Skip to main content

Waiting To Love You Part 2





Sa isa sa mga tables sa kainan sila nauwi para mag-usap. “What the hell was your son said? Tatay niya ako? How come? We didn’t had a relationship. We never touched each other. I never even kissed you. Oh Mhiel, ganyan ka na ba kadesperada na makuha ako kaya sinabi mo sa anak mo na ako ang tatay niya?”

Patience… patience… “Ang kapal talaga ng mukha mo, Haime. Feeling mo naman sasambahin pa kita? Di ba’t sinabi ko na noon na kahit mangisay ka pa sa harap ko, hindi kita lilingunin. Ikaw ata ang hindi maka-move on sa ating dalawa e.”

“Look who’s talking. So tell me, paano ko naging anak ang anak mo? Nasaan ba ang tatay niya? Wala man lang bang reaction ang asawa mo dito?”

“Wala akong asawa. At wala ka ng pakialam kung sino ang ama ng anak ko. At wala kang pakialam sa buhay naming mag-ina.”

Hinilot nito ang batok. “May pakialam ako dahil ako ang tinuturong ama ng anak mo. Lumalabas na pinabayaan ko siya. I don’t even know if he carries my surname and if he does, it will develop other complications. And to tell you one thing, I’ve been dreaming of him consecutively for three years now.”




“Ha? Bakit mo naman napapanaginipan ang anak ko?”

“Ewan ko. Baka pinakukulam mo ako.”

“Ay hindi ko naisip iyan noon. Dapat pala pinakulam kita ano para nakaganti man lang ako sa’yo,” sarkastikong buska niya.

“Why do you hate me that much? Ginawa mo ito para gumanti sa akin? Anong sunod nito? Hihingi ka ng sustento? Kakasuhan mo ako para may excuse kang makahingi ng pera sa akin?”

She had enough insults. Sinampal niya ito. Maging siya ay nagulat sa ginawa niya. “Nagtanong ka pa? Puro na lang ba insulto ang sasabihin mo sa akin? Haime, wala akong pakialam sa pera mo kaya for once respetuhin mo naman ako bilang tao. And for your information, I am 76 million net worth now and I can even buy your soul, Mr. Catacutan. Langaw ka na lang sa paningin ko ngayon. You can now step out of this establishment. At wag na wag ka ng babalik dito.”

But he just stared at her. “Talagang hindi. But still we will see each other at court. I’m going to sue you. Magpapalabas din ako ng temporary restraining order para hindi ka na makalapit kay Ayame dahil nakakasama ka sa alaga ko. Kaya pala siya madalas namamalat binibigyan mo siya ng chocolate at spicy chicken e bawal sa kanya iyon. Nagbebenta ka rin ng mga personal things, autographs at pictures ng Thunderkizz na hindi man lang humihingi sa amin ng permit. That’s illegal. I’m their manager and I will protect them from unhealthy fan like you. Plus, I’ll sue you for falsification of public document for putting my name as your son’s father in his birth certificate. Hinding-hindi ko aakuin ang anak mo.”

“Eh di ‘wag. Magkita tayo sa korte. Now get out! O gusto mong ipakaladkad kita sa guards para mas masaya?” buska niya dito. “Get out!” Tumayo na siya para iwasan ito nang haklitin nito ang braso niya. “Ano ba?”

“Bakit hindi mo na lang aminin na may gusto ka pa rin sa akin hanggang ngayon?” tanong nito.

“Hah! Sabi na nga ba, ikaw ang hindi maka-move on. Bakit? Nagsisisi ka bang pinakawalan mo ako?” Bigla niyang naalala ang mga binatawan nitong salita noon. “Oh, qualified na nga pala akong maging date mo ano? Pero sorry ka na lang Haime, I don’t date stupid men like you. Oh again, qualified na rin pala akong sampalin ka di ba? Gusto mo ng isa pa?”

“Mhiel!”

“Aray! Ano ba?”

“Bitawan mo ang Mama ko!” Bigla na lang sumulpot si Hamiel at pinagsusuntok nito si Haime. Nabitawan tuloy siya nito. “Bad ka! Bad ka!”

Walang nagawa si Haime kundi ang saluhin ang suntok ng anak niya. Kinabig niya ang bata at inilayo kay Haime.

“No baby. Nag-uusap lang kami. Didn’t I tell you, masama ang nananakit? Mag-sorry ka sa kanya,” sambit niya sa bata. Kahit kailangan ay hindi siya naging kunsintidor na ina. Pag may mali ang anak ay pinangangaralan niya ito.

Umiling ang bata. “Ayoko po.”

“Hamiel!”

Binalingan ng bata si Haime. “Umalis ka! Kung ayaw mo po sa akin, ayoko rin po sa inyo! Bad ka!”

Umiiyak na tumakbo papunta sa office ang bata. She felt tears fell from her eyes. Ngayon lang niya nakitang nasaktan ng ganon ang anak niya. And it’s all because of this damn handsome man in front of her.

“I’m sorry,” sincere na sambit nito.

“Umalis ka na, Haime. Sinaktan mo na nga ako noon, pati ba naman anak ko? Sige na alis na,” pagtataboy niya dito.



NAGULAT si Mhiel nang sandamakmak na bulaklak ang dumating sa opisina niya.

“Ano ba iyan? Wala namang patay dito,” singhal niya sa mga delivery man.

“Napag-utusan lang po ako, Ma’am.” Iniabot nito sa kanya ang pipirmahang receipt. “Sige po, Ma’am. Sweet po ng boyfriend ni’yo. Halos lahat po ng bulaklak sa shop namin binili niya para mapatawad ni’yo na daw po siya.”

“Hinihingi ko ba ang opinion mo?” Tila naman nasindak niya ang pobreng delivery man kaya walang imik na lumabas na ito.

Inisa-isa niya ang mga bulaklak. Mamahalin lahat ang mga iyon at tila nakaka-relax tingnan pero wala siyang alam na magbibigay sa kanya ng bulaklak. Wala naman siyang manliligaw.

Nag-ring ang phone niya. “Yes?”

“Ma’am, Mr. Catacutan on the line one.”

“Ano? Talaga naman ang lalaking iyon. Hindi na ba niya ako titigilan?”

“Eh, Ma’am, sasagutin n’yo po ba?” anang secretary niya.

“Sige.” Nag-iipon na siya ng energy habang nagko-konekta ang call.

“He-”

“Ano na naman bang problema mo, Haime?”

“Like the flowers? I’m just apologizing,” sambit ni Haime sa kabilang linya.

Sa hari ng yabang pala galing ang mga bulaklak. “Kahit ibili mo pa ako ng ilang branches ng flower shop, hindi na kita mapapatawad.”

“Kahit tanggapin ko ang anak mo?”

“Ano iyan? Power trip? Kasasabi mo lang na hindi mo aakuin ang anak ko. Idedemanda mo pa nga ako di ba?”

“Nagbago na ang isip ko, Mhiel. Hindi na kita idedemanda. When I saw the mixed anger and sadness in your son’s eyes, I felt something. Hanggang sa panaginip ko, umiiyak ang anak mo. Nasaktan ko siya at nakokonsensya na ako.”

Natahimik siya sa sinabi nito.

“Mhiel, ayoko ng guilt na nararamdaman ko.”

“Wala kang dapat ikakonsensya, Haime. Hindi mo naman anak si Hamiel. Ipinangalan ko lang siya sa’yo. Papel lang iyon. You’re not his biological father.”

“Let’s start over. I know we had a dark past pero gusto kong ayusin na ang problema natin.”

Napakunot ang noo niya. Ano kayang nakain ni Haime at bigla itong nakipag-ayos sa kanya?

“Wala tayong problema. And the answer is no. Lubayan mo na kami, baka pag ginawa mo iyon mapatawad pa kita.” She ended the call.

Biglang may lumagabog sa labas ng opisina niya. Agad siyang lumabas at nakitang nakahandusay sa sahig si Haime na may hawak pang bouquet ng rosas. Agad niya itong dinaluhan.

“Haime?” Nag-aalalang tinapik niya ang pisngi nito pero walang response. Binalingan niya ang mga tauhan. “Tumawag kayo ng nurse, ng doctor, ng ambulansya, ng bombero, ng pulis, ng pari!” singhal niya. Saka lang nagsikilos ang mga tauhan niya.

Binalingan niya ulit si Haime. Tinapik niya ang pisngi nito. “Haime naman! Ay!” Nagulat siya nang pwersahang hinila siya nito at awtomatikong hinalikan siya.

Umikot ng 360 degrees ang isip niya habang masuyo siyang hinahalikan nito. Then her heart kept on beating like crazy. Gusto niya sanang lumayo pero hindi niya magawa. His kisses were giving her all reasons to stay that way.

Then it ended at sinalubong siya ng nakangising si Haime. “Now tell me lady, aren’t you over me? Or you still want me? I guess, you loved that scene huh.”

Pakiramdam ni Mhiel ay natutunaw na yelo siya sa hiya. Bistado na siya. And damn his sweet kiss. Pinatunayan lang ng eksenang iyon na gusto pa nga niya ito. At ayaw niya ng katotohanang iyon.
Sa galit ay pinaghahampas niya dito ang bouquet. “Kahit kelan, walang hiya ka talaga!” Hinampas niya ang mukha nito. Tumigil lang siya nang may nakitang dugo sa mukha nito.

Tumayo siya.

“Kakasuhan kita ng physical injury. Na-damage mo ang tinitiliang mukha ko,” sambit nito.

“Kakasuhan kita ng sexual harrassment! Manyak!” Nilayasan na siya nito.

“Fine! Kung ayaw mo talaga sa akin e di wag!” singhal din nito. “Feeling mo naman maganda ka?

Ikaw na nga itong hinahabol pakipot ka pa.”

Iyon ang huli niyang narinig mula dito na lalong kinainis niya.



“ATE Mhiel, pinagbabawalan na ako ni Haring Haime na pumunta dito. Tumakas lang ako para masilayan ko ang aking prince charming hanilabs,” bungad ni Ayame nang dumating ito sa opisina ni Mhiel. “Ano ba kasing problema ni’yo ni Haime?”

“Ako wala akong problema. Siya siguro meron,” pabalang na sagot niya.

“Bibigyan ka na niya ng problema, Ate. Nag-secure siya ng Temporary Restraining Order para hindi ka na makalapit sa Thunderkizz especially sa akin at para hindi ka na makapanood ng concerts namin.”

“Ano?” Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. “Hindi pwede iyon!”

“Marami pa siyang kasong isasampa daw sa’yo. Mukhang seryoso siyang ipakulong ka.”

May kumatok sa pinto at pumasok ang secretary niya. May iniabot itong white envelope at lumabas din agad.

Binuksan niya ng envelope at subpoena ang laman noon. Di siya makapaniwalang sineryoso talaga ni Haime ang pagsasampa ng kaso sa kanya. “Hindi ako pwedeng makulong, Ayame. Paano ang anak ko?”

“Kaya nga makipag-ayos ka na sa kanya.”

“Makipag-ayos? No way!”

May kumatok na naman ng pinto at pumasok si Hansen ng Thunderkizz band at buhat nito ang nag-iiyak niyang anak.

Agad niyang kinuha dito ang bata. “Anong nangyari sa baby ko?” tanong niya kay Hansen. Ito ang Prep Teacher ng anak niya.

“Nakita ko siyang binu-bully ng mga kaklase niya. Inaasar siya kasi wala daw siyang tatay,” pahayag ni Hansen.

“Mama,” suminghot-singhot ang bata sa pagitan pag-iyak, “ayaw ko na pong pumasok. Sabi nila hindi daw ako normal kasi wala akong tatay.”

“No, anak. Hindi ka pwedeng tumigil mag-schooling dahil lang inaasar ka nila. Hindi naman totoo iyon. May tatay ka, anak.”

“Hindi naman niya ako mahal.” Humagulhol lang ng iyak ang anak niya.

“Tahan na, anak.” Hinele nya ang bata para maalo ito.

“Ate Mhiel, kailangan mong ipaliwanag sa bata ang tungkol sa ama niya o kaya naman makipagbati ka na kay Haime.”

That’s the worst suggestion she ever heard. Mamamatay muna siya bago siya makipagbati sa hari ng kayabangan na iyon.


PREVIOUS                                                              NEXT

Comments

kiz said…
waaaaaaaaaaaahhh.. kinilig, nainis, naloka ako sa part nato. haha

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…