Friday, October 31, 2014

Dear Coco Nat- Chapter One



Nagmamadaling naglalakad si Victoria sa pathway papunta sa offices sa loob ng Hacienda Canilao. Ang totoo, late na siya sa trabaho niya.

            Halos takbuhin na niya ang pathway. Dangan na lamang at naka-high heels siya at nakapalda. Dyahe sa kagandahan niya ang tumakbo. She didn’t want to be late.  Iniiwasan kasi niyang maging laman ng tsismis. Iyon kasi ang prime hobby ng mga katrabaho niya.

            Sinipat niya ang relo. Homaygulay! Late na talaga ako! Sampung minuto na siyang late. Bihadong may nakahandang bulung-bulungan na ang mga echoserang frog niyang kaopisina. Dahil sa pagmamadali, hindi niya namalayan na may makakasalubong pala siya. Nagulat na lang siya at napangiwi nang magkabanggaan siya ng bato este tao. 

Awww! Agad niyang nasapo ang kanang balikat dahil sa sakit na gumuhit doon. Tatayo na sana siya nang mawalan siya ng balanse.  Agad naman siyang naalalayan nang nakabangga sa kanya. Pag minamalas nga naman oo!

Tuesday, July 15, 2014

This Time I Mean It- Chapter Ten



Maraming gumugulo sa isipan niya habang pabalik na siya sa bahay ni Marion. Anong gagawin niya kung sakaling totoo ang sinabi ni Raiza? Kaya ba talaga ni Marion na gawin iyon sa kanya? Takot siyang matuklasang totoo ang lahat ng iyon.  Kahit pa maunawaan niya ang  magiging paliwanag nito, sigurado siyang masaktan pa rin siya.

            Inabutan niya si Marion na  nanonood ng TV habang nakahiga sa kama nito sa  kwarto.  Pinatay nito ang TV nang makita siya. “Ang bilis mo naman ata.”

            Seryosong lumapit siya dito. Tatanungin na sana niya ito pero naunang pumatak ang luha niya. Sa halip na magtanong, niyakap na lang niya ito.

            “Eingel, anong problema? Bakit ka umiiyak?”  He kissed her temple and embraced her back.

            Bumitaw siya sa pagkakayakap dito at matapang na hinarap ito. “Nagsinungaling ako. Hindi ako sa Fidelity nagpunta. Nakipagkita ako sa ama mo at kay Raiza.” 

            Biglang nag-iba ang expression ng mukha nito. Kung kanina’y mukhang alalang-alala ito, ngayon ay tila nagagalit ito. “Bakit ka nakipagkita sa kanila? Kung nilait ka nila o sinabihan ka ng kung anu-ano, wag mong intindihin lahat ng iyon. Ako ang boyfriend mo. Ako ang pakikisamahan mo  at hindi sila. Wala silang magagawa kung ikaw ang mahal ko.”

            Umiling siya. Tears fell from her eyes. “Totoo bang binayaran mo ang Fidelity para ma-published ang novel ko?”

Saturday, July 5, 2014

This Time I Mean It- Chapter Nine



She walked towards the store while Marion just stayed beside her. Confirmed. It was her first published novel who won the place. Tears of happiness fell from her eyes. This didn’t only mean how much he supported her on her writing endeavor. Gaya nga ng sinabi nito kanina, patunay iyon kung gaano siya nito kamahal.  And all in all, she was just crying and speechless while she was staring at her books perfectly arranged on that particular shelf.

            He embraced her from her back. “Before I met you during college years, I don’t have dream of my own. I just follow my father’s command. He asked me to take medicine then I took it since I don’t care about the future at all. Then I met you. You are girl full of dreams. You inspired me, until one day I finally have my dream. I want to be yours. I want to be part of the dreams you are making. I want to be someone that will make your dreams better than you expected. I dream your dream.

Tuesday, June 24, 2014

This Time I Mean It- Chapter Eight



Eingel was busy with filing. Absent ang secretary ni Marion at dahil wala naman siyang masyadong ginagawang articles at press releases ay siya ang nag-reliever sa secretary nito. Natapos na niyang i-schedule ang evaluation ng mga bagong libro na ire-release sa bookstore pati na rin ang schedule of appointment ni Marion ay naayos na rin niya at nai-remind na niya dito. Madalas na siya ang pumapalit sa secretary nito kaya gamay na niya ang trabaho.

            Nang matapos ang mga urgent tasks ay sinunod na niya ang filing sa drawers. Inayos muna niya ang files sa mesa pagkatapos ay oraganized na pinaglalagay ang mga yon sa  respective drawers.   “Ay!” Nagulat siya nang pagbaling niya sa drawer ay nakatayo sa tabi nito si Marion, nakangiti habang as usual pinapanood na naman siya. “Nanggugulat ka, Sir. Bad iyan!”

            Lumingon ito. “Wala namang ibang tao ah. Bakit nagsi-Sir ka pa sa akin?” Pabirong nagtaas ito ng kilay.
  
          Natawa siya. Nilapitan niya ito. Tinuwid niya ang nakakunot nitong noo gamit ang kanyang thumbs. “Di bagay. Pumapangit ka. Wag ka ng gaganon okay?”

            “Okay, sabi mo e.”

            “May iuutos ka?”

Wednesday, June 11, 2014

This Time I Mean It- Chapter Seven


“I found out that you’ve been trying your luck on us for the past two years. I admire your will power, Eingel,” sambit ni Madam Charlotte Malgapo, ang big boss ng Fidelity. Kasalaukuyan siyang nasa office nito para daw i-discuss ang ilang matter ng novel niya at ng kanyang napipintong bonggang writing career.

            “It was highly needed by someone who wants to achieve something. No pain, no gain,” she answered.

            “Tama. And now, pay off time. Welcome to my palace. At dito, tutulungan ka naming lahat— me, my staff especially the editors, and your co-writers. We will develop you to be a better writer as time passes by. For now,” iniabot nito sa kanya ang manuscript niya, “ito muna ang i-focus natin. May mga corrections, suggestions, comments, and overall rating sa loob ng  manuscript mo. You have to edit and proofread your work as soon as you can and submit the edited one via email na nakalagay din sa evaluation sheets. Other important details are on the evaluation sheets. You just have to strictly follow instructions and recommendations. Charmie will take care of you regarding inquiries.”

            “Thank you, Ma’am.”

            Ngumiti ito. Sa tingin ni Eingel ay hindi nalalayo ang edad nilang dalawa ng May-ari ng Fidelity. It’s just, sinuwerte lang din itong maging mayaman at siya ay katamtaman lang. Keri lang.

            Matapos ang ilang minutong usapan tungkol sa publication process ay masayang lumabas siya ng office nito at bumalik sa editor’s office. Masayang sinalubong siya ni Charmie. “Bongga! Nakapasok ka na rin sa wakas. Pa-Starbucks ka naman.”

            “Next time, pag nakita ko ng  libro iyong novel ko. Thank you, Charmie ha.”