ka naman talaga, Mhiel. Siraulo lang ako noon at hindi kita na-appreciate.”

“Talaga!”

“I’ll be visiting you tonight.”

“At bakit?”

“’Cause I’m crazy.”


ALAS-SIETE pa lang ng umaga ay on action na agad for another day of overload schedule ang Thunderkizz Band. Isang buwan na siyang Road Manager ng banda at marami ng nagbago. Nakita niya ang other side ni Haime. Nakita niya at naramdaman din ang concern nito, pag-aalaga at pag-aasikaso. Malayo sa pagiging slave ang naging role niya sa pagiging RM ng banda. Akala pa man din niya ay magiging alila siya pero opposite ang nangyari. Most of the time ay nasa tabi lang niya si Haime at ito lang din ang gumagawa ng mga iniutos nito sa kanya.

Nalaman niyang hindi naman pala ito bato katulad ng iniisip niya. Nakuha na ni Haime ang loob ng anak niya. Sa katunayan, mas matagal ng magkasama ang dalawa kesa sa kanilang mag-ina. Ilang beses na rin niyang napagsabihan si Haime na wag masyadong paasahin ang anak pero hindi naman siya pinapakinggan nito. Wala lang naman daw dito kung sakaling tuluyan na nitong akuin ang bata. At iyon ang bagay na kinatatakutan niya dahil ibig sabihin din noon ay forever na rin niyang makakasama ang tanging binatang minahal niya pero wala man lang ni katiting na pagmamahal sa kanya.

Nasa rehearsal studio siya kasama ng Thunderkizz Band. “Okay, recap of schedule muna tayo. At 10am you’ll have a tv guesting in a morning talk show. At 1pm you’ll have a meeting for the storyboard of the music video of Stranger with Pontez staff. At 4pm you’ll have a mall show at SM North Edsa and at 8pm until dawn maybe, you’ll have a gig at Senang Hati.”

“Wow, loaded na naman tayo today. Hindi na naman ako makakasilay sa Prince Charming Hanilabs ko,” sambit ni Ayame.

“’Wag kang mag-alala Ayame, pupunta daw siya sa mall show at sa Senang Hati,” sambi niya. “’Wag mo na lang ipapahalata na alam mo iyon.”

“Ay talaga? Ang ganda ko talaga!” bulalas pa nito na ikinatawa ng grupo.

“Ano namang koneksyon no’n?” tanong ni Drexcel.

“Wala, asa ka pa kay Ayame,” hirit ni Yohann.

“Baliktad ang takbo ng utak niyan,” dagdag ni Hansen.

“Minsan baluktot din,” pahabol na hirit ni Reijan sabay tawa.

Pati tuloy siya ay napatawa na. Masarap talagang alagaan ang bandang ito. No wonder mahal na mahal ni Haime ang grupo. Sa kabila kasi ng asaran ng mga ito ay batid nilang mahal nila ang isa’t isa kahit na nga magkaaway pa sila. They were not just a band but a good circle of friends.

Biglang bumukas ang pinto. “Mama, I won a gold medal!” Agad na yumakap sa kanya ang bata. Ibinigay nito sa kanya ang medal.

“Wow, Congrats baby, saan ‘to?” Sinipat niya ang medal.

“May open tournament pala sa Batangas Racing Circuit. Nagpumilit sumali iyang si Hamiel. Well kahit walang practice, he achieved the first place sa motocross. Very brilliant! Mana sa tatay,” sambit ni Haime. Parehong motocross ang hobby ng dalawa at ngayon lang niya napagtanto iyon.

Bata pa lang si Hamiel ay nakitaan na niya ito ng hilig sa motorcycle kaya nauwi ito sa motocross. She even hired a professional rider para turuan ang anak niya. Hindi niya agad naisip na motocross din ang hilig ni Haime. Plus, looking at Haime and her son together, mukha talagang mag-ama ang dalawa. They have the same features.

“Mama, si Daddy din nag-won ng gold!” bida ni Hamiel.

Ipinakita ni Haime ang medal nito.

“Congrats, Haring Haime!” sambit ng Thunderkizz.

“Thanks.” Bumaling ito sa kanya. “Aren’t you proud of us?”

“Of course I am,” casual na sagot niya. “Masyado n’yo atang na-enjoy ang isa’t isa. Dalawang araw mo ng kasama ang anak ko. Baka mamaya hindi na ako kilala ng anak ko, ikaw na lang ang kilala niya.”

Napakamot sa ulo si Haime. “Sobra ka naman. So I think we deserve a reward from you.”

“Reward?”

“I’ll get my reward first, Daddy!” Hamiel kissed her. “I love you, Mama.”

“I love you, too, baby.”

Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari. Haime leaned down and kissed her, too. “I love you, Mama Mhiel.” malambing na sambit nito. Parang sinipa ang dibdib niya sa lakas ng kabog ng puso niya.

“I… I… Ay! ano ka ba?” Hinampas niya ito sa dibdib.

“Woooh! Ang agang lampungan naman niyan!”

“Magpakasal na kasi kayo.”

“Magko-compose kami ng wedding song para sa inyo.”

“At kami na rin ang musikero para libre!”

Pero hindi nila pinansin ang mga ito. Haime just stared at her. “Bakit ba hindi ka naniniwala sa akin? Hindi mo man lang ako na-miss?”

Pinandilatan niya ito. “No.”

“Okay.” He moved away. Inagaw nito ang hawak niyang clipboard. “Take the day off, Mhiel. Ako na muna ang magtatrabaho ngayon.”

“Sure ka? Loaded ang schedule ngayon.”

He smiled. “Ako pa. I’m doing this job for six years now. Sanay na sanay na ako.”

“Okay.” Naglakad na sila palabas ng anak niya nang tawagin siya ulit nito. “Bakit?”

“Drive safely and take a good rest. You look pale and tired. I’ll check you out tonight, okay?”

Tumango lang siya. “Okay.Thanks.”

He smiled. And she felt her heart skipped again.



IT WAS Thunderkizz Band’s victory party after it’s Concert for A Cause. Naging successful ang concert at marami pa ang nagre-request ng ‘repeat’. Nakalikom ng malaking halaga ang concert para sa mga cancer patients na kailangan ng assistance sa medication nila. Ito ang naisip na outreach project ng banda bilang pag-alala na rin sa namayapang kakambal ni Hansen na pumanaw sa parehong sakit.

Mhiel wasn’t in good condition that night. Masama ang pakiramdam niya dulot ng dysmenorrhea kaya nahusto na lang siyang nakayukyok sa isang mesa na hindi masyadong pansinin ng ibang guest. Nakasubsob siya sa mesa habang ang isang kamay niya ay nakakipkip sa puson niya.

Waaah! Ang hirap talagang maging babae!

“Ate Mhiel?”

Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Drexcel pero hindi niya ito inintindi.

“Ate Mhiel!” Inalog siya nito. “What’s the problem?”

Napilitan siyang tumunghay. “Masama ang pakiramdam ko, Drexcel kaya kung pwede, kayo na lang ang magparty. Leave me alone. Okay lang ako dito.”

“Namumutla ka, Ate. Wait there, I’ll call Haime.”

Hindi na niya ito naawat. Sumubsob na lang ulit siya. Peste! Bakit ba hindi na tumalab sa akin ang pain reliever na ininom ko? Palagi siyang ganon kapag may monthly period siya at lumalala pa ang lagay niya kapag pagod at stressed siya.

Naramdaman niya ang presence ni Haime. “Mhiel?” Hinaplos nito ang buhok niya.

“Pass muna ako sa power trip mo, pwede? Pass na rin muna ako sa mga iuutos mo. Masama ang pakiramdam ko kaya iwan mo ako, okay?”

Masuyong itinunghay nito ang ulo niya at isinandig siya sa dibdib nito. Sa kabila ng pain na nararamdaman niya ay nagawa pa talaga ng puso niyang magta-tumbling sa sweet gestures ni Haime.

“Pumasok na tayo sa hotel para matingnan ka ng doctor. Namumutla ka and you’re obviously not okay.”

Akmang aalalayan na siya nitong tumayo nang humindi siya. “Ayokong kumilos, masakit kasi.”

Nag-aalalang binalingan siya nito. “Alin ang masakit?” Itinuro niya ang puson niya.

“Dysmenorrhea?” Tumango lang siya. “Only a doctor can help you, Mhiel. Nasa loob na si Doc Penpen. “Sige na ‘wag ng matigas ang ulo.”

Hinayaan na lang niya ito. Dahan-dahan siya nitong itinayo ngunit ang konting kilos na iyon ay nagpalala ng sakit na naramdaman niya. Nakakailang hakbang pa lang sila ay huminto sila sa paglalakad at binuhat na siya nito.


PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

kiz said…
pwet mo rin. hahah. natawa ako doon. kilig :">

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…