Skip to main content

Waiting To Love You Part 1



“And the lucky girl who will have an exclusive date with our campus hottie, Haime Catacutan is….”

“Ako ‘yon, ako na ‘yan! Promise! Wuuu! I love you, Haime!!” parang lukring na tili ni Mhiel sa kalagitnaan ng kumpulan ng mga babaeng sumali sa campus dating draw. She really wanted to have a date with Haime. Sino ba naman ang hindi? Haime was the hottest among the hottest campus icons since he stepped inside De La Salle University. Consistent Dean’s Lister, UAAP MVP taun-taon, model na rin ito ng print ad magazines, at higit sa lahat napakagwapo nito at super-talented. Freshman pa lang noon si Mhiel nang una niyang masilayan ang binata sa loob ng basketball court habang lumalaban ang varsity team nito sa NCAA. Na-lovestruck siya sa binata kaya mula noon ay inalam na niya lahat ng detalye tungkol dito. Maging ang oras nito ng pagpasok sa campus at ilang mga personal na bagay. In short, isa siyang lihim na stalker ng binata.

“Ay naku, Mhiel. Hindi kita friend today,” biro ni Dhey sabay layo ng konti sa kanya.

Hinila niya ito palapit sa kanya. “Ano ka ba? Pagbigyan mo na ako. Siya lang naman ang bisyo ko.”

“Sino nga kaya ang maswerteng makaka-date ni Haime?” Binitin pa ng Emcee ang announcement sabay baling kay Haime na nakaupo sa isang mono-block chair sa stage. “Are you excited to meet your date?”




“Definitely, yes!” Makalaglag-pangang ngiti ang pinakawalan ni Haime na siyang ikinatili ng sangkababaihan kabilang na si Mhiel.

“Ako! Ako! Gustong-gusto ko!” Itinaas pa ni Mhiel ang kamay. “Pakakasalan pa kita sa lahat ng simbahan, Haime ko!” Narinig ata siya nang binata dahil bigla na lang itong bumaling sa direksyon niya at nginitian siya. Nakalimutan na ata niya ang huminga nang matulala na lang siya sa kagwapuhan nito.

“Consistent Dean’s Lister din siya at member ng drama club. She’s non-other than Ms. Mhiel Marie Dimasindac of Masters in Hotel and Restaurant Management Department. Congrats, Mhiel!”

Nabingi ata si Mhiel nang marinig ang pangalan niya. Nanalo ako! “Nanalo ako?” Wala sa sariling baling niya kay Dhey.

“Oo, gaga. Nanalo ka nga kaya umayos ka. Mukha kang may sanib friend. Baka matakot si Haime sa’yo. Oh, ayan na siya palapit sa’yo girl.”

“Ha?”

Muntik na siyang mapatili to the highest notes nang paglingon niya ay ang nakangiting si Haime ang agad niyang nakita. He offered his hand to her. “You’re Mhiel right? I heard a lot of things about you.”

“Ha?” Hindi naman siya sikat sa campus. Ano naman kaya ang alam nito sa kanya?

Sumeryoso ang mukha nito, and insisted his hands to her. Parang timang na tinanggap naman niya ang kamay nito.

“Hmm, you’re pretty enough sa malapitan. Not bad,” komento nito.

“Ha?”

“See you tonight at the lobby, Mhiel. Mamayang gabi ang date natin. Sorry, kasi wala na rin akong oras sa mga susunod na araw.”

“Ay okay lang…ah..ano… sige, tonight.”

“Good then.” He let go of her hand. Ayaw pa sana ni Mhiel bumitaw pero masyado na siyang magmumukhang sabik sa binata. Hindi naman siya ganon… hindi naman masyado. “See you, Mhiel.”

Nakatulala pa rin siya kahit nakaalis na ito. Parang nananaginip lang siya. After almost six years of stalking, finally makaka-date na rin niya si Haime bago siya magtapos ng Master’s Degree niya. Panalo!

“Oy, kanina pa siyang lumayas,” untag sa kanya ni Dhey.

“Tara, Dhey, samahan mo ako sa parlor.”

Tumawa ang best friend niya. “Bangenge ka talaga. Ikaw na lang. May duty pa ako sa hospital.” Medicine student ito at Intern Doctor na. “Good luck.”

“Thanks, mare.”

“Good luck sa kanya at hindi sa’yo,” pahabol nitong biro.

“Tse! Hmm, makapagpa-parlor na nga.”


DASHING in her baby pink short-length dress, nangingiting pumasok ng lobby si Mhiel. Seryosong nagpa-parlor siya. Kailangan niyang maging pinakamagandang dilag sa mata ng Haime. Chance na niyang magpa-charming kaya itotodo na niya ang powers niya.

Natagpuan niya ang binata na nakaupo sa bleacher. At nang mapalingon ito sa kanya ay kagya’t itong natulala.

Hmm, sige Haime ko. Pagmasdan mo ang kagandahan ko!

Nang makalapit siya dito ay agad itong tumikhim at naging seryoso ang mukha.

“I’ll bring you to a restaurant nearby.” Bumaling ito sa kanya. “Hope you don’t mind.”

“Okay.”

Iginiya siya nito sa kotse at tahimik silang nagbyahe. Pagdating nila sa restaurant ay umorder muna sila ng pagkain. At ng matapos sila ay saka lang siya inimikan nito.

“Why me?”

“Ha?” napaangat si Mhiel ng mukha at sinalubong siya ng seryosong mukha ni Haime. Hindi ata ito nage-enjoy sa date nila at mukhang galit din ito. “Anong problema?”

“Of all the campus icons here, why did you choose me? You’re my famous stalker, Mhiel. Akala mo ba, hindi ko alam iyon? And you’re such a pain in my neck since then. Ayoko nang sinusundan mo ako.”

“Masama bang alamin kung ano ang whereabouts ng taong gusto ko?” mataray na sambit ni Mhiel sa kabila ng kabang nararamdaman. Naaasar kasi siya sa kagaspangang ipinakita nito.

“Masama. Lalo na sa akin dahil hindi naman kita type. Oh well, for your information, Miss Dimasindac, this dating game was just a planted bomb on your head. Manipulated ito at sadyang ikaw lang ang target ko dito dahil gusto kitang kausapin or better yet, gusto kitang ipagtabuyan sa buhay ko.”

Bumangon ang galit sa puso niya. “Ang sama mo pala. Ikaw na nga itong sinasamba ayaw mo pa? Ano bang ayaw mo sa akin? Maganda naman ako, matalino, mabait.”

“Magkano ka?”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Binibili siya ng gago. Pero hindi siya nagpatinag. Oo nga at baliw na baliw siya dito pero hindi ibig sabihin noon ay exempted ito sa pagiging Dimasindac niya. She stood up and dramatically slapped his cute and charming face. “Siguro nga nagustuhan kita. Pero hindi ako ganon kababa para bilhin mo lang. Isaksak mo sa baga mo ang yaman mo.” About face and walked out.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay narinig niya ang boses nito. “I don’t date woman with less than seventy million net worth. Kaya ‘wag ka ng aasa na lilingunin pa kita, Miss Dimasindac. You’re not even qualified to slap my face.”

Hah! Grabe sa yabang ah! Eksaheradong nilingon niya ito. “Sorry ka na lang dahil nasampal na kita. And don’t worry, Mr. Catacutan, hinding-hindi na kita lilingunin kahit bumula pa ang bibig mo at mangisay ka pa sa pagmamakaawa sa akin. You’re also not worthy of my time.”

Papalabas na siya ng restaurant nang may naalala siyang sabihin kaya bumaling ulit siya dito at isinigaw ang kanyang saloobin. “By the way, I also don’t date gay pretending to be a straight guy. Eeeew!” At nag-mega grand exit na nga siya. Taas noo pa rin siya kahit na ipinahiya siya ng lalaking iyon. Madali naman sa kanya ang gumanti. Most of the customers in the restaurant were students of the same university. Tiyak siyang mabilis kakalat sa campus ang isiniwalat niyang kasinungalingan.

You messed with a wrong woman, Haime.


After five years.


“O, di ba sabi ko sa inyo, serve with a smile! Hala, magsingitian kayong lahat!” mando ni Mhiel sa mga tauhan niya. She was now an owner of several branches of the leading fastfood chain in the country. At bilang owner, hands on siya sa negosyo.

“Ma’am kahit po ba malungkot kami ngingiti pa rin kami?” pilosopong tanong ng isang service crew. Tiningnan lang niya ito ng masama kaya ngumiti na ito. “Sabi ko nga po, ngiti lang.”

“Gusto ko bukas, pare-pareho ng shade ang mga make-up n’yo ha. Ayoko ng parang may perya dito,” dugtong pa niya. Isa sa mga crew ang nagtaas ng kamay. “Ano?” singhal niya dito.

“Pati po ako, magme-make-up?”

Pinandilatan niya ito. “Jess, bading ka ba?”

“Hindi po, Ma’am. Lalaking-lalaki po akey!” Ikinumpas pa nito ang malantik na kamay sa hangin.

Napangiwi siya habang tumatawa ang iba pa niyang tauhan. “Sayang ang gandang-lalaki mo, Jess. Wag ka ng makikipaglaro sa anak ko ha. Baka maging bading pa si Hamiel. ‘Pag nangyari iyon, babangungutin ka.”

“Okay, Madam. So pwede na rin po akong mag-make-up?”

“Pwede ka na ring lumayas dito.”

“Ayoko na po ng make-up. Masama po iyon sa delicate skin ko.”

Natawa na lang siya sa hirit nito. Topaking boss lang siya pero makatarungan pa rin naman siya kaya nga kahit may pagka-dragon siya minsan, hindi pa rin naman siya nilalayasan ng mga empleyado niya.

“Choi, ayusin mo iyang pagma-mop mo. Bago ka pa lang dito kaya ayusin mo ang trabaho mo para magtagal ka.”

“Yes, Ma’am,” tugon nito.

Ang totoo, ito ang pinakamasipag sa lahat ng baguhan niyang empleyado. Madalas nga lang niya itong napapagtripan dahil ito rin ang pinakagwapo sa mga tauhan niya. And not to mention, ito ang apple of the eye ng paborito niyang singer cum drummer ng Thunderkizz Band na si Ayame Fujisaki. Para na kasi niyang nakakabatang kapatid si Ayame kaya lahat ng gusto nito, ibinibigay niya kasama na do’n si Choi. At ang kapalit, sandamakmak na autographs at pictures nito pati ng rin ng Thunderkizz Band na ipinagbibili rin niya sa mga kakilala niya.

And speaking of Ayame, napangiti na naman siya nang makita niyang pamasok ito. “Ayame, my dear, good morning!”

“Good morning, Ate Mhiel!” Yumakap ito sa kanya ngunit bigla ring nawala sa kanya ang atensyon nito. Kumalas ito at niyakap si Choi. “Ay, ang gwapo mo sa umaga, my prince charming hanilabs!”

“Matagal na akong gwapo. Umalis-alis ka nga, nagtatrabaho ako,” nakasimangot na tugon ni Choi.

Hard to get. Napangiti lang siya. The two was a good pair of lovers. In denial nga lang si Choi habang si Ayame naman ay bulgar na bulgar na ang pagkagusto dito.

“Ayame, mahaba pa ang byahe natin. Kung gusto mong bumili ng pagkain, bumili ka na hindi
iyang agang-aga hina-harass mo iyang… sino ba iyan? Oy Ayame!”

All of a sudden ay pumailanlang sa buong fastfood chain ang pamilyar na boses ng lalaking iyon. Oh no, this can’t be. Binalingan niya ang kapapasok pa lang na binata at nakumpirma niya ang hinala. Standing in the middle of her stunned employees was Haime Catacutan with the capital C. As in Cakapalan ng mukha.

Natigilan din ito nang makita siya. He was staring at her as if she was the most unbelievable goddess mingling with mere mortals. Then Mhiel recognized the unusual heartbeat she last felt five years ago as he kept on gazing at her. Haime was still damn good-looking especially now that he looked like a sporty one with his khaki shorts and cotton shirt. Mukhang bagong gising lang ito. Walanjo, ang gwapo!

Pero bago pa siya mahumaling ulit sa binata ay agad niyang naalala ang madilim nilang nakaraan. Pinagtaasan niya ito ng kilay nang ngumiti ito. Binalingan niya ang isang crew.

“Serve them what they want. Lalo na kay Ayame. I’ll just be in my office. Sumama kasi ang pakiramdam ko. May nakakasuka akong nakita.” Tinapunan niya muna ng masamang tingin si Haime bago siya pumasok sa pinto ng opisina niya.

Ngunit hanggang sa loob ng opisina niya ay kumakabog pa rin ang puso niya. Hindi rin maalis sa isip niya ang nakakalaglag-pangang ngiti nito. Napapikit siya ng mariin. Hindi pwedeng makalipas ng ilang taon ay in love pa rin siya sa mayabang na iyon.

“Mama, may sakit ka po?” untag ng four-year old niyang anak na lalaki. Nagising na pala ito mula sa pagkakahimbing sa sofa bed.

“Wala,naman anak. May nakita lang akong monster sa labas,” pang-uuto niya sa bata.

“Monster?”

“Oo anak, pero umalis na pinalayas na ni Kuya Choi.” Ano ba itong sinasabi ko sa anak ko?

“Okay, Mama. Hihingi lang po ako ng pancake kay kuya Choi, pwede po?”

Niyakap niya ang anak. “Oo naman baby. Sige na, balik ka dito agad ha.”

Masayang nagtatakbo ang bata palabas ng opisina niya. Makalipas ang kalahating oras ay hindi pa bumabalik ang anak niya kaya lumabas na siya para hanapin ito. Laking gulat niya nang makitang masayang nakikikain si Hamiel sa mesa nina Haime.

Nag-alala agad siyang may masabi ang madaldal niyang anak kay Haime. Hindi pwedeng mabisto ang kalokohan niya.

“Hamiel!” tawag niya sa bata.

Naasar si Mhiel nang kumabog na naman ang puso niya nang lingunin din siya ni Haime. “Anak, halika na dito sa office. Gagawa pa tayo ng assignment mo.”

“Okay po.” Bumaling ang bata kay Haime. “Thank you po sa pancake tito…”

“Haime Catacutan, kid!” seryosong sambit nito sabay gulo ng buhok ng bata.

Nakagat ni Mhiel ang labi sa narinig. Trouble. Nasa trouble siya.

Maang na tinitigan ni Hamiel si Haime. “Daddy? Ikaw po ang daddy ko?”

Kulang ang salitang shocked para ilarawan ang hitsura ni Haime sa narinig. “Ano?” Kunot-noong binalingan din siya nito.

“Wala. Joke lang iyon.” Binuhat niya ang bata at dinala sa office.

“Mama, siya po ang daddy ko?” tanong ng bata sa kanya pagpasok nila ng opisina.

“Ah, eh…” Hindi alam ni Mhiel kung anong sasabihin sa anak.

Hindi totoong si Haime ang tatay nito. Wala lang siyang naisip ilagay na pangalan ng ama nang ipanganak niya si Hamiel. At dahil abot-langit ang pagka-asar niya kay Haime, pangalan nito ang pinalagay niyang ama ng anak niya sa birth certificate ng bata sa pag-aakalang di na naman sila magku-krus ng landas.

Hindi naman niya alam na darating ang araw na iyon.

“Mama, Haime Catacutan ang pangalan ng tatay ko po di ba? Iyon din po pangalan ng mabait na mama na iyon at kilala ka po niya.”

Tinitigan niya ang madaldal at matalino niyang anak. Bakas sa musmos nitong mukha ang pangungulila sa isang ama. If only her baby would understand everything at his very young age. Pero hindi pa niya pwedeng isiwalat sa bata ang katotohanan.

Biglang bumukas ang pinto.

“Sir, bawal po kayo dito,” sita ng isa niyang crew pero hindi nagpaawat si Haime.

Hinarap siya ng binata. “Mhiel, mag-usap tayo.”


                                                                                             NEXT

Comments

kiz said…
now ko lang nabasa to... nd pla totoong anak si fafa hamham ni Haime?? wahhh

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…