Skip to main content

Akin Ka Na Lang



Nagmamadaling naglalakad si Victoria sa pathway papunta sa offices sa loob ng Hacienda Canilao. Ang totoo, late na siya sa trabaho niya. na-late na naman siya ng gising dahil naubos ang oras niya sa kakapanood ng asianovela sa nagdaang gabi.

Halos takbuhin na niya ang pathway. Dangan na lamang at naka-high heels siya at nakapalda. Dyahe sa kagandahan niya ang tumakbo. She didn’t want to be late. Iniiwasan kasi niyang maging laman ng tsismis. Kasanggang-dikit kasi niya ang Finance Head na nagkataong best friend niya. At dahil doon, di maiiwasang lagyan ng issue ang pagkakaibigan nila ni Apple. May ilang nagsasabing hindi siya qualified sa trabaho niya. Nagkataon lang daw na malakas siya sa management kaya siya naging Accounting Supervisor, which is not true of course.



Kung anuman ang narating niya ngayon, aminado siyang may tulong iyon ni Apple ngunit higit sa lahat, ang pagsisikap niya ang tunay na dahilan ng pag-arangkada ng kanyang career.

Sinipat niya ang relo. Homaygulay! Late na talaga ako! Sampung minuto na siyang late. Bihadong may nakahandang bulung-bulungan na ang mga echoserang frog niyang kaopisina. Dahil sa pagmamadali, hindi niya namalayan na may makakasalubong pala siya. Nagulat na lang siya at napangiwi nang magkabanggaan siya ng bato este tao. Awww! Ang lakas kasi ng impact sa kanya. Pakiramdam niya ay sa bato siya sumalpok. Parang gusto na niyang pumatay. Late na nga siya, mababangasan pa siya.

Agad niyang nasapo ang kanang balikat dahil sa sakit na gumuhit doon. Tatayo na sana siya nang mawalan siya ng balanse. Agad naman siyang naalalayan nang nakabangga sa kanya.

“Victoria, I’m sorry. Are you hurt?”

Bigla niyang binalingan ang nakabangga sa kanya. Agad na nagbago ang mood niya. Kung kanina ay gusto niyang pumatay, ngayong nasa harap na niya ang kanyang ultimate crush, parang gusto niyang magdrama para makapanantsing naman siya.

She was greeted by the most papalicious guy in the world with a name Coco Nathaniel Canilao. Nagtama ang kanilang mga mata. A trace of worry covered his expressive eyes. Ewan nga lang niya kung totoo iyon o ilusyunada lang talaga siya. Madalas kasing mangyari ang huli kapag nakikita niya si Coco Nat. Homaygulayness! Ang gwapo ng mata mo! Hmmm! Natulala na naman siya ng wala sa oras.

“Victoria?”

Napakalambing ng boses nito. Tila gumaganda sa kanyang pandinig ang antigo niyang pangalan sa tuwing ito ang bumabanggit noon.

Marahang hinaplos nito ang kanyang napinsalang balikat. May healing hands ka rin ba, Coco Nat my dear? Ang mga kamay nito sa kanyang medyo nananakit pang balikat ay tila nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Lalo lang tuloy siyang natulala dito at napanganga pa siya.

Coco Nathaniel, often called as Coco Nat, was a younger brother of her Bff Apple. College pa lang siya ay crush na crush na niya ang kagwapuhan nito. Her feelings for him, the overly crush-feeling of hers, was undisputed. Lalo na’t saksi siya sa kasipagan nito bilang general manager ng Hacienda Canilao Plantation. Lumevel-up ng ten thousand times ang pagka-crush niya dito dahil napatunayan niyang hindi lang ito a man with “makalaglag lahat” face. Mabait pa ito, masipag, at responsableng lalaki. Ang tipo nito ang gusto niyang mapangasawa. Ay no! Ito mismo ang gusto niyang mapangasawa. Ang kagandahan niya ay nababagay sa kagwapuhan nito. Iyon nga lang, may hadlang sa love story nila. The man she adored so much already had a long-term girlfriend. Pero hangga’t hindi pa naman ito naisasakal este naikakasal sa girlfriend nito, patuloy niya itong hahangaan ng bonggang-bongga.

Haaay, Fafa Coco Nat… akin ka na lang!

“I think you’re really hurt,” basag ni Coco Nat sa pagmumuni-muni niya.

“Ha?” wala sa sariling untag niya. Hindi na ito nagsalita bagkus ay akmang bubuhatin na siya nito kaya naman bigla siyang natauhan. “Sandali, Sir Coco. Okay lang ako!” Umayos na siya ng tayo at dumistansya dito.

“Are you sure?” paniniguradong tanong nito.

“Ahuh!” Napapalatak siya nang maalalang late na nga pala siya sa trabaho. “Late na ako! Sige po, Sir. Good Morning po—aray!” Kumirot na naman ang balikat niya pero dinedma na lang niya. Mas malala pa ang makukuha niya ngayong bihadong napapagpyestahan na siya sa opisina. Nag-about face na siya at nagsimulang maglakat palayo.

“Victoria, I think you should see a doctor,” sambit muli ni Coco Nat.

Bumaling muli siya dito at nagpaskil ng sweetest, cutest, overly malandeyyyness na ngiti.

“Okay lang ako, Sir. Wag kayong masyadong sweet baka magka-crush ako sa’yo. Ikaw rin, bahala ka.” Dinaan niya sa pagbibiro na lang ang lahat habang nagpipigil na mapangiwi sa sakit.

Umiling lang ito at muling lumapit sa kanya. He inspected her shoulder. “I don’t think so. You’re shoulder is swollen. I’ll take you to the clinic,” sambit nito sabay buhat sa kanya.

“Teka sandali! Late na kasi ako sa work. Pwede bang mamaya na lang ako makipag-usap sa doctor? Hindi naman aalis iyon ng clinic,” pakipot na sambit niya sabay yakap naman agad sa leeg nito. Pagkakataon na niya iyon! Yes! Nakakatsansing ako! Salamat, Lord. Hmmm, ang bango mo, my dear Coco! “Sir…”

“No! Don’t worry about your work. Ako ng bahalang mag-inform kay Ate Apple. Okay?”

Okay na okay! Over pa sa okay! Weeeee! Right shoulder ko, haylabyu! “Okay.”

Hindi na siya nakipag-argument kahit feeling niya ay medyo OA ang eksena nila. Balikat lang naman niya ang may pinsala. Kaya naman niyang maglakad. Bakit kailangang buhatin pa siya nito nang bonggang-bongga? Eh kasi, maganda ako!

Nang makarating sa clinic ay agad siyang sinuri ng doctor. Nasa isang tabi lang si Coco at binabantayan siya. Lumabas lang ito nang mag-ring ang cell phone nito.

“Hija, may naipit na ugat sa balikat mo kaya iyan namamaga. But don’t worry, mawawala rin iyan,” sambit ng doctor. May iniabot itong mga gamot sa kanya. “Here. Take this medicines.” In-explain nito sa kanya ang prescription ng mga gamot, pagkatapos ay binigyan na siya ng medical certificate.

Lumabas na siya ng clinic nang i-clear siya ng doctor. Naabutan niya sa labas si Coco na tila may kaalitan sa cell phone.

“Naririnig mo ba ang sarili mo, Sophia? Nakaaksidente ako. Mas gusto mong unahin kong samahan ka sa pagsha-shopping mo kesa tulungan ko iyong nasaktan ko? No, Sophia!” Napapalatak ito. “Yes, girlfriend kita but I hope you understand. Someone got hurt because of my carelessness. The least thing I could do was to accompany her to the clinic. Anong hindi mo matatanggap ang explanation ko?!! I’m sorry, Sophia. Just do your shopping alone!”

Sa narinig ni Victoria, mukhang may away ata ito at ang girlfriend nitong kontrabida sa love story nila ni Coco.
Seryoso ang mukha ni Coco at kunot pa ang noo nito nang tapusin ang call. Bigla lang nag-iba ang expression nito nang mapansin siya. Ang seryosong mukha ay naging maaliwalas. Nag-show off pa ito ng nakakalurkey na ngiti. Nalaglag na naman ang panga siya.

“Okay ka na ba daw? Anong sinabi ng doctor?” tanong nito.

In-explain niya dito ang sinabi ng doctor. “Wag ko lang daw masyadong ikilos iyong balikat ko para hindi lumala ang pamamaga.”

“I’m sorry talaga, Victoria. Di ko naman sinasadya kasi pareho tayong nagmamadali. Does it hurt up to now?” bakas pa rin sa tinig nito ang pag-aalala.

Umiling siya. “Hindi na masyado.”

He sighed. “Good to hear that. Tinawagan ko na si ate. You can take the day off.” Ini-offer nito ang kamay sa kanya. “I take all the responsibility for what had happened. Ihahatid na kita pauwi.”

“Ha? Ay wag na! Kaya ko naman ang sarili ko. You don’t have to,” pakipot na sambit niya sabay hawi ng kanyang long hair.

“Sure?”

“Ahuh!”

“Okay, Ingats ka ha at sorry uli.”

Ngeee! Nagpapakipot lang ako eh. Waaaaah, Fafa Coco, ihatid mo ako, kahit sa langit payag ako!

“Okay.” Nakasimangot na tinalikuran niya ito.

“Ah, Victoria…”

Ang nakasimangot niyang mukha ay agad na convert sa pa-charming na anyo nang muli niya itong balingan. “Yes, Sir?”

Ngumiti ito. Nagbunyi ang puso niya. “You’re prettier when you’re in skirts and pair of stilettos.”

“Ha?” Nagulat siya dahil iyon ata ang unang pagkakataon na narinig niyang pinuri siya nito.

Tumawa ito nang makita ang reaction niya. “Ngayon lang ba may nagsabi sa’yong maganda ka?”

“Hindi naman, kaya lang ngayon lang ata ako nakatanggap ng sincere na praises at hindi pambobola lang.” O baka nagkakamali lang siya. Kilalang bolero din itong si Coco. Eh walang basagan ng ilusyon naman oh!

Pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong. That simple gesture gave her a sudden sweet feeling in her senses.

“Hindi ka lang pretty. Ang cute mo pa. Sige na, umuwi ka na. Have a good rest. Take care!” He moved and took his steps away.

Naiwan siyang parang bangengeng inihahatid ito ng tingin. Literal na gusto niyang magtatalon sa tuwa kung hindi lang talaga siya magmumukhang baliw. Ida-diary niya ang nangyaring iyon. Halos once a month lang niya nakikita si Coco Nat tuwing may auditing silang ginagawa ni Apple. Hindi naman kasi ito ang amo niya kundi ang ama nitong si Chrysler Canilao. Pero kung ganon palagi ang eksena nilang dalawa ng kanyang ultimate crush tuwing magkikita sila… Hmmm, makapagpalipat kaya sa plantation kahit taga-ani lang ng kape?

All of a sudden she set her fingers on her nose. Pawang hanggang sa mga sandaling iyon ay nararamdaman pa rin niya ang malambot at mabangong kamay ni Coco Nat. My nose! May very lovely nose. Ay! Ang ganda ng ilong ko!



“BFF! Favor naman, sige na maganda ka naman eh,” bungad ni Apple nang pumasok ito sa opisina ni Victoria.

“Ano iyon, bff?” tanong lang niya habang naka-focus pa rin sa MS Excel ang kanyang mga mata.

Dino-double check niya ang mga reports na ginawa ng kanyang mga echoserang frog accountants. Kung hindi lang talaga magaling na accountants ang mga iyon, malamang na sinesante na niya. Palagi na lang kasi niyang nahuhuling nagtsi-tsismisan ang mga iyon at ang masaklap, siya ang main event ng tsismisan session.

“May kailangan kasi akong documents kay Coco Nat. Pwedeng ikaw na lang ang kumuha? May meeting kasi ako.”

Kumukutikutitap ang kanyang mga mata nang marinig ang magic word. “Kukunin ko mismo kay Fafa Coco Nat?”

“Oo! Ay ang ganda mo, bff. Alam kong hindi mo ako tatanggihan,” natatawang sambit ni Apple. Alam kasi nito ang huge…very huge crush niya sa kapatid nito. “Moment mo ito, bff. Magsuklay ka ha.”
“Ay bongga! Makapag-retouch nga!” Kinuha na nga niya sa bag ang make-up kit at nagsimulang ayusin ang kagandahan niya.

Tumawa si Apple. “ May information pa akong ikakasaya mo, bff!”

Binalingan niya ito. “Ano iyon?”

“Nasa coffee farm si Coco at tumutulong sa mga trabahador!”
Lalong kumislap ang mga mata niya. Isa lang ang ibig sabihin noon. Masisilayan na naman niya ang gorgeous, yummylicious body ni Coco Nathaniel. Palagi itong half-naked tuwing nagtatrabaho sa taniman.

“Ay! Nakakapaglaway! Diyan ka na!” Agad na siyang lumabas ng opisina at iniwan na niya roon si Apple na tumatawang mag-isa. Okay lang iyon carry naman ni Apple ang magpakalukring. Actually, forte nilang mag-bff iyon.

Feel na feel ni Victoria ang paglalakad sa kalagitnaan ng taniman ng kape. She was doing her own version of catwalk along coffee trees. Hindi niya alintana na naka-stilletos siya at skirt. Mula kasi nang sabihin ni Coco Nat na bagay sa kanya ang palda, kinarir na niya iyon. Hindi na muna siya nagsusuot ng slacks.

She was also enjoying the view. One thing kaya nagtityaga siya sa Hacienda Canilao ay dahil sa maganda rin ang tanawin lalo na sa dako ng plantation ng peanuts, pineapple, at coffee. Nang makarating siya sa paborito niyang spot ay agad niyang kinuha ang camera sa bag na dala. She started taking photos of hers having a scenic view on her background. Few minutes more she did her signature pouting lips pose. Mahilig siyang magpa-cute sa camera. And one pose that made her at her cutest was whenever she showed off her pouting lips. Nang magsawa ay isa-isa niyang tiningnan ang mga kuha niya.

Nanlaki lang ang mata niya nang makitang may hunkilicious na nahagip sa picture moments niya. Kahit malayu-layo ang kuha, sigurado siyang si Coco Nat iyon. Abs pa lang nito, kilala na niya.
Agad siyang lumingon. She was right. There in the middle of coffee trees was Coco Nathaniel… kaakit-akit…katakamtakam…kapikot-pikot in his yummylicious figure. Wala itong shirt. Nakapantalon lang. Makalaglag lahat ka talaga, Fafa Coco Nat! Awtomatikong iniangat niya ang camera habang nakangangang pinagpipiyestahan ang biyaya ng langit na nakabilad sa araw. Oooolala! Matapos kumuha ng napakaraming shots ay sinilip niya ang mga nakuhang pictures. Pinigilan niya ang sarili niyang tumili sa kilig. Mukhang hindi siya makakatulog mamayang gabi dahil magiging abala siya sa pagsilay sa katakam-takam nitong katawan. Kahit stolen shots, ang gwapo pa rin.

Itinago na niya ang camera at patuloy na pinagmasdan si Coco Nat na abala pa rin sa pagha-harvest ng kape. May tuwalya ito sa balikat na maya’t maya ay ipinupunas nito sa noo. Wala sa sariling nakagat ni Victoria ang kanyang panyo sa panggigigil. The way he moved was so masculine and sexy. Kung hindi lang magmumukha siyang baliw ay baka kanina pa siyang tumakbo para sunggaban si Coco Nat. Gusto niya itong mayakap…mahalikan….matik—ooops! Umiling siya. Pinapasok na ng kahalayan ang utak niya. Hindi dapat ganon Victoria. Isa kang dalagang Pilipina. Demure…mahinhin. Napangiwi naman siya sa naisip. Hindi niya ata ma-imagine ang sariling magpapakamahinhin. Matatawa lang siya.

Ibinalik niya ang mata sa biyaya ng langit sa mga dyosa ng kagandahang tulad niya. Nag-imagine na lang siya ng wholesome scenes. Sa pantasya niya ay siya lang ang babaeng minamahal nito. Siya lang ang reyna ng buhay nito. Napapikit tuloy siya. Kay sarap isipin na walang girlfriend si Coco at sa kanya lamang ito ng buong-buo. I love to love you, Coco Nat. Kung pwede nga lang na sa akin ka na lang.

“Victoria? Is there something wrong?”

Bigla siyang napamulat. Daig pa niya ang tiyanak na nasabuyan ng holy water nang mapagtantong nakakunot-noo si Coco Nat na nakatayo na ngayon isang metro ang layo sa kanya. Nakasuot na ito ng shirt. Ngumiti siya ng alanganin dito. “W-wala naman.”

“Ah, okay. Nakapikit ka kasi. Akala ko nahihilo ka na sa init ng panahon,” sambit nito.
Sinapo niya ang noo. “Ah hindi naman masyado. Medyo lang,” pa-kyut na sambit niya. “Kukunin ko nga pala iyong documents na kailangan ni Bff.”

“Iyon ba? Sige, tara sa office ko.” Lumapit ito sa kanya at iginiya siya papunta sa office nito. They were walking in close distance. Hindi niya tuloy maiwasan na masamyo ito. Mabango pa rin ito kahit naarawan na. His masculine scent was giving her the urge na magpaka-close pa dito. At dahil kung anu-ano ang iniisip niyang hindi niya dapat isipin, hindi niya napansin ang nakausling bato sa daraanan. Natisod siya.

Agad naman siyang naalalayan ni Coco Nat. Niyakap siya nito mula sa likod para hindi siya matumba “Hey, careful! May pagsamalas ata ako. Tuwing makakasama mo ako palagi kang naaaksidente.”

“H-hindi naman, clumsy lang talaga ako.” Umayos na siya ng tayo. “Salamat.”
Inakbayan siya nito. “Akbayan na lang kita para masiguradong hindi ka madadapa.”
Ngumit lang siya. Pag sinusuwerte nga naman. Grasya na talaga ang lumalapit sa kanya. Sa paglalakad niya ay nagkwento ito ng kung anu-ano tungkol sa farm. In-enjoy na lang niya ang moments kahit hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi nito. Naka-focus lang kasi siya sa kakaibang kabang lumitaw sa puso niya habang nakaakbay ito sa kanya. Tumatango lang siya pag tinatanong siya nito kahit hindi niya naintindihan ang itinanong nito.

Pasimpleng hinawakan niya ang kamay nitong nakaakbay sa kanya. Wala naman itong naging reaction kaya sinamantala na niya. Haaay, ang tweet namin!

“Victoria, friends naman tayo di ba? Pwede bang humingi sa’yo ng opinion?”

“Ha?” Maang na binalingan niya ito. Halata tuloy na hindi siya nakikinig at abala siya sa pananamantala dito.

Ngumiti lang ito sa kanya. “May problema ka ba sa akin? Tuwing may itatanong ako sa’yo palaging ‘ha’ ang sagot mo. Ayaw mo ba akong kausap kaya di ka nakikinig?”

“No!” agad na tugon niya. “Ano kasi….ano…” Nag-isip siya ng dahilan. “Mainit kasi…ano…nadi-distract ako sa sikat ng araw.”

“Ganon ba?” Inalis nito ang brasong nakaakbay sa kanya at walang sali-salitang naghubad itong shirt sa harap niya. Homaygulaylicious heybeyn! Hindi niya napigilan ang sarili na mapanganga. Eeeeeeh. Bakit ka nagburles sa harap ko? Gusto mo bang ma-rape?

Iniharang nito sa araw ang t-shirt upang hindi siya mainitan. That was an indeed sweet gesture.
“Hindi mo naman agad sinabi. O yan, hindi ka na maiinitan,” nakangiting sambit nito.

“Ah…” Lalo ata siyang hindi makakaintindi kung nakahubad ito. Umiling siya bago pa anayin na naman ng carnal thoughts ang isipan niya. Umiwas na rin siya ng tingin kahit talagang inaakit ng abs nito ang mga mata niya. “Isuot mo na lang uli ang t-shirt mo. Mas nakaka-distract ka eh.”

Tumawa lang ito at isinuot uli ang t-shirt. “So ano na? Can I ask your opinion?”

“Tungkol saan ba?”

“Would you mind settling down and spending the rest of your life here at Hacienda Canilao?”

“Pang-Miss U na tanong ha. Well kung ako? Of course, I will definitely love to stay here forever. Hacienda Canilao is one of a heck paradise!”

“Sa tingin mo ba, magugustuhan mo ang simpleng buhay dito?”

“Oo naman. Hindi ko ipagpapalit ang preskong hangin, clean environment, green fields,” binalingan niya ito at nginitian, “at magandang view dito.”

They entered his office. “How I wish katulad mo ang girlfriend ko,” biglang lumungkot ang mukha nito.

“Bakit naman?”

“Kasi gusto mo dito. Dati napag-usapan namin ng girlfriend ko ang tungkol sa pag-settle down dito. Hindi niya gusto dito sa farm. Hindi daw siya mabubuhay dito dahil walang bar, walang shopping mall and so. Sinabi ko noon na kung magse-settle down ako, gusto ko dito mag-stay ang pamilya ko. She just laughed and said she can’t stand living in the midst of forest.”
Ang bad ng girlfriend mo! “Bakit naman daw? Ang ganda-ganda nga dito. Simple ang buhay. At saka, dito ka masaya. Dapat sinusuportahan ka niya.”

A glimpse of amusement covered his face. “Alam mo, suddenly bigla kong nahiling na sana katulad mo na lang ang naging girlfriend ko. Sana naging mabait at maunawain din siya. Buti ka pa naiintindihan mo ako,” sambit nito.

Natahinik siya. Bakit ba sinasabi pa nito ang mga “sana” nito? Sa malaman ba niya iyon eh hindi naman mababago ang katotohanan na hindi naman siya ang girlfriend nito. Ikakatuwa ba niyang ginawa siya nitong point of reference?

“Oh, I’m sorry Victoria. Hindi kita dapat ikinumpara sa girlfriend ko. Kalimutan mo na lang na sinabi ko iyon.” Iniabot nito ang pakay niyang documents. “Here. Complete documents iyan.”

“Thanks. Ah, Sir Coco—”

“Kung tayong dalawa lang naman, pwede mo na akong tawaging Coco Nat na lang. And I’ll call you… hmmm… Vicky.”

“Ah, hindi ako nagni-nick name.” Pero dahil ikaw ang nagbinyag sa akin, gora!

“Okay lang iyon. Ako lang naman ang tatawag sa’yo ng Vicky eh. So ano iyong sasabihin mo?”

“Ah, you should tell her about your sentiments. I think you should talk to your girl.” Kalurkey, dapat sinasabi mong bad si echoserang gf, hiwalayan na niya dapat iyon! kontra ng isip niya.

Umiling ito. “She will never listen. She’s very outgoing. Shopping, bar-hopping, gimmick…that’s her life. She will never understand farming.”

“But still you have to try. Kung mahal ka niya talaga, maiintindihan ka niya.”

“Sabagay… kahit naman kasi ganon siya, mahal ko siya. Siguro naman ganon din siya sa akin.” Bahagya itong ngumiti. “Maswerte sa’yo ang boyfriend mo.”

“Wala ako no’n.”

“Maswerte ang magiging boyfriend mo.”

Ngumiti lang siya at saka lumabas ng opisina. Maswerte ka dahil ikaw lang ang gusto kong maging boyfriend ko. Kaso taken ka na. Kainis! Maipakulam nga ang walang kwenta mong girlfriend.


MONTH end. Ito rin ang hectic days ng trabaho ni Victoria. She was too busy doing lots of reports plus checking all the reports done by her staff. Sa ganitong mga sandali niya nakakalimutan si mareng pahinga at pareng pagkain. Alas-syete pa lang ng umaga ay nakaharap na siya sa computer. At kahit tapos na ang business hours, hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Pag-wiwi lang ang break time niya.

Napa-halleluiah siya nang matapos ang report. Nire-review na niya iyon nang bigla na
lang bumungad sa kanya ang isang kahon ng pizza. Pagkatapos ay isang stemmed rose ang bigla ding lumitaw. Binalingan niya ang may pakana noon. She was greeted by the yummiest guy in this world.

Ngumiti si Coco Nat. “Sabi ni Ate Apple hindi ka pa daw kumakain. Masama iyon. Nakakapaghintay naman ang trabaho. Here, kumain ka.”

“Coco Nat, ang weird mo.”

“Bakit? Dahil dinalhan kita ng pagkain weird na ako?”

“Alam mo, kung hindi ko alam na may girlfriend ka, iisipin kong—”

“Nililigawan kita?” Inunahan siya nito sa dapat niyang sasabihin. Tumawa ito. “Gutom lang iyan. Tara, kumain tayo.”

Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa pantry. Walang nagawa si Victoria kundi ang sumunod. Matamang tinitigan niya ito. May napansin siya sa pisngi nito, tila namumula iyon.

“Vicky, sa susunod na malaman kong hindi ka kumakain dahil lang sa work, itatali kita sa puno ng kape. Magkakasakit ka sa ginagawa mo—”

Hinaplos niya ang pisngi nito.

“Vicky…” Pawang nagmamakaawa ito sa kanyang wag siyang kaawaan. Marahil ay nahalata na nitong bigla siya nag-alala at naawa dito. Nahuhulaan na niya ang dahilan ng namamaga nitong pisngi.

“Anong nangyari?”

Ikinuha muna siya nito ng slice ng pizza at iniabot sa kanya bago ito nagkwento. “I caught her in the act with another guy in her unit. But guess what? She was the one who got the nerve to slap my face! Sinisi pa ako. Palagi daw kasi akong wala kaya ayun, naghanap siya ng iba.”
Umiling ito. “Walang kwentang pag-usapan ang love life ko. Kumain na lang tayo.”

“Does it hurt?”

Hinawakan nito ang pisngi. “No. A slap will never kill me at all.”

“I’m not pertaining to your cheek. I’m pertaining to your heart.”

He sighed. “It was totally damaged.”

“Gusto mong i-repair natin ng konti?”

He suddenly gazed at her. Tila may kung ano itong pino-formulate sa mukha niya. “Can I ask an awkward question?”

“Go ahead,” kibit-balikat na tugon niya.

“May….gusto ka ba sa akin?”

Nasamid siya. Agad naman itong lumapit at hinaplos ang likod niya at inabutan siya ng tubig.

“Okay ka lang? Gutom na gutom ka na siguro. Dahan-dahan lang sa pagkain, Vicky.”
Ngiting alanganin lang ang ibinigay niya dito. Obvious na ba ako? “Ano nga iyong tanong mo?”
Ngumiti ito. “Forget it.”

Pinagsaluhan nila ang pizza hanggang sa maubos nila iyon. Binalikan niya ang nire-review na reports at ini-email na niya iyon sa mga respective recepients. Matyaga naman siyang hinintay ni Coco Nat.

“Ah, Vicky, paano ko mare-repair ang damaged kong puso?”

Ngumiti siya. “Sumama ka sa akin.”

Dinala niya ito sa badminton court sa loob ng Hacienda Canilao Resort.

Kunot-noong binalingan siya nito. “Badminton?”

“Oo. Pag may problema ako o nasasaktan ako emotionally, nagba-badminton ako. Kahit pader lang
iyong kalaban ko wala akong pakialam. Mainam na ilabas mo iyong emotional pain diyan sa puso mo. Isisi mo lang lahat sa shuttlecock.” Hinubad niya ang stilettos at isinuot ang kanyang baon na tsinelas. Iniabot niya dito ang isang raketa. “Maglaro tayo. Dadamayan kita.”

“Salamat, Vicky.”

For the next few minutes, they were just playing. Sinunod nito ang payo niya. Nararamdaman niyang pabigat nang pabigat ang hampas nito sa shuttlecock. She just let him play. Walang reklamo lang siyang sumasalo at nagpupulot ng shuttlecock. Inabot ng isang oras ang paglalaro nila. Napapagod na siya pero hindi siya humingi ng time out. Gusto niyang matapos ang larong iyon, na hindi na ito brokenhearted. At dahil pagod na nga, na-miss niya ang isang throwing nito. Tinamaan siya ng shuttlecock sa noo.

“Aray!” Pumikit siya at sinapo ang noo.

“Vicky!” Agad siya nitong nilapitan at inalis nito ang kamay niyang nakasapo sa noo niya. Napamulat tuloy siya. Saktong nakita niya itong pumikit then he moved closer. Waaaaaah, hahalikan mo ba ako? Waaah uli! Di ako prepared! She pouted her lips though. Excited na siya sa kiss nang maramdaman niya ang marahang pag-ihip nito sa noo niya. Umurong ang nguso niya kasabay ng pagkadismaya niya. Asa pa siyang makakahalik siya kay Coco Nat. Nagulat siya nang pagkatapos nitong hipan ang noo niya ay tila naramdaman niya ang labi nitong lumapat sa noo niya. O kaya naman, nag-iilusyon ka na naman, Victoria Regpala, sita ng utak niya. Oo nga naman, baka ilusyon lang iyon.

“Sorry, nagkabukol ka. World record na ‘to. Dapat talaga siguro hindi na ako lumalapit sa’yo. Nanganganib ang buhay mo sa akin eh.”

“Over ka naman, okay lang iyan. Malayo sa bituka kong cute.” Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak pa rin sa noo niya.

Inalalayan siya nitong makaupo sa bench. “Teka ikukuha kita ng yelo.” Umalis ito saglit, naiwan siyang napapaisip. Ano nga bang ginagawa niya? Bakit ganon na lamang ang sayang nararamdaman niya ngayong kasama niya si Coco Nat? Possible kayang nag-evolve na ang feelings niya dito mula pagka-crush to love? Oh no! Cannot be! Masasaktan siya. Nakikinita na niya ang kahihinatnan noon. Iiyak siya kapag hindi natupad ang ilusyon niya.

“Heto na iyong yelo,” untag ni Coco Nat nang makabalik ito. Agad nitong hinawi ang buhok niya at ito na ang naglapat ng yelo sa bukol niya. “Sorry ha.”

“Sus! Ayos nga lang sabi iyan. Nag-enjoy ka ba sa laro natin?” Natigilan siya nang balingan niya ito. Nakatitig lang ito sa kanya. “Bakit?”

“Thank you, Vicky. You healed me. Effective ang badminton. And you made me realize a lot of things.”

“Like what?”

Ngumiti ito. He held her nape and kissed her forehead. Waaaaaah! Totoo na iyon, hindi na ilusyon! “You will find out soon.” Tumayo na ito. “Tara, I need to take you home.”

“Why did you kiss—”

“Para mabilis gumaling ang bukol mo.”

“May gusto ka ba sa akin, Coco Nat?” The question slipped her tongue. Huli na para mabawi pa iyon.

“Oo.”

“Weh??”

Tumawa lang ito. And that means it was just a joke. Parang gusto ko pang mag-badminton!


MAG-ISANG kumakain sa food court ng isang mall si Victoria. Nagpapalipas-oras lang siya. Nababagot na kasi siya sa bahay kaya sinubukan naman niyang mag-mall ngayong day off niya. Habang kumakain siya ay napapalibutan siya ng mga couples na kumakain din slash nagde-date. Bigla niyang naalala si Coco Nat. Naging mas close pa sila after siyang mabukulan nito dahil sa galit nito sa shuttlecock. Kumakain sila sa labas, nanonood ng sine, nag-asianovela marathon at kung anu-ano pa. Batid niyang friendly acts lang lahat iyon para kay Coco Nat pero hindi niya maiwasang bigyang-kahulugan ang lahat. Napakamaalaga nito at malambing. Hindi niya tuloy maiwasang umasa na sana kahit katiting ay mahalin din siya nito.

Tinanggap na niya ang katotohanan na posibleng in love siya dito. Handa na rin siyang umiyak kung sakaling may mahalin itong iba.

Matapos siyang kumain ay naglakad-lakad siya.

“Vicky!”

Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses.

“Uy, Coco Nat!”

Agad nitong hinawakan ang kanyang kamay. Napangiti siya. “Can I ask a favor?”

“Ano iyon?”

He pulled off a stemmed rose from his back. Ibinigay nito sa kanya ang rose. Magtatapat na ba ito sa kanya? “Coco…”

“I want you to have a special participation in fulfillment of my life.” Mataman siyang tinitigan nito na waring sinasabing siya na ang pinakamagandang nilalang sa mundo. “Vicky…pwede bang isa ka sa mag-abot ng bulalak kay Sophia?”

Natigilan siya. Pawang may tumusok na bato sa puso niya. Hindi pala ito magpo-propose sa kanya. Hindi para sa kanya ang rosas na ibinigay nito. At higit sa lahat, magiging kasangkapan pa siya nito sa pagpo-propose sa ibang babae. Dumating na ang araw na kinakatakutan niya.

Pinigilan niyang magpaapekto sa natuklasan.

“Vicky, please say yes.”

Tumango siya. “Sure.”

Itinuro nito kung nasaan si Sophia. Kasalukuyang may ibang nagbibigay dito ng bulaklak. Iba’t ibang tao. Hindi niya maiwasang maiingit dito. Nag-effort ng husto si Coco Nat na mangharang ng mga taong magbibigay dito ng bulaklak. Sinabi ni Coco Nat na finale daw siya. Mapagbirong tadhana. Parang ipapamigay niya ang binatang minamahal sa ibang babae.

She tried her best not to cry. Magugulo lang kung makikita siya ni Coco Nat na umiiyak. Sasarilinin na lang niya ang pait ng pagkabigo sa pag-ibig.

She waited for her turn. Parang binibiyak at dinudurog ang puso niya habang tinatahak niya ang mabigat na hakbang papalapit kay Sophia- ang babaeng pinili ni Coco Nat, ang babaeng batid niyang hindi karapat-dapat sa pagmamahal nito, ang babaeng kinaiinggitan niya dahil dito napunta ang tanging lalaking pinapangarap niya.

Nilingon siya ni Sophia at nginitian. Pinigilan niya ang sarili dahil gusto niya itong sapakin. Parang lalo nitong pinapamukha sa kanya na talunan siya. Echosera ka! Mas maganda ako sa’yo! Swear!

Iniabot niya dito ang bulaklak.

“Thank you. Ikaw ba si Victoria?” tanong nito.

“Oo.”

Ngumiti pa lalo ito. “Nice meeting you.”

I hate you! “Same here. Sige.” Tatalikod na siya nang maalala niyang may sasabihin nga pala siya dito. Binalingan niya uli ito. “Mahal mo ba siya?” Hindi ito sumagot. Tiningnan lang siya nito. “Alam mo ba kung gaano ka niya kamahal? Sasabihin ko sa’yo. Mahal ka niya ka niya kahit madalas hindi mo siya naiintindihan. Mahal ka niya kahit nasaktan mo na siya. Mahal ka niya kahit hindi mo gustong manatili sa lugar na pinakamamahal niya. Sa kabila ng kahit anong makakasakit sa kanya, ang pagmamahal pa rin niya sa’yo ang inuuna niya.”

“Bakit mo sinasabi iyan sa akin?” tanong nito.

“Gusto ko lang malaman mo iyon para makapag-isip ka ng mabuti.”

“Mahal mo ba si Coco Nat?”

“Mahal ko man siya, walang mababago, Ikaw ang pinili niya.”

“Ipaglaban mo siya.”

“Talo na ako. Mahal ka niya, ako hindi. Isa lang ang hihilingin ko sa’yo. Kung hindi mo naman siya mahal at hindi mo kayang pantayan ang pagmamahal niya sa’yo, wag kang sasagot ng oo sa kanya. Masasaktan lang siya at hindi kita mapapatawad kung mangyari iyon. Kasi ako, minahal ko ang lahat-lahat sa kanya. Kaya kong higitan ang anumang naibigay mo na kay Coco. Nagkataon lang na ikaw ang minahal niya at hindi ako.”

Tumalikod na siya upang hindi nito makita ang pagpatak ng luha niya. It was really painful. Ngayon niya napagtantong minahal pala niya ng lubos si Coco. Ang pag-aakala niyang simpleng paghanga lang dito ay hindi lang pala simple. Minahal na pala niya ang binata nang hindi niya namamalayan. At ngayon, nadudurog ang puso niya na tanging siya lamang ang nakakaalam.

Nakatungong pinagpatuloy niya ang paglalakad…ikinukubli ang bawat pagpatak ng luha mula
sa kanyang mga mata. Until familiar arms lovingly embraced her. It was Coco Nat. Ano ba? Nasasaktan na ako eh.

“Vicky, stop crying.” Hinigpitan nito ang yakap sa kanya. Lalo nitong dinagdagan ang sakit na nararamdaman niya.

Nagpumiglas siya. Hinampas din niya ito. “Nasisiraan ka na ba ng bait? Nasa harap mo lang ang babaeng papakasalan mo, may gana ka pang yakapin ako!”

Ikinulong nito ang kanyang mukha sa maiinit nitong mga palad. “Yes, nasa harap ko na nga ang papakasalan ko… ikaw!”

Napakunot-noo siya. “Eh may saltik ka pala eh! Di mo ba nakikita? Durog na durog na ako, Coco Nathaniel. May gana ka pa talagang pagtripan ako at sa harap pa ng babaeng pinagpo-propose-an mo! Ewan ko sa’yo!”

“Hindi mo ba ako naiintindihan? Ikaw…ikaw ang papakasalan ko. Sa’yo ako nagpo-propose. Mahal kita, Victoria Regpala. And I want to marry you.”

Nabingi ata siya sa narinig. Lalo lang siyang naguluhan. Bakit nito sinasabing siya ang mahal nito gayong kay Sophia ito nag-propose?

Nagpumiglas siya at nag-walk out. “Lokohin nyo, lelang nyo! Mga baliw! Paano nyo nagagawang pagtripan ang damdamin ng tao??!”

“Vicky, wait! Hindi mo ba ako narinig? I said I love you. I want to marry you!” Humarang ito sa daraanan niya.

“Well I don’t! Get off my way! I did it my way!” she yelled. Sinubukan niya itong iwasan pero talagang humarang pa rin ito.

“No Vicky. Iba ang narinig ko kanina. Sinabi mong mahal mo ako.”

“Joke lang iyon!”

“Vicky! Listen to me, please!”

“Coco Nat, let me.” Umeksena na si Sophia.

Naghanda naman si Victoria. Baka bigla na lang siya nitong sabunutan. Mabuti na ang ready. Nagulat siya nang iabot nito ang mga bulaklak sa kanya.

“Girl, listen. Kung ayaw mo siyang pakinggan, sa akin ka makinig. Those flowers are not meant to be mine. It’s yours. The proposal is not for me, it’s for you.”

“Magsama kayong dalawa! Hindi ko kayo ma-gets.” Lalo lang kasing gumulo.

“Ang totoo, ikaw ang mahal ni Coco Nat. Yes, it’s true. Ang eksena kanina ay gimik lang. Ginawa ito ni Coco Nat para tulungan kang aminin sa sarili mo na mahal mo nga siya at para mapatunayan niya rin sa sarili niya kung gaano ka niya kamahal. Look up.”

Tumalima siya. May naka-hang na malaking raketa ng badminton sa tuktok ng mall. Color red iyon at may nakasulat na, “You are the greatest thing that happen to me, Vicky. I love you. Will you marry me?” Unti-unti, naliwanagan na siya.

“See? O paano exit na ako. Babu!” Umalis na si Sophia. Naiwan siyang nagpapalit-palit ang tingin sa giant raketa at sa binatang may pakana nito. She still can’t believe it. Gusto ba talaga siyang pakasalan ni Coco Nat?

“Seryoso ako, Vicky. Ang totoo, matagal na kitang gusto. Atrasado lang ako sa’yo dahil kaibigan ka ni ate kaya iba na lang ang niligawan ko. Bumalik lang lahat ng feelings ko sa’yo nang magsimulang gumulo ang relasyon namin ni Sophia. Hindi ko kasi maiwasang ikumpara siya sa’yo. Gusto kong makita ikaw sa kanya which was totally wrong. Ikaw ang nasa tabi ko nung panahong nasaktan ang puso ko. Lalong lumaki ang puwang sa puso ko para sa’yo. Pero di ko alam kung anong nararamdaman mo sa akin. Tinanong mo ako kung gusto kita, sinabi kong oo pero hindi ka na uli nagtanong pa. Natakot akong ma-reject mo kaya nagawa ko ang kalokohang ito.”

“Mali pa rin ang paraan mo! Sinabi mo na lang sana. Sinaktan mo pa ako! Ang sarap mong sapakin, alam mo ba?”

“Sorry na. Okay na tayo? Naniniwala ka na ba?”

“Hindi!” pakipot niya. Napatawad na niya ito. Kilig na ang nangingibabaw sa kanya pero gusto niyang gantihan ito.

He held her hand. “Listen, Vicky.”

Isang song ang pumailanlang sa kalawakan ng mall.

Wag kang maniwala diyan, di ka niya mahal talaga. Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya….


Pinandilatan niya ito. Napangiwi naman ito. “So niloloko mo lang ako?”

“No, Vicky. Hindi iyan ang song ko para sa’yo.”

Inirapan niya ito. “Ewan ko sa’yo, Coco Nathaniel.”

“Teka lang!” May tinawagan ito gamit ang cellphone. “Oy! Hindi iyan ang sinabi kong kanta! Anong hindi nyo alam kung nasaan iyong cd? Ay ewan ko sa inyo!” Binalingan uli siya nito.

“O ano na? Sige, papaniwalaan ko na lang ang kanta mo.”

“No!”

Kinaladkad siya nito sa parking lot at isinakay sa kotse. Pagkatapos ay bigla siya nitong kinabig at hinalikan. He held her nape and passionately shared his love with her. Victoria felt all the love in the world as she responded to his sweet kisses. There were things that only actions can define so well. His passionate kisses explained everything that he can’t utter properly. Oo na, naniniwala na siya. Sa wakas ay nagkatotoo na ang pantasya niya. She was in love with Coco Nat. And this guy was in love with her, too.

“I love you, Vicky. I will always love you. Will you be the queen of Hacienda Canilao?” Humabol pa ito ng quick kiss.

“Depende,” nakangising sambit niya.

“Depende? What do you want, my lady?”

“Depende sa intensity ng next kiss mo!”

“Granted.” Another batch of kissing scene flooded. “What now?”

“I love you, Coco Nat!” Siya naman ang humalik dito.


melaiquilla_2/6/11

Comments

Victoria said…
MUAHAHAHAHAHAH! Ako na mahabang buhok! :)
Melai said…
di naman masyado chii. ay hanggang dito sinundan mo talaga si coco nat. hahaha. ibang klase. di ka na nagsawa sa kanya
Chiichoi said…
Hindi naman kasawa-sawa ang aking Coco Nat eh. Minsan lang magka-love life at kahit na fictional si Coco Nat ko ay loves ko yan! Dahil na rin sa kadahilanang may lalake palang loves ang kahabaan ng buhok ko at ng pouting lips ko.
Bianki said…
hihi si coco nat talga XD ayee .. ganda ng story super :))
Melai said…
salamat ulit bianki :)
Koteng said…
aha.ang ganda! :]
Anonymous said…
Nice story!!! <3 it
Melai said…
salamatski :)
ella said…

ganda talaga ...................
hahahaixt

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…